Compartir

Chapter 59

Autor: LMCD22
last update Última actualización: 2026-02-08 11:31:37

Dorryn’s Point of View

Nandito pa rin kami ngayon sa malawak at maringal na sala, at dito rin magtitipon-tipon ang mga kilalang personalidad at mga taong may malalaking pangalan sa iba’t ibang industriya sa buong mundo na inimbitahan sa pagsasalong ito.

Ang paligid ay puno ng mahihinang usapan, maharlikang tawanan, at marahang tugtugin ng instrumental music na tila nagpaparamdam ng isang eleganteng atmospera.

Ang ilaw mula sa mga kristal na chandelier ay marahang tumatama sa makintab na sahig,
Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App
Capítulo bloqueado

Último capítulo

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 65

    3rd Person’s Point of ViewNarinig ni Nando ang balita na may kumakalat na problema sa Italya at kailangan na nito ang kanyang presensya roon. Hindi iyon simpleng gusot lamang sa negosyo. Tungkol iyon sa posisyon niya.Sa trono na matagal na niyang pinaghirapan at pinanatili sa pamamagitan ng disiplina, takot, at matalinong paggalaw sa likod ng anino.“Capo, they’re trying to take your position again because you haven’t been able to come here to Italy for a long time,” seryosong ani ng isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang tauhan mula sa Italya.Napatikom ang kamao ni Nando. Umigting ang mga litid sa kanyang braso habang ang malamig niyang mga mata ay unti unting nagdilim. Hindi siya sumigaw. Hindi siya nagwala. Ngunit ang katahimikan niya ang mas nakakatakot kaysa anumang pagsabog ng galit.“It seems like they’re really pushing my patience to the limit.”May bahagyang pagngangalit sa ilalim ng kontroladong boses niya.“Anong plano niyo po, Capo?”“Wait for my message. Pupunta ako ng

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 64

    Dorryn’s Point of ViewIlang araw ang lumipas na tila ba masyadong payapa ang mundo, isang katahimikang halos hindi ko na makilala. Hindi muna nagparamdam si Eduardo. Para bang ang matandang iyon ay napagod na rin sa kakaisip ng mga plano niya at nagpahinga muna sa kung saan mang sulok ng kanyang mundo. At sa unang pagkakataon matapos ang sunod sunod na kaguluhan, tila ba pinagkalooban kami ng kaunting pahinga.Hindi rin nagpapakita si Jacob kasama ang babaeng palaging nakabuntot sa kanya. Wala ang nakakairitang presensya niya, wala ang matatalim niyang titig na parang laging may balak na hindi maganda. Kaya heto kami ni Nando, tahimik, payapa, at tila ba normal na mag asawa sa loob ng napakalaking mansion na ito.Dahan dahan akong nagmulat ng mga mata nang maramdaman ko ang mainit at matatag niyang yakap sa aking bewang. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa kamay ko, para bang kahit sa pagtulog ay ayaw niya akong pakawalan. Pagdilat ko, ang unang bumungad sa akin ay ang gwapong mu

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 63

    Dorryn’s Point of ViewMakikita sa mukha ni Eduardo ang hirap na pilit niyang itinatago. Halatang hindi niya matanggap na sa harap ng napakaraming tao ay siya ang napahiya. Mas lalong mabigat para sa kanya na ang nakasuntok sa kanya ay isang babaeng tulad ko. Nakaukit sa ekspresyon niya ang galit at pagkadurog ng ego niya.“Isa ka lang janitor. Anong karapatan ng isang kagaya mo na nandidito sa kaarawan ng isang kagaya ni Mr. Sebastian?”Mariin ang bawat salitang binitawan niya. Parang kutsilyong pilit niyang itinutusok sa pagkatao ni Nando.Napatingin siya kay Mr. Sebastian na tahimik lamang na nakamasid, tila sinusukat ang sitwasyon gamit ang malamig at matalim niyang mga mata.Unti unting lumakas ang bulung bulungan ng mga tao sa paligid. Parang alon na dahan dahang lumalaki. Ramdam ko ang pagbabago ng hangin. Napalunok ako.Mukhang hindi kampi kay Nando ang karamihan. Dahil sa salitang “janitor” lamang.Isang simpleng titulo, ngunit sa mundo ng mga taong ito, sapat na iyon para

