Share

Chapter 2

Author: LMCD22
last update Last Updated: 2025-08-09 13:52:46

Dorryn's Point of View*

Nagmamadali akong lumabas sa apartment at naririnig ko pa rin ang sigaw ni Jacob sa loob ng bahay habang tinatawag niya ang pangalan ko.

Napansin ko na nandodoon pa rin ang taxi na sinakyan ko kanina na mukhang hinihintay ako.

At agad na akong pumasok doon at agad na pinatakbo ni Kuya Driver ang sasakyan at ako naman ay napahikbi na lang ako sa likuran ng sasakyan.

Ang sakit sa puso na nangyari sa akin ang bagay na 'yun. Ang limang taong naging kami ay bigla na lang nawala ng parang bula.

"Hindi talaga para sa 'yo ang taong 'yon, iha."

"Sana di ko na lang binigay sa kanya ang lahat. Tarantadong yun. Huling huli na sa akto tapos naghahanap pa ng palusot. Sorry po sa word, kuya."

"Ayos lang, iha. Iiyak mo lang yan."

Mabuti may dumamay agad sa akin sa mga oras na ito. Nang napansin ko na hindi ko pa nasasabi sa kanya kung saan ako bababa.

"Kuya sa may South bar lang po ako."

"Mag-iinom ka, iha?"

"Kaunti lang po. Pangtulog ko lang po. Gusto ko pong makalimutan ang lahat ng nangyayari po ngayon."

Nag-aalala naman siyang napatingin sa akin.

"Kaya ko naman po ang sarili ko po. May kakilala po ako roon."

Palusot ko na lang para hindi na mag-aalala si Kuya Driver.

"Okay, iha."

Nakarating na kami sa lugar na yun at kinuha ko ang pitaka habang sumisinok sinok pa.

"Iha, hindi na kailangan."

Napatingin ako kay Kuya Driver.

"Pero po..."

"Gusto lang kitang tulungan na makalayo sa lalaking yun. Mag-iingat ka sa loob ha."

Dahan-dahan na lang akong napangiti at dahan-dahan na napatango.

"You deserve someone better, iha. Kalimutan mo na ang tarantadong iyon."

Napangiti na lang ako sa sinabi ni Kuya Driver.

"Okay po. Salamat."

At umalis na si Kuya Driver at napatingin naman ako sa bar at pumasok na ako roon.

Wala sa sarili akong naglalakad habang inaalala ang lahat nangyayari sa loob ng limang taong magkasama kami.

Akala ko na siya na talaga pero bakit iba ang naging kalabasan? Bakit ba? Dahil ba hindi ako magaling sa kama?

Pumasok ako sa bar at agad kong nakita ang mga nakakasilaw na liwanag at malalakas na musika na galing sa mga malalakas na speaker.

Hindi ako dumiretso sa bar kundi dumiretso ako sa rooftop ng bar. Gusto kong magpahangin baka madala pa ang sakit na nararamdaman ko ngayon.

Wala ako sa sarili habang paakyat ng paakyat ang sinasakyan kong elevator. Iniisip ko kung saan ba ako nagkulang sa kanya at bakit pinagpalit lang ako sa isang secretary niya.

Hindi pa ba sapat ang mga tinulong ko sa kanya?

Napatingin ako sa floor kung nasaan na ako dahil biglang tumunog ang elevator at nasa rooftop na pala ako.

Lumakad ako at agad naramdaman ko ang malakas na hangin na tumama sa mukha ko habang naglalakad ako.

Hanggang makarating ako sa fence kung saan nakikita ko lahat. At tumulo na naman ang luha ko habang nakatingin doon.

Paano kung malaman ng pamilya ko ang tungkol sa nangyari? Akala na nila na magpapakasal na kami ni Jacob...

'Ang tanda tanda mo na tapos di ka pa magpapakasal? Malapit ng mawala sa kalendaryo ang edad mo!' naalala ko ang sinabi ng mom ko.

'Kailan ba kayo magpapakasal ng lalaking iyon?'

'Gusto na naming makakita ng apo. Hindi na kami bumabata.'

Napakagat ako sa labi ko at nanlalabo na naman ang mga mata ko at hindi ko napansin na umakyat na pala ako sa fence.

Habang tulalang nakatingin sa malayo.

"I'm sorry, mukhang hindi ko matutupad ang kahilingan ninyo, mom, dad. Hindi gusto ng tadhana na magkaroon ako ng masayang pamilya sa hinaharap... bakit ba ang malas malas ko."

Kung may lalaki mang para sa akin pwede bang ibigay niyo na lang agad? Ayokong maghintay na naman ng 5 taon....

