Share

Five

ELIJAH'S POV

"Sam? Ilang papers yang hawak mo?" tanong ko kay Samantha, kasamahan ko sa mag-aasikaso para sa program ng slogan contest.

"Nasa 10 papers lang, Eli. 10 persons lang ang sumali sa contest. Halos busy kasi ang iba kasi diba, malapit na mag exam." paliwanag niya habang inaayos ang mga papers ng nagpasa.

Tumango nalang ako at nagpatuloy sa pagliligpit ng gamit ko dahil pauwi na rin ako. Yeah, weekend ngayon, its Sunday pero nasa school pa rin ako. Isa din ako sa naatasan para maging leader sa pagpili ng mananalo sa contest ng slogan para ngayong last na ng August. At, bukas monday malalaman kung sino ang nanalo. 2 months na ang lumipas, at lalo kaming nagfo-focus ni Carlisle sa pag-aaral dahil nalalapit na ang exam namin.

Nagpaalam na 'ko sa kanila na mauuna na 'ko. Dahil, may pupuntahan pa kami ni Carlisle.

Nagmamadali akong maglakad. Ng may mabangga ako, at na-out balance ako. Akala, babagsak na 'ko sa hallway pero hindi! Naramdaman ko nalang na may nakahawak sa bewang ko kaya agad akong napatayo, at inayos ang mga nalaglag kong gamit.

"Sorry, Miss. Nagmamadali lang kasi ako. May hinahanap lang," hingi ng tawad nito.

Gusto kong mainis! Pero, bakit ang lambing naman ng boses ng lalaking 'to!

Nagmamadali ako, nabangga pa 'ko. Masasapok ko 'to, eh.

"Ayos lang. Pasensya na rin," Sabi ko habang dinadampot pa din ang ibang papers na nalaglag.

"Oh, okay. Let me help you. Sorry talaga." Akmang luluhod siya para tulungan ako pero pinigilan ko siya dahil mabilis kong dinampot mga gamit ko.

Nang, makatayo ako. Ewan ba at para akong natulala dahil sa itsura niya. Pwede ng tumigil ang mundo. Sobrang amo ng mukha niya, matangkad, maputi, ang pungay ng mata niya. Lahat ng tipo ko sa lalaki ay nasa kan'ya na.

"Hey, miss? Are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Halata naman sa mukha niya.

Napatango nalang ako at agad tumakbo palabas ng school. Shock, nakakahiya sobra! Gaano ba ako katagal natulala sa kan'ya? Nakakainis! First time ko maramdaman 'to. Grabe ang epekto niya, huhu.

Naghihintay ako sa dito sa 7/11 sa tapat lang mismo ng school. Dito daw ako dadaanan ni Carlisle. Nag-aya ang bruha mamasyal e, kaya pagbibigyan. Narinig ko naman agad ang busina niya kaya dali-dali akong pumasok sa sa kotse niya, sa mismong tabi niya. At, sa backseat si Nymeriah.

Medyo gumaan na din ang loob ko kay Nymeriah dahil sa maayos din namang pakikisama nito. Pero, andun pa din minsan yung pagiging weird niya at parang may tinatago sa amin. Pero, ipinag sawalang bahala nalang namin ni Carlisle dahil nga mas mahalaga ang friendship para sa amin.

"Bakit naka-busangot 'yang mukha mo, Eli?" natatawang tanong ni Carlisle. Mapang- asar talaga, sarap kotongan mga bente.

"Malay mo naman, nakakita ng gwapong anghel, tapos hindi niya matanggap na medyo type niya." sabat naman ni Nymeriah.

Bagay magsama ang dalawang 'to parehas mapang-asar. Nakakainis lang. Makokotongan ko na talaga silang parehas. Ang hilig mang-asar.

Nakakainis naman kasi eh! Bakit kailangan pang mangyari 'yon! Yan tuloy hindi ko alam kung may gusto ba 'ko sa lalaking yun o ano. Pero, wala 'to! Wala, Eli. Pag-aaral muna bago pag-ibig. Tama, wala 'to!

"Manahinik nga kayo. Masyado kayong issue ah." masungit na saway ko sa kanilang dalawa. Hindi ko nalang sila kinausap at seryoso nalang akong tumingin sa dinadaanan namin.

After, ng ten minutes. Nakarating din agad kami sa River Park. Dito kami madalas tatlo nina Nymeriah at Carlisle kapag maagang natatapos ang klase. Dito kami minsan tumatambay kapag wala naman kaming masyadong gagawin. At, dito na din gumagawa ng assignments at pagkatapos bonding na din ang kasunod nun.

Naupo na kami ni Nymeriah sa isang upuan dito sa River Park. Maganda dito at sariwa din ang hangin. May fountain at napapaligidan din ng mga flowers na kung baga gawa sa plastic at umiilaw siya kapag gabi. Hindi pa tapos 'tong river park kaya sa may pinaka dulo ginagawa parin. Extension kung baga. Para magandang pasyalan daw ng mga tao at ibang namamasyal dito galing ibang lugar.

