Share

[SAMUEL] Part6.7: Chapter7

MATAPOS nilang mabasa ang sulat, halos hindi sila makapaniwala—tila nagrerehistro sa kanilang utak kung paniniwalaan ba nila o patuloy na magdududa.

“Paanong—shit!” bulalas ni Prelim nang mahagip ng mata niya na may makita siyang tao na lumulutang sa ilog. Tumakbo siya papunta sa ilog at lumangoy patungo sa nakatalikod na lumulutang na bangkay.

Sinundan naman ng tingin nina Benjamin, Kailyn, at Tisay si Prelim kung saan nagtatakbong nagtungo ito sa ilog. Ilan saglit pa, tumakbo na rin si Benjamin na sinundan naman nina Tisay at Kailyn. Ngayon, nakahinto lang sila sa pampang at naghihintay na lamang kay Prelim na maiahon kung sino man bangkay iyon.

Pagkaharap ni Prelim sa bangkay ay laking gulat niya nang makitang si Johan iyon. Bigla na lamang tumulo ang mga luha niya. Marahil ay nag-suicide ito dahil sa pagtatalo nila kanina. Napagpasyahan niyang iahon ang kaibigan at laking gulat din ng mga kasama niya na makitang wala nang buhay si Johan.

“Oh god, baby!” bulalas ni Tisay matapos ma
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status