공유

Chapter 6

last update 게시일: 2025-09-30 21:37:48

Pinanood ni Elise ang phone ni Mheilin na patuloy na umiilaw nang walang tigil. Hindi humihinto ang mga tawag. "Bakit hindi mo na lang i-off?" mungkahi nito.

Malinaw na hindi na gumagana ang pag-block ng mga numero, karamihan sa mga tawag ay mula sa mga hindi kilalang numero. Halatang gumagamit na ang ina nito na si Jane ng ibang phone para makalusot. Hindi naman nag-alinlangan si Mheilin. Agad niyang pinatay ang kanyang cellphone. Pero ang ganti ni Jane ay dumating din agad.

Nang oras na para magbayad na ng bill ay binuksan ulit ni Mheilin ang kanyang cellphone at ini-scan ang QR code.

May lumabas na mensahe:

[“Ang iyong bank card ay na-disable na. Mangyaring gumamit ng ibang paraan ng pagbabayad”]

Agad siyang natigilan, ang card na naka-link sa phone niya ay ang card na pinilit ni Jane na gamitin niya simula noong bumalik siya sa mga Cordova at ngayon ay na frozen ito.

Agad naman na sumulyap si Elise. "Anong nangyayari?"

"Sinuspinde nila ang card ko," mahinahong sabi ni Mheilin.

Nanginginig naman ang labi ni Elise dahil sa gigil. “Dahil lang kay Monica? Anong klaseng pamilya ang gumagawa niyan?"

Nakakasuka lang isipin, sino ang gumawa nito sa sarili nilang anak para lang protektahan ang isang ampon?

Bahagyang ngumiti lang si Mheilin. "Hindi ito ang unang beses."

"Ako na ang magbabayad," sabi ni Elise, habang nilabas ang kanyang cellphone.

"Hindi na kailangan. May pera ako." Sabi niya, pero nabayaran na ni Elise ang bill.

Pagkalabas nila ng restaurant at pagsakay sa kotse ay nagsalita si Elise, "Magta-transfer ako ng 200,000 muna. Huwag mong hayaang api-apihin ka nila."

Ang pamilyang gagamit ng pera para manakot, sino ba ang sinusubukan nilang takutin? Nakaramdam ng init sa kanyang dibdib si Mheilin. "Hindi na kailangan. May pera talaga ako."

"Hindi ka naman nagtatrabaho, saan ka kukuha ng pera?" bulyaw ni Elise. "Hindi talaga ako makapaniwala sa pamilyang niyo!"

Muling umiIling si Mheilin. "Meron talaga. Mahabang kuwento..." Hindi porke't kasama niya si Carlos sa nakalipas na dalawang taon ay umaasa na siya rito o sa pamilya niya. 

Pinaypayan lang siya ni Elise sa mga kamay. "Sige na, sige na. Kahit na, kunin mo pa rin ang 200,000." 

Malinaw na hindi ito naniniwala, dahil walang choice, hinila ni Mheilin si Elise sa mall at gumastos ng ilang daang libo sa isang bagsakan.

Doon lang tuluyang naniniwala si Elise. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang card na ginamit ni Mheilin. "Sandali saan mo nakuha ang black card na 'yan? Sino ang nagbigay sayo? Si Carlos?" Iyon lang ang tanging paliwanag na iniisip niya.

Natigilan naman si Mheilin, tinitigan ang card sa kanyang kamay. May bahid ng emosyon sa kanyang mga mata. "Siya? Siyempre hindi."

Hinding-hindi ibibigay ni Carlos sa kanya ang ganoong bagay.

"Eh sino?" pangungulit ni Elise. "Anong klaseng big shot ang kilala mo?" 

Sa pag-iisip sa may-ari ng card, bahagyang lumambot ang ekspresyon ni Mheilin pero hindi siya nagsalita. "Tara na."

