แชร์

Chapter 18.3

ผู้เขียน: Purple Moonlight
last update ปรับปรุงล่าสุด: 2025-08-06 23:59:13

HILAW NA ANG naging ngiti ni Ceska na mas lalo pang kinabahan sa tono ng boses ng babaeng kaharap niya.

“Or may gusto ka bang kasuhan? Sino? Ang pinsan ko ba?” sunod-sunod na tanong nitong humakbang na papalapit sa kanya, humalakhak pa ito na parang nang-aasar na hindi niya mawari. “Tell me, ano ang dahilan at napasugod ka dito?”

Sunuod-sunod ang naging pag-iling ni Ceska na parang lalabas na ang kanyang puso sa loob ng kanyang dibdib. Ibang-iba ang aura nito ngayon na nasa kanyang opisina kumpara kahapong nasa charity auction. Nakakatakot iyon.

“N-No, hindi, Attorney Dankworth…pumunta ako dito para may isauli sa iyo dahil alam kong hindi dapat ito sa akin.”

“Isauli?” maang-maangan ni Gabe na alam na kung ano ang tinutukoy ng babaeng sinadya pa siya doon.

Gamit ang nangangatal na kamay ay kinuha ni Ceska ang box ng kwintas na ibinigay ng abogada sa kanya sa loob ng bag.

“Here…” pakita niya na kay Gabe nang makuha iyon.

Tiningnan lang iyon ni Gabe na dire-diretso na ang hakbang p
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
บทที่ถูกล็อก
ความคิดเห็น (6)
goodnovel comment avatar
Snobsnob
Sina Briel at Gio pa magiging kontrabida sa kanila eh lol hahahah
goodnovel comment avatar
Erlinda Malabega
sana maging matapang silang dalawa na ipakipaglaban ang kanilang love,dapat dalawa silang harapin yun
goodnovel comment avatar
jennylyn rulloda
hay naku gabe Sana nga nga umipekto yang pag payo mo kay ceska ......🥱
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 74.3

    BAHAGYANG KINUROT NA ni Gabe sa tagiliran ang asawa ng pino dahil sa huling sinabi nito. Sinandal niya pa ang ulo sa kanyang isang braso bilang paglalambing. Sanay na siyang makarinig ng mga ganung jokes buong buhay niya at hindi na rin bago iyon, kaya bakit dadamdaminniya pa at pakai-isipin?“Hindi iyon, ang tanda ko na para maging balat-sibuyas, Fourth. Totoo naman din na ganun ang talaga ugali ko dati ah? Itatanggi ko pa ba iyon? Mataas. Batas. Dominante. Maarte. Hindi ko rin ‘yun kinakaila na personality ko. Iyon ako eh. Nobody is perfect. Maganda lang ako pero may flaws ang ugali.” “Pfft! Defeated ka. Papayag kang talo ka?”“Bakit ako hindi papayag? Ano bang gusto mo? Ipilit ko na hindi ako ganun kahit aware ako sa sarili ko na ganun ang ugali ko? Kahit ikaw alam mo ‘yun, Fourth. Hindi mo lang sinasabi sa akin dahil mahal mo ako.”Totoo naman nga iyon. Lumiwanag pa ang mukha ni Atticus. Mukhang nagbago na talaga ito ng lubusan. “Siya nga pala narinig ko mula sa secretary mo na

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 74.2

    TUNAY IYON, SA personality din ni Piper, mukhang bigatin ito at tapos din ito ng kolehiyo kaya hindi maintindihan ni Gabe kung bakit papasok itong secretary ng kanyang kapatid at magpapaalipin dito. Hindi sa minamata niya ang pagiging hamak na secretary nito dahil alam niyang mahirap ang trabaho na ‘yun, pero palaisipan sa kanya bakit nagagawa nito na pagtiisan pa ang magaspang na ugali ni Bryson.“Or baka ang magaling kong kapatid ay nag-offer ng malaking sweldo? Pero hindi eh. Kung pera lang ang habol ni Piper, ang daming paraan. Ang weird talaga.”Hindi iyon pinansin ni Atticus na diretso lang sa pagmamaneho. Nasa kalsada pa rin ang mga mata.“Ibig mong sabihin ay si Bryson at si Piper na dating fiancee ni Gabriano ay mayroong relasyon? Intimate relationships? Boyfriend to girlfriend vibes, ganyan?” “Hmm, kaya imposibleng mangyari ang sinasabi ni Mommy at Daddy na blind date para sa kanya. Tiyak akong tatanggihan iyon ni Bryson. Ang palaisipan lang sa akin ay bakit hindi niya pa s

