LOGINMaliya’s POV
Sa bahay na ako nagpalipas ng gabi. Pakiramdam ko naramdaman ko ulit ang pinakamahimbing at pinaka-panatag na tulog sa loob ng mahabang panahon.
“Tita, ano ho iyang niluluto ninyo,” tanong ko kay Tita Shelly na abala sa kusina nang madatnan ko.
“Nagluto ako ng espesyal na tinolang manok para sa almusal natin. Pinaghanda na rin kita ng mga masusustansyang tanghalian mo mamaya.” Tinuro niya ang handa ng dalhin na lunch bag sa itaas ng mesa.
“Ahhh… salamat, tita.” Pagyakap ko sa kaniya mula sa likuran.
“Hay, naku! Lumayo ka at nangangamoy rekados na ako.” Pagtaboy sa akin ni Tita Shelly na ikinatawa ko.
“E, iyan nga ho ang dahilan kung bakit na-inlove sa ‘yo si papa,” panunudyo ko.
“Naku, Maliya. Tigil-tigilan mo ako riyan.” Hindi nakatakas sa akin ang pamumula ng meztisang pisngi ni Tita Shelly kaya natawa nalang ako.
Naikwento ko na sa kanila kagabi ang tungkol sa pag-resign ko sa Argente Enteprise at ang plano kong magtrabaho bilang assistant ni Professor Adrian sa loob ng isang buwan. Noong una ay hindi pumayag sina papa. Gusto nilang magpahinga na lang ako lalo na’t malaki na ang tiyan ko. Kaso ay nagpupumilit ako. Maliban sa mabigat ang katawan ko, ay maayos naman ang pakiramdam ko. Sinabi ko na lang na kailangan kong pagkaabalahan ang sarili ko dahil ayaw kong magmukmok at isipin lahat, na maghahatid lamang sa akin ng kalungkutan. Sa huli ay napapayag ko din naman sila.
“Tita, tulungan na kita,” pag-alok ko.
“Huwag na. Kaya ko na ito. Maupo ka lang doon,” Ani ni Tita Shelly.
“Oh, sige po.” Sumunod na lang ako.
Naupo ako sa sofa at naghanap sa internet ng Pilates class na angkop para sa mga buntis. Kakailanganin ko na ito ngayon. Nang makakita ay kaagad kong kinuha ang kontak. Tatawag ako mamaya para mag inquire. Habang nag-i-scroll sa cellphone, ay natigilan ako nang may makita.
Isang post mula sa kakilala ko. Mga lawaran ito ng isang dinner party sa isang high-end club. Ang nag-post ay si Hildrick Bautista, isa sa mga kaibigan ni Lukas. Naging kaibigan ko ito sa social media noong panahong assistant pa ako ni Lukas.
Ang nakalagay sa caption ay: “Dinner night. PS: Araw-araw nalang akong nakakita ng PDA. Kailan ba tayo iinom ng alak para sa kasal?”
May tatlong litrato doon na magkasama sina Lukas at Angela. Sa gitnang litrato, nakatakip ang mga kamay ni Angela sa kanyang pisngi habang nahihiyang sumasandal sa bisig ni Lukas. Napakagwapo ni Lukas habang nakahawak sa balikat ng babae at nakatingin dito nang may labis na pagmamahal. Ramdam na ramdam ang tamis ng kanilang pag-ibig sa screen.
Alam ng buong barkada ni Lukas na may asawa na siya, pero para sa kanila, hindi kailanman naging karapat-dapat ang isang tulad ko sa kanila. Ang post na ito ni Hildrick ay malamang na sinadya para saktan ako—dahil alam nilang makikita ko ito. Napahawak na lang ako sa aking dibdib nang makaramdam ng kirot, nakaramdam ako ng paninikim ng dibdib. Pinatay ko ang cellphone ko at lumabas sa balkonahe para pakalmahin ang sarili. Pinilit kong kalimutan ang mga nakita ko habang hinahaplos ang tiyan.
Kapag naghiwalay kami, siguradong pakakasalan niya agad si Angela, isip ko. Magkakaroon sila ng sariling mga anak. Mahal na mahal niya si Angela, kaya siguradong mamahalin din niya ang magiging anak nila. Pero paano ang anak ko? Mararanasan pa ba niya ang pagmamahal ng isang ama?
