LOGIN"Oh my gracious! Talaga?" Sabi ko naman kasi sa'yo, teh, sa beauty mong 'yan?" Ayan na naman si Cyril sa kanyang bunganga. Alam na kasi niya na ako yung napili para dalhin sa states.
"Oh, ano, what's your plan? Ano ba! Wag ka nang mag-isip pa, say yes na!" Gusto ko na lang ngayon mahawaan ng pagiging energetic niya. "Hindi ko pa alam, pinag-iisipan ko pa... kawawa naman yung mga student ko pag iniwan ko," nalulungkot kong usal sa kanya. "Ahhh..." Parang bumigat yung pakiramdam ko nang hampasin na naman ni Cyril yung ulo ko. "Ano ba!" ganting hampas ko sa ulo niya. "Ang sakit mo manakit, Cyril!" asik ko pa dito. Ang sakit talaga, parang nauntog ako dahil sa katangahan ko eh! "Ginawa ko 'yan para magising ka naman, Phoebe! Para na 'yun sa future mo, studyante mo pa rin iniisip mo? Pwede mo naman silang balikan, pero yung opportunity na ganyan, girl, once in a lifetime 'yan!" pangangaral nito. "Oo na, Cyril, atat na atat naman 'to eh," asik ko sa kanya. Pambihirang babae, ang sakit ng ulo ko. Hayst, ito na ba 'to? Ito na ba yung nararamdaman kong kaba bago ang Valorin launching? In The Morning-- "Sige na, anak, mag-iingat ka doon! Wag kalimutang tumawag sa akin ha?" pagpapa alala ni Mama. "Opo, Ma." Nandito kami ngayon sa airport dahil flight namin to Paris. Pumayag na rin ako, actually papayag naman talaga ako. Naaawa lang kasi ako sa mga estudyante na maiiwan ko dito. "Wag ka nang malungkot, mag-iingat ka!" sabay kiss ni Cyril sa pisngi ko at nagyakapan kami. "Mag-iingat ka rin dito, text-text lang," usal ko rin sa kanya. "So sorry ladies, but miss sinclair we need to go now," biglang sulpot ni Miss Zach sa gilid ko. Ngayon ko lang nalaman ang pangalan niya dahil sa card na binigay niya sa akin. Never ko kasi tiningnan 'yun nung binigay niya, kahapon lang nang tumawag ako na ready na ako. Sout niya ang isang kulay ginto na terno na parang coat na dumadagdag sa ganda niya. "Let's go, Belphoebe, your future is waiting for you," aya nito. Nagyakapan muna kami ni Mama at pagkatapos noon, umalis na kami upang sumakay sa private jet na pagmamay-ari ni Miss Zach. Habang nakatunganga ako sa bintana ng jet, hindi ko maiwasang maiyak. Grabe, na ho-homesick na ba ako? Namimiss ko agad sila Mama at Cyril, lalo na yung mga estudyante ko. Ramdam kong may yumakap sa akin at pagtingin ko, si Miss Zach pala. Nakangiti ito sa akin kaya ginantihan ko rin ng ngiti. "All suffering is rewarded with relief, so brace yourself." Everything Has An Reward Fast-forward-- (Six Months Later) "Belphoebe, you have improved so much, and you make me incredibly proud. I'm so grateful I chose you,you are my successor." Niyakap ako ni Miss Zach habang umiiyak, matapos ang matagumpay na paglulunsad ng Zach Inc., kung saan ang kanyang mga likha at disenyo ng damit ang siyang minodel. "Thank you for the opportunity as well," tugon ko, at humiwalay na kami sa yakap. "Yes, yes, and now we will celebrate your new endorsement!" masayang sambit niya, na sinundan ng palakpakan ng aming mga kasamahan sa loob ng isang eleganteng restaurant. Isang malaking selebrasyon ang gaganapin ngayun lalo't na maraming blessing ang dumating sa kanya at sakin. "Attention everyone" Sigaw nito kaya napatingin ang lahat sa gawi namin, kumuha siya ng isang wine glass at ininaas iyon,"Cheers everyone for the success of the Zach INC. launching and for the new endorsement of Belphoebe Sinclair as the new ambassador of NIKE Inc!" anunsyo niya, na