MasukMATABANG ANG TINGIN na binitawan ni Gavin ang katawan ng babae. Bahagyang isinandal niya ito sa pader. Dumukot siys ng isang stick ng sigarilyo sa kaha sa bulsa at inilagay na iyon sa kanyang bibig. Hinanap din niya sa bulsa ang lighter upang sindihan ang sigarilyo. Mukhang nakatulog na sa kalasingan ang babae na walang kagalaw-galaw sa pagkakasandal. Ang hindi niya alam ay nagpapanggap lang itong nakatulog. Gusto ng tuktukan ni Bethany ang sarili dahil hindi niya napigilang usalin ang pangalan ng kanyang ex-boyfriend habang may ibang lalakeng kahalikan. Sino ba namang gaganahan na ituloy pa ang kanyang ginagawa doon?
“Albert…” mahinang anas ni Gavin sa pangalang binanggit ni Bethany.
Bumalatay sa mukha ang kakaibang pagkairita habang pinagmamasdang mabuti sa mukha si Bethany. Naisip na sobrang interesting naman na ang babaeng ito ay nagkataon pa lang ex-girlfriend ng gunggong na magiging future brother-in-law niya. Sa dami ng makakatagpo niya, sinadya nga ba iyon ng panahon na magkita sila?
“Mula sa umpisa ay kilala mo ako ‘no?” sambit ni Gavin na ikinadilat na ng mata ni Bethany, wala na siyang takas. “Ano ang intensyon mo para gawin ito? Gusto mong gumanti sa magiging bayaw ko? Sa paraang ito mo ba naisip gumanti? Ang sumiping sa akin at ibigay ang katawan?”
Hindi magawang itanggi iyon ni Bethany dahil iyon naman ang totoo. Kilalang tao si Gavin, at kahit itanggi niya ang akusasyon nito ay wala rin iyong silbi. Ang tanging choice na mayroon na lang si Bethany ng mga sandaling iyon ay ang humingi sa lalake ng tawad at saka paumanhin.
“P-Pasensya na Attorney Gavin Dankworth, hindi ko ito sinasadya.”
Inipon niya ang natitirang lakas upang mabilis na lumakad palayo. Tuluyang nawala na ang lasing niya na tila ba naging pampahulas ay ang halik nito. Ilang beses niyang sinalat-salat ang bibig na nadampian ng labi ni Gavin.
‘Bethany naman! Nakakahiya ka! Sana ay hindi mo na lang itinuloy ang plano mong makipag-make out. Tingnan mo ang nangyari? Ipinahiya mo lang ang sarili sa harapan niya.’ lihim na kastigo niya sa kanyang sarili, pahiyang-pahiya na doon.
Napatigil sa paglakad si Bethany. Ilang dipa pa lang ang layo niya kay Gavin na nanatiling nakasunod ang mga mata sa kanyang likuran. Nag-ring ang cellphone na kailangan sagutin.
“Yes po, Tita?”
“Bethany nasaan ka?” gasgas ang boses ng kausap niya sa kabilang linya, halata dito ang pagkataranta. “Bilisan mo, umuwi ka ngayon dito—”
“Bakit po? Ano pong nangyari?”
“Basta umuwi ka ng malaman mo!”
Pagkababa ng tawag nito ay nanghina ang dalawang binti ni Bethany. Kung hindi lang siya nahawakan ni Gavin na mabilis siyang sinundan ay paniguradong bumulagta na siya doon.
“S-Sorry—”
Naputol ang sasabihin niya nang pahagis na i-abot sa kanya ng lalake ang suot na jacket nito matapos na hagurin nito ng mga mata ang bulto appearnace niya. Doon niya napagtantong ang revealing nga pala ng suot niyang damit.
“Isuot mo ‘yan, magka-pulmonya ka pa. Ihahatid na kita pauwi sa inyo.”
Hindi na nagpanggap pa si Bethany na nahihiya dito. Sinuot niya ang jacket nito at mabilis ng sumunod sa lalake na tinutumbok na ng mahabang mga binti ang daan palabas ng bar.