"Nymeriah, asan si Carlisle? Sabi niya may kukunin lang siya sa Kotse na pagkain, pero ang tagal bago bumalik." nagtatakang tanong ko sa kan'ya. Sabi lang naman ni Carlisle ay kukuha siya ng pagkain at babalik din pero 15 minutes na at wala parin siya.

"Ewan ko. Baka may binili lang gano'n." kibit balikat niyang sagot. Halata naman sa mukha niya na natatawa siya at ayaw niya lang sabihin, nakakainis naman!

Hindi ko nalang siya pinansin dahil tinatawanan niya ako. Kahit kelan, napaka wirdong babae neto! Tahimik nalang akong nagbasa ng libro na binigay sa 'kin ni Carlisle at chineck yung papers ng mga sumali para sa slogan contest.

Napakunot naman agad ang noo ko ng biglang tumayo si Nymeriah at tumakbo paalis sa tabi ko. Sinundan ko ng tingin kung saan siya papunta, at kay Carlisle lang pala! Buang talaga! Napailing-iling agad ako at bumalik na ulit sa pagbabasa. Pero, agad din naman akong natigilan ng ma-realize kung sino ang kasama ni Carlisle! Shocks! Yung lalaking nabunggo ko kanina sa school!

Hindi ko alam ang gagawin ko! Natataranta ako sa pag-aayos ng gamit habang sila.... Palapit na ng palapit sa pwesto ko! At, nakatingin pa sa 'kin yung lalaki! Bakit ba siya tumitingin?! At sino ba siya? Bakit kasama siya ni Carlisle at mukhang close na close pa sila?! Anong meron? NAIINIS NA 'KO! Pati sa sarili ko. Bakit ako matataranta? At maiilang? Eh hindi ko naman siya gusto, umayos ka Eli!

"Eli, he's my brother. Kuya, Clint. Remember him? I already mentioned him to you. That I have a brother coming from the state. That's him, my brother Clint." nang-aasar na pakilala niya. Agad namang nalaglag ang libro na hawak ko dahil sa sinabi niya.

Pero, bakit?! Paano? Nakakahiya! Kuya niya? Lupa! Kainin mo na ako! Dadamputin ko na sana pero naunahan ako ng kuya niya! Inabot naman niya yun kaagad sa akin at inilahad ang kanyang kamay.

"Clint. Carlisle's brother. And, you are?" nakangiting tanong niya. Sa ngiti niya, para naman siyang nang-aasar eh! Mukha namang alam na niya ang name ko! Natulala pa ako sa kan'ya bago ako natauhan dahil narinig ko ang tawa ng dalawang bruha!

"Nice to meet you, Clint. Elijah, call me Eli nalang. For short." pagpapa-kilala ko ng tinanggap ko ang kamay niya. Inalis ko naman kaagad yun at agad umupo para ayusin ang salamin ko para magbasa ulit. Ang awkward! Nakatingin parin siya!

Umupo na din sila pagkatapos ko umupo. May pinag-uusapan sila na hindi ko naman marinig kahit nasa likod ko silang tatlo. Mukhang kilala na agad siya ni Nymeriah ah. Eh, maano naman? Kilala ko na din naman siya, pero hindi ko naman alam na siya ang makakabunggo ko! At kuya pa ng kaibigan ko, kainis!

Nagpatuloy nalang ako sa pagbabasa ko kahit alam kong kumakain na sila. 12 pa lang ng tanghali, kaya dito na nila naisipang kumain. At kasama pa yung kuya ni Carlisle!

"Can't you eat? It's noon, you should be eating," rinig kong pamilyar na boses sa likuruan ko.

Oh, shit! Si clint! Ano ba ginagawa nito. Lupa kainin mo na ako! Ang bilis ng tibok ng puso ko? What?! Wala to! Wala yan, Eli! Umayos ka! Pag-aaral, pag-aaral!

Napaayos kaagad ako ng upo ng umupo siya sa harapan ko. At, nilapag ang pagkain na binili ni Carlisle.

"Ah, eh.... Hindi pa. Kasi.... Kasi may binabasa pa ako." kinakabahan kong sagot. Tinuon ko nalang ulit ang atensyon ko sa libro at nagbasa na ulit. Kahit ramdam ko na nakatingin pa rin siya, dahil siguro hindi ko pa ginagalaw ang pagkaing inabot niya sa akin.

"What are you reading, for?" maingat na tanong niya. Mukhang ayaw maka-istorbo, dapat lang. Bakit ba hindi nalang siya bumalik doon sa likod, at doon magtanong sa dalawa! Hindi tuloy ako makapag-focus!