nagdulot ng masigabong palakpakan mula sa lahat. Wala akung ibang iniisio kundi damhin ang saya sa aking puso, alam kung proud si mama ngayun lalo na sa mga narating ko sa loob ng anim na buwan, napakabilis ng proseso talagang worth it ang paghihirap basta magtiis lang. -- Panibagong karanasan ito sa akin lalo na sa ibang bansa, isang bagong mundong tinatahak at patuloy ko pang tatahakin. Sa loob ng anim na buwan, nawalan ako ng koneksyon kina Mama at Cyril. Talagang pinagbawalan ako ni Miss Zach na gumamit ng kahit anung gadgets na pwedeng maka-contact sa kanila dahil, noong unang dating namin dito, halos gusto ko nang umuwi agad ng Pilipinas. Kaya naman kinuha niya muna ang lahat ng gadgets ko at kahapon niya lang sinauli sakin. "I'll keep telling you this, Miss Sinclair,you make me proud. You give me the motivation to think more and create more clothes. You're my lucky charm." sabit nito at napapaiyak nanaman. "Thank you so much, and here are your gadgets." ramdam ko ang lungkot sa kanyang tono habang inaabot sakin yung laptop,tablet at cellphone ko. Kahit ako rin nakaramdam ng lungkot dahil napalapit na rin ang loob ko sa kanya. "You take care and don't forget to message me if you need anything, okay?" pagpapaalala nito, gosh namiss ko na si mama, uuwi na kasi ako ng Philippines since wala na rn naman kung gagawin pa dito, kaya stay muna ako sa pilipinas babalik nalang ulit pag may mga bagong project. "I won't be able to personally escort you back to the Philippines. I'm so sorry." nahihiyang usal nito, hinawakan ko ang dalawang kamay niya at mahinang pinisil. "It's perfectly fine, no problem at all miss zach, I'm gonna miss you" di ko napigilan ang luha ko at umiyak na rn, she's important to me although, hindi kami katagalan nag sama. Hinatid niya ako sa loob ng kanyang private jet, na siyang sinakyan din namin noong unang punta ko rito. Pagkatapos niya akong ihatid, umalis na rin siya dahil marami pa siyang aasikasuhin. Pagbukas ko ng cellphone ko, si Mama agad ang tinawagan ko, pero hindi niya sinagot. Nakalimang tawag pa ako ngunit hindi niya pa rin sinasagot. Bakit kaya? Hays! Binaba ko na lang ang tawag sa kanya at tinawagan si Cyril, na sa dalawang ring pa lamang ay sinagot na agad. "Oh my gracious, Phoebe girl, nagparamdam ka rin! Kamusta ka na? Uwi ka na ba?" Bakas ang sobrang saya sa boses niya. Nako, itong babae. "Oo, 'te, pauwi na. Maya na 'yang chika na 'yan pag nakarating na ako diyan. Itatanong ko sana kung nagkita kayo ni Mama... Teka, saan ka ba ngayon?" "Ha? Teka-teka, punta lang ako sa banyo, maingay kasi dito." Rinig ko ang boses na nagtatawanan kaya ni-loud speaker ko na lang yung cellphone ko at nilapag sa mini table sa harapan ko. Mag-isa lang naman kasi ako dito, hindi dalawa pala at yung isang crew na taga-Paris, hindi rin naman maiintindihan ang Tagalog. "Ha ano ulit sabi mo phoebe?" paguulit nito, "sabi ko saan ka ngayun?" paguulit ko rn, nako babaeng to. "Nasa company, my practice kasi you know may panibagong launching nanaman, pauwi kana ba at nakatawag kana?" "Oo, so nakikita mo jan si mama? hindi kasi sinasagot yung tawag ko" usal ko dito. "Ay..." biglang tumahimik ang linya niya kaya tiningnan ko kung naka end na pero hindi naman, "Cyril jan kapa ba?" pagtawag ko dito. "Haaa? uhmm sorry phoebe kailangan ko nang e end ang call kita nalang tayo dito haaa.. ingat ka sa flight mo, i love you and I missed you, mwuah.. bye" at pinatay niya agad ang