Share

Chapter 11

Author: LMCD22
last update publish date: 2025-08-17 18:54:49

3rd Person's Point of View*

Nakanganga ngayon si Cloud habang nakatingin kay Dorryn. Iniisip nito na wala talaga itong maalala sa nangyari sa kanila ng boss nila.

Hindi niya alam kung paano niya malulusutan ang bagay na 'yun. Kaya nagpalusot na lang siya.

"Ah, Miss Dorryn, baka natripan ka lang o baka aksidente mo lang nasuot ang bagay na yan. Naalala mo ba kung paano mo nasuot ang singsing na 'yan?"

Agad namang umiling si Dorryn dahil sa tanong ni Cloud na mas lalong kinakaba ni Cloud.

Akala k
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 322

    Miles' Point of ViewNakatayo lamang si Mr. Casiano sa may pintuan habang malamig na nakatingin sa aming lahat.Hindi ko alam kung paano siya nakarating dito o kung bakit bigla siyang sumulpot sa bahay ko. Ang huling pagkakaalam ko ay mayroon pa siyang mga aasikasuhin sa opisina.Pero bakit nandito siya ngayon?"Subukan mong pagbuhatan ng kamay si Miles at baka makita ninyo ang hinahanap ninyo."Napasinghap ako nang marinig ang malamig niyang boses.Walang kahit anong emosyon sa mukha niya, ngunit sapat na ang tingin niya para maramdaman kong hindi siya nagbibiro.Napatingin naman ang tatlo sa kanya.Agad na nagbago ang ekspresyon ng mukha ni mama. Mula sa galit ay napalitan iyon ng matinding pagkagulat at tila kaba."M-Mr. Casiano, ano po ang ginagawa ninyo rito?" nauutal na tanong niya.Napatingin ito sa kanya ngunit hindi sumagot."Sisingilin niyo na po ba ang utang ninyo sa amin? Wala pa po kaming pambayad."Biglang nanlaki ang mga mata ko.Utang?Anong utang na naman ang sinasabi

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 321

    Miles' Point of ViewNapatingin ako sa kanilang tatlo na para bang may kung anong hindi kapani-paniwalang bagay silang nakita habang nakatitig sa akin.Hindi ko alam kung matatawa ba ako o maiinis sa itsura nila. Para bang ngayon lamang nila ako nakitang tumayo at magsalita para sa sarili ko."Paglutuan mo nga kami ng dinner. Pagod pa kami galing sa biyahe."Nanlaki ang mga mata ko habang nakatingin sa kanila.Seriously?Kakapasok pa lamang nila sa bahay at iyon agad ang bungad sa akin? Ni hindi man lang nila ako kinamusta o tinanong kung kumusta ang araw ko. Sa halip, agad nila akong inutusan na para bang isa akong katulong na naghihintay lamang sa kanilang pagdating.Napailing ako sa isip.Ganyan na lamang ang tingin nila sa akin kahit ako naman ang nagbibigay ng pera sa kanila tuwing sumasahod ako. Halos kalahati ng kinikita ko ay napupunta sa kanilang mga kamay para lamang may panggastos sila sa araw-araw.Hindi ko naman ipinagkakait sa kanila ang tulong ko. Mga magulang ko pa rin

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 320

    Mikhaela's Point of ViewNandito pa rin ako sa loob ng boutique kung saan ko bibilhin ang damit na sinukat ko kanina.Nakatayo ako sa harap ng malaking salamin habang tinitingnan ang aking sarili. Hindi ko maiwasang mapangiti nang bahagya dahil talagang nagustuhan ko ang napili kong damit.Simple lamang ang disenyo nito ngunit may dating na elegante at bagay na bagay sa isang mamahaling pagtitipon.Lumapit naman sa akin ang sales lady na kanina pa naghihintay."Ma'am, ito na po ang total amount ng dress ninyo."Iniabot niya sa akin ang maliit na papel kung saan nakasulat ang presyo.Agad akong napatingin doon.Napakurap ako nang ilang beses.Grabe!Kahit ilang beses ko nang tiningnan ang presyo kanina, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na ganoon kamahal ang isang damit.Napatingin ako sa dalawang kaibigan kong naghihintay sa aking magbayad.Napabuntong hininga na lamang ako bago inilabas ang black card na ibinigay sa akin ni Mr. Casiano.Binigay niya iyon para may magamit ako sa pa

