Share

Chapter 5

Author: Angel
last update Last Updated: 2025-10-28 13:51:47

Pagkatapos ng flight, dumiretso muna ako sa bahay para makapagpahinga at umaasa ring baka nakauwi na si Mama, pero nalungkot lang ako na wala siya doon.

Hmmm, nung umalis ako, ganito yung gawi niya. Bakit hanggang ngayon ba? Tumagal ba ng anim na buwan 'yun?

Natulog muna ako at maagang nagising para abangan si Mama, pero saktong paggising ko ng madaling araw, nakaalis na ang kotse niya. Hindi niya ba alam na nakauwi na ako?

Kinuha ko ang cellphone sa side table ko at tiningnan kung tinext man lang niya ako o kahit man lang tumawag siya dahil nag-missed call ako sa kanya kahapon, pero ni isa, wala.

"Hays," tinawagan ko ang number niya pero hindi niya sinasagot. The fudge? Kinuha ko ang makapal kong coat at agad na kinuha ang susi ng kotse ko na iniwan ko lang din dito sa mesa ng side table ko. Parang ganito pa rin yung posisyon nung iniwan ko lang.

Sana nga lang talaga may gas pa yung kotse ko. Agad akong tumungo sa garage at dumiretso sa kotse ko at sinimulang i-on ang engine. Salamat lang talaga dahil may gas pa. Senenyasan ko yung guard na buksan yung gate, na ginawa niya rin.

Nagsimula na akong magmaneho nang mabilis para maabutan ko si Mama. Magaling naman ako mag-drive, hanggang sa di kalayuan, nakita ko yung kotse niya. Banayad lang ang pagpapatakbo nito kaya binagalan ko na rin yung pagpapatakbo ng kotse ko.

"Ma, saan ka ba talaga pumupunta ng ganitong oras at kinaumagahan ka na umuuwi?" di ko mapigilang maitanong sa kawalan.

--

Tumagal ang lihim kung pag sunod sa kanya hanggang sa tumigil ito sa isang malaking bahay, napakurap-kurap pa ako baka namamalikmata lang ako sa nakikita kung malaking bahay na 3rd floor pa, kaninong bahay to?

Nagsisimula nanamang kumaba yung dibdib ko sa iniisip ko, paano kung.. paano kung may bago siyang pamilya kaya ganito yung set up niya, uuwi siya ng ganitong oras sa bahay namin tas babalik agad dito.

Pinatay ko yung ilaw ng car ko bago mag park sa ilalim nang luni kung saan yung shadow nito ay nagsisilbing tago para sa kotse ko, bumaba siya sa kotse niya at lumingon-lingon pa sa paligid, bago lumapit sa gate at bumukas yun, para akung tinutulak kaya bumaba rn ako ng kotse upang sumunod roon.

Lumapit ako sa malaking gate na ito at nakita ko pa yung guard na nagkakape, napalingon rn ito sakin at muntik pang mabulunan.

"Good Morning po miss, ano pong kailangan niyo?" tanong nito, "anak ako ng babaeng pumasok dito bago lang, pwede mo ba akung papasukin?" magsasalita pa sana ito ng inangat ko ang cellphone ko kung saan magkasama kami ng mama ki sa pictures, "Belphoebe Sinclair" bigkas ko dito, walang alinlangang binuksan niya ang gate at hinayaan akung pumasok.

Halos malaglag ang panga sa sobrang laki ng garden na ito at yung mga magagarang kotcheng nakaparada sa garahe, parang isang billionaryo ang naka-uwi dito, iwinaksi ko ang pagkawili ko sa paligid at deretsong tumungo sa pintuan ng bahay, halos maririnig ko na ang kaba ng dibdib ko habang pinipihit ang doorknob ng pintuan na ito at tinulak pabukas.

Bumungkad sakin ang malaking hallway at kulay ginto na hagdan paakyat sa second floor, di ko alam pero parang naiiyak ako sa iniisip ko, what if nga kung totoong may pamilyang iba dito si mama? tas hindi niya sinasabi sakin.

