"Secretary Kim anong tingin mo dito sa place maganda ba? Tingin mo magugustuhan ni Nancy dito." Tanong ni Marc habang nakatingin sa computer at ini-scroll ang mga pictures sa isang restaurant."Wow ang ganda. Opo gusto ko jan, ay I mean si Nancy malamang po magugustuhan nya yan. Saan po ba yan?" Biglang naexcite si Kim sa nakita. Garden inspired yung restaurant at parang ang romantic ng place."Sa Le Milia Bar Restaurant ni Reymund at Ana." Kinuha ni Marc ang cellphone na nasa table at tinawagan si Reymund. Nagmessage din ito sa account ni Nancy at nagpasalamat sa kanya na pumayag siyang makipag date. Natuwa siyang binalewala nito ang schedule kay Samantha para makipag-date sa kanya.Paglabas sa trabaho ay dumiretso si Kim sa kaibigang si Leslie para manghiram ng dress na isusuot nya. Araw ng sabado habang nagaayos sa harap ng salamin ay lumapit sa kanya ang anak na si Dj."Mommy why are you so pretty today? Magkikita ba kayo ni Daddy?" "Ha. Oo nak!" Wala sa sarili niyang sabi.
"1 2 3 4 5...!" Kunyaring nagbibilang sa kawalan si Kim."What's that?" Nagtakang tanong ni Marc sa kinikilos ni Kim"Ha? Bakit?""Parang wala ka sa sarili mo!""Ha?" Tumawa si Kim. "Pasensya ka na sinumpong na naman yata ako. Kalalabas ko lang kasi sa mental hospital eh. Minsan may mga ginagawa ako na hindi ko alam." Maya maya ay nagkunyaring may kinakausap si Kim sa katabi kahit wala namang tao dun. Panay din ang tawa niya. Hindi pa rin siya sumusuko, pursigido talaga siyang maturn off sa kanya si Marc at mawala ang nararamdaman nito sa kanya."From now on, I'll always be by your side. You just need someone to always talk to para gumaling ka na ng tuluyan."Napangiwi si Kim sa narinig. "Alam mo bang napakalakas ko maghilik sa gabi. Rinig hanggang kapitbahay.""Willing akong tumabi sayo sa pagtulog. Okay lang sakin kahit naghihilik ka. Gigisingin kita kapag napapalakas na yung hilik mo." "Grabe ang kati ng paa ko." Naghubad siya ng sapatos at nagkamot ng paa."Hanggang ngayon kasi
Walang nagawa si Marc ng bumaba si Kim sa kotse niya. Para siyang nanghina sa sinabi nito. Ngayon lang may tumangging babae sa kanya kaya bagong bago sa kanya ang pakiramdam na yun. Nasaktan siya sa sinabi ni Nancy na hindi siya nito gusto at walang interes sa kanya. Ni hindi man lang siya nito binigyan ng chance na patunayan ang sarili. Gustong gusto niya si Nancy. Kailan lang ng makilala niya ito pero hindi niya mapigilan ang sarili niya. Hindi pa niya ito gaanong kakilala pero pakiramdam niya ay matagal na niya itong nakasama. Alam naman niyang nagdadahilan lang ito ng kung ano ano para lang layuan niya. Pursigido siyang magustuhan siya nito kaya hindi siya sumuko. Hindi niya alam kung totoo ang sinabi nitong may anak na o isa lang din sa mga dahilan niya pero totoo man yun o hindi ay walang problema sa kanya. Gusto niya si Nancy kaya lahat sa pagkatao nito ay kaya niyang tanggapin. Umalis na lang siya sa lugar na yun ng mabigat ang loob. Pag uwi sa condo niya ay dumiretso siya sa
Nakatayo si Marc sa gilid ng table niya pagpasok ni Kim sa loob. Nakapamewang din ito. Napatingin ito sa kanya pagpasok niya. Nakayuko siyang lumapit kay Marc. Sobra ang kaba niya. Expect niyang tatanungin siya nito sa narinig kanina tungkol sa secret nila ni Ms. Gomez. Pakiramdam niya ay nabisto na ni Marc na nagpapanggap lang siya sa ibang anyo at ang masama pa doon ay mamukhaan siya nito na siya si Nancy."Sir!" Aniya paglapit niya. Iniwasan niyang tumingin sa mga mata nito. May ilang segundo bago ito nagsalita."Have you emailed the proposal to Mr. Hernandez?" "Yes Sir!" Tumingin si Kim kay Marc. Agad din siyang umiwas nang tumitig ito sa mata niya."What did he say?" "He hasn't replied yet." Sagot niya. Tumingin na lang siya sa mga document na nakapatong sa mesa."What?" Tanong ni Marc."Ahm hindi pa po siya nagrereply, Sir!""Come again?!" Tanong uli nito. Malinaw naman ang pagkakasabi niya at sigurado siyang narinig yun ni Marc pero nagtataka siyang pinapaulit ulit pa siya nit
