MasukAng Almusal ng Pagtutuos
Kinaumagahan, maagang binalot ng ingay at bango ng mga mamahaling putahe ang dining room ng mansiyon. Kasalukuyang nakaupo si Doña Victoria sa kabisera ng mahabang lamesa, katabi si Alessandra at si Hunter na abalang-abala na sa pag-asikaso ng kani-kanilang mga plato. Puno ang lamesa ng iba't ibang uri ng mga mamahaling seafoods—mula sa malalaking sugpo, alimango, hanggang sa lobster—na siyang paborito ng mag-ina, habang sina Lucas at Chloe naman ay may nakahandang maliit at malamig na mangkok ng tirang kanin at simpleng ulam sa gilid, isang malinaw na patunay ng pang-aapi ng matanda tuwing wala si Ethan. Ngunit ang komportableng almusal ng tatlo ay biglang naputol nang umalingawngaw ang tunog ng matatayog na takong sa marangyang hagdanan. Sabay-sabay na napalingon sina Doña Victoria at Alessandra, at tuluyan silang natigilan sa matinding gulat. Pababa ng hagdan si Cassey, suot ang isang napakasopistikadong silk corporate dress na tila ba handa nang mamuno sa isang malaking kumpanya. Ngunit ang mas ikinagulat ng lahat ay ang kaniyang kaliwang kamay—maingat at malambing nitong inaakay ang bagong gising na si Chloe, na suot ang malinis na damit at hindi na nakayuko tulad ng dati. Si Lucas naman ay tahimik na sumunod sa kanilang likod, nakukunot ang noo ngunit halatang nag-aabang kung ano ang gagawin ng kaniyang bagong stepmother. "Good morning," malamig at matalim na bungad ni Cassey habang dire-diretsong naglakad patungo sa lamesa. Nang makita ang tumpok ng mga seafoods sa harap niya, isang sarkastikong tawa ang pinakawalan niya. "Wow. Seafoods again? Are you guys seriously trying to poison me, or are you just too illiterate to read my medical records? Because as far as I know, my severe allergy is no secret in this house." "Cassandra!" mariing banta ni Doña Victoria, sabay bagsak ng kaniyang kubyertos na gumawa ng matunog na kalampag. Umasta ito nang may matinding yabang at awtoridad, itinaas ang kaniyang baba upang ipamukha kung sino ang pinakamataas. "Know your boundaries! In this mansion, I am the highest authority. I am the matriarch, I am Ethan’s mother, and whatever I order to be served on this table will be eaten without any complaints. If you cannot tolerate it, you are more than welcome to leave." Humarap si Cassey sa matandang babae, lumapit siya nang bahagya at ipinatong ang kaniyang dalawang kamay sa lamesa nang walang kahit anong takot. Sinalubong niya ang mapang-aping titig nito ng kaniyang pinakamatigas na anyo. "Highest authority? Doña Victoria, let’s be realistic for a second," panunuya ni Cassey, ang kaniyang boses ay umalingawngaw sa tindi ng katarayan. "Your name might hold weight in the past, but my signature is the one written on Ethan Fierro's marriage contract right now. I am now his wife, the legal matriarch of this empire. If you want to act like a queen, do it inside your own room, because if you continue this disrespect, I can easily have Ethan freeze every single credit card and allowance you and Alessandra use to pamper yourselves. Do you really want to test your luck?" "You—!" Halos mabilaukan si Doña Victoria sa matinding hiya at gulat. Hinding-hindi niya inaasahan na may isang babaeng makakagawa ng ganoong klaseng pamamahiya sa kaniya sa harap ng mga tauhan. Hindi na hinintay ni Cassey ang sagot ng matanda. Binalingan niya ang mga cooker at maids na nakatayo sa gilid, nanginginig sa takot dahil sa matinding tensyon. "All of you, clear this garbage off the table right now," malamig na utos ni Cassey, ang kaniyang boses ay may dalang marahas na banta. "I want a fresh breakfast prepared with premium beef, pancakes, and seasonal fruits in exactly five minutes. If anyone hesitates or fails to execute my instructions, I will terminate