"Ma'am, hinihintay kayo ni Sir Wregan sa ibaba," imporma ng secretary niya nang pumasok ito ng opisina.
Kunot ang noo na nag-angat ng ulo mula sa binabasa na papeles si Carnation. "Ano ang ginagawa niya sa lobby? Bakit hindi siya umakyat dito?"
“Ang sabi niya sa akin, bumaba daw kayo.” Kibit balikat na sagot ng secretary niya. Hindi na tuloy maipinta ang itsura niya. Ano naman kaya ang kailangan ng lalaki sa kanya at siya pa ang gusto niyang pumunta dito.
“Sige, paki-cancel na lang ng mga meetings na naka-schedule today. Malakas ang kutob ko na itatakas na naman ako ng isang iyon. Malamang narinig niyang pumasok si Kuya Wren,” utos niya at niligpit ang mga gamit sa kanyang table.
“Sige po, Ma’am. Sasabihin ko rin ba kay Sir Wren na umalis kayo ni Sir Wregan?”
“Hindi na. I’m sure alam na niya, knowing Wregan. Malamang sinabi na ni Wregan kay Kuya Wren na aalis kami.” Tumango ang secretary a
Inalalayan siya ni Wregan pababa ng kotse. Kinuha nito mula sa kamay niya ang box ng triple chocolate cake na binili sa isang sikat na bake shop. Tanggahili sila umalis ni Wregan ng Batangas at hapon na sila nakarating ng Maynila, at na-traffic pa sila sa EDSA papunta sa bahay ni Wren. Ginabi na tuloy sila.Sabay silang pumasok sa main door ng bahay ng kanilang nakatatandang kapatid. Nakita sila ng isa sa mga katulong doon at agad na sinalubong."Magandang gabi, Ma'am, Sir." Ngumiti si Carnation sa katulong."Si kuya?" tanong ni Wregan at niligon ang sala ngunit walang kahit isang tao doon."Nasa dinning na po sila, Sir. Ako na po ang magdadala ng hawak niyo," anang maid at kinuha sa kamay ni Wregan ang box ng cake, ngunit hindi naman iyon binigay ni Wregan. Hindi niya na iwasan na samaan ng tingin ang kasama."Ano ba ang ginagawa mo?" bulong niya kay Wregan at siniko ito."Sir, ako na po—""Hindi na manang, ako na. Sama
Kanina niya pa binabasa ang report na hawak pero wala talaga siyang maintindihan. Wala sa trabaho niya ang isip niya. Lumilipad ito kung saan sa loob ng kanyang opisina. Nakakainis! Bakit kasi kailangan na makita pa niya si Luca? Pwede namang nanatili na lang ito sa New York at hindi na bumalik ng Pilipinas."May problema ba? Kanina mo pa binabasa ang isang pirasong papel na 'yan," puna ni Lizette at nilapag ang tasa ng kape sa ibabaw ng center table. Pinatulog na nito ang anak.Sunod-sunod siya umiling. "Wala. Hindi ko lang maintindihan ang mga nakasulat.""Bakit? Masyado bang komplikado ang laman ng isang piraso ng papel na iyan?" Naupo ito sa carpeted floor ng sala tulad niya at sinilip ang papel na hawak niya. "Ay, gaga! Paano mo kasi maintindihan wala namang nakasulat! Naku… Mauve, kilala na kita may problema ka talaga. Sabihin mo na. Ano ba kasi ang gumugulo sa isip mo?"Napasinghap siya. Dapat ba niyang sabihin? Ah, kasama nga pala ni Luca ang kapatid. Alam na kaya ni Lizette na
Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan niya. Ang tingin ay nag-palipat-lipat kay Farkas at Lizette, parehong napatlang ang dalawa na nakatitig lang sa isa't-isa. Mukhang ito na ang kinakatakutan na araw ng kaibigan niya, ang malaman ni Fast ang tungkol sa anak nito. "Akin na muna si baby," aniya at lumapit kay Lizette. "Sa tingin ko ay kailangan ninyong mag-usap." Kinuha niya mula kay Lizette ang baby nito at pumasok sa loob ng bahay para bigyan si Farkas at Lizette ng panahon na mag-usap. “Malalagot talaga ang mommy mo sa daddy mo, baby.” Nailing siya. Kung bakit ba kasi nagpunta dito ang lalaking iyon. Malalim na nagbuntong-hininga siya at hinalikan sa noo ang karga na baby. “Kay Tita ka muna ah? Si Mommy at Daddy mo kasi nag-uusap,” kausap niya sa baby at naupo sa sofa ng salas. Mula sa bulsa ng suot na jacket kinuha niya ang smartphone nang mag-ring iyon ng ilang beses. “Yes?” sagot niya sa tawag ng secretary. “Ma’am, may lalaki
