ANMELDENDahil sa hindi inaasahang kaguluhan, biglang natapos ang kanilang hapunan. Sinamahan ni Alexa si Francine pababa ng hagdan; bakas sa kanyang mukha ang matinding pagsisisi at ramdam sa kanyang tono ang hinanakit sa sarili. "Pasensya na, Francine. Kasalanan ko ang lahat — dahil sa pakikialam ko at sa pagpapakilala ko sa iyo sa walang-hiyang lalaking iyon, kaya ka tuloy nakaranas ng ganito." Sa paningin ni Alexa, si Francine ay isang mabait at matalinong babae na tunay na nagmamalasakit sa lahat ng nasa paligid. Ang isang tulad niya ay dapat pahalagahan at protektahan, hindi basta-basta binibigo nang ganito.
Nanatiling kalmado si Francine at walang anumang emosyong mababanaag sa kanyang mukha — mas mahinahon pa siya kaysa kay Alexa na punong-puno ng galit at hinanakit. "Wala kang kinalaman dito. Kasalanan ko rin naman dahil nagkamali ako sa pagkilala sa tao at hindi ko natukoy ang pagkakaiba ng isang disenteng nilalang sa isang halimaw." "Ang pakikipaghiwalay sa walang-pusong lalaking iyon ang tanging paraan upang makaalis ka sa kanya!" Hinawakan ni Alexa ang braso niya; bakas sa kanyang tono ang matinding galit ngunit may kasamang determinasyon. "Ang aming Francine ay maganda, matalino, at mahusay sa medisina. Karapat-dapat kang mahalin ng isang taong mas mabuti at tapat sa iyo okay! Napangiti si Francine sa nakikitang galit ng kaibigan at marahang tinapik ang likod ng kamay nito. "Sige na, huwag ka nang magalit; hindi ko na iyon iintindihin. Nga pala, sana ay maging matagumpay ang negosyo mo, Madam Alexa!" Katatapos lang magbukas ni Alexa ng kanyang beauty salon ilang araw pa lamang ang nakararaan — isang masayang balitang ibinahagi niya kay Francine. "Salamat sa iyong mabubuting salita! Siguradong pupunta ako sa salon mo kapag gusto kong magpa-facial!" Binitawan ni Francine ang kamay ng kaibigan at nagbilin, "Mag-ingat ka sa daan, at huwag kalimutang mag-message sa akin pag-uwi mo para malaman kong ligtas ka." Tumango si Francine bilang pagsang-ayon, pumara ng taxi sa gilid ng kalsada, at mabilis na naglaho sa dilim ng gabi. Habang pinapanood ni Alexa ang papalayong sasakyan, biglang naglaho ang ngiti sa kanyang mga labi at napalitan ng matinding galit. Tumalikod siya at mabilis na naglakad patungo sa kabilang bahagi ng restawran. Sakto namang katatapos lang magbayad ni Fajardo at pag-angat ng kanyang tingin ay nakita niya ang galit na galit na mukha ng kanyang asawa. Mabilis niya itong binati nang nakangiti, "Asawa ko~" "Tinatanong kita sagutin mo ako! alam mo ba na may relasyon sina Dennise at Thea?" tanong ni Alexa nang may pagkainis. "Wala akong kinalaman diyan, asawa ko!" mabilis na ikinumpas ni Fajardo ang kanyang mga kamay. "Kung alam ko lang na nakipaghiwalay na siya kay Francine at gumagawa ng ganyang kahiya-hiyang bagay nang palihim, hinding-hindi ko siya iimbitahan sa hapunan!" "Si Francine ang nakipaghiwalay sa walang-kwentang lalaking 'yon!" matalas na pagtatama ni Thea, may diin at katatagan sa kanyang tinig. "Simula ngayon, lumayo ka sa mga taong walang prinsipyo. Nakakadiri silang tingnan.” "Sige, sige, susundin ko ang gusto mo," mabilis na pagsang-ayon ni Fajardo. Unti-unting humina at tuluyang naglaho ang tunog ng kanilang mga hakbang at usapan habang papalayo sila sa restawran, kasama na ang lahat ng sakit at alaalang iniwan ng gabing iyon. Sa likod ng isang malaking bonsai tree, nakatayo doon si Kael at kausap niya ang isang lalaking nasa katanghaliang-gulang na nakasuot ng business jacket. "Kakarating lang ni Chairman Dee sa kalapit na lungsod kaya maaaring wala pa siyang gaanong alam tungkol dito. Ang lugar namin ay hindi lamang isang paraisong kaaya-ayang tirahan, kundi isa ring kilalang kanlungan