your employment this very second, and trust me, you will not receive a single cent of backpay. Don't even try to test my patience." Sa tindi ng takot sa awtoridad ni Cassey, mabilis na kumilos ang mga cooker at maids. Halos magkabunggo-bunggo sila sa pag-aalis ng mga plato ng seafoods mula sa harap nina Hunter at Alessandra, na naging dahilan upang mapatayo si Alessandra sa inis habang umiiyak naman si Hunter dahil nawalan ng pagkain. Matapos mailatag ang mga bagon luto at mamahaling pagkain sa harap nina Lucas at Chloe—na ngayon ay malawak na ang mga ngiti habang kumakain ng pancakes—sinabihan ni Cassey ang head maid na tipunin ang lahat ng staff para sa isang mabilis na meeting sa gilid ng dining room. "Listen up, because from today onwards, the household dynamics will change," panimula ni Cassey habang pormal na nakatayo sa unahan ng mga maids. "From now on, only the requests of Lucas and Chloe will be prioritized on this table. Whatever menu I plan for them is exactly what you will prepare in the kitchen. If I ever find out that anyone is neglecting the children to follow other people's orders, I will personally handle your dismissal. Understood?" "Yes, Ma'am Cassandra," sabay-sabay na sagot ng mga natatakot na maids bago mabilis na nagsialis. "This is absolutely ridiculous! This is sheer disrespect!" galit na sigaw ni Alessandra habang lumalapit kay Cassey, crossed-arms din ito. "You cannot just alter the household management, Cassandra! We are the family here! My son Hunter needs proper nutrition, and you are literally starving him just to please those two motherless brats!" "Disrespect? I call it an administrative cleanup, Alessandra," mabilis na supalpal ni Cassey, binalingan ito ng isang matalim at nakamamatay na sulyap. "If your oversized son needs proper nutrition, take him to a high-end restaurant using your own money. And don't you ever use the phrase 'motherless brats' in front of me again. Because the next time I hear that garbage out of your mouth, I will ensure you spend the night inside that dark room at the back without a single scrap of food. Try me, I dare you." "And you, Doña Victoria," baling ni Cassey sa matandang babae na tatayo sana upang sumabat sa debate. "If you want to save whatever class this family has left, sit down and eat your breakfast in absolute silence. If you have an issue with my house rules... feel free to pack your bags before Ethan arrives. Because I am the queen of this mansion now." Binalot ng isang nakabibinging katahimikan ang buong dining room. Wala nang nagtangkang magsalita, wala nang nagtangkang gumalaw. Si Alessandra ay napaupo na lamang sa tindi ng inis habang si Doña Victoria naman ay nanginginig ang mga labi sa galit ngunit tuluyan nang nasupalpal ng katotohanan. Tumingin si Cassey kina Lucas at Chloe na kasalukuyang nakatitig sa kaniya nang may matinding paghanga at kapanatagan. Umupo siya sa tabi ng mga bata, kinuha ang kaniyang tinidor, at nagsimulang kumain nang may matayog at eleganteng ngiti. Ang giyera sa loob ng mansiyon ay opisyal nang nagsisimula—at sa ilalim ng pamamahala ni Cassey, ang mga buwaya ay unt-unti nang natutong matakot. Matapos ang naganap na tensyon sa almusal, hindi na nakatiis si Doña Victoria. Galit na galit siyang pumasok sa kaniyang pribadong silid at marahas na isinarado ang p***o bago kinuha ang kaniyang telepono. Nanginginig ang kaniyang mga daliri habang idinedeyal ang numero ng kaniyang anak. Alam niyang si Ethan ay kasalukuyang nasa isang mahalaga at mapanganib na transaksyon, ngunit para sa kaniya, isang emergency ang pambabastos na natanggap niya mula kay Cassey. Pagkatapos ng tatlong ring, sumagot ang malalim, baritono, at pormal na boses ng mafia don mula sa kabilang linya. "Yes? Make it quick. I