LOGIN"Anong gusto mong design ng gown mo, Miss?" tanong ng designer. Pagkatapos naming mag-usap ni Cyril, napagpasyahan naming ngayon na lang pumunta rito para matahi na agad yung wedding gown na susuotin ko.
Kakilala niya kasi to dahil kaibigan to ng amo niya na gumagawa rn ng mga damit ng amo nito. "Gusto ko yung makikita yung buong likod ko, siguro yung kaakit-akit sa mga mata ng lahat." Kumunot ang noo nito nang tumagal ang tingin niya sa akin. "Teka, ikaw si Belphoebe Sinclair? Teka, ikakasal ka na agad?" pagtataka rin nito. Tumango lang ako dahil ayaw kong magkwento. "Karangalan kong magawan ka ng wedding gown. Teka, iyon lang ba yung gusto mong design? How about sa ilalim, gusto mo bang habaan natin?" professional na pakikipag-usap nito. Nahihiya naman akong damayin siya sa paghihinagpis ko. "Yung sakto lang, ayaw ko kasi nang masyadong mahabaa,mabigat na kasi yun at yung kulay ng gown, gusto ko black." Napatigil ito at pinoproseso ata yung sinabi ko. Tumagal pa ng ilang minuto ang pagtunganga nito sakin bago ito kumurap-kurap at nagsalita ulit, "Black? Bakit itim?" Nilingon ko si Cyril na nakatingin lang din sa akin, hindi rin ito umiimik, kaya binalik ko yung tingin sa designer. "Gusto ko po kasi black, and please kayo na bahala sa design, basta masusuot ko lang bukas," bilin ko dito, tumango-tango lang ito sakin na parang hindi pa rin ata maka get-over dahil sa sinabi kung itim yung gusto kung color ng wedding gown ko. Nililibot ko yung tingin sa buong paligid ng working area niya nang mahagip ng paningin ko ang isang black gown na kumikintab. "May nagmamay-ari ba ng isang gown na 'yan?" sabay turo ko sa black gown. Nilingon niya rin ito at nilapitan upang kunin at pinakita sa akin. "Ito? Wala pa, kakatapos ko lang itahi 'to," sabi nito, at inabot sa akin yung gown. Kinuha ko ito at ipinatong sa katawan ko, habang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa malaking salamin dito. "Ang ganda nito, ito na lang siguro. Kailangan ko na lang yung belo." "Sige, itatahi ko na lang. Pwede mo na lang din antayin kung gusto mo." Ngumiti ako sa kanya at tumango. Nagsimula na siyang gumupit ng telang itim na gagawing belo ko. Dito lang ako sa couch habang si Cyril ay nanonood ng iba pang gown na gawa ng designer. Kinuha ko ang cellphone ko at binuksan ang social media account ko. Hindi ko pa nakikita ang mukha ng Valorin na iyon. Tsk, sana hindi siya sumipot bukas. Napakunot ang noo ko nang may isang nag-message sa akin, pero ang pangalan ay hindi makita, parang 'No Name' siya! at sa main account ko pa 'to nag chat. Hindi ko tiningnan ang message, baka kung sino lang at gustong hanapin lang yung totoo kung account dahil sa maraming dummy account na pangalan ko at litrato ko ang gamit. Pagod na ako sa mga lokong natanggap ko simula nang makauwi ako. "Miss Phoebe, okay na ba sa'yo 'to?" pagtawag sa akin ng babaeng designer. Kanina pa kami dito pero hindi ko man lang alam o tinanong ang pangalan niya. Tiningnan ko siya. Hawak na niya ang belo na kulay itim, manipis, parang yung design na pinapatong sa mga tela sa mesa. Tumango lang ako sa kanya, dahil ayaw kong sukatin o kahit ano man. Hindi naman perpekto itong kasal kaya wala ding silbi kung excited akong maisuot 'yan. Tumayo na ako at kinuha yung perang dala ko at tumungo sa babae. Lumapit din si Cyril at siya pa yung excited na tiningnan at sinukat yung belo kung gaano kahaba. Alam kong nagagandahan ito dahil sa kinang sa mga mata niya habang nakatitig sa belo, pero