"Belphoebe" Nilingon ko ang pinanggalingan ng malambing na boses na iyon kahit ang kabaliktaran ay parang lion na gutom.

"Ma, kamusta?" tanong ko dito habang pinipigalan ang luha ko at yakapin siya, ngunit siya na ang kusang lumapit sakin at yumakap, "kamusta ka anak? bat hindi ka man lang tumawag sakin? edi sana na sundo kita sa airport" usal nito habang nakahawak ang magkabilang kamay niya sa pisnge ko, parang gusto ko siyang sabihan na ilang beses ako tumawag sa kanya pero hindi niya man lang sinasagot.

"Okay lang yun ma, ang nais kung malaman lang ngayun ay kung kanino bahay to!" malumany kung tanong dito, binitawan niya ang pisnge ko at ngumiti sakin, "Sa atin" sagot nito, parang nag-echo yun sa utak ko ng paulit-ulit hanggang sa hindi ko na, na control ang emotions ko,"sa atin? paano naman tayo magkakaroon ng ganito ka laking bahay at magagarang sasakyan ma? anim na buwan lang ako nawala tas meron na tayung ganito?"

Bumuntong hininga ito at umupo sa couch habang ako ay nakatayo lang, inaantay ang sagot niya, "hays total andito kana rn, hindi ko na patatagalin pa ito," panimula niya, tahimik lang ako habang itong mga luha ko nag kukusang tumulo na sa mata ko.

"Hays napagplanuhan kung ipakasal ka sa panganay na anak ni mr and mrs. medici" parang nabingi ko at hindi ko nanarjnig ang kasunod na sinabi ni mama, "te-teka lang ma? anung sabi mo ulit? magpapakasal ako kanino?" pag uulit ko.

"Ikakasal ka sa anak ni mr and mrs. medici, at mangyayari yung kasalan sa katapusan" napahilamos ako ng kamay ko sa mukha at deretsong tumingin sa kanya."ayaw kung magpakasal ma" matigas kung sagot dito.

Napakurap ako ng dumampi ang kamay niya sa pisnge ko, ang sakit at ang hapdi.

"Wala kanag magagawa pa" ma-authoridad na usal nito sakin, sunod-sunod ang pag patak ng luha sa mata ko, sheyt ito naba yung kabang naramdaman ko? final naba talaga to?

"Ma, ano ba? Pagod na pagod na akong maging sunud-sunuran sa inyo! Sa buong buhay ko, wala akong ibang ginawa kundi sundin ang lahat ng utos at nais ninyo. Bakit ngayon, isang hiling ko lang, bakit ayaw niyo akong pagbigyan?" hindi ko na mapigilan umiyak, ang sakit sobra. Anak niya ako, bakit kailangan niyang mag desisyon na ako dapat?

Isang malakas na sampal nanaman ang natanggap ko galing sa kanya, na hindi ko na ikinagulat pa. Sanay na ako sa pananakit niya simula noong bata pa ako hanggang ngayon, na 23 years old na ako, lalong lalo na pag hindi ko sundin ang gusto niya mangyari.

"How dare you na sagutin ako ng ganyan? Ako ang bumuhay sayo kaya ako ang magdedesisyon. Kaya wala kang karapatan na kalabanin ang nais ko" Inis na sigaw niya sa akin, kulang na lang sabunutan niya ako.

"Ma, mali naman kasi kayo, ayaw ko pa po mag pakasal,ipapakasal niyo ako nang hindi niyo man lang ako tinatanong? ma, please babalik nalang ako ng paris." pagmamakawa ko, ngunit tanging titig lamang ang pinupukol niya sakin at walang bakas na naawa ito sakin.

Bakit ma?

"Enough!" Isang malakas na sampal ulit ang natamo ko sa kabilang pisngi ko na ikinabagsak ko sa sahig.

"Belphoebe Sinclair, sa gusto mo o hindi, magpapakasal ka sa lalaking 'yun." Parang echo ang boses niya na paulit-ulit sa tenga ko.