"Anong gagawin natin baka tuluyang maghiwalay ang mag asawa." Napatingin si Kim kay Ana nang sabihin niya yun. Nasa office ni Marc si Reymund at Ana. Si Kim naman ay nakikinig sa usapan ng magkakaibigan habang abala sa trabaho. "Wala tayong magagawa jan away ng mag asawa yan. Hindi tayo pwede makealam." Sagot ni Marc habang nakatingin sa computer."Next month na yung kasal namin ni Reymund, ayoko namang ikakasal kami tapos sila maghihiwalay." Namroblema si Ana sa sitwasyon ni Suzet at Darwin nang mag away ang dalawa at umalis si Darwin sa bahay nila."Love huwag mo ng masyadong isipin yun alam ni Darwin ang gagawin nya." Baling ni Reymund sa asawa."Hindi naman maghihiwalay yung dalawa. Mag aaway lang yan pero hindi yan maghihiwalay." Ani Marc."Wait diba pupunta tayo sa resort sa Batangas, ituloy na natin yun baka doon sila magkaayos." Napangiti si Ana sa ideya."Bahala ka na magset jan mag usap lang kayo ni Secretary Kim sa schedule ko." Napatingin si Marc kay Kim."Kim sama ka ha
Matapos kumain ay nagpasya silang mag swimming.Namroblema si Kim sa susuotin dahil hindi naman sya pwedeng magpalda at magblazer. Napilitan na lang sya mag short naisip nya na mabuti ay may dala syang oversized tshirt kaya kahit papano ay matatakpan ang katawan nya basta huwag lang mababasa kundi babakat ito sa katawan nya dahil manipis ang tela nun. Naisipan na lang niyang huwag maligo sa swimming pool. Delikado na siya dahil lumabas na yung anyo niya. Yung katawan na lang niya ang kailangan niya ingatan. Hanggat hindi siya kinokompronta ni Marc ay pipilitin niya pa ring itago ang sarili.Tumabi sya kay Suzet na nakaupo sa gilid ng pool. Wala din ito sa mood mag swimming dahil sa problema kay Darwin."Hindi ba kayo magsi-swimming?" Tanong ni Ana sa dalawa habang nakababad sa swimming pool."Hindi!" Sabay na sabi ng dalawa.Ana: Bes kausapin mo na si Darwin. Kapag pinatagal nyo yan mas mahihirapan na kayo ayusin yan.Suzet: Kapag naiisip ko kasi si Nicole. Yung hikaw, yung lipstick m
Hininto ni Marc ang kotse sa kanto ng subdivision na pinaghatidan niya noon kay Nancy. Ngayon niya mako-confirm kung talagang si Kim nga si Nancy. Nagsimula ang hinala niyang yun ng makita niya itong sumasayaw sa office. Nagulat siya na makita sa ganung ayos si Kim. Kakaiba parati ang pananamit nito kaya hindi niya expect na may tinatago itong magandang katawan. Mas nabigla siya dahil si Nancy ang nakikita niya sa ganung katawan ni Kim. Hindi na niya sana yun papansinin pero naisip niya na pareho sila ng boses. Hanggang makita niya ito nung nag aasaran sila ni Stella. Para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng makita niya ang itsura ni Kim dahil si Nancy ang nakikita niya. Saglit lang niya yun nasulyapan dahil hinarangan na ni Ms. Gomez. Inisip niya na siguro ay magkamukha lang sila ni Nancy. Hindi naman siguro siya gagaguhin ni Kim dahil alam niya kung gaano siya nasaktan nung tanggihan ni Nancy. Kay Kim lang din siya nakapag labas ng bigat ng loob niya nun. Alam ni Kim kung gaano
Ilang araw ang lumipas, naramdaman ni Kim ang pagbabago ng pakikitungo sa kanya ni Marc. Napakalamig nito. Kinakausap lang sya nito kapag merong itatanong o iuutos sa kanya. Sobra ang galit sa kanya ni Marc na hindi nito magawang patawarin siya. Hindi siya nito pinayagan magresign para maramdaman niya yung galit nito. Feeling niya ay yun ang consequence na sinasabi nito. Alam ni Kim na deserve niya yun. Sa ginawa niya kay Marc, baka kulang pa ang parusang yun.Kasabay niyang nag lunch ang kaibigang si Leslie. Kasama na niya itong nagtatrabaho sa Chavez Land kaya kahit papano ay natuwa siyang mag stay pa sa kumpanyang yun. Si Marc ang nabungaran niya sa canteen pagdating nila dun ni Leslie. Bihirang bihira lang niya makita si Marc na sa canteen kumakain. Madalas kasi ay sa restaurant sa labas ito kumakain. Matapos nila pumili ng pagkain sa counter ay pumwesto si Leslie sa table ni Marc at Darwin, wala siyang nagawa kundi tumabi na din doon. Nakwento sa kanya ni Leslie na dati niyang k