Share

The Second Wife
The Second Wife
Penulis: MilanWrites

CHAPTER 1

Penulis: MilanWrites
last update Tanggal publikasi: 2026-10-03 17:35:02

Kabanata 1: Ang Marangyang Sakuna

Ang dambuhalang dining room ng mga Valdez ay ang perpektong depinisyon ng karangyaan—isang gintong chandelier ang nakasabit sa kisame, mga mamahaling porselana ang nakalatag sa mahabang lamesang gawa sa solidong narra, at mga sikat na painting ang nakasabit sa dingding. Ngunit para kay Cassandra, ang silid na ito ay walang pinagkaiba sa isang marangyang kulungan mula nang pumanaw ang kaniyang tunay na ina.

Marahas na itinulak ni Cassey ang kaniyang upuan, ang tunog ng kahoy sa makintab na sahig ay sapat na upang mapatigil sa pagsubo ang kaniyang stepmother na si Evelyn at ang kaniyang half-sister na si Jane. Suot ang isang mamahaling silk loungerwear at ang kaniyang mukha na kahit walang makeup ay nag-aanyong dyosa, crossed-arms siyang sumandal habang nakataas ang isang kilay.

"Are you guys seriously trying to kill me, o sadyang tanga lang kayo?" malamig at matalim na panimula ni Cassey, ang kaniyang boses ay puno ng katarayan.

"Cassey, what are you talking about? We're having a family dinner," maang-maangang sagot ni Evelyn, habang maingat na nagpupunas ng labis gamit ang kaniyang mamahaling tisyu, pilit na pinapanatili ang kaniyang pekeng pino at eleganteng pustura.

"Family dinner? Don't make me laugh, Evelyn," inis na asik ni Cassey sabay turo sa mga putaheng nakahain sa lamesa gamit ang kaniyang mahahabang kuko na bagong manicure. "Look at the table! Prawn thermidor, garlic butter crab, spicy squid ink pasta. Halos lahat ng nakahain dito, seafood! Lahat ng paborito ni Jane! And you perfectly know, since day one, na severe ang allergy ko sa seafood! One bite of that crab and my throat will literally close up! At ano 'tong isang mangkok ng salad sa harap ko? Is this my dinner? Am ko ba, kambing?"

Si Jane, na suot din ang mga mamahaling alahas na halatang galing sa pera ng ama ni Cassey, ay palihim na ngumiti bago nagkunwaring natatakot. "Mom, look at her. Cassey is screaming again. I just wanted to celebrate my high-end brand partnership today, kaya ipinaluto ni Mommy ang mga favorites ko. You don't have to ruin my night, Cassey. Kung ayaw mo ng seafood, you can just order fast food via app. Huwag mo naman kaming sigawan rito."

"Shut up, Jane! No one is talking to you!" bulyaw ni Cassey, na lalong nagpaatras sa mga kasambahay na nakatayo sa gilid. "The audacity of you to celebrate using my dad's money inside my mom's house! Kung gusto mo ng seafood party, doon kayo magluto sa squatter area kung saan kayo nanggaling bago kayo namahala rito!"

"Cassandra! That's enough!" sa wakas ay sumabog na rin si Evelyn, tumayo ito at ipinatong ang dalawang kamay sa lamesa, nawawala ang kaniyang pagkukunwari. "I am still your stepmother! You will respect me inside this house! Kung ayaw mo sa pagkain, fine! You can starve! Anyway, hindi naman ang pagkain ang dahilan kung bakit kita pinababa rito."

Kinuha ni Evelyn ang isang makapal na folder mula sa kaniyang tabi at marahas itong ibinagsak sa lamesa, dulas patungo sa harap ng baso ni Cassey. "Your father is still in New York fixing the global accounts, and he gave me the full authority to settle this. Sumagot na si Ethan Fierro. The marriage contract is ready."

Natigilan si Cassey, ang kaniyang matapang na anyo ay bahagyang nabasag nang marinig ang pangalan ng lalaki.

"Ethan Fierro?" bulong ni Cassey. Kahit isang spoiled brat na walang pakialam sa mundo, alam niya kung sino ang lalaking iyon. Si Ethan Fierro ay ang pinakamakapangyarihang billionaire mafia don sa bansa.

