Share

Six

CARLISLE'S POV

Maaga akong nagising dahil 7 start na ng klase namin. Kaya 5:30 pa lang gumising na 'ko para maghanda ng susuotin ko. Naligo muna ako at pagkatapos sinuot na ang napili kong damit na susuotin ngayong araw.

I wore my fitted jeans, croptop blue cloth and pointed sandals, it was only 2 inches high. Hinayaan ko nalang na nakaladlad amg buhok ko na hanggang balikat ko lang.

6 am pa lang kaya may oras  pa ako para mag-almusal. Pagkababa ko, dumiretso kaagad ako sa kusina pero imbis na si manang ang maabutan ko ay si Kuya Clint. Mukhang ang sarap ng niluluto niya, at mukhang madami pa. At, teka? Saan 'to natutong magluto? Hmpp!

"Hey, sister! GOODMORNING!" Masayang bati nito. Nagtaka naman agad ako don pero binati ko nalang din siya pabalik.

"Goodmorning din. Good mood ba? And, what is the reason? You look so weird, hindi ka naman ganyan. Since ng maghiwalay si mommy at daddy lagi ka ng seryoso sa buhay, tas pag-uwi mo dito ganyan ka na kasaya?" Mapang-asar na sabi ko dito. Alam ko ang dahilan kung bakit siya ganito, kundi dahil sa kaibigan ko. Kay Eli! "Because, of Eli ba? Umamin ka nga kuya. Do you like her?

Napangisi naman ako ng makitang medyo nagulat pa ito at uminom ng tubig. Tapos na pala siya magluto. Tinagtag na niya apron at nilapag nalang iyon sa lamesa at diretsong tumingin sa'kin. Tsk, praning!

"Wala naman. I'm just happy to see you and be with you, again. Don't you miss me?" Paawang tanong nito. Sus, iniiba lang ang usapan!

"Ofcourse, imissyou kuya. Kaya 'wag mo ibahin ang usapan. Do you like her? Just tell me," seryosong tanong ko sa kan'ya.

"Yes, I like her. Ewan kung bakit. After, nung kay Alexa parang ayoko ko na magkagusto sa iba. Baka masaktan lang ako, pero pagdating dyan sa kaibigan mo. Nahulo----," agad naman nitong naitikom ang bibig niya dahil sa huling salita na lalabas sa bibig niya.

Natawa ako ng kaunti at saka tumingin sa kan'ya. Na may mapang-asar na ngiti.

"Deny mo pa. Halata kana din naman kuya. Tsk... Tsk... Tsk... Inlababo ang ulaga. Teka, bakit parang ang dami niyang niluto mo for breakfast? Ham, hotdog, eggs. Seriously? Saan ka naman natutong magluto, aber?" Nagtatakang tanong ko sa kan'ya.

"Nagpaturo lang ako. Baunin mo yan, bigyan mo na din mga kaibigan mo. Sige na, ma-late kapa. 6:20 am na, baliw," Natatawang sabi niya.

Dali-dali akong kumain habang siya nilalagay sa tapperware ang niluto niya. Pagkatapos nun, hinatid niya na ako sa labas at nagpaalam nako sa kanya bago sumakay ng kotse at nag-drive paalis.

DeLa Salle, Parking Lot.

6:50 na ako ng makarating sa room namin. Salamat naman dahil wala pa ang teacher na magtuturo sa'min ngayon. Sa buong araw meron akong apat na klase. Dalawa sa umaga at dalawa sa hapon. Dahil, mamaya ia-aanounce kung sino ang nanalo sa slogan contest sa huling araw na 'to ng August. At, sila Eli ang assign dun.

Dumating na din ang teacher namin. Kaya nakinig nalang ako sa mga tinuturo nito. About lang ito sa Math. Kaya kahit hindi ko maintindihan minsan, nakikinig parin ako. Pagkatapos ng explanation niya nagbigay ito ng maikling quiz. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil kahit hindi ko masyadong naintidihan nakakuha parin ako ng 9/10 na score. Buti nalang!

