Se connecter3rd Person's Point of ViewHindi pa man nakakalayo si Miles ay biglang nagbago ang tahimik na atmosphere ng campus.Isang malakas na sigaw ang umalingawngaw sa buong paligid."AAAAH!"Kasunod nito ay ang sunod-sunod na sigaw ng mga estudyante.At pagkatapos...BANG!Isang putok ng baril ang biglang umalingawngaw.Natigil si Miles.Parang sa isang iglap, nawala ang ingay ng mga ordinaryong usapan sa paligid.Ang mga estudyanteng kanina lamang ay masayang naglalaro at nagkukuwentuhan ay nagsimulang magsipagpanic."May nakapasok na may dalang baril!"Napatingin ang lahat sa pinanggalingan ng sigaw."Run!""Takbo!""May gunman!"Nagsimula ang kaguluhan.May mga estudyanteng nagsisigawan habang naghahanap ng ligtas na lugar.Ang ilan ay mabilis na pumasok sa mga gusali.Ang iba naman ay nagtangkang tumakbo palayo sa lugar.Samantala, nanatiling nakatayo si Miles sa kanyang kinatatayuan.Tila hindi pa rin lubusang pumapasok sa kanyang isip ang nangyayari.Ilang segundo siyang tahimik.Pagka
3rd Person's Point of View18 years later..."Miles!"Umalingawngaw ang matinis at galit na sigaw ng kanyang auntie sa loob ng maliit ngunit abalang restaurant.Napalingon si Miles mula sa kusina at halos mapatalon sa gulat nang marinig ang boses nito. Agad niyang pinunasan ang basang kamay sa kanyang apron bago dali-daling lumabas, dala ang makapal na menu book na hawak niya sa isang kamay."Bakit, Aunt?""Anong bakit?" Matalim siyang tiningnan ng kanyang auntie mula sa cashier. "Kanina pa naghihintay ang mga customer natin. Saan ka ba galing?""Aunt, naghuhugas pa po ako ng mga pinggan...""Hindi kita binabayaran dito para maging palamunin lang, ha. Magtrabaho ka roon!"Napapikit si Miles.Hindi na siya sumagot.Matagal na niyang alam na walang patutunguhan ang pakikipagtalo sa kanyang auntie. Kahit anong paliwanag niya ay palaging mauuwi lamang sa panibagong sermon.Tahimik na lamang siyang huminga nang malalim bago lumakad patungo sa mga bagong dating na customer.Ngumiti siya nan
Dorryn's Point of ViewUnti-unting bumalik ang aking ulirat.Ang unang bagay na naramdaman ko ay ang bigat ng aking katawan.Parang wala akong lakas kahit na gumalaw lamang ng isang daliri.Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.Puting kisame.Malamig na hangin.At ang mahinang tunog ng mga kagamitang medikal na nakapaligid sa akin.Nasaan ako?Ilang segundo akong nakatitig lamang sa kisame habang pilit na inaalala ang mga nangyari.Biglang bumalik sa isip ko ang lahat.Ang sakit.Ang pagpunta namin sa hospital.Ang mga midwife.At si Nando."Baby..."Mahina kong sambit.Agad kong sinubukang bumangon ngunit napahinto ako nang maramdaman ko ang panghihina ng katawan ko."Wife!"Isang pamilyar na boses ang narinig ko.Napalingon ako.Nando.Nakatayo siya sa tabi ng aking kama.