Kamakailan lang itong naging balo, kilalang malamig, walang awa, at may dalawang anak na balita ay kasing-lupit din ng kanilang ama. Kumakalat sa alta-sosyedad ang tsismis na ang sinumang kumalaban sa kaniya ay naglalaho na lamang na parang bula.

"Yes. He needs a second wife to manage his household and his children, and I offered you," nakangising saad ni Evelyn, may tagumpay sa kaniyang mga mata. "Balita ko, napakasama ng ugali ng lalaking 'yan. Cold-blooded. He controls the underground empire, Cassey. Siguradong doon sa mansiyon niya, hindi uubra ang pagiging brat at maldita mo. You will finally learn your lesson."

Si Jane naman ay halatang kinikilig sa tabi ng kaniyang ina. "Good luck, sister. Balita ko, kasing-tigas ng bato ang puso ni Ethan. I’m sure he will ignore you, and his kids will make your life a living hell. Sawsaw ka na sa sarili mong mantika."

Tiningnan ni Cassey ang folder sa kaniyang harap, pagkatapos ay binalingan niya si Evelyn at Jane na halatang nag-aabang na makita siyang umiyak o magmakaawa na huwag ituloy ang kasal. Ngunit hindi nila kilala si Cassandra Valdez. She would rather dive into the lion's den than stay another second with these leeches.

Isang matunog na tawa ang pinakawalan ni Cassey, na ikinagulat nina Evelyn at Jane. Dahan-dahan niyang kinuha ang folder, binuksan ito, at kinuha ang mamahaling pluma na nakasabit sa kaniyang silk gown.

"You really think physical threats can scare me, Evelyn?" pilyong ngiti ni Cassey habang mabilis na nilalagdaan ang kaniyang pirma sa kontrata nang walang pag-aalinlangan. Ibinagsak niya ang panulat sa ibabaw ng papel. "You want me out of this house so you can steal everything my mom left behind? Sige, ibibigay ko sa inyo ang gusto ninyo. I will marry Ethan Fierro. Mas pipiliin ko pang harapin ang isang mafia don kaysa ang makasama ang dalawang mukhang perang katulad ninyo araw-araw."

Tumayo si Cassey, kinuha ang kaniyang baso ng tubig, at walang pag-aalinlangang ibinuhos ang malamig na tubig sa ibabaw ng garlic butter crab na kinakain ni Jane, na naging dahilan upang mapatili ang kaniyang half-sister sa gulat.

"Oops, my hand slipped," katarayang saad ni Cassey, ang kaniyang mga mata ay nagngangalit sa determinasyon. "I-enjoy ninyo ang huling mga araw ninyo sa mansiyon na ito habang wala ako. Because the moment I become The Second Wife of the Fierro Empire... handang-handa kong gamitin ang buong kapangyarihan ng pamilya Fierro para balikan at durugin kayong dalawa. At sisiguraduhin kong walang matitira sa inyo."

Hindi na hinintay ni Cassey ang sagot ng dalawa. Tumalikod siya nang may matayog na lakad, ang kaniyang takong ay gumagawa ng tunog ng paparating na bagyo, habang naiwang nakanga-nga si Evelyn at umiiyak naman sa inis si Jane sa dining room.

Mabilis na pumasok si Cassey sa kaniyang silid at marahas na isinarado ang p***o bago ito ni-lock. Parang biglang nawalan ng hangin ang kaniyang buong katawan habang sumasandal siya sa matigas na kahoy ng p***o. Ang kaniyang matayog na tindig at ang matalim na katarayang ipinamalas niya sa dining room kanina ay biglang naglaho na parang bula.

Dahan-dahan siyang naglakad patungo sa kaniyang dambuhalang kama at pabalyang napaupo roon. Yumuko si Cassey at huminga nang napakalalim, ibinaon ang mukha sa kaniyang magkabilang kamay habang pilit na pinapakalma ang mabilis na tibok ng kaniyang puso. Sa harap ng kaniyang stepmother at half-sister, kailangan niyang maging matatag at walang katatakutan—dahil ang sandaling magpakita siya ng kahinaan ay ang sandaling tatapakan siya ng mga ito.

Matapos ang ilang sandali, iniangat niya ang kaniyang tingin at tumingin sa kaniyang nightstand. Doon ay nakapatong ang isang elegante at gintong picture frame. Umusog si Cassey palapit at dahan-dahang kinuha ang larawan ng kaniyang yumaong ina.