am currently reviewing our logistics operation," malamig na bungad ni Ethan, ang kaniyang boses ay may kahalong pagod ngunit puno pa rin ng awtoridad. "Ethan! You need to do something about that woman you just married!" agad na pagsusumbong ni Doña Victoria, ang kaniyang boses ay puno ng pekeng drama at panginginig. "Cassandra is absolutely out of control! She completely ruined our family breakfast this morning. Nagwala siya sa dining room, and she literally threatened the entire kitchen staff! Sinigawan niya ako at si Alessandra, and she even humiliated your nephew Hunter!" Bahagyang tumahimik si Ethan sa kabilang linya, taming banayad na paghinga lang nito ang naririnig. Subalit hindi ito naging hadlang para tumigil ang matanda sa paggawa ng kuwento. "She is trying to power-trip everyone, Ethan! Sinabi niya sa amin na wala akong karapatan sa mansiyong ito dahil siya na daw ang reyna ngayon. She even threatened to starve your sister Alessandra inside that dark room at the back! She is ruthless, ill-mannered, and completely insane! Ang akala ko ba ay mahina at sunod-sunuran ang babaeng iyan? She is a monster, Ethan! If you don't discipline your wife, baka bukas ay palayasin na niya kami ng pamilya mo sa sarili mong pamamahay!" Nang matapos ang mahabang litanya ng Doña, marahang nagpakawalan ng isang buntong-hininga si Ethan. Sa kaniyang isip, naalala niya ang matapang at malditang mukha ni Cassey noong magkaharap sila sa restaurant—isang babaeng hindi talaga papayag na matapakan ng kahit sino. "Is that all?" pormal na tanong ni Ethan, walang bakas ng gulat o galit sa kaniyang boses. "I understand your frustration, but Cassandra is now my wife, and she is legally the matriarch of that household. Whatever adjustments she is making, it is within her rights as the lady of the mansion." "What?! Are you seriously defending her?!" gulat na bulalas ng matanda. "I am not defending anyone," binaling ni Ethan ang kaniyang boses sa isang mas pormal ngunit may diing tono. "However, I will talk to my wife regarding this matter as soon as I return. Ako na ang bahalang kumausap sa kaniya pag-uwi ko. Just make sure the children are safe, and do not escalate the tension any further." "Fine! Make sure you handle her properly, Ethan!" sagot ni Doña Victoria bago ibaba ang tawag. Isang malawak at tagumpay na ngiti ang biglang gumuhit sa mga labi ng matanda habang ibinababa ang telepono sa kaniyang mesa. Sa kaniyang interpretasyon, ang sinabi ni Ethan na 'ako na ang bahalang kumausap sa kaniya' ay isang malinaw na senyales na paparusahan at palalayasin ng kaniyang anak si Cassey sa oras na makabalik ito. Mabilis siyang lumabas ng kwarto upang ibahagi ang magandang balita kay Alessandra, walang kaalam-alam na ang mafia don ay may ganap nang tiwala sa katarayan ng kaniyang bagong asawa. Hatinggabi na nang tuluyang pumasok ang marangyang sasakyan ni Ethan sa gate ng kaniyang dambuhalang mansiyon. Ang buong paligid ay binalot na ng katahimikan, maliban sa kaniyang mabibigat na hakbang paakyat sa marangyang hagdanan. Hawak ang kaniyang tagiliran na kasalukuyang may mahabang sugat mula sa kaniyang mapanganib na mafia operation, dahan-dahang kinuha niya ang p***o ng kaniyang silid. Dahil kasalukuyan na silang mag-asawa, siya mismo ang nag-utos kay Cassey na sa master's bedroom na ito mag-stay. Subalit pagkabukas pa lamang ng p***o, natigilan ang mafia don. Hindi niya inaasahan na sa loob ng silid nilang mag-asawa ay naroon ang kaniyang limang taong gulang na anak na si Chloe. At ang mas ikinagulat pa niya—madatnan niya itong magkayakap na natutulog si Cassey at si Chloe sa malawak na kama. May isang makulay na librong pambata ang nakalatag sa may nightstand, kung saan halatang binasahan muna ni Cassey ng kwento ang