“Maliya, handa na ang agahan!” tawag ni Tita Shelly, na ikinagising ko mula sa malalim na pag-iisip. Huminga ako ng malalim, siniguro kong napunasan ko ng maayos ang mga luha na bumagsak mula sa mga mata ko. Inayos ko ang sarili ko upang hindi mapansin nila papa na umiyak ako.
Pagkatapos mag-almusal, inihatid ako ni Kuya Gabriel sa kumpanya.
Habang nasa biyahe. “Maliya, may problema ba?” tanong ni Kuya.
Napabaling ako sa kaniya at umiling.
Pero hindi nakumbinsi si Kuya Gabriel at muling nagsalita, “Maliya, buntis ka. Masama sa iyo at sa bata ang nagkikimkim ng problema o sama ng loob.”
“Wala po ito... may ibang babae lang si Lukas. Hindi ko pa matanggap nang buo sa ngayon, pero magiging maayos din ako. Huwag kang mag-alala, Kuya.” Pilit kong ngiti sa kaniya.
“Sadyang oras lang ang makakapagpagaling sa lahat. Magiging maayos din ang lahat, dahan-dahan lang, okay? Nandito kami para sa ‘yo. Tutulungan ka naming,” pagpanatag sa akin ni Kuya Gabriel.
Nanumig ang mga mata kong tumango.
Pagdating sa kumpanya, bumaba ako sa sasakyan ni kuya dala ang lunch bag na inihanda sa akin ni Tita Shelly. Pagkatapos magpaalam kay Kuya Gabriel, naglakad na ako papasok ng building. Doon ay nakasalubong ko si Lukas.
Noong assistant pa niya ako, tinitiis ko ang pagiging malamig niya para lang makita ko siya araw-araw. Pero nitong mga nakaraang buwan, bihira na rin kaming magkita, at kapag nagkikita man ay parang hangin lang ang turing niya sa akin. Hindi ko aakalain na dadating ang araw na, tila malas na lang kapag nakita ko siya.
Bumaba si Lukas mula sa kanyang sasakyan, suot ang kanyang mamahaling suit at sapatos. Napakakisig at napakagwapo niya talaga, ngunit ang kanyang mukha ay kasing-lamig ng yelo. Nakaramdam ako ng pait sa puso nang maalala ang isang maamo at malambing na Lukas sa mga larawang iyon. Yumuko ako, tumabi at magalang na binate si Lukas nang dumaan siya sa harapan ko.
“Good morning, Sir.”
Gaya pa rin ng dati, dinaanan lang niya ako. Napansin ko pa na tila na-badtrip pa siya nang makita ako. Napabuntong-hininga na lang ako dahil bawal akong maging emosyonal ngayon. Nang pumasok na siya sa private elevator, sumakay na rin ako sa elevator ng mga empleyado.
Iniaabot sa akin ni Alexis ang mga handover work. Dahil sa nangyari kahapon, masama ang timpla ni Alexis sa akin ngayon, pero wala na akong pakialam. Gusto ko na lang matapos ang trabaho at makauwi.
Nang mag-tanghalian, ay naisipan kong kumain sa ecological park sa likod ng building. Maganda ang panahon, kaya maganda rin kumain doon. Bitbit ang lunch bag, bumaba ako. Sa lobby, nakasalubong ko ang dalawang lalaking papasok. Ang isa ay si Hildick, at ang kasama nito ay isang matangkad at kagalang-galang na lalaki—na hindi ko pa nakikita noon.
Hindi ko balak bumati, kaya yumuko ako at sinubukang lagpasan sila. Pero nakita ako ni Hildrick. Marahil napansin niya ang mataba kong katawan at malaking tiyan. Umiwas ako, ngunit hinarang ni Hildrick ang daraanan ko.
Napahinto ako at tumingin kay Hildrick. Kitang-kita ko sa mukha niya ang pandidiri sa akin. “Ano, are you blind? Hindi mo ba alam bumati?”
