Mag-log inSERENITY’S POV
Dahil sa mga rebelasyon kagabi ay wala akong sapat na tulog. Hindi ako masyadong nakatulog dahil sa napakalaking twist sa buhay ko. FLASHBACK “Hija, alam kong nalilito ka sa mga kaganapan. Ngunit kasal ako at buhay pa ang asawa kong si Amanda kaya imposibleng sa akin ka ikakasal. At isa pa, mahal na mahal ko itong si Amanda at wala na akong balak na maghanap pa ng iba.” “Ano na namang kapilyuhan ang sinabi mo at bakit iniisip ng bata na ikaw ang papakasalan niya?” singit ni Donya Amanda. “Hindi ko kasi sinabi sa mag-asawa na sa apo natin ipapakasal ang anak nila.” “Ibig sabihin ay sinadya niyo pong hindi sabihin kina Papa Julio na sa inyong apo dapat magpapakasal si Samantha?” gulat kong tanong. Ngingiti-ngiting tumango si Don Armando. “Hindi naman kasi sila nagtanong, at isa pa, sila na mismo ang nag-isip na sa akin magpapakasal ang anak nila.” May punto naman si Don Armando doon dahil kaya ko lang din naman inakala na sa kaniya ako ikakasal ay dahil iyon ang sabi nina Papa Julio. At hindi ko tuloy alam kung dapat na naman akong kabahan dahil ibang lalaki pala ang magiging asawa ko. Hindi naman sa naghahangad ako na si Don Armando ang maging asawa ko ngunit ewan, hindi ko maipaliwanag kung ano bang dapat kong maramdaman ngayon. “O sige na, Hija. Magpahinga ka na muna at saka na kita ipapakilala sa apo ko kapag pinirmahan na rin niya ang Marriage Contract niyo.” END OF FLASHBACK Hanggang ngayon ay hindi nawawala ang malakas na kabog ng dibdib ko. Hindi yata ito mawawala hanggang sa hindi ko nakikilala ang apo nina Don Armando. Wala naman akong nakitang mga litrato sa salas nila kundi mga pictures nilang mag-asawa kaya wala akong ideya kung anong itsura ng “asawa” ko. Pinagmasdan ko na lamang ang kwarto ko. Di hamak na mas malaki ang kwartong ito kaysa sa naging kwarto ko sa mansion ng mga Silva. Wala rin ako sa maid’s quarter at ang kwartong ito ay sa second floor ng bahay nakalagay. Sa left side ito ng mansion habang ang kwarto nina Don Armando ay sa kanan naman. Malayo ito dito sa kwarto ko. Naputol ang pag-iisip ko nang makarinig ako ng katok mula sa labas ng kwarto ko. Mabilis akong bumangon at binuksan ang pinto. “Ma’am Serenity, pinapababa na po kayo ni Don Armando dahil handa na po ang almusal,” magalang na sabi sa akin ng kasambahay nila. Tumango naman ako. Nakaligo naman na kasi ako kanina at nakamaayos na damit. Kung may ipapagawa man sa akin ang don at donya ay handa na ako. Pagbaba ko sa may dining area nila ay nandoon na nga ang mag-asawa. “Good morning, Serenity,” nakangiting bati sa akin ni Donya Amanda. “Good morning po. M-may ipag-uutos po kayo?” alanganing tanong ko pa. “Hija, maupo ka dahil mag-aalmusal na tayo. May pasok ka pa, hindi ba? Baka ma-late ka,” sabi naman ni Don Armando. Kumunot naman ang noo ko. “Sasabay po ako sa inyo sa almusal at papasok pa rin po ako sa school?” nagtatakang tanong ko pa. “Oo naman, Hija. Magiging asawa ka na ng apo namin kaya magiging apo ka na rin namin. Makikipagpakita kami mamaya sa apo namin upang papirmahan sa kaniya ang Marriage Contract. At kapag maayos na ang lahat at kapag naka-graduate ka na, saka natin aayusin ang pinaka kasal niyo sa simbahan,” sagot naman sa akin