Home / Romance / The Secret Heirs / Chapter 3 Falling In Love

Share

Chapter 3 Falling In Love

last update Last Updated: 2025-05-07 22:24:39

Makalipas ang labing dalawang oras, nakarating na si Diane sa Canada at agad na niyang pinuntahan ang kanyang mag-ama. Sa kanyang pagmamadali ay nakita niya ang kanyang anak na si Grace na kasama si Anika na tinuturing na ina. Nang dahil sa nakita ay nagdisisiyon na si Diane na sumuko sa pinapangarap niyang pakikipagbalikan kay Rico. Kaya naman agad na niyang pinermahan ang dokumento ng diborsiyo at ibinigay niya kay Rico. " Rico, pumapayag na ako sa gusto mong hiwalayan, napermahan ko na iyan, sana naman ay alagaan at ingatan mo ang ating anak.  " sabi ni Diane sabay abot kay Rico ng mga dokumento ng diborsiyo. " Salamat naman at pumayag ka na, Oo naman, iingatan at aalagaan ko ang ating anak, kahit hindi mo na iyan sabihin, gagawin ko. " tuwang sabi ni Rico sabay kuha ng mga dokiyumento ng diborsiyo.

Bumalik na ng Pilipinas si Diane at nagdisisiyon na tanggapin ang kagustuhan ng kanyang ama na siya ang mamahala ng kanilang kompaniya. Naging maganda ang pamamahala ni Diane kung kaya naman ay lalong lumago ang kita ng kanilang kompaniya. Magkakaroon ng isang magarbong pagdiriwang dahil sa natamo nilang tagumpay. Hindi alam ni Diane na matalik na kaibigan ng kanyang ama ang ama ni Brent, kaya naman laking gulat niya na makita si Brent sa pagdiriwang. Nilapitan ni Brent si Diane, " Magandang Gabi binibini, muli tayong nagkita. " magalang na bati ni Brent kay Diane. " Magandang Gabi din Ginoo, nagkita na ulit tayo, isa ka rin ba sa mga kliyente ng aking ama? " tanong ni Diane na may halong pagtataka. " kaibigan ng aking ama ang iyong ama. " nakangiting tugon ni Brent. " ang galing naman, maliit talaga ang mundo. " tuwang sabi ni Diane. Masayang nagkukuwentuhan sila habang umiinom ng wine sa pagdiriwang.

Habang lumilipas ang araw, lumalalim  na ang pagtingin ni Brent kay Diane. Laging sinasamahan ni Brent si Diane sa mga pagpupulong niya sa labas ng bansa. Hindi alam ni Brent na tinatangi na rin siya ni Diane. Nagplano si Brent ng isang magarbong hapunan sa isang mamahaling restaurant, balak na niyang magpahayag ng kaniyang damdamin kay Diane. Tinawagan ni Brent si Diane, " Hello, Diane, puwede ka ba bukas ng gabi? " nahihiyang tanong ni Brent. " ahhhhmmm, puwede naman ako bukas ng gabi, bakit mo naitanong? " nagtatakang tanong ni Diane. " ahhh, kasi yayayain sana kitang kumain sa labas, okay lang ba? " nahihiyang tanong muli ni Brent. " Oo naman, sige, sunduin mo na lang ako dito sa bahay ng mga 6:00pm. " nakangiting tugon ni Diane. " okay sige, salamat, " nakangiting sabi ni Brent na nagtatalon sa tuwa.

Kinabukasan, maagang pumasok si Diane sa opisina para tingnan ang kaniyang mga talaarawan, at nakita niyang may pagpupulong siya sa isang kliyente nila sa oras ng kanilang hapunan ni Brent mamaya. kaya naman agad niyang kinansela ito. Samantala, si Brent naman ay agad nagtungo sa bilihan ng mga bulaklak at ng mga alahas. Nagpagawa siya ng isang malaking kumpol na mga rosas at bumili din siya ng mamahaling kuwintas para ibigay mamaya kay Diane. Palapit nang palapit ang oras ng kanilang pagkikita. Namimili na ng damit at sapatos si Diane. Samantalang si Brent ay patungo na sa bahay nina Diane para sunduin siya. Nang makarating na si Brent kina Diane, sakto naman na nakahanda na si Diane. Pinapasok na ng kasambahay si Brent at pinaupo sa sala habang hinihintay si Diane bumaba ng hagdan. Habang bumababa si Diane ng hagdan, napatulala si Brent sa sobrang kagandahan ni Diane. Kinuha ni Brent ang kamay ni Diane at sinabing, " Napakaganda mo ngayong gabi. " sabay halik sa kamay ni Diane. Napangiti na lamang si Diane sa sinabi ni Brent.

