The Secret Heirs

The Secret Heirs

last updateLast Updated : 2025-05-07
By:  Purple PrincessUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
5Chapters
1views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Makalipas ang pitong taon na pagsasama nila ni Diane, si Rico ay nanlalamig at unti-unti nang nawawala ang pagmamahal niya kay Diane, ngunit kahit na iyon ang pinaparamdam ni Rico kay Diane ay labis pa rin ang pagmamahal nito kay Rico.

View More

Chapter 1

Chapter 1 Secret Affair

Rico, isang negosiyante, guwapo, makisig. Diane, maganda, mapagmahal sa pamilya, mahaba ang pasensiya, asawa ni Rico at isang heridera ng kompanyang Zamora's Hotel And Accessories. Anika maganda, first love ni Rico. Brent, guwapo, matipuno, matalino, at tagapagmana ng Luxury Hotel. Nikki, matalik na kaibigan ni Diane.

Makalipas ang pitong taong pagsasama nina Rico at Diane, naging malamig na ang pakikitungo at nawawala na ang pagmamahal ni Rico kay Diane, ngunit binabalewala lang ito ni Diane sapagkat labis pa rin ang pagmamahal nito kay Rico. Naniniwala pa rin si Diane na babalik ang pagmamahal ni Rico sa kanya. Subalit hinintay ni Rico si Anika, ang kanyang unang pag-ibig, para makasama at ito ay inaalagaan niya ng sobra na para bang kanyang asawa.

" Rico, kumain naman tayo sa restaurant, " aya ni Anika na may kasamang lambing at may kasamang paghimas sa dibdib nito. " okay sige, saan mo ba gustong kumain na restaurant? " nakangiting tanong ni Rico habang kinikilig sa ginagawa sa kaniya ni Anika. " Kahit saan, basta kasama kita. " lambing na sagot ni Anika sabay himas sa balikat ni Rico. Sumakay na sila ng kotse para magtungo sa restaurant. Nang makarating na sila sa restaurant ay nakita sila ng matalik na kaibigan ni Diane na si Nikki sapagkat ang restaurant na pinuntahan nila ay si Nikki ang may-ari. Babatiin na sana ni Nikki si Rico subalit nakita niyang may kasama itong ibang babae kaya naman sinubaybayan na lamang niya sina Rico sa kanilang ginagawa. " Sino kaya ang kasama ni Rico na babae? Hindi naman iyon si Diane, eh. "nagtatakang tanong sa isip ni Nikki. Tinawag na nina Rico ang serbedora para tumingin ng mga pagkain. " Miss, ano bang pinakamasarap na pagkain ninyo dito?", tanong ni Rico habang natingin sa talaan ng pagkain. " Sir, ang pinakamasarap at pinakamabili po sa amin na pagkain ay Pasta Alegre at Tuna Macaroni. ", sagot ng serbedora. " okay sige, bigyan mo kami ng dalawang Pasta Alegre, dalawang Tuna Macaroni, at isang Red wine. " nakangiting sagot ni Rico sa serbedora. " okay po, pakihintay na lang po ng inyong pagkain, salamat po. " nakangiting sabi ng serbedora habang patungo sa kusina. Habang patungo ang serbedora sa kusina, tinawag ni Nikki ito para tingnan kung ano ang pinaluto nilang pagkain.