ng magagandang kababaihan," pagpuri ng lalaki habang nakangiti nang malapad. Bahagyang natawa si Kael, habang ang kanyang paningin ay dumapo sa medyo nakausling tiyan ng kausap. "Sa pamamagitan nilang dalawa makikita ang katangian ng lungsod na ito sa paghubog ng mga tao." "Hehehe, Chairman Dee, mahilig ka talagang magbiro," natatawang tugon ng lalaki, sabay tayo nang tuwid. "Maaari na ba tayong umakyat muna?" Ang lalaking iyon ay si Dustin, direktor ng Commerce Department. Bagaman karaniwang pinupuri at sinusuyo siya ng iba, labis siyang nagpakumbaba sa harap ni Kael. Ang pamilyang Dee ay isa sa pinakamakapangyarihan sa buong Lungsod Faharra. Hindi nanatili sa kabisera si Kael upang humawak ng posisyon; sa halip, nagtungo siya sa Town City upang magsilbing chairman ng Infinite Group. Marami ang naghihinuha na ang paglipat niya rito ay bahagi ng kanyang paghahanda upang higit pang umangat sa kanyang karera pabalik sa Lungsod ng Faharra . Anuman ang tunay na dahilan, malinaw na ang pakikipag-ugnayan kay Kael Dee ay tiyak na magdudulot ng malaking benepisyo sa hinaharap para kay Dustin. Naglakad ang grupo patungo sa elevator. Mabilis na hinawakan ni Dustin ang p***o upang buksan ito at hintaying maunang pumasok si Kael, bago naman siya sumunod nang malapit sa likuran ni Kael. Papasara na sana ang mga p***o ng elevator nang biglang may mabilis na lumapit — at muling bumukas ang mga ito.Huminga nang malalim si Francine at ibinalik ang kanyang atensyon sa kuwadernong nasa kanyang kandungan. Dahan-dahan niyang ipinaliwanag ang bawat sangkap ng reseta, kung paano ito inihahanda, at kung ano ang mga pagbabagong dapat bantayan sa susunod na mga araw. Habang siya ay nagsasalita, tahimik lamang na nakikinig si Kael, hindi nagmamadali, hindi nakangiti nang pabiro, kundi taimtim na nakatutok sa bawat salitang lumalabas sa kanyang bibig."Nauunawaan mo ba ang lahat?" tanong niya matapos niyang tapusin ang usapan. "Kung mayroon kang hindi malinaw, sabihin mo lang.""Malinaw ang lahat," sagot ni Kael nang mahinahon. "Ngunit higit sa paggamot ng aking lolo, ang ipinapakita mo ay kung gaano ka katapat at kasigasig sa iyong ginagawa. Napakaganda niyan, Francine."Biglang tumahimik si Francine. Hindi na tungkol sa gamot ang kanyang sinasabi, tila mas malalim at mas malapit ang kanyang tingin, kahit na magkalayo sila ng distansya."Hindi ko kailangan ng mas mahusay," mariing sabi ni
Pinagtabi niya ang mga isiping iyon at tumungo sa lugar kung saan nakalatag ang mga pinatutuyong halamang gamot. Sinalubong siya ng mainit na sikat ng araw at banayad na amoy ng mga ito."Lolo, may isang pasyente po akong ginagamot kamakailan," masiglang muling nagsimula ang kanyang boses. "Noong bata pa siya, nasugatan ang kanyang binti sa digmaan, at habang tumatanda siya, lalong nahihirapan siyang maglakad. Matagal ko na siyang ginagamitan ng acupuncture at malaki na ang naging pagbuti niya. Anong pormula ang maipapayo ninyo para mapanatili at mapagtibay pa ang kanyang kalagayan?"Lumingon siya sa kanyang lolo, ngunit nakita niyang nakatulala lamang ito sa kawalan, tila may malalim na iniisip."Lolo?" tawag niya nang mahina, sabay lapit nang kaunti."Hmm?" Nagising sa pag-iisip ang matanda at agad na ngumiti nang may pagmamahal. "Iniisip lang ni Lolo ang pasyenteng sinabi mo."Sandali siyang tumahimik bago dahan-dahang ipinaliwanag. "Kapag epektibo na ang acupuncture, hindi na kail
