Makalipas ang dalawang araw, nang nasa opisina si Diane, may iniabot sa kaniya ang sekretarya niya na isang mga dokumento ng isang kliyente. Nagulat ito sa nabasa at nakita, nagmula ito sa kaniyang dating asawa na si Rico na gustong mamuhunan sa kanilang kompaniya. Agad naman niya ito pinaalam sa kaniyang ama. " Pa, may natanggap akong gusto mamuhunan sa ating kompaniya, ngunit hindi ko po alam ang gagawin ko dito. " ani ni Diane sa ama. " Di ba, alam mo na ang dapat gawin diyan, teka, kanino ba nagmula iyan? " nagtatakang tanong ng ama ni Diane. " Pa, sa dati ko pong asawa na si Rico. " tugon ni Diane. " Sige, ganito ang gawin mo, hindi ba, may gaganapin tayong pagdiriwang sa susunod na dalawang araw, padalhan mo siya ng imbitasiyon." mahinahon na sabi ng ama ni Diane. " okay sige po, Pa, gagawin ko po. " magalang na sabi ni Diane.
Habang inuutos ni Diane sa kaniyang sekretarya na padalhan ng imbitasiyon si Rico ay biglang tumawag si Brent. " Hello, busy ka ba Diane? ". tanong ni Brent. " Hindi naman, bakit mo naitanong? " tanong naman ni Diane. " kasi yayayain sana kitang kumain ng tanghalian, puwede ba? " tugon ni Brent. " Oo naman, sunduin mo na lamang ako dito sa opisina. " sagot ni Diane. " kahit hindi mo na sabihin sa akin iyon, okay sige, tutungo na ako diyan, hintayin mo na lamang ako, paalam, mahal na mahal kita. " lambing na sabi ni Brent habang pasakay na nang kotse.
Nagtungo na si Brent sa kompaniya nina Diane at nang makarating na siya doon ay nakita niyang naghihintay na sa kaniya si Diane sa labas ng kompaniya nila. " Diane, kanina ka bang naghihintay diyan? " tanong ni Brent. " Hindi naman, tama lamang ang pagdating mo. " nakangiting sagot ni Diane sabay sakay sa kotse. Nagtungo na sila sa restaurant para kumain at nang makarating na sila doon ay pumasok at umupo na sila at humingi ng talaan ng pagkain. " Diane, anong gusto mong kainin? " tanong ni Brent. " ahhh, Grilled Salmon Fish at Vegetable Salad. " tugon ni Diane. " okay sige, Miss, dalawang Grilled Salmon Fish, dalawang Vegetable Salad, at dalawang Ice Tea. " sabi ni Brent sa serbedora. " okay po sir, pahintay na lamang po, salamat po. " tugon ng serbedora habang patungo sa kusina.
Habang hinihintay nila ang pagkain, pinaalam na ni Diane kay Brent ang tungkol sa natanggap niya kay Rico. " Brent, nakatanggap ako kanina ng isang dokumento na mula sa isang bagong kliyente, ngunit nagulat at nabigla ako sa nakita ko, nagmula iyon kay Rico. " ang sabi ni Diane. " ohhh, tapos, anong ginawa mo? " tanong ni Brent. " Sinabi ko iyon sa aking ama at ang sabi niya ay padalhan ko daw si Rico ng imbitasiyon nng pagdiriwang nagaganapin sa susunod na araw, kaya ginawa ko. " paliwanag ni Diane. " ohh, iyon naman pala, ano pa ang kinakabahala mo diyan? " nagtatakang tanong ni Brent. " kasi... ang alam ni Rico ay isa akong ulila na nagmula sa ampunan, paano na lang kung makita niya ako doon. " tugon ni Diane habang nakikita sa kaniya ang pangamba. " okay nga iyon, magugulat siya na ang dating inaapi niyang asawa niya ay isa pa lang tagapagmana ng isang malaking kompaniya, huwag mo na iyon alalahanin, ako na ang bahala doon. " ani ni Brent habang pinapalakas niya ang loob ni Diane. " Sabagay, tama ka, makikita niya ang bagong Diane. " taas noong sabi ni Diane kay Brent.
Sakto namang dumating ang kanilang pagkain, kaya naman kumain na sila. Habang kumakain sila, nakangiting tumitingin si Diane kay Brent, " masaya ako na dumating ka sa buhay ko. " ang sabi ni Diane sa isip niya. Nahuli ni Brent na nakatingin sa kaniya si Diane. " baka naman matunaw na ako niyan. " pabirong sabi ni Brent kay Diane. " wala, sige kumain na tayo. " nakangiting sagot ni Diane. Masayang natapos ang kanilang pagkain. Bumalik na sila sa kani-kanilang kompaniya.