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 74.1

    HATINGGABI NA NANG makabalik ang mag-anak ng kanilang villa. Nakatulog na ang kambal sa kanilang byahe, pagod na pagod ang mga ito nang dahil sa ginawang paglalaro kasama ang kanilang mga pinsan. Panay ang hikab ni Gabe na panaka-naka ang tingin sa likod kung nasaan ang kanilang mga anak.“Mabuti na lang at dala mo ang gamot nila, hindi na natin kailangan pang gisingin ang mga bata mamaya pagdating ng villa at dire-diretso na ang tulog nila.” “Oo nga eh, mabuti na lang. Tiyak na iiyak na naman si Haya kung nagkataon na papainumin na naman.” Ginagap ni Atticus ang isang kamay ng asawa. Walang pagsidlan ang tuwang nakabalot sa kanyang puso. Proud na proud siya na nagawa niyang madala ang kanyang mag-iina sa kanilang villa at iharap sa mga magulang na alam niyang tuwang-tuwa na rin.“Ano namang masasabi mo sa ginawa niyong pagbisita sa aking pamilya? Enjoy ba? Sulit ba kayo?” Ngumiti na nang malapad si Gabe. Binalikan niya sa isipan ang mga naging kaganapan kanina sa villa. Mainit an

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 73.4

    MARAHANG ITINANGO NI Gabe ang kanyang ulo sa mga anak upang tahimik na sabihing sundin nila ang sinasabi ng kanilang ama. Nang muli silang ibaba ni Atticus, kumalas na ang kamay ng dalawang bata sa leeg ng kanilang ama. Wala namang inaksayahang panahon si Alyson na pasunggab ng lumapit sa mga bagong batang dagdag sa mga apong naroon. Nag-squat siya sa harap ng kambal upang mag-level ang kanilang paningin. Hindi pumalag sina Hunter at Haya nang ikulong na sila ng Ginang sa kanyang mga bisig. Salit-salitan niya pang hinagkan ang mga pisngi ng mga bata sa harapan ng kanyang ibang mga apo. Maluha-luha na ang mga mata ng Ginang. Hinaplos niya ang mukha ng dalawang mga bata. “Kaytagal ko kayong hinintay na makita at mayakap, mga apo.” Sabay na ngumiti ang dalawang bata na agad napalagay sa matandang nasa kanilang harapan. “Call me Grandma, at iyon ang Grandpa.” lingon ni Alyson sa asawang tila napako na ang mga paa sa kinatatayuan, “Geoff? Anong ginagawa mo diyan? Halika na dito at yakap

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 73.3

    SA UNANG PAGKAKATAON, hindi si Gabe confident sa kakahinatnan ng mga magiging kaganapan. Hindi kagaya sa trials ng cases na hinahawakan niya na alam niyang anuman ang mangyari kaya niyang ilaban ang lahat hanggang huli upang manalo. Ginagap ni Atticus ang kanyang kamay upang kalamayin at pakalmahin ang kanyang sarili na halata ng kabado.“Ako ang sasagot kapag naglabas sila ng saloobin, hindi mo kailangang matakot sa kanila.” saglit na lingon ni Atticus sa asawa nang maramdaman ang panlalamig ng mga kamay ni Gabe, “Hindi mo kailangang mag-explain nang paulit-ulit.” Sa sinabing iyon ng asawa ay bahagyang naibsan ang kabang bumabalot sa dibdib ni Gabe. Iba ang pakiramdam niya ngayong alam niyang back up niya ito at nasa likod niya. Iyong tipong kapag naubusan siya ng sasabihin ay ito ang sasalo.“Thank you…” Ngumiti lang si Atticus na pinagpatuloy ang pagmamaneho. Bungad pa lang ng kanilang villa ay dinig na dinig na ang ingay sa parking lot pa lang. Lumapad pa ang ngisi ni Atticus na

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 73.2

    NANG ARAW NA IYON ay tinawagan sila ni Fourth na pagkagaling nila umano sa villa ng mga Dankworth ay doon sila diretso na mag-anak. Pinilit ni Alyson na pumunta ang kanyang ibang mga anak na pati ang busy na si Uno na isang doctor ay hindi nakaligtas at makapagbigay ng katwiran dahil kailangang magtungo nila sa villa upang umano ay suporta sa kapatid na si Atticus. Ganun din si Dos na kahit mayroong meeting sa hapong iyon ay nagawan ng paraan na malipat. Batid nilang magkakapatid na kailangan nilang suportahan ang isa sa mga kapatid sa kahilingan na rin ng mga magulang.“Hindi pwede ang hindi, narinig niyo ang sinabi ko?” iyon ang pinanindigan ng Ginang na ikinatahimik ng halos ng lahat ng kanyang mga anak na kausap niya lahat sa videocall upang marinig ang kanyang nais na sabihin sa kanila.“Oo na, Mommy…” walang nagawang sagot ni Addison na unang-una sanang magsasabi na hindi sila makakapunta. “O siya mga anak, aasahan namin kayo ng Daddy niyo ha?” kumakalmang tono ni Alyson mata

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status