tawag nang hindi pa ako nakakasagot. Hinayaan ko nalang ang cellphone ko at sumandal sa sandalan ng upuan, hays parang bumalik nanaman yung kabang naramdaman ko 6 months ago before the valorin launching. May mangyayari nanaman ba? kakainis naman parang panic na panic ako na hindi ko alam, nag papawis na rn yung palad ko, habang Iniisip ko na pauwi na ako ng pilipinas hindi rn mawala sa isip ko ang kaba na hindi ko alam.. hay ewan ko parang pakiramdam ko ang komplikado!Sinalubong ako ng kaba habang pinaghahandaan ang sarili sa kung ano mang naghihintay sa likod ng pintuan. Dapat handa ang bawat hibla ng aking kalamnan.Pinihit ko ang doorknob at agad na binuksan iyon. Sumalubong sa akin ang busangot na mukha ni Cyril.Kumunot ang noo ko. "Anong problema mo?" tanong ko, senenyasan siyang pumasok sa kwarto. Nakatayo pa rin siya sa labas ng pintuan kahit narating ko na ang paanan ng aking kama."Ano pa'ng ginagawa mo diyan? Halika na!" asik ko.Umiling lang siya, ayaw gumalaw. Inis akong bumalik sa kanya at hinila siya papasok, ngunit mas malakas ang hila niya palabas."T-teka, aray!" bawi ko sa aking kamay at hinampas ang kanya."Ano ba?!" inis kong tanong. "Doon tayo sa loob? Baka may makarinig sa usapan natin, ewan ko na lang," sabi ko at akmang papasok sa kwarto nang hilain niya ako deretso pababa ng hagdan."BALIW KA, CYRIL! MALALAGLAG TAYO! MAY ARAW KA TALAGA SA AKIN!" sigaw ko habang patakbo kaming bumababa sa hagdan."ANO BA?!" sigaw ko nang it
Tatlong araw rin akong nagtagal sa bahay na walang gumugulo, at napagdesisyunan kong ituloy ang plano kong agawin si Slade kay Seraphina.Gusto kong makita siyang maging isang baliw na babae."Uuwi na po ba kayo, Ma'am?" tanong ni Yaya habang nagpupunas ng mga platong bagong hugas."Opo, pero baka babalik din ako mamaya," sagot ko."Ah, sige. Ayaw niyo bang magbaon ng ginataang pakbet?" Umiling ako. "Magdadala na lang po ako ng mga gulay dahil gusto ko ring ipagluto si Slade."Ngumiti siya sa akin at binitawan ang platong pinupunasan niya. "Ako na lang ang maghahanda ng mga gulay. Sandali lang," paalam niya at lumabas sa pintuan ng kusina, kung saan sa likuran ng bahay naroon ang sarisaring gulay na nakatanim.Hobi niya rin kasi ang magtanim ng mga gulay, dahil mas gusto raw niya na siya ang nagtatanim at nagpapataba para walang halong kahit anong kemikal.Napatingin ako sa cellphone kong nag-vibrate sa ibabaw ng mesa dahil inilapag ko lang doon kanina nang kumain kami.Inabot ko ito
Napasimangot ako pagkatapos namin mag-usap ni Miss Zach—hindi ako pinayagan ni Slade na umalis ngayong araw. May pupuntahan daw kami,Family Gathering."Are you done?"Tiningnan ko siya sa salamin kung saan ako naka-upo, nakikita ko roon ang kanyang repleksyon. Nakatayo siya sa pintuan, ang dalawang kamay nasa magkabilang bulsa."Hindi pa," maikli kong sagot at nagpatuloy sa pagsuklay ng buhok."Kailangan na nating umalis—we're so late," ma-autoridad niyang usal.Bumuntong-hininga na lang ako at inilapag ang suklay sa mesa sa harap ko."Sige, antayin mo na lang ako sa sala," walang gana kong sabi at tumayo para tumungo sa banyo para mag-toothbrush.Tulad ng sinabi ko, umalis na siya, pagkatapos kong magsipilyo, hindi ko na siya nadatnan. Pumunta ako sa sala at nakita siyang prenteng naka-upo sa couch."Lets go," usal ko nang magkatapat na kami. Lumingon siya sa akin pero hindi man lang tumingin sa aking mga mata—agad itong umiwas at tumayo, naunang maglakad patungo sa labas ng bahay.