bata bago sila tuluyang dinalaw ng antok. Isang kakaibang galak at init ang biglang sumakop sa malamig na puso ni Ethan habang pinagmamasdan ang napakapayapang tanawin na iyon, isang bagay na matagal nang nawala sa kaniyang pamamahay. Naramdaman ni Ethan ang pagtulo ng sariwang dugo mula sa kaniyang tagiliran patungo sa carpet, kaya naman mabilis siyang pumasok sa banyo upang maglinis ng katawan. Pagkalipas ng ilang minuto, dahan-dahang lumabas siya ng banyo suot lamang ang isang itim na shorts, kung saan lantad na lantad ang kaniyang matipunong katawan, mga tattoo sa braso, at ang mahabang hiwa ng sugat sa kaniyang tadyang. Nagulat siya nang makitang gising na pala si Cassey. Nakaupo na ito sa leather chair sa gilid, suot ang kaniyang silk robe, at hawak-hawak ang isang malaking medicine kit ng mansiyon. "Sit down," utos ni Cassey, ang kaniyang boses ay malamig ngunit naroon pa rin ang kaniyang katarayan habang sumesenyas sa upuan sa harap niya. Nabigla man si Ethan sa bilis ng kuryosidad ng kaniyang asawa, hindi na siya nakipagtalo. Maupo siya sa kaniyang harap at hinayaan na lamang si Cassey sa kaniyang ginagawa. Kumuha si Cassey ng bulak at antiseptic, at maingat ngunit may kaunting diin na sinimulang gamutin ang sugat ng asawa. "How are the kids?" pormal na tanong ni Ethan habang nakatitig sa seryosong mukha ng dalaga na kasalukuyang naglilinis ng kaniyang dugo. "My mother called me earlier today. She mentioned a huge scene in the dining room." Isang sarkastikong tawa ang pinakawalan ni Cassey habang binubuhusan ng alcohol ang sugat nito, na naging dahilan upang mapakapit si Ethan sa sandalan ng upuan sa tindi ng hapdi. "Oh, you want to know about your kids? No wonder your mother called, she was probably terrified na may nakatagpo siyang katapat. Well, let me tell you everything, Ethan." Doon na ikwinento ni Cassey ang lahat ng kaniyang natuklasan mula kay Chloe—ang pambubully ni Hunter, ang pananakit at pangkukurot ni Alessandra, ang pagkulong sa kanila sa madilim na silid sa likod, at ang kawalan ng pagkain buong araw hanggang sa wala ito sa mansiyon. Sa bawat salitang lumalabas sa bibig ni Cassey, nakaramdam ng matinding galit si Ethan, nagngangalit ang kaniyang mga panga at kumuyom ang kaniyang mga kamao, subalit pinilit niyang huwag magpahalata upang hindi magising si Chloe sa kama. Matapos lagyan ng benda ang kaniyang tagiliran, marahas na itinapon ni Cassey ang mga ginamit na bulak sa basurahan bago crossed-arms na humarap sa kaniya upang simulan ang kaniyang panenermon. Nanatiling walang imik si Ethan, hinayaan lang ang kaniyang asawa na magsalita dahil alam niyang may punto ito. "You are a powerful mafia don, Ethan. Kinatatakutan ka ng buong bansa, but you are a failure as a father!" sermon ni Cassey, ang kaniyang boses ay mababa ngunit may matinding talim. "You are always busy with your global expansion and operations, tapos hinahayaan mo lang na maltratuhin ng sarili mong ina at kapatid ang mga anak mo! Sinasabi mo sa akin sa katedral na 'don't fall for me,' as if naman maiinlove ako sa isang robot na katulad mo. I care about Lucas and Chloe because they don't deserve this house's cruelty. You leave them here completely terrified!" Habang pinakikinggan ang matatalim na salita ni Cassey, isang biglaang reyalisasyon ang dumaan sa isip ni Ethan. If i compare her to Leah, my first wife... iba itong si Cassey. Batak kung magsalita. mas makikita mong may pakialam si Cassey sa dalawang bata kaysa sa mismong naging ina nila na hinayaan lang silang lumaking takot. Hindi niya inaasahan na ang isang spoiled brat na tulad ni Cassey ang makakakita sa mga sugat ng kaniyang mga anak, isang bagay na kahit si Leah noon ay hindi nagawang ipaglaban. Tinitigan niya si Cassey nang malalim bago