ni Donya Amanda. Kahit na litong lito pa ako sa mga panibagong rebelasyon ay naupo na ako upang sumabay sa kanila na mag-almusal. “Pwede po bang magtanong?” “Go on.” “Ano po bang purpose ko sa inyo? I mean, paano po kung hindi pumayag ang apo niyo na ikasal sa akin? Sa totoo lang po kasi ay litong lito pa rin ako,” nahihiyang sabi ko. “Masyado kasing focus ang apo namin sa kinahihiligan niya ngayon kaya wala na siyang panahon para maghanap pa ng mapapangasawa. Kaya kami na ang gumawa no’n sa kaniya. Tumatanda na kami, Hija, at ayaw naming lisanin ang mundong ito na hindi namin nasisiguro na may makakasama sa buhay niya ang apo namin. Ulilang lubos na siya kaya nais namin ay magkaroon siya ng pamilyang alam naming aalagaan siya sa oras na mawala na kami,” pagkukwento ni Donya Amanda. “Kaya ang hiling namin ay sana pagka-graduate mo ay mabigyan niyo na kami ng apo,” dugtong na sabi pa ni Don Armando. Muntik ko nang maibuga ang tubig na iniinom ko. Agad namang napatingin sa akin ang mag-asawa na may halong pag-aalala sa mukha nila. "Hija, ayos ka lang ba?" tanong sa akin ni Donta Amanda. "Opo, ano po kasi, busog na po ako at papasok na rin po ako sa school," alanganing sabi ko. "Oo sige, Hija. Teka pala. Manang, pakidala naman ng wallet ko." Pumasok sa may dining area ang isang katulong bitbit ang isang kulay pulang wallet. Iniabot niya ito kay Donya Amanda. Nagbuklat ang donya at kumuha ng ilang pirasong perang papel. "Heto ang allowance mo, Hija," nakangiting sabi pa niya habang iniaabot ang mga lilibuhin. "Teka po, seryoso po ba 'yan? I mean, may pera pa naman po akong naitabi," alanganing sabi ko. "Hija, para sa 'yo 'yan. Sige na, tanggapin mo na," nakangiting sabi naman ni Don Armando. Wala na akong nagawa kundi ang tanggapin iyon. "Salamat po. Pangako po, maglilinis po ako ng bahay mamaya pagkauwi ko." "Itong batang ito talaga. Hindi mo na kailangang gawin iyon dahil may mga kasambahay tayo na gumagawa no'n. Mag-focus ka lang sa pag-aaral, Hija," malumanay na sabi ni Donya Amanda. "Salamat po. Hindi ko po alam kung anong nagawa kong mabuti para pakitaan niyo ako ng kabutihan pero maraming salamat po," naiiyak kong sambit. "Sige na, Hija. Baka mahuli ka pa sa klase mo." Tumango ako at mabilis na bumalik sa kwarto ko upang magpalit ng damit. Limang libo ang ibinigay sa akin ng donya na agad ko namang itinago sa wallet ko. May panggastos pa naman ako kaya itatabi ko na muna ang ibinigay nila sa akin. Nang masiguro kong maayos na ang itsura ko ay bumaba na ako. Sakto namang tapos na silang mag-almusal at may kausap silang isang lalaki na naka-blue na polo shirt. "Nandyan ka na pala, Hija. Ito nga pala si Mang David, ang magiging personal driver mo," sabi sa akin ng donya. "Personal driver?