Mag-log in“Maliya! Maliya, nandito na ang papa at kuya mo,” tawag ni Tita Shelly habang kinakatok ang pinto ng kuwarto ko.
Isinantabi ko muna ang mga gumugulo sa isip ko at inilapag ang photo album, tumayo ako at binuksan ang pinto. Nang makita ang dalawang lalaking papasok, ay masaya ko silang sinalubong, “Papa! Kuya!”
Kaagad naman silang napabaling sa aking ginawang pagtawag sa kanila.
“Maliya, may dala akong regalo para sa iyo. Tingnan mo kung magugustuhan mo,” agad na salubong sa akin ni Kuya Gabriel.
Lumapit kaagad ako, tila batang sabik na sabik sa regalong dala ni kuya. “Anong regalo?”
Ibinaba ni Kuya Gabriel ang mga dala niyang bag sa coffee table. Kinuha niya ang isang branded na jewelry box at iniabot ito sa akin. “Buksan mo at tingnan mo.”
Nasasabik kong kinuha at binuksan. Naglalaman ito ng isang gintong bracelet na may napaka-detalyadong disenyo. “Salamat, Kuya! Gustong-gusto ko ito.”
“Mabuti naman at nagustuhan mo.” Hinaplos ni Kuya Gabriel ang ulo ko. Hindi pa rin mawala sa kaniya ang mannerism niya kahit malaki na ako at ito nga o magkakaanak na.
Binilhan din ni Kuya Gabriel si Tita Shelly ng gintong bracelet na bagay sa kaniya, binigyan din kami ng mga skincare products, tsaa at alak naman para kay Papa, at mga local specialty mula sa kanyang biyahe. Napakainit at napaka-harmonya ng kapaligiran. Masaya at walang gulo. Walang ibang iisiping problema. Dito lang ako sa bahay nakakaramdam ng ganitong klaseng kapayapaan.
“Hmm, Maliya, kailan ang kabuwanan mo?” may pag-aalalang tanong sa akin ni Kuya Gabriel. Marahil napansin niya ang hindi normal na paglaki ng tiyan ko, na para bang ilang araw nalang ay lalabas na itong nasa sinapupunan ko. Ako nga ay nahihirapan.
“Dalawang buwan pa bago ang kabuwanan ko, kuya,” sagot ko.
“Siguradong babae ang pinagbubuntis ni Maliya,” nakangiting sabi ni Tita Shelly.
Tumango ako at ngumiti. “Opo, babae nga po.”
“Ipinasuri niyo na ang kasarian?” gulat na tanong ni Papa. Bakas ang kaba sa kanilang mga mukha. Naiintindihan ko naman dahil kilala nila ang mga Argente. Malaki ang pagpapahalaga nila sa lalaki dahil ito ang magdadala ng kumpanya. Iyon din nga ang pakiramdam ko noong una, pero nagkamali ako.
“Opo, pero pinapahalagahan naman ni Mr. Argente ang batang ito,” panatag kong sagot.
Narinig ko ang nagawang paghinga ng malalim ni papa, para bang nawalan ng tinik sa lalamunan. “Mabuti naman. Hangga’t nandiyan ang bata, magiging maayos din ang lahat sa inyo ni Luke Argente sa hinaharap.”
Napayuko ako. Biglang bumigad ang aking dibdib. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kina papa na pagkalabas ng bata ay maghihiwalay na kami ni Lukas. Napagdesisyonan ko rin na uuwi na ako at dito na ako titira ulit sa bahay.
Hayaan na, makapaghihintay pa naman. Sasabihin ko na lang kina papa pagkatapos ng hapunan.
Naghain si Tita Shelly ng isang masaganang hapunan. Puno ng kuwentuhan at tawanan ang hapag kainan. Ito ang buhay na hinahanap-hanap ko.
Si Kuya Gabriel ay mayroon nang joint-venture technology company kasama ang kaniyang kaibigan. Dalawang taon na ang nakalilipas, noong nagsisimula pa lang ang kumpanya, hindi nag-atubili si Papa noon na magbigay ng puhunan. Buo ang tiwala niya kay Kuya Gabriel. Naging maayos ang takbo ng kumpanya hanggang ngayon, lalo na sa larangan ng AI technology. Kaya siya umalis ay para makita at makausap ang target investor ng kanilang negosyo upang makipag negosyasyon at naging matagumpay naman daw ito.
Samantala, inaayos naman ni papa ang pagbebenta ng sarili niyang kumpanya. Bagama't nakahinga ang kanyang negosyo dahil sa perang binigay ko sa kaniya mula sa mga Agente noon, kaso hindi na maganda ang ekonomiya ngayon at mahirap nang baguhin ang takbo ng kumpanya. Dahil tumatanda na rin si papa ay wala na rin siyang sapat na lakas, naisipan na lang niyang ibenta na lang ito at i-invest ang pera sa kumpanya ni Kuya Gabriel.