dahan-dahang tumayo, dahilan upang mas lalong magkalapit ang kanilang mga katawan. "Leah was different, Cassandra. She didn't have your mouth," pormal na sagot ni Ethan, subalit may kakaibang kislap sa kaniyang mga mata habang nakayuko sa mukha ng dalaga. "But you... you are remarkably loud for someone who just moved in two days ago." "I am loud because someone needs to speak up for those musmos, Ethan!" katarayang ganti ni Cassey, sabay tulak sa dibdib ng lalaki upang bigyan ng distansya ang kanilang sarili, bagamat naramdaman niya ang init ng matipunong katawan nito. "Kung ayaw mong marinig ang boses ko araw-araw, then do your job as a father. Clear out the trash in this house." Isang mapanganib ngunit may kaunting lambing na ngiti ang gumuhit sa mga labi ng mafia don. Hinahawakan ni Ethan ang kamay ni Cassey na nakapatong pa rin sa kaniyang dibdib at hinigpitan ang pagkakahawak dito. "I already told you, ako ang bahala," bulong ni Ethan, ang kaniyang boses ay bumaba na tila ba isang pormal na pangako. "The cleanup has already begun, Cassandra. But for now... you need to go back to sleep. My bed is huge, and I think there's still a space for my stubborn wife." "In your dreams, Ethan Fierro," pabalang na sagot ni Cassey, bagamat ang kaniyang mga pisngi ay unt-unti nang namumula habang dahan-dahang bumabalik sa kama sa tabi ng mahimbing na natutulog na si Chloe, habang si Ethan naman ay nanatiling nakatayo sa gilid, pinapanood ang kaniyang bagong asawa na may kasamang bagong emosyon sa kaniyang sistema.Nang tuluyang sumara ang pinto at marinig ang marahang paglapat ng trangka, tila ba dinala ng hangin ang huling emosyon na natitira sa mukha ni Cassey. Ang mabigat na buntong-hininga na kanyang pinakawalan ay hindi tanda ng pagsuko, kundi ang simula ng isang malalim at malamig na kalkulasyon.Naupo siya nang tuwid. Inayos niya ang kanyang buhok at dahan-dahang hinila ang ulat ng accounting na kanina lang ay naging sanhi ng panginginig ng kanyang mga kamay. Sa pagkakataong ito, wala nang takot sa kanyang mga mata. Ang bawat pahina, ang bawat huwad na pirma, at ang bawat binaligtad na numero ay isa-isa niyang tinitigan sa ilalim ng liwanag ng desk lamp.“Kung sa tinting mo, Evelyn, ay magagawa mo sa akin ang ginawa mo kay Mommy... nagkakamali ka,” bulong ni Cassey sa kanyang sarili, habang ang kanyang hintuturo ay mariing nakaturo sa pangalan ng kanyang madrasta na nakalimbag sa dulo ng opisyal na notice.Ipinikit ni Cassey ang kanyang mga mata at pilit na binalikan ang kanyang alaala m
"Sumagot ka, Victoria," hamon ni Cassey, ang boses ay kalmado ngunit bawat salita ay tila hampas ng latigo sa pagkatao ng dalaga. "Kung ikaw ang nag-isip niyan, ipaliwanag mo sa akin kung bakit ang mga anggulo ng pagtabas sa mga dyamante sa gitna ay sumusunod sa partikular na mathematical ratio na ako lang ang gumagamit sa buong industriyang ito? basic architectural engineering of jewelry, Victoria. Kahit isang linya ng formula, kaya mo bang panindigan ngayon sa harap ng mga kuya mo?" Bumuka ang bibig ni Victoria upang sumagot, ngunit walang salitang lumabas. Namuti ang kanyang mga labi habang ang kanyang mga kamay ay nagsisimula nang manginig sa ibabaw ng lamesa. Ang kanyang kaninang matigas at mapagmataas na tindig ay unti-unting gumuho sa ilalim ng matatalas na sulyap ni Cassey. "Hindi mo kaya," pagpapatuloy ni Cassey, mas lalo itong lumapit hanggang sa ilang pulgada na lamang ang distansya ng kanilang mga mukha. "Dahil ang isang magnanakaw, gaano man kakapal ang mukha na itangg