Sumunod naman ang klase sa Filipino. Kaya nag-focus talaga ako sa pakikinig dito. Kailangan dahil ito ang subject na kukuhanin ko sa pagtuturo. Mataposbang mahaba-habang diskasyon nag-dismiss din kaagad ang teacher namin kahit hindi pa bell.

Tinext ko si Nymeriah at Eli para sabihing nauna na ako sa canteen at doon ko nalang sila iintayin.

To Nymeriah:

Gurl, I'm here sa canteen. Sunod kana lang dito if tapos na ang klase mo. See you!

Nag-reply naman kaagad ito. Bilis ah.

From Nymeriah:

I'm here. In front of you, sis. Lol haha.

Nakita ko nga siya nakatayo sa harapan ko at nakangiti. Sinenyasan ko naman siya na maupo na kaya ganun ang ginawa niya. Tinext ko muna si Eli bago ko siya kausapin.

To Eli:

Sis, Im here sa canteen. Sunod kana lang if tapos kana sa class mo ah. See you!

Nakatanggap naman agad ako ng text galing sa kan'ya.

From Eli:

Hindi ako makakasunod sis. Ngayon ia-announce ang nanalo sa slogan contest eh. Bye.

Medyo na sad naman ako sa reply niya. Alam kong hindi pa siya kumakain at kailangan yun ang unahin niya dahil sa ang naatasan para dun.

Nilabas ko ang pagkaing pabaon ni kuya at binigyan ko si Nymeriah nun.

'Wag mo ubusin. Tirhan natin si Eli. Hindi raw siya makakapunta kasi may ginagawa pa. Puntahan nalang natin pagkatapos natin kumain,' sabi ko sa kan'ya at tango lang ang naging sagot niya.

Tahimik ngayon ni Nymeriah. Hindi naman halatang gutom pero sobrang tahimik at seryosong kumakain. Umandar na naman pagiging wirdo nito.

Natapos naman kaagad kami kumain at meron pa kaming 15minutes para sa recess kaya pinuntahan kaagad namin si  Eli. Pagkarating namin mukhang tapos na ang announcement at may kinakausap siyang babae. Nakasalamin ito at mukhang tahimik lang talaga. Pero, maganda siya at mukhang matalino. Kaya siguro ito ang nanalo.

"Eli, eat first." sabi ko sa kan'ya at inabot ko ang lunch box ko. Andun yung pagkain na niluto ni Kuya. For her alam ko yun!

"Thankyou sis. Busy eh. Mukhang seryoso yang isang yan ah? Ano problema nyan? Mukhang nalugi ng iaang milyon," bulong niya sa'kin. Tinutukoy niya si Nymeriah na nasa isang gilid lang at tahimik. Natawa naman kaagad ako at tinapik siya ng mahina sa balikat.

"Gaga baka may problema lang. Hayaan mo't tatanungin ko mamaya. Basta, kumain kana dyan. Babalik na'ko sa klase," paalam ko.

"Thankyou. Teka, Carlisle si Aya, Aya si Carlisle kaibigan ko. Siya yung nanalo sa contest ang galing nga niya eh," paliwanag nito.

Nilahad ko ang kamay ko kay Aya at nakipag kilala. "Carlisle Alexandra Monterial, nice to meet you, Aya. Good work. I need to go. Mauna na kami!" Paalam ko at hinatak na paalis si Nymeriah.

Kanina pang tulala ang gaga! Siraulo talaga. Tinanong ko kung ano ang problema pero hindi sumagot. Gaga talaga!

Bumalik na'ko sa klase dahil andun na ang teacher namin. At nakinig nalang ako sa lessons na dini-discuss nito.

ELIJAH'S POV

Nang makaalis si Nymeriah at Carlisle. Bumaling agad ang paningin ko kay Aya kasi tahimik lang itong nasa likod ko.

Sinama ko nalang siya sa canteen at sabay kaming kumain dun. Ang dami naman ng pagkain 'to, parang hindi naman nabawasan. May 10 minutes pa naman kami eh. Kaklase ko siya sa engineering at bilib ako kasi ang galing niya. Sa simpleng slogan siya ang nanalo. Kahanga-hanga!

"Aya, ilang taon kana?" Tanong ko dito habang ngumunguya ng pagkain.