hindi siya nagsasalita. Alam niya kasi na wala rin itong patutunguhan, dahil isa itong kasal na labag sa kalooban ko. "Magkano lahat?" tanong ko sa babae. Ngumiti siya sa akin at umiling. "Hindi na kailangan, bigay ko na lang sa'yo 'yan. Isang karangalan ang maitahi ka ng damit pang kasal mo!" Parang hinaplos yung puso ko sa sinabi niya. Hay, ang bait ng puso ng babaeng 'to. Sana puso rin yung pumili ng kasal na ito, ngunit hindi! Kundi isang nilalang na sobrang ganid sa marangyang buhay. "Anong bigay? Hindi pwede! Alam kong pagod at puyat ang ginugol mo para lang magawa 'yang gown na 'yan, kaya ito," kinuha ko ang kamay niya at inilagay sa palad niya ang isang makapal na libo," tanggapin mo dahil sa susunod, magpapagawa ulit ako sa'yo," nang gown na susuotin ko pag ikakasal ulit ako sa taong mahal ko at mahal ako. -- Pagkatapos naming mag-usap, nagpaalam na kami ni Cyril dahil bibili pa ako ng sandalyas na kulay itim din. Gusto ko, terno lahat, parang may pinaglalamayan sa araw ng kasal na iyon bukas. "Okay na ba 'to sa'yo?" Inangat ni Cyril yung isang six inches heels na sandalyas na seamless yung strap. "Okay na 'yan," napatawa ako. Hindi dahil sa kaplastikan, kundi dahil parang siya yung ikakasal at excited pumili ng mga gamit. "Pumili ka na rin ng sa'yo, libre na kita," sabi ko sa kanya. Walang atubiling kinuha niya yung isang sandalyas na kulay radiant, mataas rin. Humarap ito sa akin at ngumisi. "Sabi mo eh! Tara na, bayad na tayo!" Nauna itong maglakad, bitbit ang dalawang sandalyas, kaya napatawa na lang ako at sumunod rin sa kanya. Pagkatapos naming magbayad, kumain muna kami sandali sa food court dito sa mall at nagkanya-kanya na kami ng uwian. Napagpasyahan kong sa bahay na lang umuwi dahil alam kong wala doon si Mama kundi sa bago niyang malaking bahay. Nakarating ako sa bahay at gaya nga ng hula ko kanina, wala talaga siya dito. "Magandang gabi, binibini, ginabi na po ata kayo," magalang na bungad sa akin ni Yaya Maris, yung paborito kong taga-luto. "Hindi naman. Umuwi ba dito si Mama?" tanong ko. Tumango siya at malungkot na ngumiti sa akin. "Kinuha niya lahat ng gamit niya, sabi niya hindi na raw siya babalik," malungkot na sabi nito. Hindi ako umimik at pinakitang nasasaktan rn ako ugali ni mama, hinawakan yung braso niya at marahang pinisil, baka kasi iniisip niya na wala nang magbibigay ng sahod sa kanya kaya aalis na lang. Siya kasi yung nagpapaaral sa anak ng anak niya, kaya kahit may edad na, ayaw pa rin umalis dito. "Ibig po bang sabihin nito, binibini, ay aalis na rn ako dito?" Kita ko yung nagbabadyang luha sa mata nito. Sana ganito na lang yung problema ko, yung problema kung saan makakahanap ng trabaho. "Hindi po. Ako na po yung bagong magbibigay ng sahod niyo," sabi ko dito. Gumuhit sa mukha nito ang saya at pasasalamat. Walang atubiling niyakap ako, kaya niyakap ko rin pabalik. Yung ganitong mga tao sana yung nakapaligid sa akin, edi sobrang saya sana. Pero wala eh, ganid yung nasa likuran ko at handa akong itulak para sa sariling kaligayahan. Matapos siyang magpasalamat nang sobrang dami, inabot ko sa kanya yung damit na nakalagay sa malaking box na pinagtataka niya. "Anong gagawin ko dito, binibini?" takang tanong niya. "Paki-bigay na lang po kay Cynthia at sabihin niyo pong ingatan niya dahil susuotin ko ito bukas," sambit ko sa kanya. "Talaga bang ikakasal ka? Narinig ko kasi yung usapan ng mama mo at isang lalaking naka-suot ng pang-mayaman na kailangan daw matuloy talaga kasal niyo bukas," si Sir Medici ata yung tinutukoy niya. "Opo, sige po... magpapahinga na po ako, at kayo rin," paalam ko dito. Mapait akung napatingin sa litrato namin ni mama sa loob ng kwarto ko, di ko maiwasang isipin kung bakit kailangan ipagpalit ako ni mama sa karangyaan na tinatamaasa niya at kung bakit sa dinami daming magagandang modelo sa agency namin, ako pa talaga ang napili ni Mr.Medici. Ano bang meron sakin na hindi niya nakikita sa ibang kasamahan ko sa pagmomodel?Early update diba? so baka naman pa follow niyo na ako🥹
