" Miss, tumigil ka, huwag kang tatalon!", pasigaw na sabi ni Brent sabay hila kay Diane sa may tulay. " Aray!!! ano ba? bakit mo ba ako pinipigilan? gusto ko nang mamatay, ayaw ko nang mabuhay pa, abayaan mo na lang ako, puwede ba? ", pagalit na tugon ni Diane sabay alis ng kamay ni Brent sa braso niya. " ahhh, ikaw pa ngayon ang galit, kung may problema ka, hindi solusiyon ang pagpapakamatay, naisip mo na ba ang maaari mong maiiwan na mahal sa buhay, sa tingin mo, matutuwa ba sila na mamatay ka? hindi naman di ba? " paliwanag ni Brent habang pilit na pinipigilan si Diane. " gusto na akong iwan ng asawa ko, siya lang ang gusto kong makasama habangbuhay, tapos ngayon, gusto mong isipin ko yung mga nagmamahal sa akin. " pagalit na sagot ni Diane. " bakit, asawa mo lang ba ang may karapatang mahalin ka? Nandiyan pa ang iyong ama, at mga kaibigan, " mahinahong sabi ni Brent habang pinapakalma si Diane. Napaisip nang bahagya si Diane sa mga sinabi ni Brent sa kanya. " Oo, tama ka nga. " malungkot na tugon ni Diane. Kumalma na ang pakikipag-usap nila sa isa't isa. " Siya nga pala, ako si Brent Clamente." pakilala ni Brent kay Diane sabay kuha ng kamay. " ako si Diane Zamora. " nakangiting pakilala ni Diane kay Brent.
Umuwi na nang bahay si Diane ngunit hindi niya nadatnan sa bahay si Rico pati na rin ang kanilang anak na si Grace. Hinalughog niya ang kuwarto ngunit wala na din ang mga damit at gamit nina Rico at Grace. Nanlumo sa lungkot at pighati si Diane sa kaniyang nadatnan. Hindi niya akalain na gagawin ito sa kaniya ni Rico. Umiiyak sa isang sulok si Diane habang tinatawagan niya si Nikki. " Nikki, iniwan na ako ng mag-ama ko, hindi ko alam kung saan sila nagpunta, mag-isa na lang ako dito sa bahay. " umiiyak na sabi ni Diane. " ha??? Ano??? hintayin mo ako diyan, pupuntahan kita. " gulat na tugon ni Nikki sabay alis ng bahay para magtungo kay Diane. Mabilis na nagtungo si Nikki kina Diane at nang makarating na siya, " Diane, nasaan ka?", hingal na hingal na tanong ni Nikki habang hinahanap si Diane. Pumasok si Nikki sa kuwarto nina Diane at nakita niya ang kaibigan na umiiyak sa isang sulok. " Diane, ano ba ang nangyari? ", nag-aalalang tanong ni Nikki sabay yakap kay Diane. " Gusto nang makipaghiwalay sa akin si Rico, ngunit hindi ako pumayag. Umalis ako ng bahay para mawala ang sama ng loob ko, subalit pagbalik ko wala na sila, umalis na sila. " umiiyak na paliwanag ni Diane. Niyakap nang mahigpit ni Nikki si Diane habang hinihimas ang likod nito para pakalmahin. " tulungan mo akong hanapin ang mag-ama ko... ", nagsusumamong sabi ni Diane sa kaniyang kaibigan. " okay sige, tutulungan kita na mahanap sila. ", pangako na sabi ni Nikki sa kaibigan.
Makalipas ang sampung taon na paghahanap ay hindi pa rin nila nahahanap sina Rico at Grace. Hindi pa rin sumusuko si Diane na mahanap niya ang kaniyang mag-ama. Habang hinahanap nila ay may nakapagsabi sa kanila tungkol kina Rico at Grace. " Miss, nakikilala ninyo po ba itong nasa larawan? " tanong ni Diane sa Aleng nakaupo sa tindahan. " parang namumukhaan ko sila, ahhhh, naalala ko na, pinuntahan nila diyan sa bahay na iyan si Anika, madami silang dalang gamit para bang aalis ng bansa, nakita ko kasing hawak nila ang mga passport nila. " paliwanag ng Ale sabayturo sa bahay ni Anika. " Ganoon po ba, salamat po. " malungkot na sabi ni Diane. Nanlumo si Diane sa sinabi ng Ale sa kaniya. " kaya pala matagal nang hindi natin mahanap ang mag-ama mo, nangibang bansa na kasama pa ang babae ng asawa mo. " dismiyadong sabi ni Nikki sa kaibigan.