"Jusq, Ma'am Belphoebe at Ma'am Seraphina, tama na po!" sigaw ng isang katulong, tila nagmamakaawa. Ramdam ko ang kanilang paghihiwalay, ang init ng alitan na halos sumunog sa paligid.Hawak ako ni Mang Berto, ang kanyang mga kamay ay tila pilit na sinusuway ang nagngangalit kong katawan. Sa kabilang banda, si Slade, kunot noong nakatingin sa akin, ang kanyang ekspresyon ay halo ng pagtataka at pagkadismaya. Napabaling ang tingin ko kay Seraphina. Ang dating maayos niyang buhok ay isa nang gusot na pugad, para siyang hinabol ng limang aso at ginulungan ng bente mula sa tuktok ng bundok pababa."What the f*ck is wrong with you?!" bulyaw ni Slade sa amin, ang kanyang boses ay naglalaman ng galit at pagkabigla. "Ugh," panimula ni Seraphina, nagpapaawa ang boses na tila isang anghel na nasaktan, "I just wanted to be friends with her... pero nagalit siya kasi asawa ka raw niya at hiwalayan daw kita. Sabi ko, ayaw ko dahil mahal kita at ako yung una at totoong girlfriend mo... kaya sinabunu
Kinabukasan, bumalik ako sa mansion—sakay ng sarili kong kotse. Para kung sakaling atakihin ako ng pagka-drama queen at maisipang maglayas, handa na ang aking getaway car. Pagdating ko sa mansyon ng mga Medici, wala roon si Slade.’Siguro nag-out of town kasama ang jowa niya,’ bulong ko sa sarili ko. Dumiretso muna ako sa kusina para iwan ang mga groceries na pinamili ko—gagamitin ko mamaya sa pagluluto. Pagkatapos, nagtungo ako sa aking silid para magpalit ng damit. Magluluto ako ng almusal. Pagkababa ko, nakasalubong ko si Mang Berto na may bitbit na tasa. Mukhang nagkakape."Magandang umaga, Ma'am," magalang niyang bati."Belphoebe na lang po, Mang Berto. At nakakain na po ba kayo?" tanong ko habang papasok sa kusina."Hindi pa, Phoebe. Kakagising ko lang din kasi," sagot niya."Ah, kaya pala. Tara po, samahan niyo akong magluto," yaya ko sa kanya. Akmang kukuha ako ng kitchen knife nang pigilan niya ako. Nagtataka akong tumingin sa kanya, at ganun din siya sa akin. "May taga-pag
Pagkatapos ng usapan namin ni Slade, agad akong nagtungo sa aking silid. Hindi ko maiwasang mapaisip,tila pinaghandaan talaga nila ang lahat. Punong-puno ng mga branded na damit at alahas ang closet.Walang pag-aalinlangan, kumuha ako ng damit-pantulog at nagtungo sa banyo. Maging ang mga gamit para sa katawan ay kumpleto rin. Pagkatapos kong magbihis, kinuha ko ang aking cellphone at lumabas ng silid. Ayaw kong manatili roon.Nagpahatid ako kay Mang Berto pauwi. Pagdating ko sa bahay, sumalubong sa akin si Yaya Maris."Magandang gabi, Binibini," magalang niyang bati. "Akala ko po'y hindi na kayo uuwi!""Hindi rin po ako magtatagal doon. Pakiramdam ko, mamamatay ako sa gutom," biro ko sa kanya. "Sakto, Binibini, may luto ako dito," pagprisinta niya, sabay hawak sa kamay ko upang iupo ako sa mesa.Nakahain ang sari-saring pagkain, at mainit-init pa. Alas-onse na ng gabi, ngunit gising pa rin si Yaya Maris. Hindi kasi siya sanay na hindi ako nakauuwi, kaya inaantay niya talaga ako. Kapa