Sinalubong ako ng kaba habang pinaghahandaan ang sarili sa kung ano mang naghihintay sa likod ng pintuan. Dapat handa ang bawat hibla ng aking kalamnan.Pinihit ko ang doorknob at agad na binuksan iyon. Sumalubong sa akin ang busangot na mukha ni Cyril.Kumunot ang noo ko. "Anong problema mo?" tanong ko, senenyasan siyang pumasok sa kwarto. Nakatayo pa rin siya sa labas ng pintuan kahit narating ko na ang paanan ng aking kama."Ano pa'ng ginagawa mo diyan? Halika na!" asik ko.Umiling lang siya, ayaw gumalaw. Inis akong bumalik sa kanya at hinila siya papasok, ngunit mas malakas ang hila niya palabas."T-teka, aray!" bawi ko sa aking kamay at hinampas ang kanya."Ano ba?!" inis kong tanong. "Doon tayo sa loob? Baka may makarinig sa usapan natin, ewan ko na lang," sabi ko at akmang papasok sa kwarto nang hilain niya ako deretso pababa ng hagdan."BALIW KA, CYRIL! MALALAGLAG TAYO! MAY ARAW KA TALAGA SA AKIN!" sigaw ko habang patakbo kaming bumababa sa hagdan."ANO BA?!" sigaw ko nang it
Tatlong araw rin akong nagtagal sa bahay na walang gumugulo, at napagdesisyunan kong ituloy ang plano kong agawin si Slade kay Seraphina.Gusto kong makita siyang maging isang baliw na babae."Uuwi na po ba kayo, Ma'am?" tanong ni Yaya habang nagpupunas ng mga platong bagong hugas."Opo, pero baka babalik din ako mamaya," sagot ko."Ah, sige. Ayaw niyo bang magbaon ng ginataang pakbet?" Umiling ako. "Magdadala na lang po ako ng mga gulay dahil gusto ko ring ipagluto si Slade."Ngumiti siya sa akin at binitawan ang platong pinupunasan niya. "Ako na lang ang maghahanda ng mga gulay. Sandali lang," paalam niya at lumabas sa pintuan ng kusina, kung saan sa likuran ng bahay naroon ang sarisaring gulay na nakatanim.Hobi niya rin kasi ang magtanim ng mga gulay, dahil mas gusto raw niya na siya ang nagtatanim at nagpapataba para walang halong kahit anong kemikal.Napatingin ako sa cellphone kong nag-vibrate sa ibabaw ng mesa dahil inilapag ko lang doon kanina nang kumain kami.Inabot ko ito
Napasimangot ako pagkatapos namin mag-usap ni Miss Zach—hindi ako pinayagan ni Slade na umalis ngayong araw. May pupuntahan daw kami,Family Gathering."Are you done?"Tiningnan ko siya sa salamin kung saan ako naka-upo, nakikita ko roon ang kanyang repleksyon. Nakatayo siya sa pintuan, ang dalawang kamay nasa magkabilang bulsa."Hindi pa," maikli kong sagot at nagpatuloy sa pagsuklay ng buhok."Kailangan na nating umalis—we're so late," ma-autoridad niyang usal.Bumuntong-hininga na lang ako at inilapag ang suklay sa mesa sa harap ko."Sige, antayin mo na lang ako sa sala," walang gana kong sabi at tumayo para tumungo sa banyo para mag-toothbrush.Tulad ng sinabi ko, umalis na siya, pagkatapos kong magsipilyo, hindi ko na siya nadatnan. Pumunta ako sa sala at nakita siyang prenteng naka-upo sa couch."Lets go," usal ko nang magkatapat na kami. Lumingon siya sa akin pero hindi man lang tumingin sa aking mga mata—agad itong umiwas at tumayo, naunang maglakad patungo sa labas ng bahay.