"19 lang. Ikaw ba?" Pabalik na tanong niya. Tapos na pala siyang kumain, ang bilis naman.

"18 matanda ka pala ng isang taon sa'kin  pero oks na yun," Nakangiting sagot ko sa kan'ya.

Pagkatapos nun hindi na siya nagsalita. Halata namang naiilang siya sa akin kanina pa. Sobrang tahimik din at laging tipid sumagot kapag kinakausap ko. Pero, ang gara kasi nakuha niyang sumali sa contest na yun. May premyo kasi na 500 kung sino ang mananalo at buti siya ang nanalo at nakakuha nung price. Tamang tama naman daw at kailangan ng magulang niya. Malaking tulong na din daw.

Pagkatapos namin kumain parehas na kaming bumalik sa room namin dahil mag uumpisa na ang klase namin.

Pagkarating ng teacher namin. Bumalik na kami sa kan'ya kan'yang upuan at pare-parehas ng nakinig sa discussion ngayong maghapon.

Lumipas ang ilang oras at uwian na. Habang inaayos ko ang mga gamit ko nakitang kong lalabas na sana si Aya pero tinawag ko siya kaya agad din siyang napalingon sa akin. Inayos p ang salamin niya sa mata.

"Bakit?" Mahinhin na tanong niya. Ang cute niya naman.

"Sabay kana sa'kin? Gusto mo?" Nakangiting tanong ko sa kan'ya.

"Hindi na. Iniintay na 'ko ng kapatid ko  e. Sige, bye!" Kaway niya at lumabas na ng classroom.

Kapatid? Wala naman siyang nabanggit kanina. Pero, ayos lang. Buhay niya naman yun at ayoko mangealam.

Naglalakad na ako sa hallway papuntang parking lot nang mag-text su Carlisle na andun daw siya kaya doon na ako dumiretso. Ilang minuto lang nakarating din naman agad ako.  Naabutan ko siyang may kausap sa cellphone kaya hindi muna ako pumasok. Pero, sumenyas naman siya ba pumasok na ako. Tumango nalang ako at umupo sa tabi niya.

"Asan si Nymeriah?" Nagtatakang tanong ko dahil wala ito sa backseat.

Nagkibit-balikat siya. "Ewan, biglang nawala eh. Kanina pa nga yun. Weird." Seryosong sagot niya at nagpa-andar na ng kotse.

Parehas lang kaming tahimik sa loob ng sasakyan. Habang ako nagbabasa nalang para kahit kaunti may na-review na'ko dahil nexg friday at exam na namin.

Ilang sandali pa nakarating din naman agad kami sa labas ng bahay namin. Bumaba na kaagad ako at nagpaalam sa kan'ya.

"Salamat, sis. Paano kitakits bukas? Sino pala kausap mo sa phone mo kanina?" Interesadong tanong ko. Napangiti naman ang loka-loka  alam siguro tinutukoy ko. Malamang kuya niya!

"Ah si kuya," sagot niya. I knew it! "Umuwi daw si mommy at daddy sa bahay. May dinner daw. 4pm pa nga lang eh pinagmamadali na'ko," iritang sagot niya.

"Hayaan mo na minsan lang yun. Siya sige una na'ko, diretso uwi ah. 'Wag mo kalimutan mag-review, bye!" Paalam ko sa kan'ya. Nagpaandar naman siya ng kotse at kumaway sa akin.

Mabuti talaga siyang kaibigan. Hindi niya hahayaang umuwi nalang ako mag-isa.

Nang maka-alis na siya pumasok na'ko sa loob ng bahay namin. Hindi ko na nagawang kausapin si nanay at diretso nakong pumunta sa kwarto ko at ibinagsak ang katawan ko sa kama sa sobrang maghapong pagod sa school dahil sa contest na yun.

Siya na naman ang nasa isip ko! Ang kuya ng kaibigan ko. Bakit ba kase ganito nararamdaman ko  at bakit ganun ang epekto niya. Grabe, kakaiba. Hays.

Gusto talaga kita, Clint.

Nakaramdam na ako ng antok kaya unti-unti ng pumikit ang mga mata ko. At, nakatulog.

__________________________________

__________________________________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status