Napahiya na siya, lulubusin na niya. Isa pa, kailangan niya ng sasakyan para makauwi na.
“Maraming salamat,” wika ni Bethany ng pagbuksan siya ng pintuan ng sasakyan ni Gavin.
Walang imik namang umikot na si Gavin patungo ng driver seat. Hiningi lang nito kung saan ang address ng bahay nila at hindi na ito muli pang nakipag-usap kay Bethany. Panaka-naka ang naging tingin niya kay Gavin na seryoso lang ang mukha. Sa paningin ni Bethany ay ang perpekto naman ng lalake. Hindi lang sa estado nito sa buhay at mga narating kundi pati sa facial features nito na hindi niya itatangging malakas ang hatak ng karisma at sex appeal. Simple lang ang paraan ng pananamit nito, hindi kagaya ng ibang kilala niyang mayaman na pati ang brand ng suot na damit ay naghuhumiyaw ng sobrang karangyaan. Mukha namang mamahalin ang mga gamit nito, iyon nga lang ay di niya kilala ang brand. Batid ni Bethany na ang mga ganitong uri ng lalake ni minsan ay hindi mauubusan ng babae sa kanilang tabi.
“Kung asin ako at tubig iyang mga titig mo, kanina pa ako natunaw dito.” suplado nitong turan.
Mabilis na napaiwas ng mga mata niya si Bethany. Namula sa pasaring ni Gavin. Hindi naman niya sadyang titigan ito, pero wala rin naman siyang ibang idadahilan kapag magra-rason dito.
“Alam kong gwapo ako at nakikita ko ‘yun sa malalagkit mong tingin…”
Awtomatikong umikot ang mga mata ni Bethany pero hindi niya ipinakita kay Gavin. Gwapo nga ang lalake, pero ang yabang at laki ng ulo nito. Sa halip na patulan ang lalake ay pinili ni Bethany na manahimik na lang. Ayaw ng makipag-usap dito.
“Narito na tayo…”
Matapos na itigil ang sasakyan ay hindi agad binuksan ni Gavin ang pinto. Nakangiti siyang humarap kay Bethany na tahimik pa rin sa upuan. Masusi niya na itong pinagmasdan. Sinuyod ang katawan nitong mura pa. Umarko ang isang kakaibang ngiti sa kanyang labi sabay dukot ng business card at iniumang sa babae.
“Pwede mo akong tawagan anumang oras mo gustuhin.”
Nanigas na sa upuan si Bethany. Hindi niya mahulaan ang logic ng lalake na matapos malaman ang katauhan niya ay may lakas pa ito ng loob na bigyan siya ng business card.
Umaasa ba itong tatawagan niya?
“Hindi ko matatanggap ang business card mo, sorry. Kalimutan mo na lang na nakita mo ako. Ang isipin mo na lang ay hindi tayo nagtagpo at nagkakilala sa gabing ito.”
Bago pa makasagot si Gavin ay biglang nag-vibrate ang cellphone ni Bethany. Hinarap na iyon ng babae. Ang akala niya ay galing ‘yun sa Tita niya, pero nang buksan niya ay text lang naman na galing sa kay Albert.
‘Nasaan ka, Bethany?’
“Hmmn, kayo lang ang mag-ex na kilala kong nagpapalitan pa ng text.” wika ni Gavin na hindi namalayan ni Bethany na nakadungaw sa cellphone niya, “Huwag kang mag-alala, hindi ko ‘yan sasabihin o kahit ang banggitin sa kapatid ko.”
Akmang magpapaliwanag pa sana si Bethany na mali ang pagkakaintindi nito, pero nagmamadali na itong bumaba ng sasakyan at binuksan ang pintuan. Sumenyas ito na lumabas na siya gamit lang ang ulo. Wala ng choice doon si Bethany kundi ang bumaba. Nakakahiya naman na siya na nga ang nakisakay, siya pa ang may kapal ng mukhang matagal.
