Share

Chapter 18. Huh? A tears taste salty?

"How are you?" tanong ni Selena kay Miles na humiga sa sofa. Binisita nila ito ni Elmhurst at makikita sa mukha nito na masama ang loob nito nang mapagbuksan sila.

"Okay naman ang pakiramdam ko," mahinang tugon nito. "Elm, kausapin mo naman si Papa na huwag akong pauwiin, please!"

"Tinawagan ko na sila kagabi pero kilala mo naman ang Papa mo na pagdating sa'yo ay hindi magbabago ang isip niya," tugon ng binata sa apologetic na tono. "I even talked to Sir Rolphf but it was futile."

Animo maiiyak na pinatong nito ang mga braso sa noo nito at pumikit. Ilang segundo lang ay narinig nila ang paghikbi nito. At nang makita niya ang luhang nalaglag sa mata nito ay kuryusong nag-skwat siya at tinignan na dumaloy iyo sa pisngi nito hanggang sa may taynga dahil nakahiga ito. Inignora niya ang pagkalitong gumuhit sa mukha ni Elmhurst nang makita ang reaksyon niya.

At parang may sariling isip ang kamay niya na pinunasan iyon gamit ang hintuturo niya at tiniknam ito. "Salty?"

Ang umiiyak na si Mile
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status