共有

Chapter 7

last update 最終更新日: 2025-10-01 19:17:51

Padabog na umupo si Duke sa sofa, halatang gustong magsigarilyo ngunit agad niyang kinuha ang sigarilyo sa kamay nito at walang pag-aalinlangan na itinapon sa basurahan.

Kumunot ang noo ni Duke, nagtataka. "Ano ba'ng problema mo?"

Kailan ba siya nito nirespeto? Noong sila pa ni Mika, kahit anong gustong gawin ni Duke, walang reklamo si Mika. Pero iba siya. Ayaw niya sa usok ng sigarilyo at hindi niya ito hahayaang gawin ang gusto nito sa condo niya. "Ayoko ng amoy ng sigarilyo," seryosong sabi niya.

Hindi umimik si Duke, pero halata sa mukha nito na hindi ito sang-ayon. “Okay, hindi na ako maninigarilyo.” Mariin nitong sabi at seryoso siyang tinignan. "Dahil ba sa'yo kaya naglabasan ang balita kanina?" Para bang sigurado na si Duke na siya ang may kagagawan. Gusto naman talaga nitong ipagpaliban ang kasal, hindi ba't mas maging masaya pa ito kung makalaya sa kanya? Bakit parang big deal na siya ang naglabas ng balita?

Hindi siya sumagot. Pumunta siya sa refrigerator at kumuha ng maliit na cake. Hindi siya nabusog sa lunch kanina at pagod pa siya galing sa shopping nila ni Bea.

Nakita niyang naiinis si Duke dahil parang hindi niya ito pinapansin. "Kasal lang naman ang gusto mo? Bakit kailangan pang gawing komplikado?" Salubong ang kilay nito, galit na nakatitig sa kanya.

"Talaga bang kasalan lang ang gusto mo? Kung kasalan lang, edi sana simple lang ang lahat." Tiningnan niya si Duke ng malamig. "Kahit hindi ako magsalita, may maglalabas pa rin ng balita. Kaya mas mabuti nang ako na ang mauna."

Alam ni Duke kung sino ang tinutukoy niyang "may maglalabas." Her finger tap the table, nagbibilang. Hindi pa man umaabot ng tatlo, nagreact na si Duke. Napangisi siya.

"Huwag mong pag-isipan nang masama si Mika. Wala siyang ginagawang masama sa'yo." Gigil na sabi ni Duke.

Ngumiti siya at sumubo ng cake. "Hindi masama? Bakit ang bilis mo siyang pinaalis noon?" Tanong niya, naglalaro.

Dumilim ang mukha ni Duke nang banggitin niya ang nakaraan. Hindi niya makakalimutan 'yon.

"Sumusobra ka noon. Kung hindi umalis si Mika, ipapakulong mo talaga siya, hindi ba?" Alam na ni Duke ang sagot, pero nagtanong pa rin ito.

Sumubo ulit siya ng cake at tumango. "Oo." Walang pag-aalinlangan na sagot niya. Mas lalo pang dumilim ang mukha ni Duke, napangiti siya.

Bahagyang lumuwag ang ekspresyon ni Duke. Sayang, akala niya pa naman magagalit na ito nang tuluyan. "May sakit lang si Mika. Pag gumaling siya, papaalisin pa rin namin siya."

Tiningnan niya ito nang masama at hindi na nagsalita. Ano ang gusto nilang gawin niya? Maghintay hanggang gumaling ang ampon? Wala naman talaga siyang pakialam sa kanilang dalawa.

"Atsaka hindi ka papayagan ng mga magulang mo na gawin ang gusto mo. Kung magpapatuloy ka, ikaw lang ang mahihirapan." Para bang alam na alam ni Duke ang kahinaan niya.

Alam na alam nito na binablock ng pamilya niya ang credit card niya. Kung walang nangyaring kakaiba, hindi dapat blocked ang card niya ngayon.

Tiningnan ni Duke ang buong condo. "Matagal na ba akong hindi nagbabayad ng upa dito? Kailan ang susunod na bayad?"

Naalala pa pala nito na siya ang nagbabayad ng upa sa condo niya simula nang umalis siya sa bahay nila.

Hindi mura ang upa sa Premium Golden condo. Ang apartment na tinutuluyan niya ay nagkakahalaga ng 30,000 pesos kada buwan.

Ipinapaalala ni Duke na wala siyang karapatang maging matigas ang ulo. "Umalis ka na." Walang pakialam niyang sabi.