Sa kaniyang ina lamang lumalabas ang kabanata ng kaniyang pagkatao na kailanman ay hindi nakikita ng buong mundo. Ang kaniyang matitigas at matataray na mga mata ay biglang lumambot, napalitan ng isang emosyonal, malambing, at nangungulilang kislap. Hinaplos ng kaniyang dulo ng daliri ang nakangiting mukha ng ina sa litrato.

"Mom..." bulong ni Cassey, ang kaniyang boses ay nanginginig at napakapino, malayo sa sumisigaw na katarayan niya kanina. "I did it. Nilagdaan ko na 'yung kasunduan. I am going to marry Ethan Fierro."

Isang solong luha ang pumatak sa kaniyang pisngi, ngunit agad niya itong pinunasan.

"Natatakot ako, Mom. Balita ng lahat, napakasama at napakalamig ng lalaking 'yan. He lives in a world full of guns, blood, and secrets. Tapos may dalawa pa siyang anak na siguradong gagawin ang lahat para maging impiyerno ang buhay ko sa mansiyon nila."

Niyakap ni Cassey ang picture frame sa kaniyang dibdib, isinusubsob ang kaniyang baba rito habang pilit na humuhugot ng lakas mula sa natitirang alaala ng kaniyang ina.

"But I know you understand why I have to do this, Mommy," bulong niya muli habang nakapikit ang mga mata. "I can't stay here anymore. Hinding-hindi ko hahayaan na silang dalawa ni Jane ang umubos sa lahat ng pinaghirapan mo at ng mga bagay na iniwan mo para sa akin. Pinasok ko ang leon sa lungga nito, at kailangan kong panindigan 'to. Don't worry about your little princess, Mom. Kahit asawa siya ng isang mafia don, sisiguraduhin kong hindi ako magiging sunod-sunuran lang. I will survive, at babalikan ko ang mga taong umapi sa atin."

Ibinaba ni Cassey ang larawan sa kaniyang nightstand at h******n ito ng isang mabilis na halik. Nang muli siyang tumayo mula sa kama, tuluyan nang naglaho ang kaniyang kahinaan. Ang kaniyang mukha ay muling nabalot ng katarayan, determinasyon, at ang tipikal na awra ng isang spoiled brat na handang makipagbakbakan sa kaniyang bagong buhay bilang The Second Wife.

Ang eksklusibong VIP lounge ng The Obsidian—ang pinakamahal at pinakapribadong restaurant sa siyudad na pagmamay-ari mismo ng pamilya Fierro—ay binalot ng isang nakabibinging katahimikan. Walang ibang tao sa buong palapag kundi ang mga bodyguard na nakatayo sa bawat sulok, lahat ay naka-all black suit, may earpiece, at halatang may mga nakatagong armas sa ilalim ng kanilang mga amerikana.

Umalingawngaw ang tunog ng matatayog na takong ni Cassey sa makintab na marmol na sahig. Suot ang isang body-hugging, pulang-pulang designer dress na labis na nagpalitaw sa kaniyang maputing balat at perpektong hubog ng katawan, pumasok siya sa silid na tila ba siya ang may-ari ng lugar. Sa dulo ng silid, malapit sa dambuhalang glass wall na nakatanaw sa mga ilaw ng siyudad, nakaupo ang lalaking naghihintay sa kaniya.

Si Ethan Fierro.

Kahit nakaupo lang ito at marahang pinaiikot ang whiskey sa kaniyang baso, ang kaniyang presensya ay sapat na upang manginig ang sinuman sa takot. He looked incredibly sharp and deadly. Suot ang isang mamahaling bespoke gray suit, ang kaniyang pormal na mukha ay walang kahit anong emosyon, at ang kaniyang madidilim na mga mata ay tila nakababasa ng kaluluwa.

Nang pumasok si Cassey, isang panandaliang paghinto ang naganap sa sistema ni Ethan. Palihim siyang namangha sa nakasisilaw na kagandahan ng kaniyang magiging pangalawang asawa. Sa kaniyang mundo kung saan napapaligiran siya ng mga tusong negosyante at armadong tauhan, bihira siyang makakita ng babaeng may ganito katapang na ganda—isang mukhang mistulang anghel ngunit may mga matang nagbabaga sa katarayan.

