Mag-log in
SA MISMONG GABI ng engagement party ni Albert ay mag-isang nagtungo ng bar at nagpakalasing si Bethany Guzman; ang ex-girlfriend ng lalake. Subalit hindi rin siya nagtagal dahil sa mabilis siyang malasing. Lumabas siya ng bar at nagpasyang umuwi na lang. Pagdating niya sa bahaging madilim na pasilyo papalabas ng bahay-aliwan ay may natanaw siyang bulto ng katawan, nakatalikod ‘yun banda sa dalaga. Napagkamalan niya itong ang ex-boyfriend, bunga ng espirito ng alak. Mahigpit niya itong niyakap. Biglang humarap sa kanya ang nagulat na binata. Namumungay ang mga matang inilagay ni Bethany ang dalawang palad sa magkabilang pisngi ng lalake. Hindi pa siya doon nakuntento, tumingkayad pa ang dalaga upang abutin at taniman ng mariing halik ang labi ng lalakeng bahagyang napaawang na lang ang bibig dala ng labis niyang pagkagulat.
“Alam kong miss na miss mo na rin ako, Albert…” usal ni Bethany sa pagitan ng kanilang mga halik, ginantihan na rin kasi siya ng lalake bagamat hindi siya kilala. “Hindi mo ako kayang tiisin kaya ka nga narito ngayon ‘di ba?” masuyong himas pa ng dalaga sa leeg ng lalake.
Muli niya itong siniil ng halik, ngunit agad na nangunot ang noo ni Bethany nang malasahan ang hindi pamilyar na lasa ng laway ng lalake. Bahagya niyang inilayo ang katawan nito, ngunit huli na ‘yun. Nagawa na ng estrangherong lalake na hapitin siya sa bewang upang pigilan sa tangka n’ya sanang pagkuha ng distansya dahil sa bigla na lang naalarma s’ya.
“Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo, Miss?”
Nakakakiliti para kay Bethany ang dating ng mahinang bulong na iyon ng lalake sa tainga. Tuluyang nahulasan at nilubayan ng espirito ng alak sa katawan si Bethany. Biglang naitulak na niya ang bulto ng lalake palayo sa kanya. Napamulagat ang mga mata niya na halos lumuwa nang makilala kung sino ang napagkamalang dating kasintahan niya.
Si Gavin Dankworth iyon.
Ang pinakamagaling at sikat na lawyer sa bansa na may iba’t-ibang negosyong nakapangalan sa kanya.
‘Oh my God! Anong katangahan mo ito, Bethany, ha?!’
Sino ba namang hindi makakakilala sa kanya?
Maliban na lang siguro iyong mga nakatira sa bundok na hindi sakop ng kuryente at ng mga teknolohiya kung saan ay sikat ito. Hindi lang ‘yun, ang lalakeng ito rin ay ang future brother-in-law ng ex-boyfriend niyang si Albert. Sa kaalamang iyon ay napaatras na si Bethany, kamuntikan pa nga siyang matumba dahil biglang nagbuhol ang kanyang mga paa.
“Oops, mag-iingat ka Miss. Baka mapasama ang bagsak mo at mabingutan ka. Sayang ang ganda.”
Napangiti na ng pilit si Bethany na may pagngatal pa ng labi sa huling sinabi nito. Halatang palaban ang lalake sa anging hamon niya. Naisip niyang kung nagawa nga siyang lokohin ni Albert, bakit hindi niya pwedeng gawin din iyon lalo pa at wala naman na silang dalawa? Hindi niya kailangang magpa-demure at maging mabuting babae sa mata ng lahat. Bakit hindi niya pagbigyan ang sarili na gawin ang gusto niya kahit sa gabing iyon lang?
‘Ngayong gabi lang, Bethany.’
Sa halip na tumakbo palayo ay muling lumapit si Bethany sa lalake. Muling itinapon ang sarili para yakapin ng nabiglang lalake. Maganda siya, kaaya-aya rin ang hugis ng katawan niya pati amoy niya. Siguro naman ay hindi siya nito magagawang basta na lang tanggihan.
DAHIL SA URI ng propesyon ni Gavin Dankworth ay hindi niya basta maitaboy palayo ang babae. Handa siyang magkaroon ng panandaliang relasyon dito kahit sa gabing iyon lang. Nakita niya kasing malungkot ito at puno ng pananabik ang itinatapong mga tingin sa kanya.
“Uulitin ko ang tanong ko Miss, seryoso ka ba?” binasa pa ni Gavin ang labi habang nakatingin sa magandang mga mata ni Bethany.
Lumunok muna ng laway si Bethany. Hindi niya maintindihan kung bakit ganun na lang ang dagundong ng tibok ng puso niya sa loob ng dibdib. Pinadausdos niya ang hintuturo sa bridge ng ilong nito saka malapad na ngumiti.
