TAHIMIK lang sa isang sulok si Simon, habang ang kanyang mga kaklase naman ay may kanya-kanyang mundo at mga maiingay. Tumunog ang bell hudyat na magsisimula na ang klase. Pasimple siyang ngumiti nang pumasok sa classroom ang taong kanina pa niya hinihintay. Dumiretso ito sa desk na nasa harapan saka nito ipinatong ang dala nitong mga libro."Good morning, class!" Panimula ni Mrs. Ana. Filipino ang subject na tinuturo nito."Good morning too, Ma'am Delos Reyes!" Bati ng mga kaklase niya.Nagsimula nang magturo si Mrs. Ana, habang siya naman ay nakatuon sa bawat kilos ng gurong nasa harapan. Maya-maya'y napapahinto ito saglit pero ibinabalik din nito ang atensyon sa pagtuturo. Humugot siya ng hininga nang maisip niyang tila apektado ang guro sa kaniyang iginuhit dahil putol-putol ang pagdidiscuss nito na para bang may dinaramdam itong problema. Pagkatapos magturo ni Mrs. Ana ay mabilis itong lumabas ng classroom na siyang ipinagtaka ng kanyang mga kaklase kung bakit kakaiba ang ikiniki
"SIMON!"Natigilan siya nang mabosesan ang tumawag sa kanyang pangalan kung kaya't dahan-dahan niyang nilingon ito. Mga nag-aalalang mukha ang bumungad sa kanya. Ang anim na taong mahalaga sa kanya. Sina Samuel, Trist, Clement, George, Fackly at Chris.Sunod-sunod ang kanyang pag-iling na para bang nagmamaang-maangan na wala siyang kinalaman sa pagkahulog ni Mrs. Ana sa rooftop. Napatingin siya sa bagong dating na sina Bashie at Raymond."Anong nangyari!?" Kuryos na tanong sa kanya ni Raymond."Simon, anong ginagawa mo rito?" Ani Bashie saka nito tinignan ang mga kaibigan niya."H-Hindi ko alam, bigla na lang ako sinaraduhan ni Ma'am Ana nang sinubukan ko siyang kausapin!" Paliwanag niya. Mukhang nakumbinsido naman niya ang dalawa niyang kaklase maliban sa mga kaibigan niyang tikom ang bibig habang nakatingin sa kanya. "A-Ano bang nangyari kay Ma'am Ana?" Kunwari'y 'di niya alam."Simon, hindi mo ba alam nagpakamatay si Ma'am Ana!" Pahayag ni Raymond na siyang ikinaatras niya.Nanghin
"AKALA mo makakaligtas ka?" Maangas na sabi nito."Xavier, kapag ipinagpatuloy mo 'yan pareho tayong male-late." Sagot niya nang hindi makatingin ng deretso kay Xavier."Wala akong pakialam, Simon!" Usal ni Xavier. "Akala mo hindi ko nakita ang ngiti mo, kung paano mo napasadahan ng tingin si Bashie." May himig na pagkaselos na turan nito."W-Walang malisya 'yon!" Pagtanggi niya kasabay ng kanyang pag-iling."Xavier, ano 'yang ginagawa mo kay Simon?" Biglang singit ni Kirk sa pagitan nilang dalawa ni Xavier.Pinanliksihan muna siya ng mga mata ni Xavier bago nito binalinggan ng tingin ang kaibigan. "Kirk, itong taong 'to pinupormahan niya si Bashie!" Mariin sambit nito saka siya sinuntok sa kanyang tiyan dahilan para agad siyang mapahawak sa parteng katawan na sinuntok ng kanyang kaklase.Tila tumagos sa kanyang kalamnan ang pagsuntok ni Xavier, kung kaya't 'di niya maiwasan mamilipit kasabay ng paghabol niya ng hininga habang dinadaing ang idinulot na sakit na ipinaramdam sa kanya."