"Para sa exam? Need kasi mag-aral eh, sa 11 na kasi exam namin. Parehas kaming tatlo nina, Carlisle at Nymeriah," sagot ko sa kan'ya.

"Ow, okay. Nice. Goodluck for your exams. What course ba in college ang kinukuha mo, Eli?" nakangiting tanong niya. What?! Did he call me, Eli? Seriously? Close na kami? Assumera, Eli.

"Engineering." tipid na sagot ko at nagbasa na ulit.

Tumango nalang ulit siya at umiinom nalang ng juice. Tinigil ko muna ang pagbabasa ko at kinain yung pagkain na binigay niya. Sayang naman yun kung hindi ko kakainin.

Pasimple akong tumitigin sa kan'ya. Gwapo naman talaga siya, eh. Mukha naman siyang mabait, pero mukha ding masungit.

His lips were thin and a little red. Those captivating eyes. His smiles that you can immediately fall in love with. I will admit. I like him. Yes, I like him. Hindi ko alam kung bakit, bakit biglaan. Basta, naramdaman ko nalang na gusto ko siya.

But, I have the right illusion that he will like me back.

CARLISLE'S POV

I noticed that Eli's eyes were only focused on my brother.

Also, my brother. His eyes were only focused on Eli. Earlier my older brother even asked the question of where Eli lives, her age, if she's my friend, isn't it obvious? Mukhang pang interesado siya kay Eli.

"Gurl, tignan mo 'tong si Eli. Panay sulyap sa kuya mo oh. Siguro, may gusto siya sa kuya mo. At kung totoo? Okay lang ba sa 'yo?" tanong nito habang tinitignan si Kuya at Eli na tahimik lang at kung saan-saan lang pumapaling ang paningin.

"Why not? Mabait si Eli, Nyemeriah. Matalino, masipag. Hands on sa pamilya. May pangarap sa buhay at higit sa lahat mabuting kaibigan. Alam ko naman na hindi niya sasaktan ang kuya ko. If, maging sila at kung totoo ngang may feelings sila sa isa't isa." nakangiting sagot ko. Bago tinignan ang dalawa sa likod.

Totoo naman. Eli was kind. Hardworking, smart and has a dream in life. And, it's okay for me if she becomes my brother's girlfriend.

Ewan ko nga ba kay kuya. Kahit nung highschool siya ay hindi manlang siya nagpakilala o nagdala ng girlfriend niya sa bahay. Pero, alam kong may nagugustuhan siya nun na babae, si Alexa. Maganda siya, matalino mayaman, may pagka maarte nga lang minsan. Pero, alam ko m.u lang sila ng kuya ko. Gusto siya ng kuya ko, pero si Alexa marupok sa ex niya at ni-reject niya lang ang kuya ko. Kapal diba.

Maganda naman si Eli. Hindi lang halata minsan dahil mukha siyang manang minsan dahil nakasalamin at seryoso pa ang mukha kahit prangka at palataw naman minsan. Pero, kung mag-aayos siya. For sure maraming magkakagusto sa kan'ya sa campus. Mukhang meron na nga eh, ang Kuya ko.

"Sabagay tama ka naman. Pero, mukha namang wala siyang pakealam about sa mga lalaki na yan, o sabihin na natin sa pagkakaroon ng boyfriend. At, sa tingin mo type kaya siya ng kuya mo?" dugtong niya.

"I think, yes? Iba kung makatingin si kuya kay Eli, eh. If maging sila, its okay for me. Mukha namang bagay sila oh." sagot ko at parehas kaming tumingin kay Eli at Kuya.

Agad naman akong napangiti nang makita ang dalawa na masayang nag-uusap. Ngayon ko nalang ulit nakita si kuya na ganyan kalawak ang ngiti at mukhang si Eli ang dahilan. Dahil, simula nung naghiwalay si Mommy at Daddy lagi ng seryoso si kuya. Pero, ngayon mukhang nagbago na.

"Ay gara gurl. Ang saya nila oh. Ang ganda din ng ngiti ni Eli kapag kuya mo ang kausap niya. Inlove ang gaga." umiling-iling ito habang natatawa.

"Sweet. I think gusto nila ang isa't isa. Tatanungin ko nalang si kuya about dun. At, kapag umamin. I'll be happy for them." nakangiting sagot ko.

Kung para sa kuya at kaibigan ko. Magiging masaya ako para sa kanila. At, walang kaso sa'kin kung gusto ng kapatid ko ang kaibigan ko. Alam kung hindi siya sasaktan ni Eli. Hindi nila sasaktan ang isa't isa kung magiging sila man.

I'll be happy for them. And, Iwill support them no matter what happens.

Basta, sa ikasasaya nila. Doon ako at palaging naka-suporta.

_________________________________

_________________________________

RIVER PARK IN DASMARINAS, CAVITE. EVERYONE.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status