Nang dumating na ang pagkain nila, sinimulan na nila ang pagkain. Habang kumakain ay masayang nagkukuwentuhan at nagtatawanan sina Rico at Anika. Nakita ni Nikki na nagsusubuan pa sina Rico at Anika na para bang bagong kasal, kaya naman nainis na ito sapagkat alam niya na niloloko ni Rico si Diane. Kinuhanan ng litrato ni Nikki sina Rico at Anika habang naglalambingan, at pinadala niya agad ito kay Diane para malaman niya na niloloko na siya ng kanyang asawa. " Diane, nandito si Rico sa aking restaurant, kumakain, kaso may kasamang ibang babae, " mensahe ni Nikki kay Diane sabay padala ng litrato nina Rico at Anika na naglalambingan. Agad naman ito nabasa at nakita ni Diane. Nagulat siya sa nakita, alam ni Diane na ang kasamang babae ni Rico ay ang unang pag-ibig nito. " Nikki, hayaan mo na sila, wag kang mag-alala, okay lang ako. ", malungkot na tugon ni Diane sa mensahe ni Nikki. Nagtaka si Nikki sa tugon ni Diane sapagkat binalewala lang niya ang sinabi at pinakitang litrato. " Diane, ano ka ba? Ganyan lang ba talaga ang reaksiyon mo? hindi ka man lang nagalit, " nagtatakang tanong ni Nikki sa kaibigan. " wala naman akong magagawa, sobrang mahal ko ang asawa ko, ayaw ko na lang na mag-away pa kami. " paliwanag ni Diane habang pinipigilan niyang umiyak. " Hay!!!! naku best, grabe talaga ang pagmamahal mo sa asawa mo, kahit na niloloko ka na, patuloy ka pa din sa pagmamahal sa kanya... " dismiyadong sabi ni Nikki.

Samantala, natapos nang kumain sina Rico at Anika, tumayo at lumabas na sila patungo sa paradahan ng kotse. Nang makasakay na sila sa kotse, nagtungo na sila sa hotel. Makalipas ang ilang minuto ay nakarating na sila sa hotel at kumuha agad sila ng kuwarto. Nang makakuha na sila ng kuwarto, nagtungo agad sila doon. Binuksan na nila ang kuwarto at unti-unti na sila nag-init. Dahan-dahan nilang hinubad ang kanilang saplot at humiga sa kama at doon na naganap ang kanilang p********k. Labis silang nag-init at nasarapan. Nang makaraos na sila sa kanilang p********k, " Rico, ano ang plano mo kay Diane? ", tanong ni Anika sabay yapos sa katawan ni Rico. " Nakapagpagawa na ako ng mga dokumento na nakasaad ng diborsiyo, ibibigay ko na iyon pag-uwi ko mamaya, kapag pumayag at pinermahan niya iyon ay puwede na tayong magsama at bumuo ng pamilya. " paliwanag ni Rico sabay halik sa noo ni Anika.

Makalipas ang ilang minuto, inihatid ni Rico si Anika sa kanyang bahay at nagtungo na siya sa bahay nila ni Diane dala ang mga dokumento ng diborsiyo para ibigay kay Diane. Nang nakauwi na siya, binuksan niya ang pinto at hinanap agad si Diane, " Diane, maghiwalay na tayo. ", ani ni Rico sabay abot ng dokiyumento ng diborsiyo kay Diane. " ha??? bakit mo gustong maghiwalay na tayo?, lahat naman ng gusto mo ginawa ko, lahat ng paghihirap na ginawa mo sa akin, tiniis ko lahat ng iyon, tapos ganito, gusto mo nang hiwalayan... " nagngingitmgit na paliwanag ni Diane habang lumuluha. " Magsasama na kami ni Anika, kaya naman pumayag ka na at permahan mo na ang mga dokumento ng diborsiyo. ", pagalit na pagsusumamo ni Rico. " Hindi ako pumapayag, okay lang sa akin na magsama kayo ni Anika, ngunit hinding hindi mo ako mapapaperma sa dokumento ng diborsiyo. ", pagalit na sagot ni Diane sabay tapon ng mga dokumento ng diborsiyo sa sahig. Umalis ng bigla si Diane bahay habang umiiyak sa lungkot at galit. Hindi niya alam kung saan siya tutungo na para bang hindi siya makapag-isip ng maayos. Hanggang sa makarating siya sa isang tulay at naisip niyang tumalon dito, para mawala na lahat ng sakit na kaniyang nararamdaman. Ngunit habang sinusubukan na niyang tumalon ay biglang may tumawag at humila sa kaniya palayo sa tulay. Ito ay ang tagapagmana at may-ari ng Luxury Hotel na si Brent Clamente.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
5 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status