Nang hindi na nagpapaliwanag pa, kinuha niya ang kanyang mga bag at lumabas ng mall kasama si Elise. Matapos maghiwalay, bumalik si Mheilin sa Modern condo. Sa hallway pa lang kung saan ang kanyang condo ay agad niya ng nakita si Carlos na naghihintay. Sinulyapan nito ang sariling relo, halatang naiirita dahil dalawang oras na itong nandoon. "Bakit naka-off ang phone mo?"

"Masyadong maingay," diretsong sagot ni Mheilin. Humakbang siya palapit, nilabas ang mga susi, pero bigla siyang hinawakan sa pulso.

"Mheilin." Tawag nito. 

Binigyan niya ito ng malamig na tingin. "Ang iyong babae ay nag-iisa sa ospital. Nakakaawa naman."

Lalo lang dumilim ang ekspresyon nito dahil sa sinabi niya. "Mag-usap tayo."

"Hindi na kailangan." Inalis niya ang kamay nito, binuksan ang pinto at akmang isasara iyon nang malakas.

Mabilis na naka-react si Carlos, hinarangan ang pinto gamit ang kanyang braso. Nang pilitin nitong makapasok ay agad na sinipa ni Mheilin ng direkta sa maselang bahagi.

Napasinghap si Carlos, napakagat-labi sa sakit. "You—!"

Gamit ang pagkakataong iyon, tumigil siya at sinubukang isara ang pinto. Pero mabilis itong naka-recover, hinawakan ang pinto at pilit na nakapasok.

Tinitigan ito ni Mheilin ng malamig. "Sinabi ko ng umalis ka na. Ngayon din."

"Paano mo nagawa yun?" Biglang bulyaw ni Carlos. Doon niya lang narealize na hindi pala malambot ang babaeng ito.

이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요

최신 챕터

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   Chapter 180

    Pwede ba siyang sumagot ng hindi? Masyadong malapit ang kuya niya kaya nararamdaman niya ang init ng hininga nito sa kanyang balat. Napalunok siya nang malalim, hirap na hirap humanap ng sagot. "Ako, um..."Sa gitna ng pagkakaipit ni Mheilin ay agad na umalingawngaw ng pag-vibrate ang telepono ni Percival. Binitawan siya nito, umatras at tiningnan ang tumatawag. Ginamit ni Mheilin ang pagkakataon para makalayo ng mabilis—ang bilis ng tibok ng puso niya, nakakatakot ang sandaling iyon.Sinagot ni Percival ang tawag. "Hello.""Kumusta na ang darling ko?" A refined, middle-aged woman’s voice drifted through the line. It was Lottie, Percival’s mother—a woman who had always cherished Mheilin and refused to let her suffer a moment of injustice. Back when Perina had tried to drag Mheilin into brutal training, Lottie had been the one to stand firmly in her way.Pinanood ni Percival si Mheilin na kasalukuyan ng naglalakad nang mabilis sa unahan, ang kanyang liksi ay kasing-gaan at kasing-lini

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   Chapter 179

    Marahan na hinawakan ni Percival si Mheilin at mahigpit na hinila ito patungo sa kanyang mga bisig, habang mapagmahal na ginugulo ang malambot nitong buhok. "Hindi masama, may konsensya ka pa rin pala."Napapikit at napakurap si Mheilin at ang mga labi ni Mheilin ay marahang gumalaw. Ang mainit na dulo ng daliri ng lalaki ay dumaan sa balat ng kanyang leeg, bahagyang humahaplos sa mga hickeys na nakatago sa ilalim ng kanyang scarf. "Ang mga insekto na iyon ay talagang kakaiba, hindi ba? Ilang beses ka rin nilang kinagat."Nablangko agad ang isip ni Mheilin, pakiramdam niya ay may nag-aapoy sa kanyang loob, na nagiging sanhi ng pag-kulo ng kanyang dugo. Namula nang husto ang kanyang mukha, at instinctual niyang hinawakan ang pulso ni Percival para pigilan ito. "Naglakas-loob ka pang sabihin iyan.""Hmm? Hindi ba ako pwedeng magsalita tungkol doon?"Lalong namula ang kanyang mukha, ramdam na ramdam ang init mula sa kanyang balat. Ang mahahabang daliri ng lalaki ay inangat ang kanyang