Nag-anunsyo rin sina papa at tita ng magandang balita para sa amin ni Kuya Gabriel. Magpapakasal na sila kahit sa mayor lang para maging opisyal na ang kanilang pagsasama. Napa-iyak pa si Tita Shelly sa tuwa habang inanunsyo nila iyon sa amin. Hindi ko rin napigilan ang sarili ko at naiyak na rin ako. Tumayo pa nga ako para yakapin silang dalawa at batiin. Masaya ako para kina Tita Shelly at papa. Matapos ang maraming taon, magiging legal na rin sila. Napatingin ako kay papa, sa wakas ay mapapanindigan niya na ang pagmamahal niya kay Tita Shelly. Dahilan lang naman kung kaya’t hindi niya kaya pang pakasalan si Tita Shelly kahit mahal naman niya ito, ay dahil sa napupuno pa rin ng alala ni mama ang puso niya. Iyon din ang ipinagtataka ko kung bakit iniwan ni mama ang isang mabuting tao kagaya ni papa, pero hindi na iyon ang mahalaga.
“Papa, Tita Shelly, Kuya Gabriel…” pagpuputol ko. Napatingin naman sila sa akin. Ayaw ko sanang sirain ang masayang atmosperang bumubuo sa pagitan naming lahat, pero kailangan kong sabihin sa kanila. “Maghihiwalay na po kami ni Lukas.”
Biglang tumahimik ang buong hapag-kainan. Naging seryoso ang mukha ng lahat. Napayuko si papa at tila nanigas ang mukha. Alam nilang sa kasal na mayroon kami ni Lukas ay doon din kami patutungo, pero hindi ganito kaaga.
Sa katunayan, hindi naman nagkaroon ng kasalan—pirmahan lang sa papel. Sa loob ng mahigit anim na buwan, walang naging kontak ang pamilya ko at ang pamilya ni Lukas. Hindi kailanman tumapak si Lukas sa bahay ng mga magulang ko. Kahit sa mga espesyal na araw ay walang presensya, regalo o kahit pagbati man lang mula sa mga Argente. Ang papa at Tita Shelly lang ang palaging nag-aabala ng mga ganito para sa mga Agente, na pinapadala nila sa akin sa tuwing uuwi ako.
Ibinibigay ko naman ang mga regalong palaging pinagkakaabalahan nina papa sa mga Argente, na lingid sa kanilang kaalaman ay ibinibigay lang din ng mga Argente sa kanilang mga katulong. Hindi ko na rin pinaabot pa sa kanila ang sinabi ni Mrs. Argente, ang ina ni Lukas, na huwag na silang magpadala ng mga hamak na bagay na hindi naman pwedeng ipagmalaki. Maging ang asawang kong si Lukas ay nagsalitang, huwag nang magbigay ng mga walang kwentang bagay. Cheap para sa kanila ang mga bagay na iyon, pero puno ng pagpapahalaga at pag-iingat ang ibinigay ng mga magulang kong ihanda at balotin ang mga iyon para sa kanila. Ang iba ay itinatago ko na lang matapos mapulot sa basurahan.
Hindi na ako nag-expect pa, sa kasal na mayroon kami, panahon lang talaga ang hinhintay bago mawala kami sa buhay nila.
Nagpatuloy ako, “Matutuloy ang annulment pagkapanganak ng bata. Nangako na rin ako kay Professor Adrian na mag-aaral ako sa Stanford University sa Pebrero sa susunod na taon.”
Binasag ni Kuya Gabiel ang kaniyang katahimikan. “Mag-aral ka, Maliya. Mahusay ka. Matalino ka. Hindi ka dapat nakakulong sa isang kasal na wala nang saysay. Anuman ang desisyon mo, susuportahan ka ni Kuya.”
Napangiti ako habang nangingilid ang luha sa mga mata. “Salamat, Kuya.”
Napabumtong-hininga si papa. Hindi man sabihin ni papa ay alam kong sinisisi niya ang kaniyang sarili. “Sige, maghiwalay na kayo. Kasalanan ko ang lahat ng ito, e. Ang mga payak na taong gaya natin ay hindi talaga dapat nakikipag-ugnayan sa isang pamilyang kasing-yaman ng mga Argente.”