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Oo, Hija. Medyo malayo kasi dito ang eskwelahan na pinapasukan mo kaya mas mainam na may tagahatid at tagasundo ka." "Sige po, salamat po." Hindi na ako tumutol pa kahit medyo nakakailang na may sasakyan at driver pa ako. Nagpaalam na ako sa mag-asawa at pumasok na. Pagdating ko sa school ay sa may gate na lamang ako nagpapababa. Sakto namang nandoon sa labas si Cindy na waring may hinihintay. Nang makita niya ako ay sinamaan niya ako ng tingin. "Anong nangyari sa 'yo, bruha ka? Wala ka man lang paramdam. Hindi kita ma-contact simula pa kahapon," iritableng sabi niya. "Mahabang kwento, Cindy. Mamaya na natin pag-usapan dahil baka ma-late na tayo," sabi ko naman. "Marami ka talagang ipapaliwanag sa akin. Alam mo bang pinagkakalat ng magaling mong hilaw na kapatid na ikakasal ka sa isang DOM o Dirty Old Man. Kaya ikaw tuloy ang laman ng mga usapan sa school." What the h*ck?"Pwede ko po ba kayong makausap?" ang bungad ni Ethan kina Lolo at Lola nang makauwi kami sa mansion.Nagkatinginan naman ang dalawa na tila nagulat sa pagiging seryoso ng kanilang apo."Akyat po muna ako sa kwarto," mahinang paalam ko dahil mukhang seryoso nga ang magiging usapan nilang tatlo.Mabilis akong umakyat sa kwarto ko. Pagkaupo ko sa kama ay doon na lumabas ang kanina ko pang tinatagong nararamdaman. Nanginig ang mga kamay ko habang kusang dumadaloy ang mga luha mula sa mga mata ko.Sanay ako sa mga panglalait sa akin ng ibang tao, ngunit ang pambabastos sa akin kanina ni Joseph ay unang beses pa lamang. Hindi ko akalain na dahil lamang sa maling chismis na kumalat ay magagawa niya akong bastusin ng ganoon.Upang mapakalma ko ang sarili ko ay pumasok ako sa CR para mag-shower. Nagbabad lang ako doon hanggang sa tuluyan akong kumalma. Paglabas ko ng CR ay isang katok ang bumungad sa akin."Ma'am Serenity, pinapatawag po kayo ni Don Armando.""Sige, bababa na ako. Salamat,"
“Cindy, kumusta? Ayos ka lang ba?”Marahang ngumiti naman sa akin ang kaibigan ko. Kakarating ko lang sa classroom at iyon agad ang bungad ko sa kaniya. Hindi ko na kasi siya nakausap pagkatapos ng concert.“Medyo nagkakaproblema lang sa business ni Daddy, pero okay lang naman ako.”Tumango na lamang ako. Alam kong mas mabigat ang problema niya ngunit ayaw ko naman siyang pilitan na magsalita. Tiyak din naman na ikukuwento niya iyon sa akin kapag handa na siya.“E ikaw, kumusta noong concert? Paano ka pala nakauwi?” may pag-aalalang tanong naman sa akin ni Cindy.“Ah, nakauwi naman ako. May mabait na nagsabay sa akin palabas ng venue.”“Mabuti naman kung ganoon. Pasensya ka na dahil iniwan kita ha.”Umiling ako dahil wala naman siyang kasalanan. Hindi ko lang alam kung paano ko sasabihin sa kaniya na nakilala ko na ang asawa ko. Hindi ko alam kung paniniwalaan ba niya ako na ang naging asawa ko ay ang kaisa-isang iniidolo ko.“Oo nga pala, hindi ko saulo ang number mo. Pa-save na lan
Pagkatapos naming bumili ng cellphone ay nag-aya naman si Lola Amanda sa tindahan ng mga damit. Wala kaming nagawa ni Ethan kundi ang sumunod lamang sa kaniya.“Eto, Hija, isukat mo ang mga ito,” excited na sabi niya sa akin habang inaabot ang ilang piraso ng damit na naka-hanger pa.“Po?” nag-aalinlangan kong sambit.“Sige na.”Wala na akong nagawa kundi sundin ang mga sinabi niya kahit na masama na naman ang tinging ipinupukol sa akin ni Ethan. Kada sukat ko ng damit ay ipinapakita ko iyon kay Lola. Kapag gusto niya ay nagta-thumbs up siya at kapag hindi ay nailing naman siya. Isang oras din ang inabot namin sa pagsusukat ng mga damit.Nang makuntento si Lola ay lumapit na kami sa cashier. Nakatingin lang ako sa monitor habang isa-isang inii-scan ang mga damit na napili ni Lola para sa akin. Napalunok na lamang ako nang makita kung magkano ang kabuuan ng babayaran.“Lola, may mga damit pa naman po ako,” bulong ko sa kaniya.Napangiti naman sa akin si Lola at hindi ako pinansin. Napa