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 319

    Third Person's Point of ViewTahimik ang loob ng itim na sasakyan habang mabilis itong binabaybay ang malawak na kalsada pauwi sa mansyon ni Michael. Nakaupo siya sa likurang bahagi ng sasakyan habang nakasandal sa leather seat. Nakatuon ang kaniyang paningin sa labas ng bintana, ngunit halatang malalim ang iniisip niya.Sa kabilang bahagi ay nakaupo ang kanang kamay niyang si Theo. Sanay na itong makita ang amo na tahimik at walang gaanong interes sa mga bagay na walang kinalaman sa trabaho. Kaya naman hindi nito maiwasang mapansin ang kakaibang pagbabago sa kilos ni Michael nitong mga nakaraang araw.May isang babaeng tila unti unting nakakakuha ng atensiyon ng kaniyang amo.At hindi iyon pangkaraniwang pangyayari."Sir, may itatanong lang po sana ako."Hindi agad sumagot si Michael. Nanatili lamang ang kaniyang mga mata sa labas ng bintana."What is it, Theo?""Ngayon ko lang po kasi napansin na parang ilang beses ninyo nang pinapansin ang babaeng iyon. Nahuhulog na po ba kayo sa k

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 318

    Mikhaela's Point of View"Hala! Nandito si Mr. Burge.""Oh my gosh! Ang gwapo niya sa personal!"Napalingon ako sa mga kasama ko nang marinig ang kanilang mga bulungan.Halos sabay-sabay silang napatingin sa lalaking kararating lamang. Kitang-kita ko ang pagkagulat at pagkakilig sa kanilang mga mukha habang palihim na sinusulyapan ang lalaki.Ako naman ay nanatiling tahimik.Michael Burge.Kung hindi ako nagkakamali, iyon ang buong pangalan niya.Anak siya nina Dorryn Burge at Nando Burge, ang sikat na business couple na kilala sa buong mundo. Ilang beses ko na ring narinig ang pangalan ng pamilya nila dahil sa malalaking kumpanyang pag-aari nila at sa kanilang impluwensya sa mundo ng negosyo.Hindi naman nakapagtataka kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ng mga tao sa paligid niya.Bukod sa galing siya sa isang kilalang pamilya, hindi rin maikakailang kapansin-pansin ang kaniyang itsura.Matangkad siya at maayos ang pananamit. Maging ang simpleng paglalakad niya ay may kakaibang

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 317

    Mikhaela's Point of View"Hmm... Masyadong showy. Next."Napatingin ako sa damit na hawak ko habang bahagyang inilalayo iyon sa aking katawan. Bahagya kasing mababa ang neckline nito kaya kitang-kita ang bahagi ng aking dibdib.Hindi naman sa maarte ako pagdating sa pananamit, pero hindi ko talaga kayang magsuot ng ganoong klase ng damit. Pakiramdam ko ay masyado akong lantad at hindi ako komportable sa ganoong kasuotan.Baka sabihin pa ni Mr. Casiano na sinusubukan ko siyang i-seduce.Jusko! Hindi ako ganoong babae!Wala akong balak na akitin ang lalaking iyon. Kung tutuusin, sapat nang nakakatakot ang presensya niya kapag seryoso siyang nakatingin sa akin. Ayokong bigyan pa siya ng dahilan para magkaroon ng ibang interpretasyon sa mga kilos ko.Ibinalik ko ang damit sa sales lady na kanina pa nakamasid sa akin."Do you have something less revealing?" tanong ko."Of course, miss. We have several collections that might suit your preference."Tumango ako at hinayaan siyang maghanap ng

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 21

    Dorryn's Point of View*Nakatingin pa rin ako kay Nando baka kasi sabihin niyang wife eh! Baka sasabihin ng dalawang ito na nilandi ko ang bagong boss namin. Hindi ko hahayaan na masira ang reputasyon ko noh!"... Miss Gomez."Natigilan naman ako at nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa tawag ni

    last updateLast Updated : 2026-03-19
  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 93

    3rd Person's Point of ViewMabilis at walang awa na natugis nina Nando ang mga lalaking umatake sa kanilang mansion. Hindi nagtagal ang kanilang pagtatangka dahil sa loob lamang ng ilang minuto ay napaligiran na sila ng mga armadong tauhan ni Nando.Ang mga aninong gumagalaw sa dilim ng gabi ay ti

    last updateLast Updated : 2026-04-05
  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 94

    Dorryn’s Point of ViewMay isang bata na tumatakbo sa isang malawak at napakagandang garden. Ang damuhan ay sariwang berde at kumikislap sa ilalim ng malambot na sinag ng araw, habang ang mga bulaklak na nakatanim sa paligid ay nagkikislapang parang mga bituin na bumaba mula sa langit. Ang hangin

    last updateLast Updated : 2026-04-05
  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 92

    Dorryn's Point of ViewNanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Nando na tila walang kahit anong emosyon ang mukha. Para siyang isang malamig na estatwa na biglang sumulpot sa harapan ko.Sa madilim kong kwarto, tanging ang maputlang liwanag mula sa bintana ang nagbibigay ng konting liwanag

    last updateLast Updated : 2026-04-05
More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status