Share

Chapter 12

SYD

NAGPAHINGA lang ako ng isang oras at bumangon na rin ako mula sa aking pagkakahiga. Hindi ako agad tumayo. Pa-indian sit lang muna akong umupo sa ibabaw ng aking kama. Itinukod ko ang isang siko sa gilid ng tuhod at pumangalumbaba.

Sa totoo lang, hindi pa rin humuhupa ang pagkainis ko kay Kuya Lemy. Oo nga’t ipinagpahinga ko ang pagod kong katawan ngunit paikot-ikot naman na naglalaro sa isip ko ang mga salitang binitiwan niya kanina.

Napansin ko na ang biglang pagbabago ni Kuya Lemy kay Migs, simula no’ng gabi na nahuli niya kami na magkasama.

Bakit ba kasi s’ya tutol na magkalapit kaming dalawa ni Miguel? May mali ba ro’n? Kung tutuusin, hindi na rin naman bago sa kaniya ang totoong nararamdaman ko para kay Migs. Aware sila ro’n ng pamilya namin noon pa. Kaya hindi ko pa rin ma-gets kung bakit kailangan niyang mag-react nang gano’n?

Hindi ba dapat matuwa pa nga siya kung sakali mang maging kaming dalawa? Dahil unang-una, kilala na naming lahat si Miguel. Malapit siya sa aming
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status