Share

[SIMON] Part7.11: Chapter11

LABING-ANIM pa lamang ang kanilang napapatay at lahat ng iyon ay dinala nila sa bodega ng library. Dahil ang mga iba ay nais manlaban sa hawak nilang mga patalim kung kaya't wala silang nagawa kundi ay unahan ang mga ito bago pa makagawa ng kaluskos at anumang ingay.

Kasalukuyan nasa bodega pa rin silang tatlo. Napabaling ang tingin ni Simon kay Raymond nang tignan nito ang wrist watch, kapagkuwan nakitaan niya ang pagkabahala sa mukha nito.

"Raymond, anong problema?" Nag-aalalang tanong ni Bashie. Nang mapansing iba ang kinikilos ni Raymond. Tagaktak ang pawis nito at panay hawi nito sa mahabang buhok.

"Alas-kuwatro na ng umaga, hindi pa natin alam kung sino ang pumatay kina Mrs. Ana Delos Reyes, Kirk, Alyssa at Xavier!" Nagpapanic na sambit ni Raymond. Dahilan para makatanggap ito ng mahinang batok mula kay Bashie.

"Maghunos-dili ka nga Raymond!" Suway ni Bashie.

Pikit-matang nagpakawala siya ng buntonghininga saka niya binalingan si Bashie. "Bilangin mo kung ilan pa ang natitira."
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status