"Jusq, Ma'am Belphoebe at Ma'am Seraphina, tama na po!" sigaw ng isang katulong, tila nagmamakaawa. Ramdam ko ang kanilang paghihiwalay, ang init ng alitan na halos sumunog sa paligid.Hawak ako ni Mang Berto, ang kanyang mga kamay ay tila pilit na sinusuway ang nagngangalit kong katawan. Sa kabilang banda, si Slade, kunot noong nakatingin sa akin, ang kanyang ekspresyon ay halo ng pagtataka at pagkadismaya. Napabaling ang tingin ko kay Seraphina. Ang dating maayos niyang buhok ay isa nang gusot na pugad, para siyang hinabol ng limang aso at ginulungan ng bente mula sa tuktok ng bundok pababa."What the f*ck is wrong with you?!" bulyaw ni Slade sa amin, ang kanyang boses ay naglalaman ng galit at pagkabigla. "Ugh," panimula ni Seraphina, nagpapaawa ang boses na tila isang anghel na nasaktan, "I just wanted to be friends with her... pero nagalit siya kasi asawa ka raw niya at hiwalayan daw kita. Sabi ko, ayaw ko dahil mahal kita at ako yung una at totoong girlfriend mo... kaya sinabunu
Kinabukasan, bumalik ako sa mansion—sakay ng sarili kong kotse. Para kung sakaling atakihin ako ng pagka-drama queen at maisipang maglayas, handa na ang aking getaway car. Pagdating ko sa mansyon ng mga Medici, wala roon si Slade.’Siguro nag-out of town kasama ang jowa niya,’ bulong ko sa sarili ko. Dumiretso muna ako sa kusina para iwan ang mga groceries na pinamili ko—gagamitin ko mamaya sa pagluluto. Pagkatapos, nagtungo ako sa aking silid para magpalit ng damit. Magluluto ako ng almusal. Pagkababa ko, nakasalubong ko si Mang Berto na may bitbit na tasa. Mukhang nagkakape."Magandang umaga, Ma'am," magalang niyang bati."Belphoebe na lang po, Mang Berto. At nakakain na po ba kayo?" tanong ko habang papasok sa kusina."Hindi pa, Phoebe. Kakagising ko lang din kasi," sagot niya."Ah, kaya pala. Tara po, samahan niyo akong magluto," yaya ko sa kanya. Akmang kukuha ako ng kitchen knife nang pigilan niya ako. Nagtataka akong tumingin sa kanya, at ganun din siya sa akin. "May taga-pag
Pagkatapos ng usapan namin ni Slade, agad akong nagtungo sa aking silid. Hindi ko maiwasang mapaisip,tila pinaghandaan talaga nila ang lahat. Punong-puno ng mga branded na damit at alahas ang closet.Walang pag-aalinlangan, kumuha ako ng damit-pantulog at nagtungo sa banyo. Maging ang mga gamit para sa katawan ay kumpleto rin. Pagkatapos kong magbihis, kinuha ko ang aking cellphone at lumabas ng silid. Ayaw kong manatili roon.Nagpahatid ako kay Mang Berto pauwi. Pagdating ko sa bahay, sumalubong sa akin si Yaya Maris."Magandang gabi, Binibini," magalang niyang bati. "Akala ko po'y hindi na kayo uuwi!""Hindi rin po ako magtatagal doon. Pakiramdam ko, mamamatay ako sa gutom," biro ko sa kanya. "Sakto, Binibini, may luto ako dito," pagprisinta niya, sabay hawak sa kamay ko upang iupo ako sa mesa.Nakahain ang sari-saring pagkain, at mainit-init pa. Alas-onse na ng gabi, ngunit gising pa rin si Yaya Maris. Hindi kasi siya sanay na hindi ako nakauuwi, kaya inaantay niya talaga ako. Kapa