"Miss..."

Nagulat ako nang biglang nagsalita at napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang isang gwapong lalaki at mukhang janitor siya dahil naka-uniform siya ng janitor at may hawak siyang map.

Nakikita ko ang pag-aalala sa mukha niya habang nakatingin sa akin.

"What are you doing? Bumaba ka r'yan. Delikado pag umakyat ka baka mahulog ka."

Doon ako nagising dahil sa sinabi niya at dahan-dahan akong napatingin sa baba at nakakalula sa sobrang taas.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko habang nakatingin roon at timing naman na may malakas na hangin na parang tumulak sa akin na kinasigaw ko.

"Waaaa ayokong mamatay!"

Agad naman akong nayakap ng lalaki at sabay kaming napahiga sa semento.

Dahil sa panik ay mas lalo ko siyang niyakap habang nanginginig ako.

"Ayoko pang mamatay at gusto ko pang mabuhay ng matagal, magkaroon ng asawa at magkaroon ng maraming anak! Kung ikaw na si kamatayan please wag mo muna akong kukunin."

"I won't. At hindi ako si kamatayan."

Natigilan ako at napatingin ako sa kanya at nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang gwapong mukha nito lalo na nung wala na ang cap nito sa ulo.

At napansin ko ang position namin. Nakaupo ako sa ibabaw niya at naramdaman ko ang isang alaga niya roon na galit na galit.

"Luh..."

"Wag kang magpapakamatay. Kung may problema ka ay iinom mo na lang para makalimutan mo saglit."

"Samahan mo ko."

Wala sa sariling ani ko sa kanya at nagulat naman siya sa sinabi ko at napabuntong hininga siya sabay tango.

"Fine."

Niyakap ko siya na kinagulat niya dahil sa ginawa ko.

"Thank you, Kuya Janitor."

******

LMCD22

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 10

    Dorryn's Point of View*"Bakit mo naman sinabi na yun ang paborito kong pagkain?""Dahil yun ang isa sa mga luto ko na sigurado akong magugustuhan ko."Nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa akin. Hindi siya makapaniwala na nakatingin sa akin. Oo nga saan ko nakuha ang confidence na yun? Bakit yun ang sinabi ko sa dami dami ng pagkain na naalala ko?"Interesting..."Napalunok ako. Wag mo kong tingnan ng ganyan, Mr. Burge! Parang binabalatan mo na ako ng buhay."Kung papasado sa akin ang luto mo ay may ibabalik ako sa 'yo."Natigilan ako sa sinabi niya. Anong ibabalik?"Anong ibig niyo pong sabihin po?"Nakatingin lang siya sa akin at napatayo siya bigla at nakatingin lang ako sa kanya."Malalaman mo mamaya."Napanganga ako at may kinuha siya sa bulsa niya at binigay sa akin."Ibilin mo yan ng ingredients kung nakikita mo na hindi kompleto ang mga sangkap na gagamitin mo."Nanlalaki ang mga mata ko na nakatingin sa isang black card. Teka lang black card yan eh paano a

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 9

    Dorryn's Point of View*Nakatulala ako nung kinuha ni Sir Cloud ang mga folder at isa-isa niya 'yung binuksan.Napasilip naman ako roon baka makita ko ang pangalan ko."You want to join?" Nanindigan ang mga balahibo ko wa malamig na boses ng taong nasa harapan ko at napatingin ako sa kanya."Ha? Ah hindi po. Mauna na po ak---""Hindi pa tapos ang discussion natin, Miss Dorryn."Napalunok ako at napaayos ulit ako ng tayo habang nakayuko. Ano pa ba ang pag-uusapan namin?Nakikilala na ba niya ako? Naalala ba niya ang gabing may nangyari sa amin? Sana wag."Okay, I will handle this. Ipapasa ko sa hr."Nanlalaki ang mga mata ko sa sinabi ni Sir Cloud. At iiwan sana niya ako nang hawakan ko ang damit ni Sir Cloud. Reflexes ko yun at di ko yun sinasadya!Maski siya ay nagulat dahil sa ginawa ko at agad naman siyang napatingin kay Mr. Burge na parang sinasabi na wala siyang ginawa."W-What is it, Miss Gomez?"Agad kong binitawan ang damit niya."Ah wala po. Pasensya..."Hindi yun ang gusto