Kinabukasan, ang maagang sinag ng araw ay dahan-dahang pumasok sa malalawak na bintana ng executive suite ng Fierro Holdings. Ang lagnat ni Ethan ay tuluyan nang humupa pagkatapos ng mahabang gabi ng walang kapagurang pag-aalaga ni Cassey. Natutulog pa si Cassey sa sofa ng opisina nang maagang magising ang don upang mag-ayos ng kanyang sarili at maghanda para sa panibagong araw ng trabaho at lihim na pakikipaglaban.Habang nasa loob ng banyo si Ethan at naririnig ang bagsak ng tubig mula sa shower, dahan-dahang nagmulat ng mata si Cassey. Inayos niya ang kanyang nagusot na pormal na kasuotan at tumayo upang iligpit ang mga ginamit na tuwalya at medicine kit na nasa lamesa.Bzzz. Bzzz. Bzzz.Biglang bumasag sa katahimikan ang malakas at sunod-sunod na pag-vibrate ng cellphone ni Ethan na nakapatong sa nightstand table malapit sa higaan. Umalingawngaw ang tunog nito sa buong silid.Dahan-dahang lumapit si Cassey, at dahil sa kanyang natural na kuryosidad, napatingin siya sa umiilaw na s
Nanatiling nakaupo si Cassey sa gilid ng kama, marahang pinupunasan ng basang tuwalya ang leeg at noo ni Ethan upang maibsan ang mataas na lagnat nito. Sa kabila ng malamig na aircon sa loob ng rest silid, bakas pa rin ang tindi ng init sa katawan ng don, ngunit ang mas nagpapabigat sa kanyang paghinga ay ang tindi ng panloob na bagyong kasalukuyang sumasakal sa kanyang isipan. Habang ibinababa ni Cassey ang tuwalya sa tabi ng medicine kit, dahan-dahang itinaas ni Ethan ang kanyang nanginginig at mainit na kamay. Marahan ngunit may tindi ng higpit niyang hinawakan ang malambot na kamay ng asawa, dahilan upang mapatigil si Cassey at mapatingin nang diretso sa kanyang mga mata. "Cassey, stay... please don't leave this room," paos, mababa, at basag ang boses na panimula ni Ethan, habang ang kanyang matatalas na mata na kilala sa pagiging cold ay puno ngayon ng tapat na takot at pagsusumamo. Napakunot ang noo ni Cassey, naramdaman ang tindi ng higpit ng pagkakahawak ng don na tila ba n
Naupo si Ethan nang mas maituwid ang kanyang tindig sa loob ng gazebo, habang ang lamig ng hangin ng umaga ay tila sumasabay sa bigat ng bawat salitang kanyang ihahanda. Tinitigan niya ang mga mata ni Leah—ang mga matang puno ng nakaraang pilit niyang binuo, ngunit may iba nang reyalidad ang kanyang kasalukuyan. "Let’s look at this objectively, Leah," malamig, pormal, at may matatag na awtoridad na panimula ni Ethan habang dahan-dahang iniaalis ang kanyang kamay sa pagkakawak ng dating asawa. "Too many variables have changed since the incident in Europe. I have already established a new life, and Cassey is my wife. I am fully committed to my marriage with her, and that decision is final and non-negotiable." Nawala ang malambing na ngiti sa mga labi ni Leah, ngunit sa halip na mag-histerikal o umiyak gaya ng inaasahan ng karaniwang tao, isang manipis at kalkuladong ngiti ang dahan-dahang sumilay sa kanyang mukha. Sumandal siya sa upuan at diretsong tinitigan ang don nang may buong
Marahas na isinusoot ni Ethan ang kanyang amerikana habang mabilis na naglalakad patungo sa pinto ng kanyang opisina, handang itaya ang lahat upang pumunta sa Aurelia International Airport. Ngunit bago pa man niya mahawakan ang seradura, biglang umalingawngaw ang malakas na vibrate ng kanyang telepono.Napakunot ang kanyang noo at mabilis na sinagot ang tawag nang makitang ang mayordoma mula sa mansyon ang tumatawag."Boss Ethan! Pabalik na po ba kayo?" bungad ng mayordoma, at sa pagkakataong ito, hindi lang simpleng pag-aalala ang bakas sa boses nito kundi purong takot. "Naku, si Chloe po! Kanina pa po umiiyak at humihagulhol sa kwarto niya. Sobra po ang sakit ng tiyan niya at namumutla na po ang bata! Hindi po namin alam ang gagawin!"Napatigil si Ethan sa mismong tapat ng pinto, tila ba binuhusan ng malamig na tubig. Ang mapanganib na awtoridad na taglay niya kanina ay biglang napalitan ng tindi ng pagiging isang ama. Sa gitna ng nagtatalong obligasyon—ang habulin ang asawang si Ca







