Share

Chapter 6

ISANG buwan ang lumipas, nananatiling madilim pa rin ang daan para kay Elysse. Hindi pa rin niya makapa ang mga bagay na dapat gawin gayong hindi pa rin natatagpuan ang kanyang kapatid.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin natatagpuan si Elizabeth. Ang sabi pa ng mga rescuers ay maaaring nilapa na ng mga mababangis na hayop ang katawan ng kanyang kapatid kung kayaʼy wala silang matagpuang katawan. O kaya naman ay maaaring nahulog sa ilog ang katawan nito at humantong sa dagat.

Sa dulo kasi ng masukal na kagubatan ay ang ilog na may malakas na agos ng tubig at nagdudugtong sa malawak na karagatan.

Ang pangyayaring iyon kay Elizabeth ay kaagad na pumutok sa mga balita. Kahit sa social media ay trending ang balitang namatay na ito bagay na hindi na ipinagtataka ni Elysse. Asawa ito ng isang business tycoon kaya natural lamang iyon subalit, siya ay nananatiling tikom ang bibig sa pangyayari.

Hindi siya naniwala sa mga sinasabi ng mga awtoridad patungkol sa labi ng kanyang ate. Hindi pa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status