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   Chapter 178

    Sa nakikita na nakamamatay na sobrang galit ni Percival, kahit si Mheilin ay nakaramdam na parang tumalon ang kanyang puso sa kanyang dibdib. Isang biglaan at malabo na imahe ng madugong eksena ang pumasok sa kanyang isip, isang ilusyon na napakalinaw kaya naramdaman niyang parang may mamamatay na mismo doon sa semento.Malamig na parang yelo ang boses ni Percival. "Ang pag-bully sa kanya, masaya ba iyon para sa iyo?"Nagngingitngit ang mga ngipin ni Carlos, ang kanyang mukha ay nakangiwi sa sobrang sakit. "Kung matapang ka talaga, pakawalan mo ako!"Lalong idiniin ni Percival ang kanyang bigat. "Kahit gumapang ka palayo sa ilalim ng mga paa ko, hindi mo magawa. Ano pa kaya ang gagawin mo kung pakakawalan kita?"Nanahimik si Carlos, ang kanyang dibdib ay mabilis na tumaas-baba sa pagod. Si Daniel, na nakatayo sa malapit ay nakaramdam ng parehong nakaparalisang kawalan ng magagawa.Bumilis ang paghinga ni Carlos dahil sa purong galit. Tinitigan niya si Mheilin. "Mheilin, ilayo mo ang l

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   Chapter 177

    Tinatamad na si Mheilin na sayangin pa ang hininga niya para sa lalaking ito kaya tinalikuran na niya ito para umalis. Subalit, hinawakan ulit siya ni Carlos. Kumikirot pa rin ang ulo nito mula sa naunang suntok ni Mheilin hindi ito nagpipigil at pakiramdam niya ay nag-crack na ang kanyang bungo.Tinitigan siya nang masama ni Mheilin habang itinaas ang kilay. "Uulitin mo pa?"Habang nagtama ang kanilang mga paningin, napansin ni Carlos ang bahagyang pamumula ng labi ni Mheilin at ang malinaw na dark marks na lumilitaw mula sa gilid ng kanyang scarf. Nablangko agad ang isip niya, nanlaki ang kanyang mga mata habang unti-unting naghihiwalay ang kanyang katinuan. Inabot niya at hinablot ang scarf mula sa leeg nito, na naglantad sa ilang malinaw na hickeys. Sa sandaling iyon, pakiramdam ni Carlos ay hindi siya makahinga. "Y-you... ikaw at ang mga lalaking iyon?"Hindi niya matapos ang pangungusap. Isa siyang matandang lalaki, alam niya ng eksakto kung ano ang mga marka na iyon. Walang nak

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   Chapter 176

    Naunawaan agad ni Aldric ang ibig sabihin at humakbang siya palapit, pinuputol ang usapan. "Mr. Yuzon, bumalik na po muna kayo. Ipapaalam namin sa inyo kung may iba pang kaganapan.""Pero Mr. De—""Alam na ni sir ang iyong posisyon," putol ni Aldric, matigas ang tono.Sinulyapan ni Dante si Percival sa huling pagkakataon, pilit na hinahanap ang anumang pahiwatig ng balak nito. Gayunman, ang lalaki ay nanatiling misteryoso gaya ng isang malalim at madilim na lawa, wala man lang siyang mabasa sa ekspresyon nito.Habang inilalabas siya ni Aldric, hindi napigilan ni Dante na magtanong, "Mr. Aldric, may mga maling akala pa ba si Mr. De Laurentis?""Ang amo ko ay hindi isang taong makitid ang mag isip."Hindi ba? Mukhang makitid naman ang isip nito, lalo na pagdating sa anumang may kinalaman kay Mheilin. Nakikipagtalo lang naman si Marie kay Mheilin, pero pasabog ang naging reaksyon ni Percival. Kung ito ang bersyon niya ng hindi makitid ang isip, kinikilabutan si Dante na isipin kung ano p

