Share

[CHRIS] Part8.13: Chapter13

HUGOT hiningang binitiwan niya ang buhok ng dalaga na ngayon ay umiiyak na nakasalampak ng upo sa semento at nagmamakaawang huwag niya itong sasaktan. Nakaramdam siya ng hindi pagiging kuntento at 'di nasiyahan sa simpleng pagpapahirap niya sa dalaga. Nag-isip siya ng ibang paraan ngunit tila walang pumapasok na ideya sa kanyang utak dahil tanging pag-iyak lang ni Jiliaveen ang kanyang naririnig na sinabayan pa ng pagmamakaawa nito kung kaya't 'di niya maiwasan marindi.

"Please.. Chris, pakawalan mo na ko ayoko sa mabahong lugar na 'to kasama ang mga malalamig na bangkay!"

Hindi niya pinansin ang sinabi nito sa halip lumapit siya sa kinaroroonan ni Mr. Zhao, may pinunit siyang kapirasong tela sa damit nito kapagkuwan ay isinalpak niya sa bibig ni Jiliaveen ang kapirasong tela, dahilan para manahimik ang dalaga.

Pikit-matang dinamdam niya ang katahimikan sa paligid ng basement saka niya hinarap si Jiliaveen na may ngiti sa kanyang labi. Muli niyang nilapitan ang dalaga saka niya sinapa
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status