" Nikki, samahan mo naman akong umiinom ng alak, gusto ko lang makalimot kahit sandali lang. " malungkot na aya ni Diane sa kaibigan. " okay sige, pero sandali lang tayo. " tugon ni Nikki. Nagtungo na sila sa Jazz Bar at nang makarating na sila doon ay bumili agad ng alak si Diane. Sa hindi inaasahan ay naroon din si Brent kasama ang kaniyang mga kaibigan. Patungo sana si Diane sa palikuran subalit nakabanggaan niya si Brent. " hmmmm, teka, parang kilala kita. ", nagtatakang sabi ni Diane sabay turo ng daliri kay Brent. " ohhh, kilala kita ikaw iyong tatalon sa tulay. ", tugon ni Brent kay Diane. " tama, ikaw nga iyon. " gulat na sabi ni Diane. " Anong ginagawa mo dito? " nagtatakang tanong ni Diane. " ahhhh, mga kaibigan ko, naglilibang lang kami ng konti, ikaw, anong ginagawa mo dito? " balik na tanong ni Brent. " ahhhhh, ako, kaibigan ko lang ang kasama ko. Nag-aalis lang ako ng sama ng loob ko. " Paliwanag ni Diane. Nang matapos ang pag-uusap nila, nagdesisiyon na sila na umuwi.
Kinabukasan, kaarawan na ni Diane ngunit nawala ito sa kanyang isipan kung kaya't pinaalala ito ng kanyang kaibigan na si Nikki at kinantahan pa niya ito. " Happy birthday to you, Happy birthday to you, Happy birthday, Happy birthday, Happy birthday to you. " nakangiting bati ni Nikki sabay bigay ng regalo sa kaibigan. " Maraming Salamat Nikki, alam mo nawala na ito sa isipan ko. " napapaluhang tugon ni Diane. " Sa tingin ko nga, ilang araw ka na kasing wala sa sarili, kaya naman ako na ang nagpaalala sa iyo nito. " tugon ni Nikki. " ang hiling ko lang naman ay makasama at mahanap ko na ang mag-ama ko. " hiling ni Diane. At binuksan ni Diane ang kanyang natanggap na regalo at nagulat ito. " Plane ticket? at patungong Canada? " nagtatakang tanong ni Diane. " Oo, iyan nga ang regalo, may nakapagsabi kasi sa akin na diyan daw naninirahan ngayon sina Rico at Anika kasama ang anak mo na si Grace. " paliwanag ni Nikki sa kaibigan. " Talaga ba, maraming maraming salamat Nikki. " naluluhang sabi ni Diane. " kaya naman, ano pa ang hinihintay mo, mag-impake ka na ng mga gamit mo, mamaya na ang alis mo patungong Canada. " masayang tugon ni Nikki sa kaibigan. Biglang niyakap ng mahigpit ni Diane si Nikki at dali-dali na itong nag-impake ng mga gamit niya at nagtungo na siya agad sa paliparan ng mga eroplano para puntahan ang kanyang mag-ama sa Canada.
Makalipas ang dalawang araw, nang nasa opisina si Diane, may iniabot sa kaniya ang sekretarya niya na isang mga dokumento ng isang kliyente. Nagulat ito sa nabasa at nakita, nagmula ito sa kaniyang dating asawa na si Rico na gustong mamuhunan sa kanilang kompaniya. Agad naman niya ito pinaalam sa kaniyang ama. " Pa, may natanggap akong gusto mamuhunan sa ating kompaniya, ngunit hindi ko po alam ang gagawin ko dito. " ani ni Diane sa ama. " Di ba, alam mo na ang dapat gawin diyan, teka, kanino ba nagmula iyan? " nagtatakang tanong ng ama ni Diane. " Pa, sa dati ko pong asawa na si Rico. " tugon ni Diane. " Sige, ganito ang gawin mo, hindi ba, may gaganapin tayong pagdiriwang sa susunod na dalawang araw, padalhan mo siya ng imbitasiyon." mahinahon na sabi ng ama ni Diane. " okay sige po, Pa, gagawin ko po. " magalang na sabi ni Diane.Habang inuutos ni Diane sa kaniyang sekretarya na padalhan ng imbitasiyon si Rico ay biglang tumawag si Brent. " Hello, busy ka ba Diane? ". tanong ni Bre