Natapos ang buong maghapon, nagtungo na muli si Brent sa kompaniya nina Diane para ihatid ito sa kanilang bahay. Nang naihatid na ni Brent si Diane, pinapasok muna siya ng ama nito para doon na maghapunan. " Brent, pumasok ka muna, dito ka na lang maghapunan. " alok ng ama ni Diane. " okay sige po. " magalang na tugon ni Brent habang pumapasok sa loob ng bahay. Masayang kumakain sila ng hapunan habang nagkukuwentuhan at nagtatawanan.
Samantala, natanggap na ni Rico ang imbitasiyon na pinadala ni Diane sa kaniya na hindi niya alam na si Diane mismo ang nagpadala sa kaniya. Agad silang umuwi ng Pilipinas para dumalo sa pagdiriwang ng Zamora's Hotel and Accessories. Makalipa ang pitong oras na biyahe sa eroplano, nakarating na din sila ng Pilipinas. " Nakabalik na ulit tayo ng Pilipinas, hayyyy!!! home sweet home... " masayang sabi ni Anika sabay langhap ng hangin. Nagtungo na sila sa tahanan ni Anika noon. Doon na sila maninirahan na parang isang pamilya.
Makalipas ang ilang araw, dumating na ang pinakahihintay nilang pagdiriwang. Magarbo at naggagandahan ang palamuti sa loob ng pagdiriwang. Nakahanda na din ang mga masasarap na pagkain na niluto pa ng mga magagaling at mahuhusay na magluluto. Unti-unti nang napupuno ng mga bisita ang bulwagan. Naggagandahan at magagarbo din ang kanilang kasuotan. Dumating na din sa pagdiriwang sina Rico at Anika kasama si Grace na ngayon ay dalaga na. " Wow, Daddy ang ganda naman po dito." namanghang sabi ni Grace sa kanyang ama. " Siyempre naman, sila kaya ang may pinakamalaking kompaniya dito sa buong Pilipinas. " tugon ni Rico sa anak. Nang nasa loob na sila, nakita ni Rico ang anak ng kliyente niya na si Brent. Pinuntahan ni Rico at bumati, ngunit hindi siya kilala ni Brent. Kaya naman nagpakilala siya, " Hello, ako pala si Rico Valdez, kliyente ko ang iyong ama. " pagpapakilala ni Rico sabay pagkamay kay Brent. " ahhh, ikaw pala iyon, Hello, ako si Brent Clamente. " pagpapakilala naman ni Brent habang tinitingnan si Rico mula ulo hanggang paa. " Sino nga pala ang kasama mo dito? " tanong ni Rico. " ahhh, ang aking nobiya, parating na din siya. " nakangiting sagot ni Brent. Saktong pasok ni Diane sa pinto at lahat sa kaniya ay nakatingin.
Makalipas ang dalawang araw, nang nasa opisina si Diane, may iniabot sa kaniya ang sekretarya niya na isang mga dokumento ng isang kliyente. Nagulat ito sa nabasa at nakita, nagmula ito sa kaniyang dating asawa na si Rico na gustong mamuhunan sa kanilang kompaniya. Agad naman niya ito pinaalam sa kaniyang ama. " Pa, may natanggap akong gusto mamuhunan sa ating kompaniya, ngunit hindi ko po alam ang gagawin ko dito. " ani ni Diane sa ama. " Di ba, alam mo na ang dapat gawin diyan, teka, kanino ba nagmula iyan? " nagtatakang tanong ng ama ni Diane. " Pa, sa dati ko pong asawa na si Rico. " tugon ni Diane. " Sige, ganito ang gawin mo, hindi ba, may gaganapin tayong pagdiriwang sa susunod na dalawang araw, padalhan mo siya ng imbitasiyon." mahinahon na sabi ng ama ni Diane. " okay sige po, Pa, gagawin ko po. " magalang na sabi ni Diane.Habang inuutos ni Diane sa kaniyang sekretarya na padalhan ng imbitasiyon si Rico ay biglang tumawag si Brent. " Hello, busy ka ba Diane? ". tanong ni Bre