SERENITY'S POV"Lola, hindi po kaya magalit si Ethan?"Nasa harap kami ngayon ng condo ni Ethan dahil gusto ni Lola Amanda na isama siya sa lakad namin. Alanganin naman ako sa gustong iyon ni Lola dahil baka magalit lamang si Ethan. Kagabi nga lang ay tila napilitan lang siyang matulog sa kwarto dahil sa sobrang pagod niya."Katatapos lang ng concert ng apo ko kaya marami siyang oras ngayon. Dapat ay sa atin niya ibigay ang oras na iyon," nakangiting sabi ni Lola."Lola? Anong ginagawa niyo dito?" gulat na tanong ni Ethan nang buksan niya ang pinto. Nakasando lang siya at nakashorts kaya mabilis akong umiwas ng tingin."Pupunta kami ngayon sa mall, samahan mo kami," sagot naman ni Lola."Lola, alam niyo namang hindi pwede dahil makikita ako ng mga tao."Muli akong napatingin kay Ethan. Hindi pwede? E samantalang sa mall nga kami unang nagkita. Hindi nagsalita si Lola Amanda, imbes ay pumasok siya sa condo kaya wala akong nagawa kundi sumunod sa kaniya. "Ang kalat naman ng condo mo,"
SERENITY'S POV"Pangako?" nalilitong tanong ko."Give me 6 months. Pagkatapos ng lahat ng ito ay maghihiwalay tayo. Just tell me how much you need for your silence," malamig niyang sagot sa akin.Mahigpit akong napahawak sa laylayan ng damit ko habang si Ethan ay pabagsak na nahiga sa bed. "Bayaran ba talaga ang tingin mo sa akin?" hindi ko napigilang itanong habang nanatiling nakatayo sa gilid ng kama."Hindi ba? Hindi ba't binayaran ka nina Lolo para pakasalan ako? Na hindi mo kilala noong una."Mapait akong napangiti. Sa iilang minuto pa lamang na kausap ko siya ay tila biglang nawala ang imaheng iniidolo ko. Ibang iba siya sa TV na napanood ko noon. Ibang iba siya sa Ethan na kumakanta sa stage."Ang totoo? Ako ang ipinambayad utang ng mga umampon sa akin. Pero tama ka naman, parang binayaran nga para maikasal sa 'yo. But sad to say, hindi ako ang nakinabang sa perang 'yon."Hindi ko na hinintay na magsalita pa si Ethan. Mabilis akong kumuha ng damit ko at pumasok sa CR upang mal
SERENITY'S POVHindi ko alam kung anong sasabihin pa kay Ethan dahil nagpatuloy siya sa pagmamaneho. Wala na akong nagawa kun'di ang laruin na lamang ang mga daliri ko dahil sa kaba. Hindi naman siguro ako papagalitan nina Lolo at Lola dahil nagpahatid ako sa isang lalaki. Ipapaliwanag ko na lamang sa kanila ang lahat at sana ay paniwalaan nila ako."Dito ka ba nakatira?" walang emosyong tanong sa akin ni Ethan nang huminto siya sa tapat ng bahay nina Lolo Armando."Dito nga," mahinang sambit ko.Bumisina si Ethan at nanlaki ang mga mata ko nang bumukas ang malaking gate. Pumasok ang sasakyan at binati pa ng guard si Ethan."A-anong?" hindi ko maituloy ang itatanong ko.Hindi nagsalita si Ethan. Bumaba siya ng sasakyan habang ako ay nakasunod lang ng tingin sa kaniya. At nanlamig ang buong katawan ko nang salubungin siya ng mag-asawa. Nagmano pa si Ethan sa mga ito. Agad akong bumaba ng sasakyan."Buti naman at tinupad mo ang pangakong uuwi ka pagkatapos ng concert mo," narinig kong s







