Compartilhar

Chapter 6

Autor: Angel
last update Última atualização: 2025-11-01 05:14:55

"Sorry, Phoebe, wala akong nagawa!" Tumigil ako sa pag-iyak at nilingon si Cyril na nakayuko. "Alam mo 'yung tungkol dito?" Tumango ito nang dahan-dahan. Hindi ko mapigilang umiyak lalo sa nangyayari ngayong bumalik ako dito sa Pilipinas. Mas gusto ko na lang sa Paris kung ganito lang din naman.

"Kailan pa, Cy?" hikbi kong tanong sa kanya. Ang sakit ng lalamunan at dibdib ko dahil sa pagpigil ng iyak ko. Parang may nakabara sa puso ko na gusto nang sumabog.

"N-Nung umalis ka papuntang Paris, narinig ko 'yung usapan nila Tita at ni Mr. Medici," usal niya. Napatunganga na lang ako sa kawalan at napahinga nang malalim. Parang gumuho ang mundo ko sa mga narinig ko.

"Ano 'yung narinig mo?" halos pabulong kong tanong.

"Ipapakasal ka kay Mr. Valorin Medici kapalit ng malaking sahod at mga magagarang sasakyan at bahay." So iyon pala ang bahay na pinuntahan ko kagabi. Isang malaking transaksyon pala ang lahat.

"Sorry, Phoebe," ramdam ko ang yakap ni Cyril sa likuran ko. Hindi ko alam kung ito ba 'yung kabaliktaran ng natanggap kong blessing galing kay Miss Zach. Bakit kailangan kong pagbayaran ang ambisyon ng iba?

"Ang sakit, Cy. Bakit ganun lang kadali kay Mama na pumayag? Ngayong kaya ko naman nang magkasahod ng malaki," hindi ko na naman mapigilang mapaiyak habang si Cyril nakayakap lang sa akin. Bawat patak ng luha ko ay may kasamang sakit at pagkadismaya.

Umiyak lang ako nang umiyak hanggang sa gumaan yung pakiramdam ko. Nag-stay pa ako ng ilang araw sa bahay ni Cyril bago ako natunton ni Mama dito.

"Umuwi ka na," matigas na utos nito sa akin.

"Ayaw ko!" matigas ko ring sagot. Akmang hihilain niya yung buhok ko nang pumagitna si Cyril sa amin at pinigilan si Mama. Walang emosyon sa mukha ni Mama kahit sa mata nito. Ganun lang ba yung halaga ko sa kanya? Kapalit ng karangyaan tinatamasa niya, kapalit din nang kaligayahan ko.

"Tita, tama na po. Pag-usapan niyo na lang po ni Phoebe 'yan, wag niyo na po siyang saktan," pagmamakaawa ni Cyril dito.

Bumuntong hininga si Mama at tumingin muli sa akin, "Umuwi ka na, bukas na yung kasal. Wag mo akong ipahiya sa maraming tao kung ayaw mong itakwil kita." Parang sinaksak ng paulit-ulit ang puso ko sa mga binitawan niyang salita.

Hindi ko alam kung saan ako pupunta, kung kanino ako lalapit. Parang isang ibong sugatan na hindi makalipad. Tinalikuran ko si Mama at tumakbo ako papalayo, hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga paa ko. Ang gusto ko lang ay makalayo sa sakit, sa pait, sa lahat ng ito.

"Phoebe!" rinig kong tawag ni Cyril, ngunit hindi ako huminto. Tumakbo lang ako nang tumakbo, hanggang sa marating ko ang parke. Naupo ako sa isang bench sa ilalim ng isang malaking puno ng mangga. Ang mga dahon nito ay sumasayaw sa hangin, parang sinasayaw ako sa aking kalungkutan.

Pinanood ko ang mga bata na naglalaro, ang mga magkasintahan na naglalambingan, ang mga matatanda na nagkukwentuhan. Lahat sila ay may kanya-kanyang mundo, kanya-kanyang kaligayahan. Ako lang ang nag-iisa, wasak, at walang patutunguhan.

Hinayaan ko ang mga luha na dumaloy sa aking mga pisngi, parang kinukuha nito ang bigat na nararamdaman ko. Ngunit hindi pa rin sapat. Kailangan ko ng isang himala, isang pagtakas. Ngunit paano?