“Oo naman—”
“Kung ganun, umalis tayo dito.” bulong ni Gavin na hinapit na muli sa beywang si Bethany upang mas ilapit pa ang katawan sa kanya.
Naranasan ng mahalikan ni Bethany, pero hanggang doon lang iyon. Hindi lumagpas doon ang kanyang limitasyon sa katawan. Nananatili pa ring malinis ang puri niya. Birhen pa siya dahil nangako siya sa sariling ibibigay lang niya ito oras na pakasalan siya ng magiging asawa.
“Huwag na, dito na lang tayo. Hindi ko pa nagawang subukan na makipag-make out sa lugar na ito.” pinalambing pa ni Bethany ang boses para mas maging tunog aggressive at expert iyon sa bagay na tinutukoy niya, “Wala naman ditong masyadong dumadaan eh…”
Hindi inaasahan iyong sagot ni Gavin. Mukha kasing inosente ang babaeng kaharap at para bang wala rin itong muwang sa kamunduhan na sinasabi ng katawan nito. Gayunpaman ay hindi na lang nagsalita si Gavin, tutal ngayon lang naman iyon bakit hindi na lang niya pagbigyan? Inilapit na niya ang mukha sa babae at walang pakundangang inangkin ang labi nitong sobrang lambot at matamis kahit nalalasahan pa niya dito ang alak na ininom kanina.
Kagaya lang din sila ng ibang mga lalake at babae na nagma-make out dala ng espirito ng alak. Malayang pinagbibigyan ang nag-uumalpas na init ng kanilang mga katawan kahit na panandalian lamang ang tagpong iyon sa kanilang pagitan.
“A-Albert…” tawag ni Bethany sa pangalan ng kanyang ex-boyfriend matapos na panandaliang tanggalin ni Gavin ang mapulang labi sa bibig.
Bakas ang pagkaasar na bumalatay sa mukha ng lalake ng mapagtanto na napagkamalan lang pala siya ng babae. Ang buong akala pa niya ay nahimasmasan na ito at namukhaan s’ya.
EXCITED NA NAG-RESEARCH online si Atticus at kalaunan ay nakuha pang kumunsulta sa ilang female subordinates with childrens at the company. Lihim niya iyong ginawa sa dahilang nagtatanong umano ang kanyang kaibigan na hindi naman ginawang big deal ng mga kasamahan. Hindi rin naman niya magawang magtanong sa mga magulang dahil ayaw niyang makialam sila sa magiging desisyon nila. Gaya ng plano niya, saka na lang niya sasabihin sa kanila dahil paniguradong sasawsaw sila lalo na ang kanyang inang si Alyson. Bagay na ayaw niyang mangyari. Finally, Atticus personally selected a two-month-old pomeranian and named him Otso. Nabalitaan niya na ang mga ganung edad ng bata ay mahilig sa mga hayop. He was ready to give it to their kids pagdating na pagdating pa lang kaya sobrang excited na niya. Ang problema na lang niya ay kung tatanggapin ba iyon ni Gabe? Ipinilig niya ang ulo. Binura ang magiging reaction ng babae. Para naman iyon sa kanilang mga anak at hindi sa kasintahan. Maaaring tanggihan
ILANG SANDALING NAHIGIT ni Ceska ang kanyang hininga. Excited na siyang makitang muli ang pinsan ng asawa, subalit mas excited siya sa pagkikita nila ni Atticus at ng kanilang mga anak. Reunion na malamang ay babaha ng mga luha ng saya.“Kung ganun magkikita na pala sila ni Fourth?” “Maaari, pero mukhang malabong magkabalikan sila. Kilala mo naman si Gabe oras na umayaw sa isang tao.”“Co-parenting na lang?” “Hindi ko rin alam. Dankworth ang apelyido ng mga bata at hindi Carreon.” “Pero anak pa rin siya—”“Isang magaling na abogado si Gabe, Ceska, alam niya ang batas. Paniguradong gagamitan niya iyon ng batas.”Marami pa sanang nais na itanong si Ceska, subalit hindi na lang niya sinubukan pa lalo nang makita ang paglabas ng ama ni Gabe upang tawagin si Brian dahil umano ay may sasabihin sa kanya. Pinili na lang niyang itikom ang bibig.“Pasok ka na muna sa loob, Ceska. Kanina ka pa hinahanap ng anak natin.”Walang ibang taong pinagpakitaan ng larawan ng kanyang mga anak si Atticus