Kinaumagahan, handa na ang lahat ng dala ni Francine nang makatanggap siya ng mensahe mula kay Castro,mmay biglaang mahalagang bagay na kailangan niyang asikasuhin, kaya hindi siya makakasama sa pagpunta."Sige, asikasuhin mo muna 'yan. Hindi naman ako nagmamadali," sagot ni Francine, at nagpasya siyang magtungo na lamang nang mag-isa.Malapit lang ang tirahan niya sa ospital, kaya madalas ay naglalakad lang siya pauwi at wala siyang sariling sasakyan. Upang makarating sa bahay ng kanyang lolo, kailangan niyang sumakay ng bus mga isang oras na biyahe lamang kung dadaan sa highway.Pagdating niya sa tarangkahan ng lumang tahanan, narinig niya ang pamilyar ngunit hindi niya gustong marinig na boses ni Ginoong Greg na kanyang ama. Bakas ang pagkainip at pagsisisi sa bawat salita nito."Itay, tulungan niyo naman akong kumbinsihin si Francine! Isa lang siyang hamak na doktor na walang malaking kakampi o suporta. Baka mapahamak siya nang hindi niya namamalayan… at baka hindi niya man lang n
Napatingin siya kay Kael, at biglang naalala ang sinabi nito noon na huwag na niya itong tawaging "Mr. Dee." Subalit hirap siyang bitawan ang pagtawag rito sa pangalan nito nang direkta.Iniwas ni Francine ang kanyang tingin at muling tumingala upang abutin ang mga ubas. Mataas ang balag, naaabot niya ang mga bunga, ngunit hindi niya magawang hawakan nang maayos ang mga baging. Habang nakatayo siya nang nakatingkayad, naunahan siya ni Kael. Sa pag-angat ng braso nito, dumulas pababa ang manggas ng kanyang damit at nakita ni Francine ang simpleng itim na relo sa kanyang pulso. Biglang pumasok sa kanyang isip ang pagkakataong hawak niya rin ang pulso nito noon."Mag-ingat ka," mahinahong paalala ni Kael. "Maaaring may mga tinik ang mga baging sa ilalim."Matapos pitasin ang mga ubas, muli siyang nagsalita. "May mga cherry tomato rin doon kung gusto mong pumitas. Marami ang bunga nito maaari mong iuwi o ibahagi sa iyong mga katrabaho."Bago pa man makasagot si Francine, naglakad na ito p
May isang oras pa bago pumunta ng ospital si Francine, kaya sapat na ang simpleng pagkaing paanyaya mula sa kantina. Agad na kumilos si Alexandro upang ipaghanda ito. Pagkatapos, dumahilan si Alexa na ipapasyal muna siya ni Ginoong Joseph sa exhibition hall, at magalang na umalis sila kasama ang iba pang kasama.Biglang tumahimik ang dati ay maingay na pasilyo, silang dalawa na lamang ang naiwan."May night shift ka ba mamaya?" basag ni Kael Dee sa katahimikan. Mas malambot at mas mainit ang kanyang boses kumpara noong may ibang tao pa sa paligid.Tumango si Francine. "Mm."Sabay silang naglakad patungo sa elevator. Pinindot ni Kael ang pababang buton. "Pagkatapos nating kumain, maaari ka nang umalis upang hindi ka mahuli sa oras mo.""Hindi pa naman ganito kaaga nagbubukas ang kantina ninyo," wika ni Francine habang nakatingin sa mga numerong nagbabago sa panel ng elevator.Huminto sandali si Kael at lumingon sa kanya. May bahagyang ngiti sa kanyang mga mata, kalmado ngunit puno ng l
Pagdating nila sa labas ng lugar ng Infinite building ay nag park sila sa ibaba at sabay na pumasok sa lobby. Nakapag-ayos na ng oras si Alexa kay Alexandro, na nagsabing maghintay na lamang sila sa conference room sa ikasampung palapag. Inakala nilang maliit at masikip ito, ngunit nang bumukas ang pinto, kapwa sila natigilan. Malawak ang silid, may mga bintanang mula sahig hanggang kisame na nagbibigay ng tanawin ng buong lungsod. Sa gitna ay ang mahabang mesang kahoy at mga upuang katad na simple ngunit marangal, at malayo sa kanilang inaakala.Habang paupo pa lamang sila, pumasok ang isang binatang naka-suit na maayos ang tindig. Bumati siya nang magalang. "Kumusta po kayo, Madam Alexa.""Okay lang po," mabilis na sagot ni Alexa nang may ngiti. "Abala ba si Director Alexandro?"Si Alexandro ay opisyal na Deputy Director, ngunit nakasanayan na ng lahat na tawagin siyang "Director Alexander" bilang paggalang. Batid ito ni Alexa.Ngumiti at tumango ang binata habang nagsasalin ng tsaa