Napatingin ako sa malayo, sa kawalan. Doon ko nakita ang aking sariling repleksyon, isang babaeng wasak at puno ng pagdurusa. Ngunit sa mga mata ko, nakita ko rin ang isang bahagi ng pag-asa. Hindi pa tapos ang lahat. Mayroon pa akong laban.

Kinuha ko ang aking cellphone at tinawagan si Miss Zach. Kailangan ko ng tulong. Kailangan ko ng plano. Kailangan kong iligtas ang aking sarili.

"Miss Zach, I need you," sambit ko sa kabilang linya, ang boses ko'y nanginginig ngunit puno ng determinasyon. "Miss Zach, I need to escape. I need your help. Can you please help me?"

"I really want to, Phoebe, but I can't. I'm really sorry." Parang gumuho ang langit at lupa sa ibabaw ko, dinudurog ang anumang pag-asa na natitira sa akin. Wala na ba talagang paraan para makaalis ako sa sitwasyon na ito? Talaga bang nakakulong na ako?

"Phoebe," rinig kong tawag ni Cyril mula sa likuran ko, ang boses niya ay puno ng pag-aalala. Hindi ako sumagot, hindi man lang lumingon. Baka nagtatago si Mama sa malapit, at hindi ko kayang harapin siya ngayon. Ang isipin pa lang ang malamig at mapanuring mga mata niya ay nagpapadala na ng kilabot sa akin.

Maya-maya, umupo si Cyril sa tabi ko, nakisabay sa akin sa panonood sa mga batang naglalaro. Ang kanilang walang-alalang tawanan ay isang malaking paghahambing sa kaguluhan sa loob ko. Paano sila nagagawang maging masaya, at walang kamalay-malay sa dilim na maaaring lumamon sa kanila anumang oras?

"Umalis na siya, at iniwan niya sakin to," malumanay niyang sabi, inaabot sa akin ang isang pirasong papel. Nakasulat dito ang mga detalye ng kasal – ang lugar, ang oras, lahat ay maingat na pinlano na parang ang buhay ko ay isa lamang pang kaganapan sa isang kalendaryo.

Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata sa pagkabigo. Tch, wala talaga siyang puso. Ang gusto lang niya ay masunod ang kanyang kagustuhan, makita ang kanyang mga hangarin na matupad, kahit ano pa ang maging kapalit sa akin. Sige, naisip ko, isang mapait na determinasyon ang tumitigas sa loob ko. Pakakasalan ko ang lalaking iyon kapalit ng kanyang mahalagang karangyaan. Ibibigay ko sa kanya ang gusto niya, kahit na sirain nito ako sa proseso.

"May kilala kabang magaling gumawa ng wedding gown kahit rush?" tanong ko kay Cyril, na ikinagulat niya. Nakabitin sa hangin ang tanong, mabigat sa bigat ng aking desisyon.

"B-Bakit?" nauutal niyang tanong, ang kanyang mga mata ay nanlalaki sa pagkalito at hindi paniniwala.

Ibinalik ko ang aking tingin sa mga bata, ang kanilang masayang mga mukha ay isa nang masakit na paalala ng kung ano ang aking isinusuko. Isang baluktot at walang-awang ngiti ang dumampi sa aking mga labi. "Payag na ako," sabi ko, ang aking boses ay patag at walang anumang emosyon. "Basta pagkatapos kung magpakasal sa lalaking yun kapalit ng kasangyaan niya sa buhay, wag na niya akung lalapitan pa."

Isang alon ng galit ang bumalot sa akin, mas mainit at mas matindi kaysa sa anumang naramdaman ko dati. Nilamon ako nito, hindi nag-iwan ng puwang para sa kalungkutan o takot. Puro na lamang, dalisay na galit. Galit sa aking ina, galit kay Mr. Medici, galit sa mundo para sa kanyang kawalan ng katarungan.

Mula ngayon, ipinangako ko sa aking sarili, lalaruin ko ang kanilang laro. Gagamitin ko ang kanilang mga patakaran laban sa kanila. Ako'y magiging sunud-sunuran na gusto nila akong maging, ngunit gagawin ko ito nang may naglalagablab na apoy sa aking puso, naghihintay para sa perpektong sandali upang magliyab at sunugin ang lahat nang may kasalanan nito.

