HINDI NAGSALITA SI Gorio na ang mga mata ay nasa kay Bethany pa rin nakatingin. Gusto niyang makuha ang opinyon ng dalaga. Gusto niyang malaman ang tumatakbo ngayon sa kanyang isipan. Kanina pa ito tahimik. Mana sa kanyang ina kung si Beverly nga ang tunay nitong nanay. Hindi kagaya ni Drino na talentadong tao nga pero napakaligalig. Naiintindihan niya naman na mahal niya ang ampon na tinuring na nilang anak, pero sobra-sobra naman na ito. Humanga pa si Gorio kay Bethany na base sa mga kilos nito ay halatang educated at willing lang makinig bago magpahayag ng kanyang opinyon. Bukod sa maganda ay napakalayo ng ugali nito kay Nancy na eskandalosa na nga ay iba pa ang pitik ng utak. Hindi malaman kung ano talaga ang motibo sa gulong nililikha na naman. Aminin niya man o hindi, gusto niya ito para sa kanyang anak na si Gavin dahil nakikita niyang nakakaya nitong pasunurin ang anak na matigas ang ulo at sunod sa kanilang layaw na mag-asawa. Mapapabuti dito ang anak niyang abogado. “Ano sa
MULI PANG NAPALUNOK ng laway niya doon si Bethany. Kung malalaman iyon ng kanyang mga magulang, paniguradong maninibugho ang mga ito lalo na ang kanyang ama. Isa pa ito sa prino-problema ng dalaga. Hindi naman pwedeng mag-alibi siya sa kanila. Magagalit sila kay Gavin. Nasisiguro niya ang bagay na iyon. Ayaw naman niyang magkaroon ng lamat ang kanilang magandang relasyon. Okay na eh, botong-boto na sila na maging sila nito..“Itutuloy pa rin natin.” kumpiyansang sagot ni Mr. Dankworth na ikinakunot ng noo ni Gavin.Paano nila gagawin iyon? Ang nobya na niya ang nagtuloy ng tanong na gusto niya ‘ring malaman ang sagot ng ama.“Paano ho matutuloy kung magiging busy siya sa kasong hahawakan niya? Hindi sa nangunguna ako kung ano ang mangyayari, pero iyon na ang aasahan ko oras na piliin ni Gavin na tulungan sila.” pabalagbag na sagot ni Bethany na diskumpiyado na sa mga sinasabi ni Mr. Dankworth, wala siyang panghahawakan dito. Puro lang ito pangako. Tapos kapag may problema, wala ng mag
MAKAHULUGANG NAGKATINGINAN SINA Briel at ang Ginang nang dire-diretso pa rin silang lumabas sa kabila ng pagharang ng ilaw ng tahanan. Kabado na sila kung saan sila pupunta nang sila lang pero sa bilis ng pangyayari hindi na nila nagawa pang magbigay ng reaksyon. Palaisipan pa rin sa kanila ang pag-alis ng tatlo, hindi lang iyon kasama pa nila si Bethany na nakatungo at ayaw silang tingnan man lang. Gayunpaman ay inirespeto na lang nila ang desisyon nila. Hindi na rin naman nila aabutin dahil bago pa sila makalabas ng pintuan ng mansion upang humabol ay patalilis ng umalis ang sasakyan kung saan sila nakalulan. Tanging usok na lang ang naiwan. Muling nagbigay ng opinyon ang mag-ina kahit na batid nilang walang makakasagot ng mas bumabaha pa nilang katanungan ng mga sandaling iyon. “Ano sa tingin mo, Briel? Saan patungo ang Daddy mo, ang Kuya mo at ang sister-in-law mo ngayon?” Iginalaw ng babae ang magkabila niyang balikat. Anong malay niya? Kagaya ng ina ay wala rin naman siyang al