SA LOOB NG tatlong taong nakalipas, panaka-nakang nakakarinig ng balita si Fourth ng tungkol kay Gabe. Napagku-kwentuhan ng sariling pamilya ng babae na madalas ay naririnig niya nang hindi nila alam. Hindi niya rin inaasahan na sa mismong birthday ng ina ni Gabe ay magkakaroon siya ng pagkakataong makita ang mukha ng batang itinago sa kanya ng nobya sa loob ng mahabang panahon. Lihim iyong ipinakita sa kanya mismo ni Ceska na dala ng awa.“B-Bakit dalawa?” hindi kumukurap ang mga matang tanong ni Atticus kay Ceska na nakatingin pa rin sa kanya. Nagpalinga-linga ang babae upang tingnan kung may makakakita ba sa kanila. Nang wala ay malungkot niyang binigyan ng ngiti si Atticus. Ang buong akala niya ay alam niya kung ilan ang anak nila. Narinig niya mismo iyon sa ama ni Gabe na umano ay sinabi nila kay Atticus na pati ang apelyidong gamit ng mga bata ay sa kanilang pamilya at hindi ‘yun sa lalaki.“Dahil twins sila, Fourth. Sandali lang, hindi mo ba alam na twins ang anak niyo ni Gabe
SA LOOB NG isang malaking silid, hindi mapigilan ni Gabe na manlabo ang kanyang mga mata sa baha ng luha habang pinapanood sa malaking screen ng TV ang naka-flash na pangalan at larawan niya. Maging ang ginawang short na interview kay Atticus kung bakit siya nito hinahanap. Magiging ipokrita siya kung sasabihin niyang hindi niya na-miss ang lalaki. Sobrang miss niya na rin ito ngunit mas nangingibabaw ang sama ng loob niya sa lalaki. Kumuha siya ng tisyu at mabilis na pinunas ang kanyang mga luha. Hindi siya dapat na umiyak. Kailangan niyang panindigan ang desisyon niya. Kinagat na niya ang labi matapos na suminghot at bahagyang napangiwi nang sumipa ang anak sa kanyang tiyan. “Anong ginagawa mo? Nagpro-protesta ka ngayon sa Mommy na lumayo tayo sa Daddy?” natatawang kausap niya sabay haplos nang marahan sa kanyang tiyan kung saan muling naramdaman niya ang bahagyang tadyak sa kanyang loob. “Aba, mukhang rebelde ka na agad kahit nasa loob ka pa ha? Hindi pwede. Sa aming dalawa, ako l
GABE FLEW BACK and forth frequently, and Atticus was always a step behind. He could never catch up with her, always one step behind. Pagkalipas ng anim na buwan, tumigil si Gabe sa paglipad at nanatili na lang sa England. It was just impossible to find her. Sa lawak ng bansa, hindi siya magawang mahanap ng lalaki. Kinailangan ni Atticus na bumalik ng Pilipinas upang pagbigyan ang hiling ni August na tulungan siya muna sa kanilang negosyo. Ilang buwan siyang nanatili sa bansa. Nang bumalik na siya sa England, nabilang ni Atticus sa daliri niya na maaaring kabuwanan na rin iyon ni Gabe.“Kung hindi ka umalis, siguro aligaga na tayong pareho ngayon sa paghahanda sa pagsalubong sa ating baby, Gabe.”The night before his flight, he stayed in Gabe’s penthouse. Hindi siya makatulog. Sa nakalipas na anim na buwan, halos tatlong oras lang sa isang araw ang natutulog ni Atticus. Even sleeping pills didn't help him. Umupo siya sa kanyang kama, sa tabi nito ay isang kahon na naglalaman ng damit-p
TAHIMIK SIYA NITONG iniwan. Hindi siya nito inaway gaya ng dati. Hindi sinumbatan. Walang masakit na mga salitang ginamit. Ginawa ni Gabe ang pinakamasakit na desisyon. Ang iparamdam sa kanyang kaya niyang mabuhay ng wala siya.Bahagyang inangat ni Atticus ang ulo upang igala lang iyon sa paligid at libangin ang kanyang sarili. Pinipigilan ang bahagyang init na nararamdaman sa bawat sulok ng mga mata. Wala siyang ibang nararamdaman para kay Cresia kundi awa. Gaya ng inaasahan ni Ian, ayaw lang niyang makakita ng babaeng nawawala sa sarili at pagkatapos ay pipiliin na lang na mawalan ng buhay dala ng kawalan ng pag-asa. Pinangaralan niya ito. Pinayuhan. Kinausap na rin nang maayos.Sandali niya lang din tinulungan si Cresia dahil kailangan nito iyon bilang tao na lang na kakilala. Ang tulong na ito ang nagpawala sa kanya kay Gabe. Ang nagbigay sa kanya ng maraming mga bagay na ma-miss ang okasyon sa mag-ina niya. Looking back now, Gabe must find that truth that night. Kung umamin ba s