Ang pulang-pulang bestida nito ay perpektong sumakto sa maputi nitong balat, na nagbigay ng kulay sa kaniyang madilim at seryosong silid. Gayunpaman, mabilis na ibinalik ni Ethan ang kaniyang blangkong ekspresyon bago pa man may makapansin ng kaniyang paghanga.

Hindi man lang tumayo si Ethan nang makalapit si Cassey. He just watched her with a cold, calculating gaze.

"You're ten minutes late," malamig na bungad ni Ethan, ang kaniyang boses ay baritono at may matinding awtoridad na tila ba bawat salitang lumalabas sa kaniyang bibig ay isang batas na hindi pwedeng baliin.

Pabalyang naupo si Cassey sa tapat nitong leather chair, sabay lapag ng kaniyang mamahaling Chanel clutch bag sa lamesa. Tiningnan niya si Ethan mula ulo hanggang paa bago nagpakawalan ng isang sarkastikong ngiti.

"Traffic, obviously. At saka, hello? A gorgeous woman like me doesn't rush for anyone, not even for a billionaire mafia don," katarayang sagot ni Cassey, habang sumasandal at nagpapakrus ng kaniyang mahahabang binti. Wala siyang pakialam sa mga bodyguard na mas lalong humigpit ang tayo sa kaniyang paligid.

Bahagyang tumigil si Ethan sa pag-ikot ng kaniyang whiskey. Tinitigan niya si Cassey nang diredatso. "I don't tolerate tardiness in my operations, Cassandra. And I certainly don't tolerate attitude from anyone. You are entering my world, and in my world, you follow my rules."

"Rules? Please, Ethan," pagmamatigas ni Cassey, na mas lalo pang itinaas ang kaniyang kilay upang ipakitang hindi siya natatakot sa nakatatakot nitong aura.

"Huwag mo akong madaan-daan sa pagiging mafia don mo. Pumasok ako sa kasunduang ito dahil pareho nating kailangan ang isa't isa. You need a second wife to manage your rebellious kids and maintain your high-society image, and I need a powerful shield to kick my stepmother's and half-sister's gold-digging asses out of my mom's house.

Setup ito, business deal. Kaya huwag mo akong tratuhin na parang isa sa mga tauhan mong pwede mong utusan."

Napakunot nang bahagya ang noo ni Ethan, ngunit hindi ito nagpakita ng galit. Sa halip, isang mapanganib at malamig na ngiti ang gumuhit sa kaniyang mga labi. Ibinalasik niya ang kaniyang baso sa lamesa, na gumawa ng isang matunog na kalampag sa pagitan nilang dalawa.

"You have guts, I'll give you that," ani Ethan, habang dahan-dahang sumasandal at sumisipat sa dalaga gamit ang kaniyang pormal na tono. "But don't mistake my patience for weakness. Sumang-ayon ako sa kasalang ito dahil pabor sa aking mga kumpanya ang merger ng mga asset ng pamilya mo. But make no mistake, Cassandra—the moment you step into the Fierro mansion, you are my wife under the law and under the organization. Direct interference with my business is strictly prohibited. You will have full access to my black cards, you can buy whatever luxury you want, but you will respect my boundaries."

"Boundary? Fine by me! Mas gusto ko nga 'yon para hindi kita kailangang makita araw-araw," matalim na ganti ni Cassey, habang pilit na itinatago ang kaniyang bahagyang panginginig dahil sa tindi ng awtoridad na ibinubuga ng lalaki. "But let's make one thing clear, Ethan. Hindi ako magiging sunod-sunuran na dekorasyon lang sa mansiyon mo. At ang dalawang anak mo? Kung bastusin nila ako, I will definitely talk back. I am a maldita, at hinding-hindi ko papayagan na apihin ako kahit ng mga kadugo mo."

Dahan-dahang tumayo si Ethan, na nagpadala ng kakaibang bigat sa buong lounge sa tindi ng kaniyang taas at tindig. Lumapit siya nang bahagya sa lamesa at iniyuko ang mukha patungo kay Cassey, sapat upang maamoy ng dalaga ang kaniyang pamilyar na mamahaling panlalaking pabango na may kahalong amoy ng tabako.

"My children are a different story, Cassandra. Sila ang kahinaan ko, ngunit sila rin ang pinakamarahas na bahagi ng pamamahay ko. If you can handle them using that mouth of yours, then you might actually survive being the second wife," bulong ni Ethan, ang kaniyang mga mata ay tila nagbabala ng isang paparating na giyera.