HINDI NAINIP SI Bethany habang nasa mansion. Inilibot siya ni Briel sa kabuohan ng mansion. Pinasok nila ang bawat silid na pati ang pag-aaring silid ng asawa ay hindi nakaligtas sa mga mata ni Bethany. Hindi na niya mahintay na matutulog sila doong mag-asawa oras na maging okay na ang lahat. Magiging literal na bahagi na siya ng pamilya Dankworth ng walang inaalala. Sa kanilang ginawa ay nakalimutan niya ang mabilis na pagdaan ng mga oras. Nagpa-bake naman ang Ginang ng brownies na may cheese sa ibabaw nang tanungin siya nito kung ano ang gusto niyang merienda. Halos maging hugis puso ang mga mata ni Bethany nang makita niya iyon. Kahit mainit pa ay nauna na siyang dumambot na ikinatuwa pa sa kanya ng Ginang. “Favorite mo, hija?” Mabilis na umiling si Bethany. Hindi siya mahilig sa mga ganitong pagkain pero ito ang naisip niya ngayon. “Hindi po. Cravings lang. Ginusto lang po ng dila kong kumain ng brownies na may cheese ngayon.”Makahulugang tumingin ang Ginang kay Briel na hindi
ALAS-OTSO NG GABI nang magdesisyon na si Bethany na mauna ng umuwi ng penthouse. Kumain muna siya kasama ng Ginang ngunit halata sa bawat galaw niya na wala siyang gana kahit pa masarap ang kanilang ulam at favorite niya.“Ayaw mo ba talagang samahan kita?” makailang beses na tanong ni Briel sa kanya. “Huwag na. May bisita ka pa rin eh.” lingon niya kay Albert na mukhang wala pa yatang balak na umalis. “E ‘di pauwiin ko na siya para sa’yo—”“Huwag na Briel, ayos lang ako. Isasama ko na lang iyang mga kuting.” “Sige.” ani Briel na nilingon na ang isa sa mga kasambahay upang ipalagay ang mga ito sa kulungan nila. “Hija, ayaw mo bang dito na lang muna? Baka mamaya hindi umuwi si Gavin, wala kang kasama doon.” pigil ng Ginang sa kanya pero mabilis niyang iniiling ang kanyang ulo, hindi niya dapat isipin ang bagay na magpapalungkot. “Hindi na po. Ang sabi naman niya sa akin ay uuwi siya. Panghahawakan ko na lang po iyon.”Napahinga na lang nang malalim doon ang Ginang. Kahit anong pig
HANGGANG PAG-AKYAT NI Bethany ng penthouse ay nakangiti pa rin siya. Naririnig pa rin kasi niya ang driver ng mga Dankworth na tinatawag siyang Mrs. Dankworth. Hindi pa ma-absorb ng katawan niya ang pagbabagong iyon. Pagkapasok niya sa loob ay pinakawalan niya ang mga kuting mula sa bitbit niyang maliit na cage na kinalalagyan nila. Binuhay niya ang lahat ng ilaw na nagbigay ng liwanag sa kabuohan ng tahimik na bahay. Matapos noon ay kumuha siya ng malinis na tubig para sa mga pusang nagsimula ng maglakad sa sala at amuy-amuyin ang buong paligid. Inilabas rin ni Bethany ang cat litter ng mga ito at ang lalagyan ng kanilang pagkain. Nilagyan niya muna sila doon ng ilang treats bago siya nagdesisyon magtungo ng master bedroom upang maligo at magpalit ng kanyang suot na damit. “Anong oras kaya uuwi si Gavin?” tanong niya sa kanyang sarili na sinipat na ang oras, “Baka maya-maya lang iyon.”Nilibang ni Bethany ang kanyang sarili sa pag-e-scroll ng cellphone. Nang hindi pa siya nakuntento
PAGKATAPOS NG MAINIT na tagpong iyon ay agad ng nakatulog si Gavin. Hindi naman siya kinulit ni Bethany na hinayaan na lang na magpahinga. Nang bumangon ay hindi nakatakas sa kanya ang tusok ng karayom nito sa bisig. Hindi nagsisinungaling si Albert, pero hindi dahilan iyon upang awayin niya ang asawa at pagtaasan ng boses. Habang natutulog ang asawa ay inabala ni Bethany ang kanyang sarili sa mga kuting. Nagluto na rin siya ng kanilang pagkain. Ginising niya si Gavin bandang alas-tres ng hapon. Matapos na mag-inat ay lumabas na ang lalaki upang kumain na. “Hindi na kita hinintay. Gutom na kasi ako kaya nauna na akong kumain.” Sinabi iyon ni Bethany habang kinukuhaan niya ito ng malamig na tubig sa fridge. “Siya nga pala, wala ng laman ang fridge mo. Kailan tayo pupunta ng market? Wala na tayong kakainin.” Nagsimula na si Gavin kumain. Halatang nag-iisip ng isasagot kay Bethany. “Mamaya. May night market pa naman kasi weekend. Feeling ko naman hindi rin magtatagal tayo sa mansion