Bakit ganun? Pakiramdam ko, parang ginawa akong bayad sa hindi ko alam na utang. Ano ba ang kasalanan ko? bakit kailangan ipakasal ako sa taong hindi ko kilala at hindi ko naman mahal.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's   Chapter 14

    Sinalubong ako ng kaba habang pinaghahandaan ang sarili sa kung ano mang naghihintay sa likod ng pintuan. Dapat handa ang bawat hibla ng aking kalamnan.Pinihit ko ang doorknob at agad na binuksan iyon. Sumalubong sa akin ang busangot na mukha ni Cyril.Kumunot ang noo ko. "Anong problema mo?" tanong ko, senenyasan siyang pumasok sa kwarto. Nakatayo pa rin siya sa labas ng pintuan kahit narating ko na ang paanan ng aking kama."Ano pa'ng ginagawa mo diyan? Halika na!" asik ko.Umiling lang siya, ayaw gumalaw. Inis akong bumalik sa kanya at hinila siya papasok, ngunit mas malakas ang hila niya palabas."T-teka, aray!" bawi ko sa aking kamay at hinampas ang kanya."Ano ba?!" inis kong tanong. "Doon tayo sa loob? Baka may makarinig sa usapan natin, ewan ko na lang," sabi ko at akmang papasok sa kwarto nang hilain niya ako deretso pababa ng hagdan."BALIW KA, CYRIL! MALALAGLAG TAYO! MAY ARAW KA TALAGA SA AKIN!" sigaw ko habang patakbo kaming bumababa sa hagdan."ANO BA?!" sigaw ko nang it

  • The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's   Chapter 13

    Tatlong araw rin akong nagtagal sa bahay na walang gumugulo, at napagdesisyunan kong ituloy ang plano kong agawin si Slade kay Seraphina.Gusto kong makita siyang maging isang baliw na babae."Uuwi na po ba kayo, Ma'am?" tanong ni Yaya habang nagpupunas ng mga platong bagong hugas."Opo, pero baka babalik din ako mamaya," sagot ko."Ah, sige. Ayaw niyo bang magbaon ng ginataang pakbet?" Umiling ako. "Magdadala na lang po ako ng mga gulay dahil gusto ko ring ipagluto si Slade."Ngumiti siya sa akin at binitawan ang platong pinupunasan niya. "Ako na lang ang maghahanda ng mga gulay. Sandali lang," paalam niya at lumabas sa pintuan ng kusina, kung saan sa likuran ng bahay naroon ang sarisaring gulay na nakatanim.Hobi niya rin kasi ang magtanim ng mga gulay, dahil mas gusto raw niya na siya ang nagtatanim at nagpapataba para walang halong kahit anong kemikal.Napatingin ako sa cellphone kong nag-vibrate sa ibabaw ng mesa dahil inilapag ko lang doon kanina nang kumain kami.Inabot ko ito

  • The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's   Chapter 12

    Napasimangot ako pagkatapos namin mag-usap ni Miss Zach—hindi ako pinayagan ni Slade na umalis ngayong araw. May pupuntahan daw kami,Family Gathering."Are you done?"Tiningnan ko siya sa salamin kung saan ako naka-upo, nakikita ko roon ang kanyang repleksyon. Nakatayo siya sa pintuan, ang dalawang kamay nasa magkabilang bulsa."Hindi pa," maikli kong sagot at nagpatuloy sa pagsuklay ng buhok."Kailangan na nating umalis—we're so late," ma-autoridad niyang usal.Bumuntong-hininga na lang ako at inilapag ang suklay sa mesa sa harap ko."Sige, antayin mo na lang ako sa sala," walang gana kong sabi at tumayo para tumungo sa banyo para mag-toothbrush.Tulad ng sinabi ko, umalis na siya, pagkatapos kong magsipilyo, hindi ko na siya nadatnan. Pumunta ako sa sala at nakita siyang prenteng naka-upo sa couch."Lets go," usal ko nang magkatapat na kami. Lumingon siya sa akin pero hindi man lang tumingin sa aking mga mata—agad itong umiwas at tumayo, naunang maglakad patungo sa labas ng bahay.