Dati, noong assistant pa ako ni Lukas, magalang siya sa akin. Pero ngayon, sa paningin niya, isa na lang akong mataba at pangit na babaeng hindi alam ang kanyang lugar. Yumuko ako at mahinang bumati, “Magandang araw, Mr. Bautista.”
Ngumisi si Hildrick at sarkastikong nagsalita, “Hah, anong klaseng attitude 'yan? Akala mo ba naging prinsesa ka na dahil lang sa batang 'yan?”
Napahigpit ang hawak ko sa dala kong bag, hiyang-hiya sa sitwasyon. Sinubukan kong dumaan sa gilid ni Hildrick para makaalis, pero biglang iniharang niya ang kanyang binti, na ikinadapa ko. Bumagsak ang mga tuhod ko sa matigas na sahig na lumikha ng malakas na tunog. Napadaing ako sa tindi ng sakit. Tumalsik ang bitbit kong lunch bag.
May lumapit sa akin
Nakita ni Maliya ang pagpasok ng lalaki sa silid.Lumapit si Luke, maingat na karga ang bata sa kanyang mga bisig, at dahan-dahan itong inilapag sa tabi ni Maliya.Sulyap ni Maliya sa sanggol, isang malambot at mapagmahal na ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi. Sa sandaling makita ng bata ang kanyang ina, muli itong humagikgik.Gustong-gusto siyang yakapin ni Maliya, ngunit hindi siya makagalaw.Pinagmamasdan ni Shelly ang baby, habang may maliit ding ngiti sa kanyang mga labi. Gusto rin niyang kargahin ang bata, ngunit sa huli ay pinigilan niya ang kanyang sarili.Nakahiga ang sanggol sa tabi ng kanyang ina, at hindi nagtagal ay ipinikit nito ang mga mata at muling nakatulog nang mahimbing.Nanghihinang tumingin si Maliya kay Luke. "Anong pangalan niya?" tanong niya.“Maureen Kizha Argente,” sagot nito."Maureen Kizha..." bulong ni Maliya nang mahina. Isang napakagandang pangalan.Nakiusap siya kay Shelly na kunan sila ng larawan ng kanyang baby para maitala ang sandaling iyon.Mul
Bumalik si Luke sa opisina. Sinabi ng sekretarya, “Mr. Argente, may isang lalaki po rito na nagpapakilalang kapatid ni Maliya at nais kayong makausap.”Napatigil si Luke. “Papuntahin mo siya rito sa itaas.”Hindi nagtagal, pumasok si Gabriel sa opisina ni Luke—ito ang kanilang unang opisyal na pagkikita.Naglakad si Luke mula sa water dispenser patungo sa kanyang desk hawak ang isang baso at tiningnan si Gabriel. “Maupo ka.”Nanatiling mailap si Gabriel. “Huwag na. May sasabihin lang ako.”Sinulyapan siya ni Luke, saka naupo, ipinatong ang baso sa desk, at nagtanong, “Anong sasabihin mo?”Lumapit si Gabriel. “Nakita ni Mr. Argente, ang lolo niyo, ang balita sa internet kagabi. May naisip na ba siyang paraan kung paano haharapin ang taong nang-harass sa kapatid ko online?”Tinuktok ni Luke ang kanyang hintuturo sa mesa, walang mababakas na emosyon sa kanyang mukha. “At ano naman ang gusto mong gawin?”Naging mapang-uyam ang tono ni Gabriel. “Mukhang hindi man lang sumagi sa isip ni Mr.