PANAY ANG HALIK ni Bethany habang lulan ng sasakyan sa leeg ni Gavin habang nagda-drive ang abogado patungo ng kanilang bahay. Panibagong ugali na naman iyon ng kanyang asawa na kanyang nakita ngayong araw. Syempre, nang dahil sa ginagawa nito ay hindi niya mapigilang tigasan. Ikaw ba naman ang simpleng romansahin ng iyong asawa, hindi magre-react ang iyong katawan? Ilang beses na siyang napabuntong-hininga. Pilit kinakalamay ang sarili niya. “Mrs. Dankworth, hindi mo ba nakikitang nagmamaneho ako?” patanong na saway niya na dahil di na niya kinakaya.“Eh kasi naman, kulang na kulang iyong time. Magdamag kang nasa labas kagabi. Hinintay kaya kitang umuwi!”Ang buong akala ni Gavin ay nagkaintindihan na silang dalawa tungkol doon, tapos ngayon may pa-throwback ito?“Mrs. Dankworth—” “Kung umuwi ka agad kagabi, e ‘di malamang na-satisfy na ako!” pagputol nito sa kanya sa seryoso pang tono.Napakurap na ng kanyang mga mata si Gavin. Nakikipag-away ba sa kanya ang asawa? Akala niya tala
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay
MULING HINALIKAN SIYA ni Giovanni ngunit sa pagkakataong iyon ay namasyal na sa loob ng bibig ni Briel ang dila nitong mapaghanap at kung saan-saan pumupunta na para bang mayroon doong kung anong bagay na hinahanap. Sa inis ni Briel ay inihawak na niya ang dalawa niyang kamay sa garter ng suot nitong pajama na pangbahay. Walang kahirap-hirap na nagawa na niyang ipasok ang isang kamay sa loob noon habang patuloy ang kanilang mas lumalim na halikan. Hindi pa nakuntento doon ang babae na ipinasok na sa loob ng boxer ang kanyang isang palad. Segundo lang at nagawa na niyang mahawakan ang pagkalalaki ni Giovanni na mabilis ng nag-react sa init ng palad ni Gabriella.“Briel!” bulalas ni Giovanni na mabilis ng ini-angat ang katawan na para bang sinisilaban na ang buo niyang pagkatao at napaso sa hawak pa lang ni Briel sa kanyang pagkalalaki, windang na windang ang mukha niya sa ginawa ni Briel.Napangisi na doon si Briel na hinagod na ng tingin si Giovanni na para bang nang-aasar. Napaupo na
NANLALAKI ANG MGA matang pinalo ni Briel ang palad ni Giovanni nang maramdaman niyang yumakap ito mula sa kanyang likuran habang nagpapalit siya ng damit. Nakapalit na siya ng pants ngunit hindi pa ng pang-itaas na suot. “Tigil nga, baka mamaya biglang umakyat dito ang Mama mo at kasama si Brian!” asik pa niya habang nandidilat na humarap na kay Giovanni na pinapapungayan na siya ng mga mata, “Mamaya na lang, hindi ka ba napapagod, hmm? Bugbog pa tayo sa biyahe. Uso ang magpahinga muna.” taas pa ng isang kilay dito ni Briel na halatang nate-tempt din. Makahulugang ngumisi si Giovanni nang maalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Ito kaya ang gutom na gutom na kulang na lang ay lamunin siya nang buo kung makakaya lang nitong gawin ang bagay na iyon.“Ano bang inaarte mo? Kagabi nga ayaw mo akong tigilan, tapos ngayong nakabawi na ako ng lakas ang dami mong dahilan. Ready na ako ngayon, Baby, kahit ilan pa. Kung gusto mo bukas na tayong umaga lumabas ng silid na ito eh!” nagta