Share

Chapter 73

Nakatayo lamang si Selena sa sulok habang pinapanood si Elmhurst na hinuhubad ang suot nitong leather jacket. Nandito sila sa treatment room kasama ang mga kuya niya. At sa halip na kagatin ito sa leeg o kamay para sa dugo nito ay siya ang nagsuhestyon na gumamit sila ng syringe para kumuha ng dugo sa pulso nito sa kamay. Sa mata kasi niya ay parang hinahalikan nila ang thiramin niya kung iyon ang gagawin nila.

Nang maupo ito sa silya at kumuha si Roland ng syringe ay naningkit ang mata niya. Kahit aware siya na hindi masasaktan ang binata ay napangiwi pa rin siya. Lalo na nang makita niyang itinusok na ito ng kuya niya sa balat ng binata.

“Selena, hindi ba talaga magbabago ang disisyon mo?” nababagot na sabi ni Arjoe. “Baka sumikat na ang araw ay hindi pa tayo nakakuha ng sapat na dugo sa kanya.”

“Magrereklamo ka pa at hindi kita papayagan na uminom ng dugo ni Elmhurst!” nagbabantang angil niya rito.

“Can we just cut his wrist? It's easy if we do that,” hirit pa nito kaya dumilim ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status