SA 'di kalayuan napangisi si Simon nang makita ang dating maangas na si Xavier, ngayon ay takot na takot. Napahigpit ang kanyang hawak sa kahoy na kanina lang niya napulot nang magtago siya sa halamanan. Mahaba, may parteng mataba at patulis sa dulo ang kahoy. Ilan saglit pa napagpasyahan niyang magpakita kung kaya't natigilan si Xavier nang makita siya. Nanlalaki ang mga mata nito sa gulat at tagaktak ang pawis nito."Walang makakarinig sa 'yo dito!" Panimulang sabi niya. "Mga ganitong hapon ay walang masyadong tao." Dugtong niya.Pinaningkitan siya ng mga mata ni Xavier dahilan para lumawak lalo ang pagkakangisi niya rito. "Ikaw, Simon!" Gigil na banggit nito sa pangalan niya. "Anong ginawa mo sa 'kin at bakit nakatali ako!" Matapang nitong dugtong.Sa ikalawang pagkakataon ay pinilit nitong pumiglas ngunit habang tumatagal ay mas lalo lang itong napapagod sa ginagawa nito."Simple, dahil dito." Tugon niya, sabay pakita niya ng papel kung saan doon nakaguhit si Xavier. Natigilan nam
TAHIMIK silang naglalakad na dalawa ni Bashie nang basagin iyon ng dalaga. Napansin niyang medyo madaldal ang dalaga dahil panay tanong nito tungkol sa personal niyang buhay. Pero syempre, maingat niyang sinasagot ang tanong nito para hindi siya pagdudahan ng dalaga.Ngunit tila susubukin siya ng tadhana, akala niya nakaligtas siya sa tinatago niyang sekreto. Halos gusto niyang huminto sa paglalakad at manigas na lang sa kanyang kinatatayuan pero 'di niya magawa at nagpatuloy pa rin siyang sabayan sa paglalakad si Bashie nang magtanong ito."Nakita kitang may isinuksok ka sa bulsa ng pants ni Kirk. Ano 'yon?" Kuryosidad na tanong nito."Ah, iyon ba, papel lang naman 'yon," maang-maangan niyang sagot. "Huwag mong seryosohin prank ko lang naman sa kanya iyon." Palusot na dagdag niya. Saka pilit na ngumiti.Hindi siya nabigo dahil mukhang nakumbinsido niya ang dalaga at natawa pa ito sa sagot niya. "Ang isang nerd, matalino at tangang tulad mo ay marunong palang mangprank!" Komento nito.
PAGKAALIS ng grupo nina Gray ay buntonghiningang sinundan ng tingin ni Simon ang rebulto ni Kirk. Ilan saglit pa, binalingan niya si Raymond na kakaupo lang matapos nito ayusin ang nagusot na kuwelyong uniporme."Ayos ka lang?" Nag-aalalang tanong niya.Pikit-matang bahagyang umiling si Raymond. "Walang problema sa 'kin ang mga iyon. Kahit abangan pa nila ako sa labas ay gagantihan ko sila." Matapang na banta nito."Raymond!" Nanunuway na sambit ni Bashie."Huwag mo na lang sila pansinin." Komento niya."Tama si Simon, Raymond. Ikaw ang kawawa kapag pinatulan mo pa sila." Advice na sabi ni Bashie. Tanging pagtango lang ang itinugon ni Raymond nito sa dalaga.Pagkatapos nila kumain ng lunch ay bumalik na sila sa classroom. Muling nagsimula ang klase, ngunit pa-simpleng tanging kay Kirk at Alyssa lang siya nakatingin habang naglelecture ang guro sa pisara. Alam niyang nag-uusap ang dalawa sa pamamagitan ng pagpapalitan ng sulat. Pareho pang nakangiti ang dalawa kung kaya't 'di niya maiw
PUMUNTA siya sa sink in saka siya naghugas ng kamay at nagtanggal ng damit, sakto naman na may dala siyang pamalit na damit kung sakaling madikitan siya ng dugo ay hindi malalaman na siya ang pumatay. Pagkatapos niya nilinis ang sarili napagpasyahan niyang lumabas ng cr, luminga pa siya sa paligid kung may mga estudyante pa bang natira, ngunit wala.Dumaan siya sa likod ng eskuwelahan kung saan may short cut roon palabas ng kalsada. Alam niyang mapapalayo ang kanyang lalakarin pauwi sa kanyang bahay pero mas naisip niyang lumabas sa gate baka pagdududahan siya ng guard kapag nadiskubreng patay ang kanyang mga target.Kinabukasan, sa labas palang ng gate ay usapan na ang pagkamatay nina Kirk at Alyssa. Huminto siya sa paglalakad nang makita niyang nilalabas ang bangkay ng dalawa mula sa gusali ng eskuwelahan. Kasunod niyon ang iyakan ng dalawang kaibigan ni Alyssa na sina Cathy at Reyna. Habang ang dalawa pang natitirang kaibigan ay malungkot lang itong mga nakatingin sa bangkay.Bumun
LABING-ANIM pa lamang ang kanilang napapatay at lahat ng iyon ay dinala nila sa bodega ng library. Dahil ang mga iba ay nais manlaban sa hawak nilang mga patalim kung kaya't wala silang nagawa kundi ay unahan ang mga ito bago pa makagawa ng kaluskos at anumang ingay.Kasalukuyan nasa bodega pa rin silang tatlo. Napabaling ang tingin ni Simon kay Raymond nang tignan nito ang wrist watch, kapagkuwan nakitaan niya ang pagkabahala sa mukha nito."Raymond, anong problema?" Nag-aalalang tanong ni Bashie. Nang mapansing iba ang kinikilos ni Raymond. Tagaktak ang pawis nito at panay hawi nito sa mahabang buhok."Alas-kuwatro na ng umaga, hindi pa natin alam kung sino ang pumatay kina Mrs. Ana Delos Reyes, Kirk, Alyssa at Xavier!" Nagpapanic na sambit ni Raymond. Dahilan para makatanggap ito ng mahinang batok mula kay Bashie."Maghunos-dili ka nga Raymond!" Suway ni Bashie.Pikit-matang nagpakawala siya ng buntonghininga saka niya binalingan si Bashie. "Bilangin mo kung ilan pa ang natitira."