"Ang kasal ay gaganapin sa makalawa. Isang mabilis, pribado, at engrandeng seremonya. Pagkatapos niyon, ihanda mo na ang mga bagahe mo. Because once you enter my gates, there is no turning back. You belong to the Fierros."

Hindi nagpatalo si Cassey. Tumayo rin siya, kinuha ang kaniyang Chanel clutch, at sinalubong ang mapanganib nitong titig ng kaniyang pinakamatamis ngunit pinakamalditang ngiti.

"Oh, trust me, Ethan. Handa na ako," hamon ni Cassey, habang dahan-dahan na hinahaplos ang kuwelyo ng suit ni Ethan gamit ang kaniyang isang kuko bago ito mabilis na binitawan. "Sisigurado naman akong magkakasundo din tayo."

Isang mabilis na sulyap ang ibinigay ni Cassey bago tumalikod at naglakad paalis nang may matayog na pustura, na iniwan si Ethan na seryosong nakatanaw sa kaniyang pag-alis habang patuloy na pinupukaw ng kuryosidad ang kaniyang malamig na sistema.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Second Wife    CHAPTER 34

    Nang tuluyang sumara ang pinto at marinig ang marahang paglapat ng trangka, tila ba dinala ng hangin ang huling emosyon na natitira sa mukha ni Cassey. Ang mabigat na buntong-hininga na kanyang pinakawalan ay hindi tanda ng pagsuko, kundi ang simula ng isang malalim at malamig na kalkulasyon.Naupo siya nang tuwid. Inayos niya ang kanyang buhok at dahan-dahang hinila ang ulat ng accounting na kanina lang ay naging sanhi ng panginginig ng kanyang mga kamay. Sa pagkakataong ito, wala nang takot sa kanyang mga mata. Ang bawat pahina, ang bawat huwad na pirma, at ang bawat binaligtad na numero ay isa-isa niyang tinitigan sa ilalim ng liwanag ng desk lamp.“Kung sa tinting mo, Evelyn, ay magagawa mo sa akin ang ginawa mo kay Mommy... nagkakamali ka,” bulong ni Cassey sa kanyang sarili, habang ang kanyang hintuturo ay mariing nakaturo sa pangalan ng kanyang madrasta na nakalimbag sa dulo ng opisyal na notice.Ipinikit ni Cassey ang kanyang mga mata at pilit na binalikan ang kanyang alaala m

  • The Second Wife    CHAPTER 33

    "Sumagot ka, Victoria," hamon ni Cassey, ang boses ay kalmado ngunit bawat salita ay tila hampas ng latigo sa pagkatao ng dalaga. "Kung ikaw ang nag-isip niyan, ipaliwanag mo sa akin kung bakit ang mga anggulo ng pagtabas sa mga dyamante sa gitna ay sumusunod sa partikular na mathematical ratio na ako lang ang gumagamit sa buong industriyang ito? basic architectural engineering of jewelry, Victoria. Kahit isang linya ng formula, kaya mo bang panindigan ngayon sa harap ng mga kuya mo?" Bumuka ang bibig ni Victoria upang sumagot, ngunit walang salitang lumabas. Namuti ang kanyang mga labi habang ang kanyang mga kamay ay nagsisimula nang manginig sa ibabaw ng lamesa. Ang kanyang kaninang matigas at mapagmataas na tindig ay unti-unting gumuho sa ilalim ng matatalas na sulyap ni Cassey. "Hindi mo kaya," pagpapatuloy ni Cassey, mas lalo itong lumapit hanggang sa ilang pulgada na lamang ang distansya ng kanilang mga mukha. "Dahil ang isang magnanakaw, gaano man kakapal ang mukha na itangg

  • The Second Wife    CHAPTER 32

    Kinabukasan, ang maagang sinag ng araw ay dahan-dahang pumasok sa malalawak na bintana ng executive suite ng Fierro Holdings. Ang lagnat ni Ethan ay tuluyan nang humupa pagkatapos ng mahabang gabi ng walang kapagurang pag-aalaga ni Cassey. Natutulog pa si Cassey sa sofa ng opisina nang maagang magising ang don upang mag-ayos ng kanyang sarili at maghanda para sa panibagong araw ng trabaho at lihim na pakikipaglaban.Habang nasa loob ng banyo si Ethan at naririnig ang bagsak ng tubig mula sa shower, dahan-dahang nagmulat ng mata si Cassey. Inayos niya ang kanyang nagusot na pormal na kasuotan at tumayo upang iligpit ang mga ginamit na tuwalya at medicine kit na nasa lamesa.Bzzz. Bzzz. Bzzz.Biglang bumasag sa katahimikan ang malakas at sunod-sunod na pag-vibrate ng cellphone ni Ethan na nakapatong sa nightstand table malapit sa higaan. Umalingawngaw ang tunog nito sa buong silid.Dahan-dahang lumapit si Cassey, at dahil sa kanyang natural na kuryosidad, napatingin siya sa umiilaw na s