“Salamat.”
Itinaas ni Bethany ang kamay upang magpaalam pero hindi na siya tiningnan ni Gavin. Mabilis itong bumalik sa loob ng sasakyan at walang lingon-likod na pinaandar at pinaharurot na palayo ang sasakyan. Nang mawala ito sa paningin saka pa lang napagtanto na nakalimutan niyang ibalik ang pinahiram nitong jacket.
“Isasauli ko, kapag nagkita ulit kami.”
WALA SA SARILING napahilamos na si Bryson sa kanyang mukha. Nag-sink in na sa isipan na masamang pangitain iyon dahil baka lumayas na naman ang babae, mali, tumakas na naman ito at sa pagkakataong iyon ay siya na ang dahilan nito.Nag-AWOL ba si Piper nang dahil sa kanyang mga sinabi at ginawa kagabi? Hindi niya alam kung iyon nga ang rason nito.“Kailan pa ho siya umalis?” “Kagabi. Naloka nga ako at hatinggabi nang magpaalam. Good payer naman siya kaya wala akong reklamo.”“Wala po ba siyang iniwan na sulat man lang o resignation letter kung sakaling may maghanap sa kanya?” tanong ni Bryson na umaasang mayroon man lang, sa mga sandaling iyon ay bagsak na ang kanyang magkabilang mga balikat. “Wala naman siyang iniwan. Sandali, ikaw ba ang amo?” Tumango si Bryson. “Oho, ako nga. Pinuntahan ko siya dito ngayon at late na ay wala pa sa opisina.” “Baka naman e-email na lang niya sa’yo?” Kinuha ni Bryson ang kanyang cellphone at nag-scroll na sa kanyang company email. Umaasa siyang p
ALAM NI BRYSON na pipiliin ng kanyang mga magulang ang magiging kaligayahan niya. Ano naman kung dating naging fiancee ng kanyang pinsan si Piper? Mahalaga pa ba iyon ngayon? Saka hindi nga doon nag-react ang kapatid niyang si Gabe na unang nakaalam na may ibang namamagitan sa kanilang dalawa. Malamang ay ganun din ang magulang niya.“Narinig mo ang sinabi ko, Piper?” malumanay pa ang boses na tanong ni Bryson na nakatingin na sa kanya.Gumalaw ang labi ni Piper. Nais na magbigay ng opinyon o mag-protesta sa ipinipilit ni Bryson na mangyari ngayon.“Huwag mo akong pilitin sa bagay na ayaw ko Sir, kung hindi mo ako pakikinggan siguro ang mabuti pa ay simulan mo ng maghanap ng magiging kapalit ko.” hindi iyon pagbabanta ngunit pakiusap ni Piper sa kanyang nahihirapang tinig.Gulantang ang buong katawan na tiningnan siya ni Bryson. Nakikita niya sa mukha ni Piper na hindi ito basta nagbabanta. Seryoso ang kanyang mukha na parang ang sinabi ay tanging paraan na lang ng babae upang mag-su
MALAKAS NA HUMALAY sa apat na sulok ng apartment na iyon ang tunog ng maligayang halakhak ni Bryson nang dahil sa naging reaction ni Piper sa kanyang ginawa. Kumibot na ang kanyang bibig habang nakatitig pa rin sa mukha ni Piper. Sa kanyang isipan ay hindi niya mapigilang balikan ang kanilang nakaraan kung saan ay masaya silang nagmamahalan. Kung hindi lang dahil sa mga magulang ni Piper noon o kung siya lang ang pinili nilang lalaki para sa babae, marahil ay masaya na silang namumuhay ng mga sandaling iyon. Baka nga, nakailang anak na rin sila. Kababata ng mga pamangkin.“Do you miss me?” walang kurap na binabasa ang sariling labing tanong ni Bryson. Puno ng pananabik at pag-asa ang kanyang mga matang bibigyan iyon ng sagot ni Piper na pulang-pula na ang mukha. Lumakas pa ang buhos ng paglabas ng kanyang dugo. Hindi niya alam kung tama bang sagutin niya ang katanungan nito. Ang tanging nararamdaman niya ng mga sandaling iyon ay ang katawan niyang traydor na nais itong gantihan na do