Hindi ko napigilan ang maiyak. Naaawa ako sa sarili ko, sa pamilya ko. Hindi ko alam na ganoon ako ka-g*g* para tiisin ang lahat ng iyon dahil lang sa pagmamahal na iyan. Mabuti na lang ay maunawain sina papa. Mabuti nalang ay may pamilya ako na laging nasa likod ko. Agad akong pinuntahan ni Tita Shelly at inalo. Pinunasan niya ang mga luha ko na bumabasa sa mga pisngi ko.
Third Peson POV
Sa parehong oras, sa Forbes Park sa Makati—isang luma ngunit prestihiyosong subdivision—isang Bentley ang dahan-dahang huminto. Pumarada ito sa harap ng residential village no. 12, ang bahay na sapilitang ibinenta ng amang Alonto.
Bumaba ang salamin ng kotse at lumitaw ang gwapong mukha ng isang lalaki. Tinitigan niya ang loob ng villa na maliwanag ang mga ilaw. Sa kanyang mga mata ay mababakas ang lungkot at malalim na iniisip. Umiwas siya ng tingin at nagsindi ng sigarilyo.
Nag-vibrate ang kanyang cellphone. Sinagot niya ito at mahinang nagsalita, “Anong problema, Angela?”
Narinig ang boses ni Angela na tila naglalambing. “Kuya Seb, kailan ka ba darating? I’m starving, and Luke still won’t let me eat until you get here.”
Pagkatapos ay narinig ang isang malalim at mapagpalayaw na boses—ang boses ni Luke Argente—sa background. “Hey! Sino ba ang nagsabi sa akin na pagsabihan siya kapag kumain siya na wala ka? And now I’m the one being blamed?”
Suminghal nang pabiro si Angela.
“If you’re hungry, go ahead and eat. I’ll be there soon,” sabi ni Seb o Sebastian ang buong pangalan. Ibinaba niya ang tawag, pinatay ang kanyang sigarilyo, huling sumulyap sa bahay, itinaas ang salamin, at tuluyang lumayo.
“Maliya! Maliya, nandito na ang papa at kuya mo,” tawag ni Tita Shelly habang kinakatok ang pinto ng kuwarto ko.Isinantabi ko muna ang mga gumugulo sa isip ko at inilapag ang photo album, tumayo ako at binuksan ang pinto. Nang makita ang dalawang lalaking papasok, ay masaya ko silang sinalubong, “Papa! Kuya!”Kaagad naman silang napabaling sa aking ginawang pagtawag sa kanila.“Maliya, may dala akong regalo para sa iyo. Tingnan mo kung magugustuhan mo,” agad na salubong sa akin ni Kuya Gabriel.Lumapit kaagad ako, tila batang sabik na sabik sa regalong dala ni kuya. “Anong regalo?”Ibinaba ni Kuya Gabriel ang mga dala niyang bag sa coffee table. Kinuha niya ang isang branded na jewelry box at iniabot ito sa akin. “Buksan mo at tingnan mo.”Nasasabik kong kinuha at binuksan. Naglalaman ito ng isang gintong bracelet na may napaka-detalyadong disenyo. “Salamat, Kuya! Gustong-gusto ko ito.”“Mabuti naman at nagustuhan mo.” Hinaplos ni Kuya Gabriel ang ulo ko. Hindi pa rin mawala sa kaniy
Namutla sa galit si Alexis. Hinampas niya ang mesa at napatayo. “Maliya!”Hindi ko na siya nilingon pa at derederetsong naglakad.Pagbalik sa aking desk, kinuha ko ang isang maliit na salamin para tingnan ang bahid ng dugo sa aking pisngi. Hindi naman malalim ang sugat, kaya pinunasan ko lamang ito ng wet tissue. Hindi na rin ako nag-abala pang gamutin ito. Sa itsura kong ito, wala na sa akin kung magkakaroon man ng piklat ang mukha ko. Bahagya akong natigilan, ang babae kanina—si Angela. Ilang beses ko palang siyang nakikita, pero bakit parang pamilyar siya sa akin?Tapos na ang oras ng trabaho kaya inaayos ko na ang mga gamit ko. Napatigil na lamang ako ng tumunog ang cellphone ko.“Papa?” sagot ko.“Maliya, anak. Nakauwi na ang Kuya Gabriel mo,” bungad nang nasa kabilang linya.“Nakabalik na si Kuya Gabriel?” gulat kong tanong, “akala ko ba sa ika-labinlima pa siya darating?”“Maagang natapos ang trabaho niya,” sagot ni papa, “umuwi ka rito pagka-out mo.”Sumakay ako ng cab papunta
