Share

Nine

CARLISLE'S POV

It's Saturday! At maaga akong nagising, well 6 am pa lang naman ng umaga. Kaya naisipan kong bumaba na at magluto. Bacon, Egg, Friedchicken, fried rice. I cooked for him, for my Kuya.

Sobrang lasing niya kagabi sa bar. Ang layo pa naman ng Padis Point Dasmabar and grill restaurant din siya. Hindi naman ako natagalan papunta dun kasi, it's already 10 pm ng pinuntahan ko siya dun. Wala namang masyadong sasakyan ng ganung oras dito, depende nalang kung may mga pasahero pa na umuuwi galing sa work nila ng ganung oras.

I was so sad for him. I know he's still love Alexa kahit hindi naging sila. Maybe, M.U. But, she love Alexa to the point na pati sarili niya hindi niya na nagawang mahalin. I warned him always, that don't go near to that girl. Because, I know that girl will broke my brother's heart. I know Alexa, masyado siyang maarte porket mayaman siya. I don't want to be like her, mayaman ako yes, pero ang maging ganun ang ugali? No way. I swear mas gugustuhin ko pang maging ordinaryong tao, ket mahirap lang ako. Pero, ang maging ganun. Ayoko.

Alam kong gusto ni Kuya si Eli. Pero, hindi ko siya masisisi, If he still, like and love Alexa. Masyado siyang naakit kay Alexa, tsk. At, ang masaklap pa dun hindi pa rin niya nakakalimutan si Alexa. Doon siya patay na patay sa babae na yun e, bwesit. Pero, gagawa ako ng paraan para mapalapit si Eli kay Kuya at ganun din si Kuya kay Eli. Para naman makalimutan niya ang babaeng yun.

Sa dami kong naisip tungkol kay kuya, at kay Alexa. Tapos na din pala ako sa pagluluto, at saktong baba naman ni kuya. Nakakatawa siya kasi naka shorts lang siya, half naked, oo. Stupid. Kusot-kusot pa niya ang mga mata niya. Parang talagang bata. Naupo siya sa harap ko at seryoso lang siya. Hay, naku.

"Goodmorning, Kuya. Breakfast?" Tumango lang siya kaya nilagyan ko siya ng pagkain sa plato.

Arghh! Hindi ako sanay na ganito si Kuya. Lagi siyang hyper at sobrang masiyahin. Buti nga't bumabalik na siya sa dati. E, ngayon bigla nalang naging katulad na naman siya noon. Umiinom at palagi nalang nasa bar. Buti nga tama ang pagpunta niya noon sa state. Naka move on siya, pero akala ko lang pala. Nasasaktan pa rin pala siya hanggang ngayon. Kasalanan mo 'to Alexa.

"Kuya, baka may problema ka? Do you want to share? Im here for you. Handa ako makinig sa mga problema mo. Remember, I'm your lil sis," sambit ko. He sighed. Naiiyak na naman siya. Nilapitan ko kaagad siya at niyakap. Nasa likod niya ako. Nag umpisa na nga siyang umiyak. Arghh, I don"t want to saw you crying, Kuya. "Shh... Don't mind her. She doesn't deserve your love for her kuya. May ibang babae dyan na gusto kang mahalin, pero hindi mo nakikita. Try to move on, makakalimutan mo din siya. Hindi sa kan'ya umiikot ang mundo mo. Matuto kang tumingin sa paligid mo. Makikita mo kung sino talaga ang dapat mong magustuhan at syempre mahalin. 'Wag mo ikulong ang sarili at nararamdaman mo sa isang tao. Just open your heart and you'll see who the best for you.

Tinapik tapik niya ang balikat ko. Tumayo siya at niyakap din ako. How sweet, Kuya. "Don't worry, lil sis. I can handle it. Just give me some time para maayos ko 'to at sarili ko. Let's eat." Niyakap niya pa ako ng mahigpit at pagkatapos nun naupo na ulit kami.

Habang kumakain kami pinagmamasdan ko ng maigi si kuya. Mukhang okay naman na siya. Nakakangiti na ulit siya ng maayos. Ganyang lalaki iiwan pa? Tanga mo naman, Alexa. Ang tangkad ng kuya ko, maputi, matangos ang ilong, macho pa, mabait, ket minsan palaging seryoso mukha niya, at gwapo pa. Tapos papakawalan mo pa? Mali ka ng ni reject, gurl. Ayoko lang masaktan ang kapatid ko sa oras na magmahal sya. Oo, part ng pagmamahal ang masaktan. Pero, 'wag naman yung sobra. Dahil, nahihirapan din akong makita na nasasaktan ang kapatid ko.

Mula bata pa lang siya na ang kakampi ko. Siya na ang karamay ko tuwing walang tao sa tabi ko para damayan ako. Taga punas ng luha ko, taga pagpatawa ko, at tagapag tanggol ko. Kaya kapag nasasaktan siya, nasasaktan din ako. Sa lahat ng oras nasa tabi niya ako kapag may problema siya. Ganon ko kamahal si Kuya kahit umalis siya noon at pumunta sa America. Pero, alam ko na may dahilan ang lahat.

Nililigpit ko na ang pinagkainan namin. Sabi ko kay Kuya na ako nalang maghuhugas. Kahit ayaw niya, pumayag din siya. Makulit din ako e. Choss, gusto ko lng talaga matuto. Umakyat nalang siya sa taas at natulog.

Nagsisimula na akong maghugas ng tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Eli.

"Hello?" Sagot ko, nakaipit ang cellphone ko sa tenga ko gamit ang balikat habang naghuhugas ako.

"Wala naman, gurl. Kamusta ka? I mis s you. Busy kaba? Ako lang mag-isa dito sa bahay e, wala si nanay. May inasikaso sa pala-pala. Kasama niya kapatid ko. Boring nga e. Btw, goodmorning!" Sambit niya. Natawa naman agad ako kasi parang ang lungkot lungkot ng boses niya.

"Sige. Punta kana lang dito now. Tapos, papuntahin ko din sina Aya. I'll buy some foods and drinks. Then, let's bond. Is that okay?" Sagot ko. Dumireso kaagad ako sa taas at naghanap ng masusuot habang kausap si Eli.

"Sige! Magpapalit na 'ko. 'Wag mo na ako sunduin ako nalang pupunta dyan, wait for me huh? Thankyou bestfriend! Boring lang talaga dito e." Tuwang-tuwang sagot nya. For sure nagtatatalon na yun sa tuwa. Baliw talaga.

"I'll change some clothes. Your welcome. Take your time. Bye." Sagot ko at binaba na ang tawag.

Pumasok kaagad ako sa cr at naligo.

It's good idea na pumunta dito si Eli. Chance niya na para mapalapit kay kuya. Dinalian ko kaagad maligo at nagbihis. Sinadya ko talaga 'wag ng intayin si Eli. Hindi na agad ako nag paalam kay kuya paalam ko magbihis. Nag drive kaagad ako palabas ng subdivision para bumili ng makakain. Total tanghali na din naman.

Don't worry kuya. Makaka move on ka din. Its a better idea that you and Eli will meet again...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status