Angel

Its all saint's day today!! please everyone paki-follow ako if dito na kayo sa chapter na'to, iwan rn kayo ng bakas sa comments section. Love lots everyone❤️

| 1
Continue a ler este livro gratuitamente
Escaneie o código para baixar o App

Último capítulo

  • The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's   Chapter 14

    Sinalubong ako ng kaba habang pinaghahandaan ang sarili sa kung ano mang naghihintay sa likod ng pintuan. Dapat handa ang bawat hibla ng aking kalamnan.Pinihit ko ang doorknob at agad na binuksan iyon. Sumalubong sa akin ang busangot na mukha ni Cyril.Kumunot ang noo ko. "Anong problema mo?" tanong ko, senenyasan siyang pumasok sa kwarto. Nakatayo pa rin siya sa labas ng pintuan kahit narating ko na ang paanan ng aking kama."Ano pa'ng ginagawa mo diyan? Halika na!" asik ko.Umiling lang siya, ayaw gumalaw. Inis akong bumalik sa kanya at hinila siya papasok, ngunit mas malakas ang hila niya palabas."T-teka, aray!" bawi ko sa aking kamay at hinampas ang kanya."Ano ba?!" inis kong tanong. "Doon tayo sa loob? Baka may makarinig sa usapan natin, ewan ko na lang," sabi ko at akmang papasok sa kwarto nang hilain niya ako deretso pababa ng hagdan."BALIW KA, CYRIL! MALALAGLAG TAYO! MAY ARAW KA TALAGA SA AKIN!" sigaw ko habang patakbo kaming bumababa sa hagdan."ANO BA?!" sigaw ko nang it

  • The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's   Chapter 13

    Tatlong araw rin akong nagtagal sa bahay na walang gumugulo, at napagdesisyunan kong ituloy ang plano kong agawin si Slade kay Seraphina.Gusto kong makita siyang maging isang baliw na babae."Uuwi na po ba kayo, Ma'am?" tanong ni Yaya habang nagpupunas ng mga platong bagong hugas."Opo, pero baka babalik din ako mamaya," sagot ko."Ah, sige. Ayaw niyo bang magbaon ng ginataang pakbet?" Umiling ako. "Magdadala na lang po ako ng mga gulay dahil gusto ko ring ipagluto si Slade."Ngumiti siya sa akin at binitawan ang platong pinupunasan niya. "Ako na lang ang maghahanda ng mga gulay. Sandali lang," paalam niya at lumabas sa pintuan ng kusina, kung saan sa likuran ng bahay naroon ang sarisaring gulay na nakatanim.Hobi niya rin kasi ang magtanim ng mga gulay, dahil mas gusto raw niya na siya ang nagtatanim at nagpapataba para walang halong kahit anong kemikal.Napatingin ako sa cellphone kong nag-vibrate sa ibabaw ng mesa dahil inilapag ko lang doon kanina nang kumain kami.Inabot ko ito

  • The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's   Chapter 12

    Napasimangot ako pagkatapos namin mag-usap ni Miss Zach—hindi ako pinayagan ni Slade na umalis ngayong araw. May pupuntahan daw kami,Family Gathering."Are you done?"Tiningnan ko siya sa salamin kung saan ako naka-upo, nakikita ko roon ang kanyang repleksyon. Nakatayo siya sa pintuan, ang dalawang kamay nasa magkabilang bulsa."Hindi pa," maikli kong sagot at nagpatuloy sa pagsuklay ng buhok."Kailangan na nating umalis—we're so late," ma-autoridad niyang usal.Bumuntong-hininga na lang ako at inilapag ang suklay sa mesa sa harap ko."Sige, antayin mo na lang ako sa sala," walang gana kong sabi at tumayo para tumungo sa banyo para mag-toothbrush.Tulad ng sinabi ko, umalis na siya, pagkatapos kong magsipilyo, hindi ko na siya nadatnan. Pumunta ako sa sala at nakita siyang prenteng naka-upo sa couch."Lets go," usal ko nang magkatapat na kami. Lumingon siya sa akin pero hindi man lang tumingin sa aking mga mata—agad itong umiwas at tumayo, naunang maglakad patungo sa labas ng bahay.