Nakatayo sa harap ng malaking bintana na gawa sa salamin, mahigpit ang kapit ni Carnation sa puting kurtina ng bintana. Tanaw niya ang asul na dagat ngunit hindi niya magawang purihin iyon dahil sa galit na nararamdaman sa lalaking sapilitan na nagdala sa kanya sa isla kung nasaan siya ngayon.“Handa na ang pagkain. Come on, samahan mo akong mag-agahan,” masuyo at puno ng lambing na alok sa kanya ni Luca na naroon lang nakatayo sa kanyang likuran.“Hindi ako gutom,” matigas at matatag niyang sagot. Hindi niya ito sasabayan kumain kahit na ano ang mangyari. Kahit pa tutukan siya nito ng baril sa ulo. Mas mabuti nga siguro na mamatay na lang siya kesa ang makasalo itong kumain. Ganun katindi ang galit niya sa dito“Hindi pwede. Hindi ka kumain ng hapunan kagabi kaya kailangan mong kumain ngayon. Tara na, kailangan magkaroon ng laman ang tiyan mo, huwag matigas ang ulo Carnation, baka magkasakit ka sa ginagawa mo.”“
Mabilis na inagaw ng katulong ang tasa na hawak ni Carnation, sa gulat marahas niya itong nilingon. "Manang! G-ginulat mo ako.""Pasensya na ma'am. Ano ho ang gusto niyo? Ako na ang gagawa," presenta nito at hinila siya paupo sa high chair. "Gusto niyo ng kapi?""H-hindi na manang, okay lang ako." Tumayo siyang muli. "Kaya ko naman ang sarili ko, ako na po ang gagawa—""Ma'am… mahigpit na bilin po sa amin ni Sir Luca na pagsilbihan kayo.""Pero kaya ko po—""Mawawalan ako ng trabaho kapag hinayaan ko kayong gawin ang gusto niyo Ma'am." Hindi natuloy ni Carnation ang paglapit sa countertop para ipaghanda ang sarili ng kapi. Malalim siyang napasinghap. Hinarap niya muli ang katulong at tipid itong nginitian.“Mukhang wala na nga akong magagawa.” Pagsuko niya at hinayaan na itong ipagtimpla siya ng kapi. Pinagkasya na lamang niya ang sarili sa pag-upo sa high chair at inaliw ang sarili sa pagtingin sa mga gamit sa
Mapait ang ngiti ni Carnation na nakatitig sa full length mirror sa kanyang harapan. Hinaplos niya ang suot na bestida at dinama ang malambot nitong tela. Hindi na siya umasa na magkikita pa sila ni Luca, pero sadyang mapaglaro talaga ang tadhana.Sino ba naman ang mag-aakala na magagawa siyang dukutin ng binata para lang masolo sa isla na ito.“Nababaliw na siya,” bulalas ni Carnation sa sarili habang nakatitig pa rin sa sariling reflection sa salamin.Anong pa silbi ng ginagawa nitong panunuyo sa kanya gayong ikakasal na ito sa ibang babae? Hindi niya talaga maintindihan ang goal ni Luca. Alam ng lahat ang tungkol sa engagement nito sa anak ng isa sa mga board member sa kompanya ng ama nito, kaya ano ang balak nitong gawin sa kanya? Kailangan niyang malaman ang tunay na pakay ni Luca. Imposibleng basta na lang nitong talikuran ang dalawang taon na nilaan nito sa New York para makuha ang kompanya ng ama para lang makipagbalikan sa kanya.
"Nagustuhan mo ba ang ipinahanda ko?" tanong agad ni Luca sa kanya pagkatapos nilang kumain ng tanghalian. Nagliligpit ito ng pinagkainan nila."Yes, masarap ang timpla ng mga pagkain. Paborito ko iyong ginataang alimango." Luca nodded. Nagpatuloy ito sa paglilinis."Aalis na ba tayo agad?"Mula sa ginagawa umangat ang tingin ng binata sa kanya. "Bakit? Gusto mo bang tumambay na lang muna tayo rito?" Umiling si Carnation. "Okay lang naman sa akin kung gusto mo na manatili muna dito. We can go anytime you want. This is your tour by the way.""Hindi na. Umalis na tayo after mo magligpit," walang emosyon na sagot niya at tumayo. Naglakad siya patungo sa cliff at tinanaw ang dagat sa ibaba niya.Napakaganda ng view. Makapigil hininga ang tanawin sa harap ng mga mata niya, pero 'di maiwasan ni Carnation na ituon ang tingin sa ibang tanawin, sa lalaking nasa nipa house at naglilinis ng kawayan na lamesa. Wala silang masyadong napag-usapan habang kumakain
Sunod-sunod na napamura si Carnation nang magsimulang pumatak ang ulan. Hirap man sa kanyang sitwasyon, pilit niyang pinalalakas ang loob. Binaling niya ang tingin sa paligid, at nakita niya ang isang bahay na gawa sa nipa, luma na ito pero wala siyang choice. Kailangan nila ng masisilungan. Matibay pa naman siguro ito para i-cater ang dalawang tao, bahala na. "What are you doing?" tanong ni Luca sa kanya pagkatapos niya itong tulungan na umupo sa papag. "Mukhang bubuhos ng malakas ang ulan, sumilong na muna tayo dito. Ano, kaya mo pa ba? Masyado bang makirot ang sugat mo?" Umiling ang binat. "I'm fine. I can handle it." "Sigurado ka ba? Natatakot ako, hindi kaya ahas ang kumagat sayo doon sa ilalim ng tubig?" Hindi naman kasi ganun ka init ang tubig sa spring kaya pwedeng may ahas doon. "Hindi. Ayaw ng ahas sa mainit na lugar. Baka isda or eel ang kumagat sa paa ko. I'm not sure. Don't worry, hindi naman masakit." "Sigurado ka?"