Bumalik si Shelly matapos maghanda ng isang mangkok ng bird’s nest porridge para kay Maliya. Ngunit sa pagbukas pa lang niya ng pinto, napatigil siya. Maputla ang mukha ni Maliya, at sa sobrang gulat, nadulas ang lugaw sa kanyang mga kamay at natapon sa sahig."Maliya!"Nagmamadali siyang lumapit at itinaas ang kumot, doon lang niya nakita ang lawa ng dugo sa sapin ng kama. Nilamon siya ng kaba kaya agad siyang tumawag ng doktor.Biglang nagliwanag ang buong villa. Wala si Luke sa bahay nang gabing iyon. Agad na nakipag-ugnayan ang doktor sa ospital para magpadala ng ambulansya. Matapos ang mabilis na pagsusuri, malinaw ang lahat: kailangang dalhin agad si Maliya sa ospital.Kabog nang kabog ang dibdib ni Shelly. Paano siya biglang dinugo nang ganoon? Agad niyang tinawagan si Victor para humingi ng saklolo.Nag-alinlangan si Lucy kung tatawagan ba si Luke—masyado nang malalim ang gabi, at dahil may mga doktor at nars na sa lugar, baka makaabala lang ang anumang interbensyon—kaya nagpa
Nakalubog ang atensyon ni Maliya sa kanyang mobile game, kaya hindi niya napansin ang pagbaba ni Luke sa hagdan.Nang marinig na lamang niya ang boses ni Lucy ay saka siya nag-angat ng tingin. “Master, lalabas po ba kayo?”Dahil dito, napasulyap si Maliya kay Luke. Nagmamadali itong umalis—tiyak na pupuntahan nito si Angela. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang mga mata at nagkunwaring walang nakita.Nagmaneho si Luke nang diretso sa tinitirhan ni Angela.Sa labas ng villa, naghihintay na si Angela sa pinto. Pagkakita sa kanya, agad itong nagbukas ng pinto at sumakay sa kotse.Nanatili muna sila sa loob ng sasakyan sandali bago magkasamang pumasok sa loob ng villa.Sa sala, napatingala si Paulene sa gulat. “Luke?”“I apologize for coming late at night,” Luke said. “I just wanted to visit you.”Bahagyang tumango si Paulene. “Hindi ka naman nakakaabala. Go ahead and come in.”Inakay ni Angela si Luke paakyat. “I just need to speak with your brother. Puntahan mo muna ang mama mo.”“Sige,”
Walang balak lumabas si Maliya. Kapag maganda ang panahon, naglalakad siya sa tabi ng lawa, pero madalas ay nasa loob lang siya at nagbabasa.Si Shelly, dahil hindi makauwi sa kanila, ay sa telepono na lang nakakausap si Victor. Halos tapos na ang pagbili sa La Buena, kaya medyo naging maluwag na ang oras nito. Si Gabriel naman ay maagang umalis at gabi na kung bumalik araw-araw para pag-usapan ang pakikipagtulungan sa kumpanya ng mga Argente. Nilagdaan na ni Victor ang kasunduan sa pamumuhunan, at maayos na ang takbo ng lahat.Hindi maiwasang mapag-usapan sina Maliya at Luke sa kanilang mga usapan.Nababalisa si Victor sa tuwing nababanggit ang paksa. Nagreklamo si Shelly, “Parang wala lang ang maliit nating pamilya. Dala ni Maliya ang anak ni Luke, pero kailangan nating ibalik ang pera, ang kita, ang lahat, para hindi tayo magmukhang sakim. Samantala, ang pamilya niya ang nakakakuha ng lahat.”Ganoon din ang iniisip ni Victor. Noong una, balak niyang ibalik ang pera pagkatapos maibe
Nang marinig ni Maliya ang tono ng boses ni Luke, alam niya agad na si Angela ang kausap nito. Pagkatapos ng tawag, tahimik lamang siyang tiningnan ni Maliya.Tumayo si Luke at nagsabi, “Nag-ayos na ako ng maghahatid sa iyo pauwi.”Nanatiling kalmado si Maliya. “Huwag na. Susunduin kami ng driver ko.”Nang makita ang kanyang kawalang-bahala at paglayo, hindi na nagsalita pa si Luke at lumabas na ng lounge. Natigilan si Maliya ng ilang segundo.“Maliya, maupo ka muna,” pag-uudyok ni Shelly.Pinigilan ni Maliya ang kanyang emosyon, kinuha ang phone, at tinawagan si Gerald. Sa ibabaw ng coffee table ay naroon ang report ng kanyang checkup; kinuha ito ni Shelly at sinuri. Kanina ay naipaliwanag na ng doktor ang mga dapat gawin bago ito umalis.Pagkalipas ng bente minutos, dumating si Gerald para ihatid sila. Hindi na bumalik si Maliya sa villa.--Noong Bagong Taon, nakiusap si Maliya kay Sarah na samahan siya para sa isang maternity photoshoot. Dahil malapit na ang panganganak, gusto niy