“Finish the financial analysis for Argente Enterprise before the lunch break,” utos sa akin ni Lukas.Tumango ako at bumalik sa aking upuan. Kahit na ibinaba ang aking posisyon, patuloy pa rin akong binabagsakan ni Lukas ng mga trabahong hindi ko naman dapat gampanin. Noon, tinatanggap ko ang lahat ng mga pinapagawa niya dahil umaasa akong mapapansin niya. Ngayon, hindi ko na maloloko ang sarili ko.Pagkatapos ng report, ibinigay ko ang soft at hard copy kay Alexis at nag-order na lang ng takeout at magtatanghalian na. Ayaw kong pumunta sa canteen para iwasan ang mga mapanghusgang tingin ng mga empleyado. Gusto kong mapag-isa. Kaunting tiis na lang at ilang araw nalang ay makakalis na ako sa kumpanyang ito.Habang naghihintay, narinig kong nagtsitsismisan ang mga katrabaho ko.“Ang bata ng girlfriend ni Mr. Argente! College student pa raw!”“Sobrang ganda niya, parang manika. Iba raw tumingin si President sa kanya—sobrang lambing. Parang teleserye lang!”Hindi ko alam kung masasaktan
“Come in.” Binuksan ko ang pinto pagkarinig ko niyon.Bigla akong nahiyang lumapit kay Professor Adrian nang makita ko ang kaniyang reaksyon, pagkapasok ko. Sino ba kasing mag-aakala sa anyo ko ngayon? Samantalang ang kaharap ko ay kuminang sa kaniyang suot na dark blue coat, na nagbibigay-diin sa kaniyang kakisigan. Sa likod ng bilog na salamin ay sumisilip ang mapupungay at kaakit-akit na mga mata, habang ang matangos na ilong ay tila inukit ng isang bihasang pintor, na akmang umuugnay sa curvy at mapulang labi niya. Matangkad siya at pinagpala ng isang makisig na pangangatawan na halos nakakaakit sa bawat sulyap. Bulag nalang ang hindi mahuhulog dito.Pero, hindi ako bulag. Sadyang kay Lukas lang ang puso ko.Tss. Baliw!“Professor Adrian,” banggit ko sa kaniyang pangalan.Bahagyang lumaki ang mga mata niya at kaagad din itinago ang kaniyang pagkagulat.“Maliya! You’re here.” Malawak siyang ngumiti nang banggitin niya ang pangalan ko.Inalis ko ang suot kong facemask. “It’s been a
Matapos hindi masundan ang pag-uusap namin dalawa ay humirit ako. “Bukas,” pagputol ko na ikinabaling niya sa akin nang saglit, “kakausapin ko na ang abogado ko. Ako na ang maghahain ng petisyon at itutuloy natin sa grounds ng psychological incapacity. Ako ang lalabas na may pagkukulang—na hindi ko kayang gampanan ang obligasyon ko bilang asawa.”Huminga ako nang malalim. “Para hindi ko masira ang reputasyon ng pamilya ninyo—para hindi ko masira ang relasyon mo sa mga magulang mo. Ako na.”“sa ari-arian naman, wala akong hahabulin dahil may prenuptial agreement tayo. Ang hihilingin ko lang, sumang-ayon ka na lang sa lahat para hindi na tayo magtagal sa korte. Hindi ba’t iyon naman ang gusto mo? Gusto ko nang matapos ito nang maaga para sa ating dalawa.”Alam kong mahirap magpa-annul sa Pilipinas. Bawal ang magkasundo, at kailangang mapatunayan na talagang invalid ang kasal mula pa noong una. Pero kung may matibay na ebidensya at may perang ilalabas, magagawan ng paraan.Tumama ang mga
Pagkalabas ng taxing sinaksakyan ay napatda ako mula sa aking kinatatayuan. Maging ang silay na ngiti sa mga labi ko ay nawala. Wala akong ibang nararamdaman kundi eksaytment para sa araw na ito. Ngunit, hindi—hindi matapos kong makita ang dapat ay hindi ko makita.Si Lukas, ang aking asawa, halos mga sampung hakbang lamang ang layo namin sa isa’t isa.Napaka-guwapo at elagante niya kung tingnan sa suot niyang itim na toxido habang bigkis siya ng isang maganda at tila babasaging babae. Balot ang babae ng mamahaling fox fur at malambot na scaft—ang kaniyang mukha ay kasing amo ng isang manika.Napahigpit ako ng hawak sa strap ng aking bag na nakasabit sa aking balikat hanggang sa maramdaman ko ang pagmamanhid ng aking kamay. Mas masakit pa sa hapdi ng sinag ng araw na tumatama sa aking balat ang kirot na nararamdaman ko ngayon. Napatigil siya nang makita ako. Ngunit, tuluyang ikinapunit ng puso ko ay ang ekspresyon niya na nanatiling blangko ang mukha. Wala man lang itong bahid ng hiya