Nagtungo na sila sa restaurant at nang sila ay nakarating, nagulat si Diane sa nakita, walang ibang taong kumakain at napakaganda ng kagayakan ng kanilang mesa pati na rin ang paligid punong-puno ng mga palamuti na kumikinang sa ganda. " Wow, napakaganda naman dito, bakit walang mga kumakain? " namangha at nagtatakang tanong ni Diane. " ahhh, nirentahan ko kasi ang buong restaurant kaya walang ibang taong kumakain. " nakangiting paliwanag ni Brent. Nagtungo na sila sa kanilang upuan habang dinala na sa kanilang mesa ang kanilang pagkain. Habang kumakain ay masayang nagkukuwentuhan at nagtatawanan sila. Makalipas ang ilang minuto, handa nang magtapat ng nararamdaman si Brent. Kinuha ni Brent ang kamay ni Diane, " Diane, may gusto akong sabihin sa iyo, kaya lang ay hindi ko alam kung paano ko sisimulan. "  ani ni Brent habang hawak ang kamay ni Diane. " Ano ba ang sasabihin mo? " nagtatakang tanong ni Diane. " Ganito kasi iyon, simula kasi noong nakita kita sa may tulay at iniligtas, hindi ka na maalis sa isipan ko, akala ko noong una ay wala lang iyon, ngunit noong pangalawang pagkikita natin sa Bar ay bumilis ang tibok ng puso ko, doon ko napagtanto na tinatangi kita, tapos nalaman ko sa aking ama na kaibigan niya ang iyong ama, kaya naman ay laking tuwa ko nang malaman ko iyon. Kaya ngayon, lakas loob akong nagpapahiwatig sa iyo ng nararamdaman ko. " paliwanag ni Brent sabay abot ang mga bulaklak. Nabigla si Diane sa kaniyang narinig. Hindi niya alam ang kaniyang sasabihin. Napainom siya agad ng wine. Napangiti si Diane dahil pareho sila ng nararamdaman ni Brent. " Lubos din kitang tinatangi Brent. " nakangiting sabi ni Diane habang kinukuha ang mga bulaklak. Napasigaw at napatalon sa sobrang kagalakan si Brent. Kinuha ni Brent ang kuwintas sa blsa niya at isinuot sa leeg ni Diane. " Simula ngayon, rerespetuhin, mamahalin at hindi kita sasaktan na tulad ng ginawa sa iyo ng una mong asawa. Pormal din akong magpapakilala sa iyong magulang na iyong nobiyo. " nakangiting sabi ni Brent. " Salamat at dumating ka sa buhay ko. " naluluhang sabi ni Diane. Pinunasan ni Brent ang mga luha ni Diane at kinuha na muli ang kamay nito para yayain na magsayaw ng malambing na tugtog. Masayang inihatid ni Brent si Diane sa bahay nila. Habang napapaalam sila ay bilang paggalang ni Brent, hinalikan niya si Diane sa noo imbis sa labi. Hindi pa rin sila makapaniwala na magnobiyo at magnobiya na silang dalawa.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Secret Heirs   Chapter 5 The New Diane Zamora

    Makalipas ang dalawang araw, nang nasa opisina si Diane, may iniabot sa kaniya ang sekretarya niya na isang mga dokumento ng isang kliyente. Nagulat ito sa nabasa at nakita, nagmula ito sa kaniyang dating asawa na si Rico na gustong mamuhunan sa kanilang kompaniya. Agad naman niya ito pinaalam sa kaniyang ama. " Pa, may natanggap akong gusto mamuhunan sa ating kompaniya, ngunit hindi ko po alam ang gagawin ko dito. " ani ni Diane sa ama. " Di ba, alam mo na ang dapat gawin diyan, teka, kanino ba nagmula iyan? " nagtatakang tanong ng ama ni Diane. " Pa, sa dati ko pong asawa na si Rico. " tugon ni Diane. " Sige, ganito ang gawin mo, hindi ba, may gaganapin tayong pagdiriwang sa susunod na dalawang araw, padalhan mo siya ng imbitasiyon." mahinahon na sabi ng ama ni Diane. " okay sige po, Pa, gagawin ko po. " magalang na sabi ni Diane.Habang inuutos ni Diane sa kaniyang sekretarya na padalhan ng imbitasiyon si Rico ay biglang tumawag si Brent. " Hello, busy ka ba Diane? ". tanong ni Bre