  • The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's   Chapter 11

    "Jusq, Ma'am Belphoebe at Ma'am Seraphina, tama na po!" sigaw ng isang katulong, tila nagmamakaawa. Ramdam ko ang kanilang paghihiwalay, ang init ng alitan na halos sumunog sa paligid.Hawak ako ni Mang Berto, ang kanyang mga kamay ay tila pilit na sinusuway ang nagngangalit kong katawan. Sa kabilang banda, si Slade, kunot noong nakatingin sa akin, ang kanyang ekspresyon ay halo ng pagtataka at pagkadismaya. Napabaling ang tingin ko kay Seraphina. Ang dating maayos niyang buhok ay isa nang gusot na pugad, para siyang hinabol ng limang aso at ginulungan ng bente mula sa tuktok ng bundok pababa."What the f*ck is wrong with you?!" bulyaw ni Slade sa amin, ang kanyang boses ay naglalaman ng galit at pagkabigla. "Ugh," panimula ni Seraphina, nagpapaawa ang boses na tila isang anghel na nasaktan, "I just wanted to be friends with her... pero nagalit siya kasi asawa ka raw niya at hiwalayan daw kita. Sabi ko, ayaw ko dahil mahal kita at ako yung una at totoong girlfriend mo... kaya sinabunu

  • The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's   Chapter 10

    Kinabukasan, bumalik ako sa mansion—sakay ng sarili kong kotse. Para kung sakaling atakihin ako ng pagka-drama queen at maisipang maglayas, handa na ang aking getaway car. Pagdating ko sa mansyon ng mga Medici, wala roon si Slade.’Siguro nag-out of town kasama ang jowa niya,’ bulong ko sa sarili ko. Dumiretso muna ako sa kusina para iwan ang mga groceries na pinamili ko—gagamitin ko mamaya sa pagluluto. Pagkatapos, nagtungo ako sa aking silid para magpalit ng damit. Magluluto ako ng almusal. Pagkababa ko, nakasalubong ko si Mang Berto na may bitbit na tasa. Mukhang nagkakape."Magandang umaga, Ma'am," magalang niyang bati."Belphoebe na lang po, Mang Berto. At nakakain na po ba kayo?" tanong ko habang papasok sa kusina."Hindi pa, Phoebe. Kakagising ko lang din kasi," sagot niya."Ah, kaya pala. Tara po, samahan niyo akong magluto," yaya ko sa kanya. Akmang kukuha ako ng kitchen knife nang pigilan niya ako. Nagtataka akong tumingin sa kanya, at ganun din siya sa akin. "May taga-pag

  • The Secret Mafia Regrets : His Charming Unwanted Bride's   Chapter 9

    Pagkatapos ng usapan namin ni Slade, agad akong nagtungo sa aking silid. Hindi ko maiwasang mapaisip,tila pinaghandaan talaga nila ang lahat. Punong-puno ng mga branded na damit at alahas ang closet.Walang pag-aalinlangan, kumuha ako ng damit-pantulog at nagtungo sa banyo. Maging ang mga gamit para sa katawan ay kumpleto rin. Pagkatapos kong magbihis, kinuha ko ang aking cellphone at lumabas ng silid. Ayaw kong manatili roon.Nagpahatid ako kay Mang Berto pauwi. Pagdating ko sa bahay, sumalubong sa akin si Yaya Maris."Magandang gabi, Binibini," magalang niyang bati. "Akala ko po'y hindi na kayo uuwi!""Hindi rin po ako magtatagal doon. Pakiramdam ko, mamamatay ako sa gutom," biro ko sa kanya. "Sakto, Binibini, may luto ako dito," pagprisinta niya, sabay hawak sa kamay ko upang iupo ako sa mesa.Nakahain ang sari-saring pagkain, at mainit-init pa. Alas-onse na ng gabi, ngunit gising pa rin si Yaya Maris. Hindi kasi siya sanay na hindi ako nakauuwi, kaya inaantay niya talaga ako. Kapa

Mais capítulos
Explore e leia bons romances gratuitamente
Acesso gratuito a um vasto número de bons romances no app GoodNovel. Baixe os livros que você gosta e leia em qualquer lugar e a qualquer hora.
Leia livros gratuitamente no app
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status