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   Chapter 175

    Sa ilalim ng lilim ng kawayanan at kubo, nanatiling tahimik ang paligid. Nang dalhin ni Aldric si Dante sa loob, si Percival lamang ang naroon.Magalang na humakbang palapit si Dante. "Mr. De Laurentis."Ibinaba ni Percival ang kanyang tasa ng kape, idinilat ang mga mata, at ipinukol ng isang napaka lamig na tingin si Dante. Sa likuran niya, nang makita ni Miguel ang nagyeyelo at matalim na titig na iyon, agad siyang umiwas ng tingin. Napakabigat ng aura ng lalaking ito kaya walang sinuman ang naglakas-loob na tumingin rito ng higit sa isang segundo. So, ito pala ang kuya na nagpalaki kay Mheilin? isip ni Miguel. Dahil sa isang lalaking tulad nito ang nagpoprotekta rito, malinaw na tapos na talaga ang mga Cordova at si Carlos na nanakit sa babae. Tunay ngang mga hangal dahil ginising nila ang natutulog na dragon. Ang kamangmangan ay hindi kaligayahan, ito ay sentensya ng kamatayan.Tinitigan nang masama ni Percival si Dante. "Gusto mong pagbayarin si Mheilin sa nawala mong gamit?"P

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   chapter 15

    Lumuwas agad kinabukasan si Amanda patungo sa ibang bansa para sa isang medical summit. Nang muling tumawag si Bea kay Jian ay agad nitong binalita ang tungkol sa sinabi ng kaibigan nila. "Hayaan mong tumaba sandali ang pinsan mo. Umalis si Amanda sa ibang bansa, sinabi niyang mawawala siya ng h

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   chapter 14

    Sumugod agad si Duke sa hospital. Ang totoo ay ang pinsala ng paa ni Mika ay hindi masyadong malubha at makakalabas na matapos ang paggamot, ngunit nagkaroon ng panibagong problema. She relapse. Nang makarating si Duke sa pintuan ng emergency room, humihingal na umiiyak na si Jane ang ina ni Mi

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   chapter 13

    𝖠𝗇𝗀 𝗍𝖺𝗆𝖺𝗇𝗀 𝗌𝖺𝗅𝗂𝗍𝖺 𝖺𝗒 𝖺𝗇𝗀 𝗆𝗀𝖺 𝗆𝖺𝗍𝖺𝗍𝖺𝗇𝖽𝖺 𝗇𝗀 𝗉𝖺𝗆𝗂𝗅𝗒𝖺𝗇𝗀 𝖬𝗈𝗇𝗍𝖾𝖿𝖺𝗅𝖼𝗈𝗇 𝖺𝗇𝗀 𝗆𝖺𝗒 𝗄𝖺𝗉𝖺𝗇𝗀𝗒𝖺𝗋𝗂𝗁𝖺𝗇 𝗌𝖺 𝗄𝖺𝗇𝗂𝗅𝖺𝗇𝗀 𝗉𝖺𝗆𝗂𝗅𝗒𝖺, 𝗄𝖺𝗁𝗂𝗍 𝗆𝗎𝗄𝗁𝖺𝗇𝗀 𝗌𝗂 𝖣𝗎𝗄𝖾 𝖺𝗇𝗀 𝗇𝖺𝗆𝖺𝗆𝖺𝗁𝖺𝗅𝖺 𝗌𝖺 𝖻𝗎𝗈𝗇𝗀 𝗄𝗈𝗆𝗉𝖺𝗇𝗒𝖺 �

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   chapter 12

    Nauunawaan na ni Ronald kung bakit laging nagagalit ang asawa niyang si Jane. Katulad ng sinabi ng asawa, bumalik lang ito upang maningil ng utang. Nang hindi pa din pumayag si Jian sa gusto n𝗂 𝖱𝗈𝗇𝖺𝗅𝖽 ay walang pagpipilian kundi gumawa ng puwersa. "Fine, hindi ko muna bubuksan ang bank acco

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status