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 62

    Dorryn’s Point of ViewNapakagat ako sa labi ko habang nakatayo sa gilid, pilit na kinakalma ang sarili kahit ramdam kong unti-unting umaakyat ang init ng dugo ko. Hindi ko gusto ang direksyong tinatahak ng nangyayari. Ang bawat segundo ay parang isang manipis na sinulid na maaaring mapatid anumang oras.Kung papatulan ni Nando ang matandang hukluban na ito, alam kong siya ang higit na malalagay sa alanganin. Kahit malinaw naman kung sino ang nagsimula, siya pa rin ang lalabas na may kasalanan. Sa ganitong klase ng mundo, mas pinaniniwalaan ang may kapangyarihan kaysa sa may katotohanan.At mas lalong hindi ko kayang isipin na baka makulong siya. Isang suntok lang, isang maling galaw, at puwedeng magbago ang lahat.Kaya nang makita kong kumuyom ang kamao niya at bahagyang umatras ang balikat niya na tila naghahanda nang sumuntok, hindi na ako nag-atubili.“Dong, wag!”Mabilis kong nasabi iyon, halos pabulong ngunit puno ng pagsusumamo. Natigilan si Nando sa ere, parang biglang nahi

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 61

    Dorryn's Point of ViewNapalunok pa rin ako nang maramdaman ko ang matalim at mapanuring mga titig ni Eduardo na tila sinusuyod ang bawat bahagi ng aking mukha, para bang hinahalungkat niya ang mga alaala na matagal nang ibinaon sa limot. Parang may malamig na hangin na dumaan sa aking batok, dahilan upang magsitayuan ang aking balahibo kahit mainit ang ilaw ng bulwagan. Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang humakbang siya ng isang beses papalapit sa amin. Ang tunog ng kanyang sapatos ay tila malakas na kumalabog sa marmol na sahig kahit marahan lamang ang kanyang kilos.“Mukhang namumukhaan kita.”Ang mga salitang iyon ay parang matulis na karayom na tumusok sa aking dibdib. Mas lalong napakapit ako kay Nando, halos manginig ang aking mga daliri habang kumakapit sa tela ng kanyang suot. Kasabay ng mabilis at halos magkarerang tibok ng puso ko ay naramdaman kong unti unting sumisikip ang aking paghinga.Pumagitna naman si Nando sa harapan ko. Matatag at matikas ang kanyang tind

  • The Secret Wife of the Obsessed Zillionaire Boss   Chapter 60

    Dorryn's Point of ViewNapatingin naman ako kay Nando na ganoon pa rin ang kanyang expression habang nakatingin sa akin na para bang tinutunaw niya ako sa mga tingin niya. Hindi siya kumikibo ngunit ang lalim ng kanyang titig ay tila kayang basahin ang bawat hibla ng kaba na nagtatago sa loob ng dibdib ko. Parang may sarili siyang mundo at ako lamang ang pinapayagang pumasok doon."Ehem, baka matunaw ang kaibigan mo, Mr. Burge."Natigilan naman akong napatingin kay Mr. Jao. Mukhang pinagtripan pa niya si Nando at ang ngisi niya ay halatang nag eenjoy sa tensyon na namamagitan sa amin."You don't care."Wala talagang modo ang isang ito. Parang wala siyang pakialam kung nakakaabala ba siya o hindi."Oh siya, mauna na muna ako. Marami pa akong gagawin. Nice to meet you, Miss?""Ryn po..."Natigilan ako sa sinabi ko. Mahina ang pagkakasabi ko sa Do kaya mukhang Ryn lang ang narinig niya sa akin. Napalunok ako at napakurap ng ilang beses, parang gusto kong bawiin ang salitang lumabas s

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status