  • The Secret Heirs   Chapter 4 Meet The Parents

    Kinaumagahan, maganda ang gising ni Diane at nakita ito ng kaniyang ama, " Aba! tila yata na maganda ang gising ng aking magandang anak. " nakangiting sabi ng ama ni Diane. " Pa, may sasabihin po ako sa inyo. " ani ni Diane habang patungo sa kanyang ama. " Ano iyon anak? Mukha yatang importante iyang sasabihin mo, ah? " nagtatakang tanong ng ama. " Pa, nobiyo ko na po si Brent. " tugon ni Diane habang hindi makatingin ng diretso sa kanyang ama. Hindi na nagulat ang ama ni Diane sa sinabi niya sapagkat matagal na pala niyang gusto na si Brent ang maging asawa ni Diane. " Talaga ba, masaya ako para sa inyo, tatawagan ko agad ang ama ni Brent para yakagin sila na kumain sa labas at ipagdiwang ang inyong relasiyon. " natutuwang sagot ng ama ni Diane. Nagtataka si Diane sa kanyang ama kung bakit ganoon na lamang kasaya ito noong sinabi niyang nobiyo na niya si Brent. " Pa, sobra naman po yata ang inyong kagalakan, hindi man lang po kayo nagalit o nagtaka, bakit po, may hindi po ba kayo nas

  • The Secret Heirs   Chapter 3 Falling In Love

    Makalipas ang labing dalawang oras, nakarating na si Diane sa Canada at agad na niyang pinuntahan ang kanyang mag-ama. Sa kanyang pagmamadali ay nakita niya ang kanyang anak na si Grace na kasama si Anika na tinuturing na ina. Nang dahil sa nakita ay nagdisisiyon na si Diane na sumuko sa pinapangarap niyang pakikipagbalikan kay Rico. Kaya naman agad na niyang pinermahan ang dokumento ng diborsiyo at ibinigay niya kay Rico. " Rico, pumapayag na ako sa gusto mong hiwalayan, napermahan ko na iyan, sana naman ay alagaan at ingatan mo ang ating anak. " sabi ni Diane sabay abot kay Rico ng mga dokumento ng diborsiyo. " Salamat naman at pumayag ka na, Oo naman, iingatan at aalagaan ko ang ating anak, kahit hindi mo na iyan sabihin, gagawin ko. " tuwang sabi ni Rico sabay kuha ng mga dokiyumento ng diborsiyo.Bumalik na ng Pilipinas si Diane at nagdisisiyon na tanggapin ang kagustuhan ng kanyang ama na siya ang mamahala ng kanilang kompaniya. Naging maganda ang pamamahala ni Diane kung kaya

  • The Secret Heirs   Chapter 2 New Friend Arrived

    " Miss, tumigil ka, huwag kang tatalon!", pasigaw na sabi ni Brent sabay hila kay Diane sa may tulay. " Aray!!! ano ba? bakit mo ba ako pinipigilan? gusto ko nang mamatay, ayaw ko nang mabuhay pa, abayaan mo na lang ako, puwede ba? ", pagalit na tugon ni Diane sabay alis ng kamay ni Brent sa braso niya. " ahhh, ikaw pa ngayon ang galit, kung may problema ka, hindi solusiyon ang pagpapakamatay, naisip mo na ba ang maaari mong maiiwan na mahal sa buhay, sa tingin mo, matutuwa ba sila na mamatay ka? hindi naman di ba? " paliwanag ni Brent habang pilit na pinipigilan si Diane. " gusto na akong iwan ng asawa ko, siya lang ang gusto kong makasama habangbuhay, tapos ngayon, gusto mong isipin ko yung mga nagmamahal sa akin. " pagalit na sagot ni Diane. " bakit, asawa mo lang ba ang may karapatang mahalin ka? Nandiyan pa ang iyong ama, at mga kaibigan, " mahinahong sabi ni Brent habang pinapakalma si Diane. Napaisip nang bahagya si Diane sa mga sinabi ni Brent sa kanya. " Oo, tama ka nga. " ma

  • The Secret Heirs   Chapter 1 Secret Affair

    Rico, isang negosiyante, guwapo, makisig. Diane, maganda, mapagmahal sa pamilya, mahaba ang pasensiya, asawa ni Rico at isang heridera ng kompanyang Zamora's Hotel And Accessories. Anika maganda, first love ni Rico. Brent, guwapo, matipuno, matalino, at tagapagmana ng Luxury Hotel. Nikki, matalik na kaibigan ni Diane.Makalipas ang pitong taong pagsasama nina Rico at Diane, naging malamig na ang pakikitungo at nawawala na ang pagmamahal ni Rico kay Diane, ngunit binabalewala lang ito ni Diane sapagkat labis pa rin ang pagmamahal nito kay Rico. Naniniwala pa rin si Diane na babalik ang pagmamahal ni Rico sa kanya. Subalit hinintay ni Rico si Anika, ang kanyang unang pag-ibig, para makasama at ito ay inaalagaan niya ng sobra na para bang kanyang asawa." Rico, kumain naman tayo sa restaurant, " aya ni Anika na may kasamang lambing at may kasamang paghimas sa dibdib nito. " okay sige, saan mo ba gustong kumain na restaurant? " nakangiting tanong ni Rico habang kinikilig sa ginagawa sa ka

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status