HINDI PUMAYAG ANG magkapatid na Brian at Gia na umalis sila agad ng apartment na suggestion ni Briel noong nasa sala na sila at hinihintay na lumabas ng kwarto si Giovanni. Sabay na nag-alboroto at humandusay sa sahig ng sala ang magkapatid nang i-announce na uuwi na sila ng mansion. Sinakto nila iyon na nakalabas na ng silid ni Giovanni. Maayos na itong nakabihis ng damit ng mga sandaling iyon. Napanganga na ang dating Governor nang makita ang ginagawa dito ng dalawa nilang anak. Dumadanak ng luha habang pinapanood lang ni Briel.“Ang dumi ng sahig—” “Daddy, pigilan mo si Mommy. Ayaw pa naming umuwi. Gusto pa namin ni Gia na mag-stay!” si Brian na nakatakbo na agad kay Giovanni upang magpakampi nang makita ang bulto niya, “Please? Kahit hanggang hapon lang ng araw na ito. Ayaw pa naming umuwi. Gusto pa namin dito!” patuloy na palahaw nito ng iyak na akala mo ay sobrang inapi at pinagbuhatan ng kamay. Pinalambot ni Giovanni ang kanyang mga tinging ipinukol sa nakahalukipkip na si Br
LUTO NA NOON ang kanilang pancake at nakahain na iyon at nakalagay sa kanilang plato. Sumampa na si Brian sa upuan. Kinarga naman ni Maria Gina si Gia upang maayos na maiupo na rin sa harap ng dining table. Ilang sandali pa ay nagsimula na silang kumain. Nagpatimpla lang ng black coffee si Giovanni. Sa totoo lang ay kanina pa siya hinihila ng antok, ngunit hindi siya pwedeng matulog dahil sa mga anak. Kailangan niyang manatiling gising upang kunin ang pagkakataong iyon para makabawi sa mga anak sa nasayang nilang bonding ng nagdaang araw. Nagpatuloy na kumain ang dalawang bata. Panaka-naka ang punas ni Maria Gina ng tisyu sa bibig nila kung saan nakakakalat ang chocolate syrup na halos ibuhos na sa pancake. Sarap na sarap ang dalawa sa almusal na iyon na unang beses nilang naranasan kasama ang ama. Nakangiti ang kanilang mga mata habang ngumunguya at ninanamnam ang bawat kagat sa pancake.“Pwede akong matulog mamaya, Brian.”“Daddy, sayang talaga. Mas masaya sana kung doon kayo natulo
LUMALIM PA ANG gabi ngunit nanatiling nakatayo pa rin si Giovanni na parang itinulos sa kanyang kinatatayuan. Hindi niya magawang i-angat ang kanyang mga paa upang magpatuloy na lumapit sa katawan ng dati niyang asawa na mahimbing pa ‘ring natutulog. Walang pumipigil dito. Pagkakataon na sana niya iyon, ngunit ayaw sumunod ng katawan. Habang nakaburo ang mga mata sa mukha ni Briel, pakiramdam niya ay parang pinipiga sa saya at lungkot ang puso niya.“Gabriella…” usal niya sa pangalan nito sa pag-asang magigising ito at maririnig siya, “I’m home…nakauwi na ako…”Subalit, ilang minuto pa ang lumipas at wala pa rin itong naging galaw na halatang himbing na himbing pa rin. Pinilit na ni Giovanni na makalapit kahit na pakiramdam niya ay lalabas na sa dibdib niya ang kanyang puso. Matapos na pagmasdan ang mukha ni Briel na natutulog ay dahan-dahan siyang naupo sa bandang uluhan nito. Hindi pa nakuntento doon ang dating Governor na nagawa pang i-unan ang ulo ni Briel sa kanyang hita nang wal
SA PAGKAKATAONG IYON ay sinubukan ni Giovanni na tawagan si Briel upang kumustahin ang kanilang biyahe. Sa tantiya niya na oras ng biyahe ay malamang wala pa marahil sila sa Manila o baka naman ay kakarating lang nila ng mansion lalo na kung maabutan sila ng buhos ng ulan. Kilala niya rin ito. Hindi nito bibilisan ang takbo ng sasakyan lalo na kung lulan ang kanilang mga anak. Wala naman siyang ibang pakay kaya siya napatawag, nais lang niyang malaman kung nakarating sila ng mga bata nang maayos. Gusto lang niyang makibalita. Iyon lang naman. Hindi naman iyon napansin ni Briel na nakahiga na ng oras na iyon sa sofa, nahihigaan niya ang cellphone na bagama’t patuloy na umiilaw ang screen ay hindi niya napansin dahil may takip na braso ang dalawa niyang mga mata. Antok na antok na siya, pero parang ayaw siyang patulugin ng kanyang sariling katawan sa hindi niya malamang dahilan. Ayaw nitong sumunod sa kanya.“Tulog na kaya siya? Baka tulog na sila.” hinuha ni Giovanni ngunit itinuloy pa
TUMIKHIM PA SIYA upang klaruhin ang boses niya at huwag doon bumigay at pumiyok. Sa edad ni Brian, alam niyang normal lang ang ganun na maging reaction niya. Nasa inggit era pa siya. Sure siya na maiintindihan din ng anak ang dahilan niya oras na lumaki na at nasa hustong edad na. Kapag mayroon ng tamang pag-iisip banda pa roon ang panganay niya. Malalaman nito ang tunay na dahilan bakit di sila magkakasama. Sa ngayon ay titiisin na lang niya muna. Palalampasin s akabilang tainga ang mga tanong nito na masakit sa puso dahil ‘di pa nito iyon lubusang maiintindihan.“Mommy, kung hindi mo kami mapagbibigyan ni Gia, pwede bang ganito na lang ang set up? Kada Friday night hanggang Sunday night ay payagan mo kaming makasama namin si Daddy. Please, Mommy? Please…iyong hindi mo kami susunduin. Iyong hahayaan mo kaming matulog sa isang kama na katabi siya.” humina na ang boses ni Brian na bahagya pang pumiyok, pilit na pinipigilan na ipakita ang luha sa kanyang ina. Hindi niya ito gagamiting s
PAGKASABI NIYA NOON ay tuluyan na ni Briel na tinalikuran ang dating asawa at pumasok na sa driver seat ng kanyang sasakyan. Tahimik na pinanood naman ni Giovanni ang ganap. Kung siya ang tatanungin ay gusto niyang sumama sa kanyang mag-iina ngunit may mga bagay na kailangan niyang unahin keysa sa kanyang nararamdaman at nais na gawin sana.“Bye Daddy, see you next weekend!” si Brian na hindi na umaasang tutuparin ang sinabi ng ama na pupunta ng mansion sa gabing iyon upang makatabi nilang makatulog ng kapatid.Kumaway lang si Giovanni habang papalayo ang sasakyan nila sa kanyang harapan. Ang panoorin na umalis ang kanyang mag-iina ay nagbigay na ng matinding sakit sa dibdib niya. Gusto niya tuloy manigarilyo, ngunit hindi naman niya iyon pwedeng gawin sa katawan niya. Mariing ipinagbawal iyon ng kanyang doctor, at dahil masunurin siya kailangan niyang sundin. Kalaunan ay muli siyang umakyat ng opisina upang tapusin na ang ginagawa niya.“Nasaan na ang mga bata, Mr. Bianchi?” tanong n