PINAGPAG NI BRIEL ang bigat na nakadagan sa kanyang dibdib sa pamamagitan ng pakikipagharutan at kulitan sa dalawang bata na pinunuo ng malalakas na irit at tawanan ang bawat sulok ng kanilang silid. Hindi pwede na maging matamlay siya nang dahil lang doon. Hindi rin siya ang maninikluhod at dito ay manlilimos ng atensyon at panahon. Tama ang kanyang Kuya Gav, makakaya at makakaya niya rin iyon. “Iniwan ka na naman ba ng Mommy at Daddy mo dito, Gabe?” tanong niya nang mahuli niya ito ng kanyang mga bisig at mahigpit na niyakap. Hindi niya ito pinakawalan na pinaulanan na ng mga halik. “No, Tita Briel. Dito lang daw po kami kakain ng dinner tapos uuwi rin kami ng Batangas.”Tumango-tango lang si Briel. Wala namang problema kung manatili doon ang pamangkin. Sanay naman siya na naroon ang bata. Nagpapaalala lang ito sa kanya ng bagay na hindi naman dapat pero ayos lang.“Ayaw mo bang dito matulog?” lambing niya na mariing ikinailing ni Gabe, “Bakit? Hindi naman kita aawayin at paiiyaki
KINABUKASAN NA NAGAWANG makita ni Briel ang message ni Giovanni paggising niya, saglit lang siyang natuwa dahil bigla na lang niyang naalala ang pagtitikis nito ng mga nakaraang araw sa kanilang mag-ina. Para kay Briel ay marapat lang na parusahan niya si Giovanni. Umismid siya kahit na hindi niya kaharap ang lalaki. Piniling hinid pansinin ang mga message ng Gobernador. Binuksan niya lang ang mga iyon. Ilang beses na binasa habang halos mapunit na ang mga ngiti sa labi niya. Pakiramdam niya ay nagwagi na siya. Muli pang umirap ang kanyang mga mata sa kawalan ngunit may halo ng kilig iyon. Nungkang reply’an niya ang message nitong wala namang kabuluhan para sa kanya. Habang nasa kanyang trabaho ay hindi pa rin mawala sa isipan ni Briel ang laman ng mga message ni Giovanni. Nangungumusta lang naman ito. “Tsk, nag-alala? Kung nag-alala siya, sana ng gabing iyon tinawagan niya na ako o di kaya ay tinext.”Ilang beses niyang inisip na mag-reply kaya siya? Kinukumusta rin kasi nito ang an
PARANG HANGING DUMAAN sa pandinig ni Patrick ang mga salitang binitawan ni Briel. Wala rin siyang panahon na pakinggan ito. Gustong-gusto niyang makita ang pagkapikon ng babae na para sa kanya ay mas naging hot sa kanyang paningin kahit na manipis ang katawan nito. Nananatiling malakas ang appeal.“Saka, himala na naka-move on ka na sa hipag ko? Hindi mo ako mauuto. Ayoko ng maulit iyong nangyari sa amin ng gago kong ex-fiance, kaya pwede ba? Huwag mo akong madiskartehan niyang bulok mong paraan. Bakit, Patrick? Kasi alam mong hindi mo magagawang matalo si Kuya Gav at maagaw si Bethany sa kanya?” humagalpak ng tawa si Briel nang makita ang pagbabago ng hilatsa ng mukha ni Patrick, “Oh, well…wala ka naman talagang panama sa kapatid ko. Walang-wala. Alam ko ang likaw ng bituka mo...” Sa halip na magpaliwanag si Patrick ay mas ininis lang niya si Briel sa kanyang naging sagot sa kanya.“Tama ka, Gabriella. Hindi ko nga makakayang talunin ang kapatid mo kaya naman ang kapatid na lang niy
NABURO NA ANG mga mata ni Giovanni sa ina na nanatiling nakatingin pa rin sa kanya . Tumatak sa isipan ng Gobernador ang huling sinabi nito patungkol kay Briel. Hindi niya inaasahan iyon, marahil ay napansin na rin ng kanyang ina ang nangyayari sa kanya kung kaya naman iyon ang nauna niyang hinuha. Hindi niya hahayaang makialam ang ina sa kanilang o bibigyan niya ito ng pahintulot na manghimasok na sa buhay nila.“Gusto mo bang tulungan kita sa kanya, hijo?” medyo nakakaloko ang tono ng boses nito na offer sa kanya, “I can talk to her. Pwede kong padaanin din iyon kay Rosita para dalawa kaming tutulong sa’yo na kukumbinsi sa anak niya. Tingin ko naman ay kaya pang remedyuhan ang lahat at dugtungan pa ang natapos na.” dagdag pa nitong tinutukoy ay ang ina nina Briel na nais pa ‘ring isali sa problema nila.Ganun na lang ang naging iling ni Giovanni sa ina. Ayaw niyang makialam ito sa kanyang buhay dahil paniguradong mas magugulo ang kanyang plano lalo pa kung magiging involved ang ina