Kinaumagahan, maganda ang gising ni Diane at nakita ito ng kaniyang ama, " Aba! tila yata na maganda ang gising ng aking magandang anak. " nakangiting sabi ng ama ni Diane. " Pa, may sasabihin po ako sa inyo. " ani ni Diane habang patungo sa kanyang ama. " Ano iyon anak? Mukha yatang importante iyang sasabihin mo, ah? " nagtatakang tanong ng ama. " Pa, nobiyo ko na po si Brent. " tugon ni Diane habang hindi makatingin ng diretso sa kanyang ama. Hindi na nagulat ang ama ni Diane sa sinabi niya sapagkat matagal na pala niyang gusto na si Brent ang maging asawa ni Diane. " Talaga ba, masaya ako para sa inyo, tatawagan ko agad ang ama ni Brent para yakagin sila na kumain sa labas at ipagdiwang ang inyong relasiyon. " natutuwang sagot ng ama ni Diane. Nagtataka si Diane sa kanyang ama kung bakit ganoon na lamang kasaya ito noong sinabi niyang nobiyo na niya si Brent. " Pa, sobra naman po yata ang inyong kagalakan, hindi man lang po kayo nagalit o nagtaka, bakit po, may hindi po ba kayo nas
Makalipas ang labing dalawang oras, nakarating na si Diane sa Canada at agad na niyang pinuntahan ang kanyang mag-ama. Sa kanyang pagmamadali ay nakita niya ang kanyang anak na si Grace na kasama si Anika na tinuturing na ina. Nang dahil sa nakita ay nagdisisiyon na si Diane na sumuko sa pinapangarap niyang pakikipagbalikan kay Rico. Kaya naman agad na niyang pinermahan ang dokumento ng diborsiyo at ibinigay niya kay Rico. " Rico, pumapayag na ako sa gusto mong hiwalayan, napermahan ko na iyan, sana naman ay alagaan at ingatan mo ang ating anak. " sabi ni Diane sabay abot kay Rico ng mga dokumento ng diborsiyo. " Salamat naman at pumayag ka na, Oo naman, iingatan at aalagaan ko ang ating anak, kahit hindi mo na iyan sabihin, gagawin ko. " tuwang sabi ni Rico sabay kuha ng mga dokiyumento ng diborsiyo.Bumalik na ng Pilipinas si Diane at nagdisisiyon na tanggapin ang kagustuhan ng kanyang ama na siya ang mamahala ng kanilang kompaniya. Naging maganda ang pamamahala ni Diane kung kaya
" Miss, tumigil ka, huwag kang tatalon!", pasigaw na sabi ni Brent sabay hila kay Diane sa may tulay. " Aray!!! ano ba? bakit mo ba ako pinipigilan? gusto ko nang mamatay, ayaw ko nang mabuhay pa, abayaan mo na lang ako, puwede ba? ", pagalit na tugon ni Diane sabay alis ng kamay ni Brent sa braso niya. " ahhh, ikaw pa ngayon ang galit, kung may problema ka, hindi solusiyon ang pagpapakamatay, naisip mo na ba ang maaari mong maiiwan na mahal sa buhay, sa tingin mo, matutuwa ba sila na mamatay ka? hindi naman di ba? " paliwanag ni Brent habang pilit na pinipigilan si Diane. " gusto na akong iwan ng asawa ko, siya lang ang gusto kong makasama habangbuhay, tapos ngayon, gusto mong isipin ko yung mga nagmamahal sa akin. " pagalit na sagot ni Diane. " bakit, asawa mo lang ba ang may karapatang mahalin ka? Nandiyan pa ang iyong ama, at mga kaibigan, " mahinahong sabi ni Brent habang pinapakalma si Diane. Napaisip nang bahagya si Diane sa mga sinabi ni Brent sa kanya. " Oo, tama ka nga. " ma
Rico, isang negosiyante, guwapo, makisig. Diane, maganda, mapagmahal sa pamilya, mahaba ang pasensiya, asawa ni Rico at isang heridera ng kompanyang Zamora's Hotel And Accessories. Anika maganda, first love ni Rico. Brent, guwapo, matipuno, matalino, at tagapagmana ng Luxury Hotel. Nikki, matalik na kaibigan ni Diane.Makalipas ang pitong taong pagsasama nina Rico at Diane, naging malamig na ang pakikitungo at nawawala na ang pagmamahal ni Rico kay Diane, ngunit binabalewala lang ito ni Diane sapagkat labis pa rin ang pagmamahal nito kay Rico. Naniniwala pa rin si Diane na babalik ang pagmamahal ni Rico sa kanya. Subalit hinintay ni Rico si Anika, ang kanyang unang pag-ibig, para makasama at ito ay inaalagaan niya ng sobra na para bang kanyang asawa." Rico, kumain naman tayo sa restaurant, " aya ni Anika na may kasamang lambing at may kasamang paghimas sa dibdib nito. " okay sige, saan mo ba gustong kumain na restaurant? " nakangiting tanong ni Rico habang kinikilig sa ginagawa sa ka