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 8

    Dorryn's Point of View*"Miss Gomez, are you okay? Parang hindi po kayo okay."Napatingin naman ako sa secretary ni Mr. Burge. Wag kang magpapaapekto sa nangyayari, Dorryn.Napatingin naman ako sa kanya at tumayo ako kahit nanginginig ang binti ko at napatingin naman siya roon."A-Ano pong kailangan ninyo sa akin po?" pilit kong kinakalma ang sarili ko ngayon habang kaharap sa kanya at nakangiti pa ako na parang professional."Narinig ko mula sa manager na ikaw ang pinakamagaling na magluto dito sa department na ito."Natigilan naman ako. Teka yun lang ba ang kailangan niya? Hindi ba dahil kay Mr. Burge?Napatingin naman ako sa opisina ng manager namin na nag-sign na go na daw. Alam ko na magaling akong magluto at marami ang nagsasabi sa bagay na yun."Ahh... Yes po, yun naman po kasi ang sabi nila. Pwede bang ikaw ang chef ng boss natin?"Nakatingin ako sa mukha niya. Bakit ang bait niya? Nakangiti pa siya ng malumanay habang nakatingin sa akin.Nakakasilaw ang ngiti niya at dahan-da

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 7

    Dorryn's Point of View*Damn...Damn!!!!Agad akong napaiwas ng tingin nang magtama ang tingin naming dalawa. Napatingin ako sa daliri ko na may singsing na hindi ko matanggal tanggal. Napakagat ako sa labi ko habang nakatingin doon. Ramdam ko rin ang bilis ng tibok ng puso ko na parang lalabas na atah dahil sa mga titig niya.Mahina kong kinurot ang sarili kong kamay para magising sa katotohanan. Paanong naging isang CEO boss ang isang janitor?Teka lang nagpapanggap siyang janitor nung nasa bar kami? Bakit naman?Narinig ko ang hakbang na papalapit sa amin na kinatingin ko sa kanya. Bawat hakbang na ginagawa niya ay kasabay naman ng pagpintig ng mabilis ang puso ko. Hanggang sa nasa tapat na siya sa akin at hinihintay ko na magsasalita siya pero nagpatuloy pa rin siya sa paglalakad na kinalaki ng mga mata ko.Hindi niya ako nakikilala? Napatingin ako kay Nando at likod na niya ang nakikita ko papunta sa opisina niya. Teka lang... hindi niya ako nakikilala agad? Nanghihina na lan

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 6

    Dorryn's Point of View*"Mom, sinabi ko na sa inyo noon pa man na ayokong makasal sa lalaking iyon.""Mahirap ba ang pakiusap namin sa 'yo, Dorryn?" Biglang naging malakas ang boses ni mom habang nakatingin sa akin. Napakagat ako sa labi ko.Hindi ako pwedeng maging affective sa nangyayari ngayon at kailangan maging matalino ako sa ganitong sitwasyon.Alam ko kasi na once di ko masusunod ang utos nila ay hindi malayo na ikukulong nila ako dito sa kwarto ko.Natahimik na lang ako habang nakatingin sa kamay ko."Pababayaan ka muna naming mag-isip."Kahit anong desisyon ko ay desisyon pa rin naman ang masusunod palagi.Umalis na lang ito at kinuha ko ang phone ko at agad kong kinontak ang kaibigan ko na si Verlyn. Agad kong nakita ang mukha niya sa screen.'Hello, beshy...'"I need your help."Nagtataka naman ang mukha niyang nakatingin sa akin."Tulungan mo kong makatakas dito sa bahay."'Luhh, bakit naman? Lalayas ka lang naman diyan 'di ba pag ikakasal ka sa matanda ng mga magulang m

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 5

    Dorryn's Point of View* Dahan-dahan akong nagmulat at naramdaman ko agad ang hilo na kinahawak ko sa ulo ko. Damn! Ano bang ininom ko para magkaganito ang ulo ko? Kahit gusto kong magmulat ng mga mata ay napapapikit ako nang naramdaman ko ang kamay na nakayakap sa tiyan ko na kinamulat ko agad. Nanlalaki ang mga mata ko nang makita ko ang maskuladong kamay na nakayakap sa tiyan ko at ang hininga ng isang lalaki na nasa batok ko. Tiningnan ko ang paligid kung nasaan ako ngayon at nasa isang magandang kwarto kami ngayon. Inalala ko ang lahat ng nangyayari kahapon at nag-cheat ang tarantadong yun sa akin. Pero ang ngayon muna ay kailangan ko munang makaalis sa sitwasyon ko ngayon. Dahan-dahan akong tumayo sa kinahihigaan ko at tiningnan ko ang katabi ko. Syet! Saang lupalop ko nakuha ang gwapong nilalang na ito! Napasampal ako sa magkabilang pisngi ko sabay iling iling. Kailangan kong makaalis dito ngayon. Napatingin ako sa katawan ko na hubad na hubad at ang sakit pa ng ibaban

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status