BAGO MAKAWALA SI Cora kay Conrad ay sumuka na ang matandang lalaki sa damit ng asawa. Napasigaw na sa sobrang inis ang Ginang lalo pa nang makitang nagawa ng mailabas ng magkapatid ang kanyang anak na walang imik na nagpadala lang sa agos ng paghila nila dito. “Conrad naman!” Malakas na humagalpak ng tawa si Gia nang marating nila kung nasaan ang sasakyan. Buong akala nila ng kapatid na si Brian ay nakatakas na sila, ngunit hindi nila magawang isakay si Ceska sa loob ng sasakyan. Nagmamatigas ito. Masama na ang tingin kay Brian, inis na inis na.“Ayokong lumabas! Hindi ako sasama sa inyo. Bitawan niyo nga ako!” Hindi sumunod ang magkapatid. Lalo na si Gia na humigpit pa ang hawak sa braso ni Ceska. Siya pa iyong mas agresibo doon na maitakas nila ang babaeng may mixed emotion ang mukha.“Bakit ayaw mong sumama sa amin? Saglit lang naman. Nagpapasama lang sa’yo si Gia—” “Baliw ka ba, Brian? Ang daming nakakakita sa atin tapos gagawin mo ‘to? Saka galit si Mommy. Gusto mo bang atake
MAHINA MAN ANG kanilang boses ay naririnig iyon ng malinaw ni Cora. Iniiling na lang ng matanda at tiningnan si Conrad na muli na namang nakatulog matapos na makisabat sa kanila. Kumplikado ang mukhang pinagmasdan ng Ginang ang mukha ni Brian sa rearview mirror. Iniisip kung ano na naman ang pakulo nito at gusto niyang isama si Ceska sa Session Road. Hindi umiwas ng tingin si Brian. Sinalubong niya nang panaka-naka ang mga titig ni Cora. “Thank you, Tita Cora…” biglang sambit ni Brian kahit hindi pa ito lantarang pumapayag.Inismiran siya ng Ginang at hindi na muli pang tiningnan hanggang sa marating nila ang tapat ng kanilang villa. Magkatulong sina Brian at Cora na inakay si Conrad papasok ng kanilang bakuran. Lumabas na rin si Gia na siyang nagbukas ng pintuan para sa kanila. Napatayo na si Ceska nang makita ang pagdating nila. Mula sa bulto ni Gia na siyang nagbukas ng pinto ay lumipat ang kanyang paningin kay Brian at sa kanyang mga magulang na papasok na sa loob. Biglang naghur
HINDI NA SIYA hinarap ni Briel dahil kailangan na niyang unahin ang naaalimpungatan na asawa na biglang tumayo. Humakbang ito na parang nakalimutan kung nasaan siyang bahagi ng kanilang mansion ng mga sandaling iyon. Yumakap na ang Ginang sa katawan ni Giovanni upang alalayan ang asawa. Tumawa lang naman ang matandang lalaki na nagpalinga-linga sa kanyang paligid. Nang maging malinaw kung nasaan sila at anong ginagawa, tumawa na siya.“Umuwi na sina Conrad at Cora, ipinahatid ko na kay Brian. Sinama niya si Gia, lalakad-lakad daw sila sa Session Road after na maghatid sa mag-asawa. Hindi rin naman sila magtatagal. Babalik din ‘yun agad.” diretsong turan ni Briel bago pa man makapagtanong ang asawa doon. “Ganun?” ayos ng matanda sa kanyang bahagyang nagulong buhok, nilingon na ang bunsong anak nila. “Eh, bakit narito ‘tong si Vaniel?” tanong niyang nakatitig na sa mukha ng bunsong anak na hindi na maipinta, bakas ang inis sa kanyang mga mata habang nasa topic sila na iyon. Alam ni Gi
MABILIS NA NAPATAYO si Brian. Sa mga sandaling iyon, nais na niyang yakapin ang ina upang magpasalamat dahil nasabi na niya ang nais niyang i-offer sa dalawang matanda. Alam ni Brian na hindi ito magagawang tanggihan ng mag-asawa lalo na kung magpumilit dito si Briel. Iyon na lang ang panghahawakan niya. Napangiti pa nang malapad doon si Brian.Pagkakataon nga naman. Mabuti na lang talaga at hindi siya naglasing.Ganun na lang ang iling ni Cora matapos na tingnan ang naging reaction ni Brian sa naging utos ng kanyang ina.“Hindi na kailangan—”“Naku, kailangan ‘yun Cora. Huwag mo ng tanggihan pa.” muling giit ni Briel na halatang hindi magpapatalo sa asawa ni Conrad, “Nag-aalala ako na baka kung ano ang mangyari sa inyo. Maingat namang magmaneho itong si Brian, Cora.”“I mean, hindi kailangang si Brian, Gabriella. Pwede naman ang driver na lang ang maghatid sa amin pauwi. Nakakahiya sa anak mo. Pagod pa iyan sa biyahe niya paakyat ng Baguio tapos aabalahin pa naming magpahatid.”Umayo
Nagtawanan na sila sa lambingan ng mag-asawa. Lumabas na si Briel dala ang ibang dessert kung kaya naman hindi na nadugtungan pa ang kanilang usapan. Wala ng tumuloy doon kahit pa marami pa sanang nais na itanong si Brian. Naupo na rin doon ang Ginang upang maki-join sa kanila. Doon nila sa family area naisip na tumambay ngunit hindi nagtagal ay lumabas din naman sila sa may lanai ng mansion na naka-konekta sa malawak na bakuran. Malamig ang ihip ng hangin na idagdag pa ang mas bumabang klima kaya lahat sila ay naka-jacket. Hindi pa rin alintana ang lamig. Tuloy ang kwentuhan tungkol sa ibang mga bagay na ang iba ay sa kanilang nakaraan. Ilang beses tiningnan ni Brian ang screen ng kanyang cellphone. Hindi niya alam kung umaasa ba siyang may magse-send sa kanya ng message dito. Hindi mawala sa kanyang isipan si Ceska. Ilang ulit na rin niyang binista ang inbox niya kung saan ay may message dito. Hindi iyon social media na malalaman niya kung nabasa na ba ng dalaga. Imposible namang hi
MATAPOS NA ISMIRAN ay iniwan na siya ni Gia. Natawa lang naman doon si Brian sa pagiging isip-bata ng kapatid nilang babae. Lumapit na siya sa kanilang mga bisita upang magmano at ibigay na rin ang inihanda niyang regalo. Hindi naman nila iyon tinanggihan, lalo na ni Cora na parang walang naging sama ng loob noong kamakailan na nangyari sa kanila ng binata nang dahil kay Ceska. Nagawa pa niyang yakapin si Brian sabay tapik sa isang balikat. Maliit namang ikinangiti iyon ni Brian. Bahagya na rin na gumaan ang kanyang pakiramdam kahit na hindi ito lubos.“Tito Conrad, bakit hindi niyo po sinama si Franceska dito?” hindi na nakatiis ay tanong ni Brian habang nasa kusina ang kanyang ina at si Cora, nasa family area sila noon nakatambay. Panaka-nakang tumatagay na sina Giovanni at Conrad. Busy manood ng live show countdown sa TV si Gia. Si Vaniel naman ay abala sa kanyang ka-chat. Nilingon na siya ng amang si Giovanni, may pagbabanta ang kanyang mga mata na tigilan na ang pagtatanong tungk