Kinaumagahan, maganda ang gising ni Diane at nakita ito ng kaniyang ama, " Aba! tila yata na maganda ang gising ng aking magandang anak. " nakangiting sabi ng ama ni Diane. " Pa, may sasabihin po ako sa inyo. " ani ni Diane habang patungo sa kanyang ama. " Ano iyon anak? Mukha yatang importante iyang sasabihin mo, ah? " nagtatakang tanong ng ama. " Pa, nobiyo ko na po si Brent. " tugon ni Diane habang hindi makatingin ng diretso sa kanyang ama. Hindi na nagulat ang ama ni Diane sa sinabi niya sapagkat matagal na pala niyang gusto na si Brent ang maging asawa ni Diane. " Talaga ba, masaya ako para sa inyo, tatawagan ko agad ang ama ni Brent para yakagin sila na kumain sa labas at ipagdiwang ang inyong relasiyon. " natutuwang sagot ng ama ni Diane. Nagtataka si Diane sa kanyang ama kung bakit ganoon na lamang kasaya ito noong sinabi niyang nobiyo na niya si Brent. " Pa, sobra naman po yata ang inyong kagalakan, hindi man lang po kayo nagalit o nagtaka, bakit po, may hindi po ba kayo nas
Makalipas ang labing dalawang oras, nakarating na si Diane sa Canada at agad na niyang pinuntahan ang kanyang mag-ama. Sa kanyang pagmamadali ay nakita niya ang kanyang anak na si Grace na kasama si Anika na tinuturing na ina. Nang dahil sa nakita ay nagdisisiyon na si Diane na sumuko sa pinapangarap niyang pakikipagbalikan kay Rico. Kaya naman agad na niyang pinermahan ang dokumento ng diborsiyo at ibinigay niya kay Rico. " Rico, pumapayag na ako sa gusto mong hiwalayan, napermahan ko na iyan, sana naman ay alagaan at ingatan mo ang ating anak. " sabi ni Diane sabay abot kay Rico ng mga dokumento ng diborsiyo. " Salamat naman at pumayag ka na, Oo naman, iingatan at aalagaan ko ang ating anak, kahit hindi mo na iyan sabihin, gagawin ko. " tuwang sabi ni Rico sabay kuha ng mga dokiyumento ng diborsiyo.Bumalik na ng Pilipinas si Diane at nagdisisiyon na tanggapin ang kagustuhan ng kanyang ama na siya ang mamahala ng kanilang kompaniya. Naging maganda ang pamamahala ni Diane kung kaya
" Miss, tumigil ka, huwag kang tatalon!", pasigaw na sabi ni Brent sabay hila kay Diane sa may tulay. " Aray!!! ano ba? bakit mo ba ako pinipigilan? gusto ko nang mamatay, ayaw ko nang mabuhay pa, abayaan mo na lang ako, puwede ba? ", pagalit na tugon ni Diane sabay alis ng kamay ni Brent sa braso niya. " ahhh, ikaw pa ngayon ang galit, kung may problema ka, hindi solusiyon ang pagpapakamatay, naisip mo na ba ang maaari mong maiiwan na mahal sa buhay, sa tingin mo, matutuwa ba sila na mamatay ka? hindi naman di ba? " paliwanag ni Brent habang pilit na pinipigilan si Diane. " gusto na akong iwan ng asawa ko, siya lang ang gusto kong makasama habangbuhay, tapos ngayon, gusto mong isipin ko yung mga nagmamahal sa akin. " pagalit na sagot ni Diane. " bakit, asawa mo lang ba ang may karapatang mahalin ka? Nandiyan pa ang iyong ama, at mga kaibigan, " mahinahong sabi ni Brent habang pinapakalma si Diane. Napaisip nang bahagya si Diane sa mga sinabi ni Brent sa kanya. " Oo, tama ka nga. " ma
Rico, isang negosiyante, guwapo, makisig. Diane, maganda, mapagmahal sa pamilya, mahaba ang pasensiya, asawa ni Rico at isang heridera ng kompanyang Zamora's Hotel And Accessories. Anika maganda, first love ni Rico. Brent, guwapo, matipuno, matalino, at tagapagmana ng Luxury Hotel. Nikki, matalik na kaibigan ni Diane.Makalipas ang pitong taong pagsasama nina Rico at Diane, naging malamig na ang pakikitungo at nawawala na ang pagmamahal ni Rico kay Diane, ngunit binabalewala lang ito ni Diane sapagkat labis pa rin ang pagmamahal nito kay Rico. Naniniwala pa rin si Diane na babalik ang pagmamahal ni Rico sa kanya. Subalit hinintay ni Rico si Anika, ang kanyang unang pag-ibig, para makasama at ito ay inaalagaan niya ng sobra na para bang kanyang asawa." Rico, kumain naman tayo sa restaurant, " aya ni Anika na may kasamang lambing at may kasamang paghimas sa dibdib nito. " okay sige, saan mo ba gustong kumain na restaurant? " nakangiting tanong ni Rico habang kinikilig sa ginagawa sa ka