  • The Second Wife    CHAPTER 31

    Nanatiling nakaupo si Cassey sa gilid ng kama, marahang pinupunasan ng basang tuwalya ang leeg at noo ni Ethan upang maibsan ang mataas na lagnat nito. Sa kabila ng malamig na aircon sa loob ng rest silid, bakas pa rin ang tindi ng init sa katawan ng don, ngunit ang mas nagpapabigat sa kanyang paghinga ay ang tindi ng panloob na bagyong kasalukuyang sumasakal sa kanyang isipan. Habang ibinababa ni Cassey ang tuwalya sa tabi ng medicine kit, dahan-dahang itinaas ni Ethan ang kanyang nanginginig at mainit na kamay. Marahan ngunit may tindi ng higpit niyang hinawakan ang malambot na kamay ng asawa, dahilan upang mapatigil si Cassey at mapatingin nang diretso sa kanyang mga mata. "Cassey, stay... please don't leave this room," paos, mababa, at basag ang boses na panimula ni Ethan, habang ang kanyang matatalas na mata na kilala sa pagiging cold ay puno ngayon ng tapat na takot at pagsusumamo. Napakunot ang noo ni Cassey, naramdaman ang tindi ng higpit ng pagkakahawak ng don na tila ba n

  • The Second Wife    CHAPTER 30

    Naupo si Ethan nang mas maituwid ang kanyang tindig sa loob ng gazebo, habang ang lamig ng hangin ng umaga ay tila sumasabay sa bigat ng bawat salitang kanyang ihahanda. Tinitigan niya ang mga mata ni Leah—ang mga matang puno ng nakaraang pilit niyang binuo, ngunit may iba nang reyalidad ang kanyang kasalukuyan. "Let’s look at this objectively, Leah," malamig, pormal, at may matatag na awtoridad na panimula ni Ethan habang dahan-dahang iniaalis ang kanyang kamay sa pagkakawak ng dating asawa. "Too many variables have changed since the incident in Europe. I have already established a new life, and Cassey is my wife. I am fully committed to my marriage with her, and that decision is final and non-negotiable." Nawala ang malambing na ngiti sa mga labi ni Leah, ngunit sa halip na mag-histerikal o umiyak gaya ng inaasahan ng karaniwang tao, isang manipis at kalkuladong ngiti ang dahan-dahang sumilay sa kanyang mukha. Sumandal siya sa upuan at diretsong tinitigan ang don nang may buong

  • The Second Wife    CHAPTER 29

    Marahas na isinusoot ni Ethan ang kanyang amerikana habang mabilis na naglalakad patungo sa pinto ng kanyang opisina, handang itaya ang lahat upang pumunta sa Aurelia International Airport. Ngunit bago pa man niya mahawakan ang seradura, biglang umalingawngaw ang malakas na vibrate ng kanyang telepono.Napakunot ang kanyang noo at mabilis na sinagot ang tawag nang makitang ang mayordoma mula sa mansyon ang tumatawag."Boss Ethan! Pabalik na po ba kayo?" bungad ng mayordoma, at sa pagkakataong ito, hindi lang simpleng pag-aalala ang bakas sa boses nito kundi purong takot. "Naku, si Chloe po! Kanina pa po umiiyak at humihagulhol sa kwarto niya. Sobra po ang sakit ng tiyan niya at namumutla na po ang bata! Hindi po namin alam ang gagawin!"Napatigil si Ethan sa mismong tapat ng pinto, tila ba binuhusan ng malamig na tubig. Ang mapanganib na awtoridad na taglay niya kanina ay biglang napalitan ng tindi ng pagiging isang ama. Sa gitna ng nagtatalong obligasyon—ang habulin ang asawang si Ca

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status