Share

[SAMUEL] Part6.8: Chapter8

AGAD na bumaba ng sasakyan si Tisay nang huminto ang van nila sa tapat ng store ni Samuel. Sumunod na bumaba si Benjamin na sinundan naman nina Kailyn at Prelim. May naramdaman na namang kakaiba si Kailyn nang muli siyang umapak sa store ni Samuel. Tila ba’y may nais ipahiwatig sa kanya ang malamig na pakiramdam, ngunit wala siyang ideya kung bakit niya nararamdaman iyon.

“Tisay, totoong wala nang buhay si Samuel!” pigil ni Benjamin kay Tisay nang akmang papasok na sila sa loob.

Mataray na humalukipkip si Tisay. “Gusto ko lang ng patunay, Ben. Gusto kong bigyan ng hustiya ang pagkamatay ng boyfriend ko at ni Cassandra!” galit nitong turan.

Sandaling natigilan si Benjamin pagkatapos ay huminga nang malalim. “Sige, kung ’yan ang gusto mo, ihahatid kita sa bangkay!” sarkasatikong tugon niya.

“Pumasok na tayo sa loob,” aya ni Prelim.

Unang pumasok sa loob ng store si Benjamin, sinundan naman siya nina Tisay, Kailyn at Prelim. Iginiya pa ni Benjamin ang mga kaibigan niya patungo sa likod n
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status