HINDI RIN LINGID kay Patrick ang pakikipag-date ni Briel sa ibang lalaki na nire-reto naman ng mga magulang niya. Hindi na rin iyon binigyan pa ng halaga ni Patrick dahil wala rin naman siyang mapapala dahil wala siyang karapatan kay Briel. Pag-aawayan lang din nila iyon ng babae oras na buksan niya ang usaping iyon at igiit na ang sarili. “Mom? Bakit ayaw niyong magsalita? Ayaw niyong sabihin sa akin? Anong problema ba ni Kuya Gav?”Huminga muna nang malalim ang Ginang na para bang kailangan niyang gawin iyon upang kumalma. Hindi sa tinatakot at pinapakaba niya ang anak na babae, hindi niya lang alam kung marapat bang sa kanya manggaling ang balita.“May sakit ang Kuya Gavin mo, Gabriella.”Literal na nagulat doon si Briel, ngunit hindi naman niya ipinahalata sa iba. Kunway binalewala niya.“Sakit? Ano namang klase ng sakit?” pilit niyang kinalma ang sarili at hindi pinakita ang panic, “Sa hitsura niyo parang ang lala naman yata ng sakit niya. Huwag niyong sabihing may taning na siy
MARAHANG HINAPLOS NI Bethany ang mukha ng anak. Pilit na kinakalma ang kanyang sarili kahit na pakiramdam niya ay wala na siyang lakas pa para gawin ang bagay na iyon. Kung anu-ano na ang masasamang bagay na pumapasok sa kanyang isipan at naglalaro doon habang wala pa ang asawa. Naisip niya na hindi kaya bunga iyon noong naaksidente ang kanyang asawa? Kaso ang tagal na noon. Apat na taon na halos kaya imposible na ngayon pa lang iyon lalabas ngunit malaki rin ang posibilidad na ito ang rason.“Huwag kang mainip, Gabe. Darating na rin ang Daddy. Baka nga ilang minuto lang ay narito na siya.”Sabay na napatingin ang mag-ina sa may pintuan ng marinig nila ang pagdating ng sasakyan na alam nilang kay Gavin. Tila nagdilang-anghel si Bethany sa huling sinabi niya sa anak. Punong napatayo na ang babae at walang pag-aalinlangang binuhat na ang anak kahit na mabigat upang salubungin ang kanyang asawa sa labas. Lumabas naman ng sasakyan si Gavin na pilit pinasigla ang katawan nang makita ang bu
HALOS WALANG NAGING gana ang buong pamilya na kumain nang sumapit ang hapunan. Ni hindi nila halos malunok ang kanilang pagkain na nasa bibig at inilagay sa kanilang mga plato. Hulog ang kanilang isipan sa suliraning iyon ng panganay ng kanilang pamilya. Mabilis din na natapos ang kanilang dinner. Umuwi na rin agad sina Gavin at Bethany sa kadahilanang may kailangan pa silang pag-usapang mag-asawa nang sila lang. Nagmukmok naman si Briel sa kanyang silid kasama ang anak matapos noon. Naghahanap ng makakausap tungkol sa kanilang negosyo at sa crisis na kinakaharap ng kanilang pamilya. Pati nga yata ang Law Firm ng kapatid ay gustong ipahawak sa kanila. Ano bang malay nilang dalawa doon ng kanyang hipag? Isiniksik na lang niya sa kanyang isipan na kung sakali man, may tutulong nga naman sa kanila ni Bethany. Gagabay upang magawa nila nang maayos ang kanilang trabaho na pag-aalaga sa kumpanya nila doon.Ilang minuto niyang tinitigan ang numero ni Giovanni, matanda na ito sa larangan ng n