3rd Person's Point of ViewIlang sandali matapos maisilang ang kambal, naging magulo ang loob ng delivery room.Hindi dahil sa saya.Kundi dahil sa isang hindi inaasahang pangyayari.Ang babaeng sanggol ay hindi humihinga.Agad na kumilos ang mga medical staff.Pinagtutulungan nilang iligtas ang maliit na sanggol habang si Nando ay nakatayo sa hindi kalayuang bahagi ng silid.Hindi niya maunawaan kung ano ang nangyayari.Kanina lamang ay narinig niyang kambal ang kanilang mga anak.Isang lalaki.At isang babae.Ngunit ngayon, may kakaiba sa paligid."What the f*ck happened!"Galit at takot ang parehong mababakas sa boses ni Nando.Agad siyang nilapitan ng isang medical staff."We will do everything para ma-revive ang baby ninyo po, sir. Please, stay calm po."Stay calm.Paano siya kakalma?Sariling anak niya ang nasa harapa
Dorryn's Point of View"NANDO!"Buong lakas kong sigaw sa pangalan ng asawa ko habang halos manginig ang buong boses ko sa takot at sakit.Hindi ko alam kung nasaan siya sa napakalaking mansion na ito. Ang alam ko lang, kailangan ko siyang makita ngayon.Kailangan ko siya.Sana marinig niya ang sigaw ko kahit saan man siya inilagay ng kapalaran sa loob ng mansion na ito."Damn!"Napahawak ako sa tiyan ko nang muling dumaluyong ang isang matinding sakit. Napapikit ako at napakapit nang mahigpit sa kumot habang pilit na kinokontrol ang paghinga ko.Hindi na ito simpleng pananakit ng tiyan.Mukhang ito na talaga.Labor.Yes, nagla labor na ako.At hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot.Ang tanging nararamdaman ko ngayon ay isang matinding sakit na halos hindi ko na kayang tiisin. Para itong ilang beses na pinagsamang sakit ng dysmenorrhea na walang tigil na bumabalik sa katawan ko.Hindi na ako makatayo nang maayos sa higaan.Hindi ko rin alam kung paano ako makakarating sa hosp
Dorryn's Point of ViewTumayo ako mula sa upuan habang maingat na inaalalayan ako ni Nando.Hindi ko maiwasang mapangiti habang nakatingin sa kanya."Parang sobra ka nang nag-iingat sa akin.""Because you need to be careful.""Dong, hindi naman ako gawa sa salamin.""I know.""Then stop treating me like one."Napangiti siya."Impossible."Napailing ako habang mahina akong natawa.Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang pagiging ganito niya ka-protective, pero sa totoo lang, may parte sa akin na natutuwa.Hindi dahil gusto kong kontrolin niya ang bawat kilos ko.Kundi dahil alam kong nag-aalala siya.At alam kong hindi lamang dahil asawa niya ako.May isa pang dahilan.Ang batang nasa tiyan ko.Dahan-dahan kong hinaplos ang tiyan ko habang naglalakad kami palabas ng silid.Sa bawat hakbang, tila mas lalo kong nararamdaman ang bigat ng responsibilidad na mayroon ako.Pero kasabay ng bigat na iyon ay isang kakaibang saya.May bagong buhay na darating sa amin.At hindi ko alam kung ano
Dorryn's Point of View*Nakatingin pa rin ako kay Nando baka kasi sabihin niyang wife eh! Baka sasabihin ng dalawang ito na nilandi ko ang bagong boss namin. Hindi ko hahayaan na masira ang reputasyon ko noh!"... Miss Gomez."Natigilan naman ako at nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa tawag ni
3rd Person's Point of ViewMabilis at walang awa na natugis nina Nando ang mga lalaking umatake sa kanilang mansion. Hindi nagtagal ang kanilang pagtatangka dahil sa loob lamang ng ilang minuto ay napaligiran na sila ng mga armadong tauhan ni Nando.Ang mga aninong gumagalaw sa dilim ng gabi ay ti
Dorryn’s Point of ViewMay isang bata na tumatakbo sa isang malawak at napakagandang garden. Ang damuhan ay sariwang berde at kumikislap sa ilalim ng malambot na sinag ng araw, habang ang mga bulaklak na nakatanim sa paligid ay nagkikislapang parang mga bituin na bumaba mula sa langit. Ang hangin
Dorryn's Point of ViewNanlalaki ang mga mata ko habang nakatingin kay Nando na tila walang kahit anong emosyon ang mukha. Para siyang isang malamig na estatwa na biglang sumulpot sa harapan ko.Sa madilim kong kwarto, tanging ang maputlang liwanag mula sa bintana ang nagbibigay ng konting liwanag