May sasabihin pa sana si Duke nang mag-vibrate ang cellphone nito. Kinuha nito ang cellphone at tiningnan ang screen. Hindi man lang nahiya na sagutin ito sa harap niya. Hindi nito gustong ipagpaliban ang kasal, pero hindi ito nagdalawang-isip na sagutin ang tawag ng ibang tao sa harap niya?

Lumabas na ang tunay na kulay nito na itinago nito sa loob ng dalawang taon. Hindi niya alam kung ano ang sinasabi sa kabilang linya. Agad na tumayo si Duke. "Huwag kang mag-alala, pupunta na ako diyan."

Napangisi siya, halatang patay na patay ito kay Mika. Isang tawag lang, pupuntahan na agad. Pagkatapos ibaba ang tawag, tumingin ito sa kanya. "Pag-isipan mo ang sinabi ko. Kahit ano pang gawin mo, mas uunahin pa rin nila ang sakit ni Mika."

Hindi niya ito pinansin at dumiretso sa pintuan, dala ang mga pinamili nila ni Bea. Lahat ng ito ay mga bag galing sa kilalang brands. Tiningnan ni Duke ang mga bag na dala niya, medyo nagulat. "May pera ka pa para mag-shopping?"

Sa mukha pa lang nito, alam na niya na iniisip nito kung pinarusahan ba talaga siya ng pamilya niya. Tuwing nagkakagulo noon, sinususpend ng pamilya niya ang card niya para ipaalala sa kanya na kung kilalanin siya ng pamilya niya, ay isa siyang Hernande. Kung hindi siya kilalanin, wala siyang kahit ano!

Tiningnan niya ito, "Bawal na bang magka-pera para pang-shopping?" Deretsong sabi niya.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード

最新チャプター

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   chapter 19

    Hinila ng marahan ni Mrs. Danaya palapit sa kanya si Jian, may gustong sabihin ngunit pinutol ito ni Jian. “Tita, I'm sorry. Ngunit hindi ang anak mo ang tamang tao na ipagkatiwala ko ang buong buhay ko.”Hindi nakakapagsalita ang ginang, dahil siguro sa gulat lalo na sa malalim na salita. Nang makita ni Jian na hindi sumagot ang ginang ay nagpatuloy siya. “Hindi ko hinihingi na sa akin lang siya, pero hindi niya maipakita sa akin ang kahit konting respeto.”“T-this…” Utal na wika ng ginang. Alam ni Mrs. Danaya ang pagtrato ni Duke kay Jian, lalo na simula nang bumalik si Mika. Hindi nito maitago ang pagiging kampi sa babae, kahit pa fiance ng anak ang nasasaktan.Kahit na anak niya ito, dapat hindi siya maging biased. “Pero hija, ano na ang gagawin mo? Kung wala si Duke, ang buhay mo sa pamilya mo ay mas magiging mahirap.” Ipinaalala ni Mrs. Danaya kay Jian kung ano ang totoong papel nito sa sariling pamilya.Kahit na ayaw ng mga ito kay Mika ngayon, kailangan nilang tanggapin ito la

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   chapter 18

    Magkasalubong ang bawat mata nila, itinaas ni Jian ang isang kilay. “Ano na naman ang ginawa ko?” tanong niya.“Jian, kakabalik niya lang upang magpagamot. How can you be so petty?” sagot ni Duke.Nang marinig ni Jian ang sinabi ni Duke ay ngumiti siya. “What am I petty about? Wala bang ospital sa abroad? Walang doktor? Ah alam ko na baka wala siyang pera? Ay hindi e, meron namang pera ang pamilya ko baka naman gusto niya lang samahan mo siya? O baka gusto niyang ikaw ang maghanap ng doktor?”Ang mga tanong ni Jian ay parang sinakal si Duke. Nakita niya ang pagbabago sa ekspresyon ng mukha nito. “Amanda treatment plan para kay Mika ay napaka-importante para sa kanya. Alam mo yan di ba? Seryoso ang sakit niya, maraming sakit ang katawan niya,” paliwanag ni Duke.“Oh? Then, the nature of this illness is quite rare right? Paanong ang isang napakabata na katawan ay nagkaroon ng ganun ka fragile na katawan?” Komento ni Jian gamit ang salitang may panunuya at isang malalim na salita.Hindi