KINUHA NI PIPER ang cellphone. Ilang beses nagtipa ng message para kay Bryson ngunit laging binubura bandang huli. “Tatawag naman siguro siya kung nakauwi na. Baka mamaya sabihin niya na nananamantala ako at ginagamit ko ito.” Napabangon si Piper nang sunod-sunod niyang marinig ang malakas na katok sa pinto. Wala siyang inaasahang bisita. “Piper? Buksan mo ang pintuan.” Namutla na ang babae ng makilala niya kung kaninong boses iyon; sa amo niyang si Bryson Dankworth.“Anong ginagawa niya dito? Hindi ba at umalis naman na siya kanina? Bumalik ba siya? Bakit naman siya babalik?”Nanigas na sa kanyang kinauupuan si Piper. Hindi makapagdesisyon kung pagbubuksan niya ba ito. Iginala ng babae ang kanyang mga mata. Malinis naman ang kanyang apartment ngunit masyado iyong maliit. Tiyak na makakarinig na naman siya ng mga sermon nito. Binalikan niya sa kanyang isipan ang naging reaction ni Bryson kanina ng makita ang lugar. Napakamot na siya sa kanyang ulo. Sa halip na magpapahinga na siya
ILANG SANDALI PA ay nasa harap na sila ng elevator. Tahimik na naghihintay na bumukas ang pintuan noon. Hindi nakaligtas sa paningin ni Bryson ang pagiging mahina ni Piper.“Kapag umuulan o nagpalit ng season ang panahon, dapat hindi ka nawawalan ng baong jacket. Alam mo na, dapat na handa ka sa mga ganitong pagkakataon at panahon, Piper…”Napayuko na si Piper. Sa sobrang pagtitipid niya mabibilang sa daliri niya ang mga damit niya. Sa bahay nila kung sobra-sobra ang mga gamit niya, ngayon sobrang hikahos siya doon. Hindi na lang niya sinabi pa iyon kay Bryson at baka maisipan niton pagbibilhan siya. He treated her so well that she hardly dared to accept his kindness. Ayaw niyang magkaroon na naman ng malaking utang na loob sa kanya o dumepende sa lalaki. Kapag pinili niyang mag-resign paniguradong hindi lang siya ang masasaktan at maging ang kanyang amo rin.“Let’s go…” Habang pababa ay binalot sila ng katahimikan hanggang sa makarating sila ng parking lot at makalulan ng sasakyan.
SA LOOB LAMANG ng ilang sampung minuto ay dumating na ang secretary ng kapatid ni Bryson. Nakatanggap siya ng tawag mula sa kapatid pagkatanggap niya ng mga pinabili niya. “Salamat, Ate Gabe…” “Kung masakit ang kanyang puson, pwede mo siyang bigyan ng hot compress para maibsan.”Muli pang nagpasalamat si Bryson. Hindi na rin ni Gabe pinatagal pa ang tawag sa kapatid dahil alam niyang kailangan pa nitong asikasuhin ni Bryson. Pinagpasalamat na ito ng lalaki.“Salamat ulit, Ate Gabe.” Walang inaksayanng panahon si Bryson. Walang paalam na pumasok siyang muli ng silid. Marahan niyang kinatok ang pinto ng banyo kung nasaan si Piper na hindi na malaman kung ano ang kanyang gagawin. Panay ang sipat niya sa kanyang suot na skirt na puro dugo.“Narito na ang mga kailangan mo, buksan mo ng maliit ang pinto nang maibigay ko sa’yo.”Sinunod iyon ni Piper kahit na gusto na lang niyang biglang maglahong parang bula. The door opened a crack at inilabas ni Piper doon ang kanyang isang kamay. Hind







