Share

[SIMON] Part7.2: Chapter2

WALA pa man limang minuto ay mayroon na naman lumapit kay Simon na kaklase niya. Pero sa oras na ito ay tatlong babae, sila 'yong tatlong babae ang nagdikit ng papel sa kanyang likuran nang makasalubong niya ang mga ito papasok sa gate ng eskuwelahan.

"Hi, Simon," maarteng pagbati sa kanya ni Cathy. Nakangiti pa ito na halatang nang-aasar. "Sawa ka na ba sa boses ni Mrs. Ana kaya ka nandito sa library, tama?"

"Girl, nagtanong ka pa, alam mo naman isa siyang mandarayang loser!" Natatawang komento ni Reyna.

"Alam niyo, ang suwerte niya. Lahat tayo sinermunan samantalang siya nagfefeeling matalino!" Pagpaparinig naman ni Alyssa, sabay tawa nito.

Napaangat ang tingin niya sa tatlo niyang kaklase saka siya tumayo para harapin ang mga ito. Ningitian pa muna niya ang mga ito bago magsalita.

"Ituloy niyo lang." Makahulugan sambit niya.

Kumunot ang noo ni Cathy, habang sina Reyna at Alyssa naman ay pareho pang nagtaka at nagkatinginan sa isa't isa. Mga walang ideya sa kung anuman ang sinasabi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status