  • The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's   Chapter 11

    "Jusq, Ma'am Belphoebe at Ma'am Seraphina, tama na po!" sigaw ng isang katulong, tila nagmamakaawa. Ramdam ko ang kanilang paghihiwalay, ang init ng alitan na halos sumunog sa paligid.Hawak ako ni Mang Berto, ang kanyang mga kamay ay tila pilit na sinusuway ang nagngangalit kong katawan. Sa kabilang banda, si Slade, kunot noong nakatingin sa akin, ang kanyang ekspresyon ay halo ng pagtataka at pagkadismaya. Napabaling ang tingin ko kay Seraphina. Ang dating maayos niyang buhok ay isa nang gusot na pugad, para siyang hinabol ng limang aso at ginulungan ng bente mula sa tuktok ng bundok pababa."What the f*ck is wrong with you?!" bulyaw ni Slade sa amin, ang kanyang boses ay naglalaman ng galit at pagkabigla. "Ugh," panimula ni Seraphina, nagpapaawa ang boses na tila isang anghel na nasaktan, "I just wanted to be friends with her... pero nagalit siya kasi asawa ka raw niya at hiwalayan daw kita. Sabi ko, ayaw ko dahil mahal kita at ako yung una at totoong girlfriend mo... kaya sinabunu

  • The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's   Chapter 10

    Kinabukasan, bumalik ako sa mansion—sakay ng sarili kong kotse. Para kung sakaling atakihin ako ng pagka-drama queen at maisipang maglayas, handa na ang aking getaway car. Pagdating ko sa mansyon ng mga Medici, wala roon si Slade.’Siguro nag-out of town kasama ang jowa niya,’ bulong ko sa sarili ko. Dumiretso muna ako sa kusina para iwan ang mga groceries na pinamili ko—gagamitin ko mamaya sa pagluluto. Pagkatapos, nagtungo ako sa aking silid para magpalit ng damit. Magluluto ako ng almusal. Pagkababa ko, nakasalubong ko si Mang Berto na may bitbit na tasa. Mukhang nagkakape."Magandang umaga, Ma'am," magalang niyang bati."Belphoebe na lang po, Mang Berto. At nakakain na po ba kayo?" tanong ko habang papasok sa kusina."Hindi pa, Phoebe. Kakagising ko lang din kasi," sagot niya."Ah, kaya pala. Tara po, samahan niyo akong magluto," yaya ko sa kanya. Akmang kukuha ako ng kitchen knife nang pigilan niya ako. Nagtataka akong tumingin sa kanya, at ganun din siya sa akin. "May taga-pag

  • The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's   Chapter 9

    Pagkatapos ng usapan namin ni Slade, agad akong nagtungo sa aking silid. Hindi ko maiwasang mapaisip,tila pinaghandaan talaga nila ang lahat. Punong-puno ng mga branded na damit at alahas ang closet.Walang pag-aalinlangan, kumuha ako ng damit-pantulog at nagtungo sa banyo. Maging ang mga gamit para sa katawan ay kumpleto rin. Pagkatapos kong magbihis, kinuha ko ang aking cellphone at lumabas ng silid. Ayaw kong manatili roon.Nagpahatid ako kay Mang Berto pauwi. Pagdating ko sa bahay, sumalubong sa akin si Yaya Maris."Magandang gabi, Binibini," magalang niyang bati. "Akala ko po'y hindi na kayo uuwi!""Hindi rin po ako magtatagal doon. Pakiramdam ko, mamamatay ako sa gutom," biro ko sa kanya. "Sakto, Binibini, may luto ako dito," pagprisinta niya, sabay hawak sa kamay ko upang iupo ako sa mesa.Nakahain ang sari-saring pagkain, at mainit-init pa. Alas-onse na ng gabi, ngunit gising pa rin si Yaya Maris. Hindi kasi siya sanay na hindi ako nakauuwi, kaya inaantay niya talaga ako. Kapa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status