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   Chapter 17

    When Duke saw the necklace, he unconsciously thought of Mika wearing the necklace. Ngayon nang makita niya ito sa leeg ni Jian ay nakaramdam siya ng hindi maipaliwanag na emosyon sa kanyang dibdib. “Bakit ngayon ka lang dumating? Sinabi ko sayo na kunin mo si Jian pero dumating siyang mag-isa.” Binawi ni Duke ang tingin mula sa leeg ni Jian kung saan ang kwintas. Tinapik bigla ni Danaya ang likod ng kamay ni Jian, “Hija, maghintay ka muna dito may pag-uusapan lang kami ni Duke saglit.” Sabi ni Danaya. Bahagyang tumango naman si Jian sa ginang, binalingan naman ni Danaya ang anak na si Duke at sabay ang dalawa na umakyat sa study room. Nag-aalala kasi si Danaya kaya gustong bigyan ng pangalawang babala ang anak. Inabot ng kalahating oras ang pag-uusap ng dalawa kaya napa-hinga ng malalim si Jian ng namataan ang dalawa na pababa. Halatang masinsinan na naguusap ang mag-ina dahil maaliwalas na ang parehong mukha. Ngumiti si Danaya kay Jian, “Hija, punta muna ako sa kusina.

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   Chapter 16

    Dahil sa sinabi ni Daniel, maagang dumating si Duke sa Condo ni Jian hindi pa nag tanghalian ay dumating na siya. Kahit ang selpon niya or kay Daniel ay hindi nila makontak si Jian.Walang ibang pagpipilian si Duke kundi ay akyatin si Jian sa condo nito at kumatok. Pagkatapos kumatok ng halos sampung minuto ay walang lumabas. Ang mukha ni Duke na sa wakas ay lumiwanag nang umagang iyon ay mas lalong dumilim. “Hindi kaya ay nauna ng pumunta sa ancestral house si Miss. Jian?” Tanong pa ni Daniel. Nang marinig ang sinabi ni Daniel na baka nauna na si Jian ay agad nakaramdam ng galit si Duke. “She went first?” Hindi mapigilan na sabihin ni Duke. “How about you call her?” Suhestyon ni Daniel. Kaagad naman na inilabas ni Duke ang kanyang selpon at direktang tinawagan ang kanyang ina. Sinagot naman ng ina niya ang tawag at sinabing tinawagan niya nito si Jian na papunta na sa ancestral house. “Bakit ba ako ang tinawagan mo at hindi si Jian?” Mabilis naman na umusbong ang galit ni Duk

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   chapter 15

    Lumuwas agad kinabukasan si Amanda patungo sa ibang bansa para sa isang medical summit. Nang muling tumawag si Bea kay Jian ay agad nitong binalita ang tungkol sa sinabi ng kaibigan nila. "Hayaan mong tumaba sandali ang pinsan mo. Umalis si Amanda sa ibang bansa, sinabi niyang mawawala siya ng halos isang buwan." "Paano mo nalaman? Tinawagan kaba ni Amanda?" “Yes, she called me at one in the middle of night.” Seryoso na wika ni Jian sa kaibigan. "Calling you at one to report her schedule? Is she crazy?" Malamang nakaka-isturbo ang ginawa ni Amanda dahil tumawag ito ng hating gabi. "Tungkol kay Mika." Nagdadalawang isip pa na sabi ni Jian, hindi sigurado kung sasabihin ba sa kaibigan ang tungkol kay Mika. "Paano naman si Mika?" Nagtataka na tanong ni Bea. "Umh— Nagpunta kasi si Mika sa ospital hatinggabi kagabi. Sinasabi nila na marami siyang sakit." "Several? Marami as in? Gaano ka rami?" Halata sa boses na nagulat si Bea nang marinig na may ilang sakit si Mika. Nang

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   chapter 14

    Sumugod agad si Duke sa hospital. Ang totoo ay ang pinsala ng paa ni Mika ay hindi masyadong malubha at makakalabas na matapos ang paggamot, ngunit nagkaroon ng panibagong problema. She relapse. Nang makarating si Duke sa pintuan ng emergency room, humihingal na umiiyak na si Jane ang ina ni Mika. "Hijo—Duke, andito ka na pala, s-si M-mika.” Nang banggitin ni Jane ang pangalan ng anak ay halos hindi na siya makapagsalita at patuloy lang sa pag-iyak. "Anong nangyari Tita?" Ngunit patuloy pa rin sa pag-iyak si Jane, hindi makapagsalita hindi masagot-sagot si Duke. "Nasa loob siya ngayon sa emergency room. Kakagawa lang niya ng iba't ibang emergency test." Ani ni Gerald. "B-bukod sa uterine cancer, mayroon din siyang sakit sa puso at mga problema sa atay. Ano na ang gagawin natin? Bakit naranasan niya itong lahat?” Puno ng pighati ang tono ni Jane para sa kanyang anak na si Mika. Nang marinig ni Duke na si Mika ay may napakaraming sakit, isang bakas ng sakit ang sumilay

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status