MABILIS NA LUMIPAS ang ilang mga araw na para bang palaging nagmamadali. Natagpuan na naman ni Briel ang kanyang sarili na nasa study room ng ama sa kanilang mansion ng umagang iyon. Kaharap sina Bethany at Gavin na animo ay may napaka-importanteng sasabihin sa kanila. Sa harapan nila ay naroon ang makapal na mga documents na ipinahanda ng kanyang kapatid sa kanyang secretary na kung hindi nagkakamali si Briel ay may kaugnayan sa kanyang kumpanya na hinahawakan. Hindi niya alam kung bakit kinakailangang naroon pa rin siya gayong hindi naman siya ang tatanggap noon kundi ang kanyang hipag. Kumbaga ay support lang siya. Ginagawa lang silang witness ng kapatid niya na alam niyang masakit din sa kalooban ng kanilang mga magulang. Medyo natawa siya doon ngunit hindi na niya ipinakita pa sa kanila. Nagawa pa kasi niyang mag-absent sa trabaho ng araw na iyon nang dahil lang dito. Napag-isipan niya na ang lahat, pwede naman siyang tumulong sa hipag kahit na may trabaho siya. Nag-usap na rin s
SUMAMA PA ANG hilatsa ng mukha ni Briel. Kung pwede nga lang turuan ang kanyang puso, matagal na niyang ginawa iyon ay ibinaling ang kanyang pagmamahal kaso nga lang ay hindi. Masyado niyang naibuhos kay Giovanni ito.“Sana nga Mommy, sana ka-edad ko na lang dahil paniguradong mas mabilis silang kausap hindi niya kagaya! Mabilis din magdesisyon. Hindi ko kailangang maghintay hanggang sa mamuti ang mata ko. Hindi niya ako papaasahin lang.” Hindi makapaniwalang napakamot na lang ang Ginang sa kanyang ulo. Kilala niya ang anak. Hindi niya ito mapipilit sa mga bagay na alam niyang ayaw nitong gawin. Magkakasira lang sila. Hindi naman niya matawagan si Donya Livia upang sabihin ang pagiging pasaway ng anak nito. Bubulabugin pa ba niya ang matanda? Hindi na lang siya kumibo pa at hinayaan na lang niya ang anak sa kung ano ang gusto nitong gawin. Matanda na ito. Alam na niya ang tama at mali.“Papasok na ako. Kayo na muna ang bahala kay Brian kasi half-day lang naman ang pasok niya. Pinapa
BUMIGAT PANG LALO ang pakiramdam ni Giovanni sa mga akusasyong binabato sa kanya ni Briel kahit na totoo naman ang lahat ng iyon. Naiintindihan niya rin kung saan ito nanggagaling. Aminado siyang siya rin ang may mali. Nahigit na niya ang hininga nang makita niyang maluha na si Briel nang dahil sa sama ng loob. Nanlilisik na ang mga mata nitong muli siyang sinulyapan na kung nakakamatay lang ay kanina pa sana siya doon nakabulagta at nangisay.“Alam mo? Hindi mo kami tunay na mahal ng anak mo! Palagi ka na lang ganyan. Lagi kang hindi available pagdating sa aming dalawa!” umiiling na patuloy na bintang ni Briel kay Giovanni na nakatayo pa rin at matamang nakatingin sa kanya, parang inugatan na ang kanyang mga paa sa kung saan nakatayo dahil hindi na siya makaalis doon. “Dahil kung mahal mo at mahalaga kami, willing kang talikuran ang lahat para sa aming mag-ina. Hindi mo iyon makakaya di ba? Dahil palaging mahalaga ang negosyo sa’yo. Mahalaga ang iba kumpara sa aming dalawa ng anak mo
KASALUKUYANG WALA DOON ang mag-asawang Dankworth kung kaya naman silang mag-anak lang ang kumain ng sabay-sabay ng lunch. Matapos noon ay tumambay na silang tatlo sa kwarto ni Briel. Nilaro ni Giovanni si Brian nang nilaro kung kaya naman nang mapagod ay mahimbing itong nakatulog. Pagkakataon na sinamantala ng dating Gobernador na bumawi kay Briel. Hindi naman na doon nagpatumpik-tumpik pa si Briel na isang haplos lang ni Giovanni sa kanyang mga hita na may kasamang malalim na mga halik, tuluyan na naman siyang nawala dito sa ulirat. Muling pinagbigyan ang kagustuhan ni Giovanni na angkinin ang kanyang sarili na pareho rin naman nilang na-enjoy.“Hindi ako natutuwa na pinapaghintay mo na naman ako. Kami.” paglalabas ni Briel ng kanyang saloobin matapos na ayusin ni Giovanni ang nakabalot na comforter sa kanilang walang saplot na katawan na nasa ilalim nito. “Narinig mo?” Gumalaw ang adams apple ni Giovanni at lumalim ang hinga na hindi nakatakas sa pandinig ni Briel. “Alam ko naman
NAPANATAG NA ANG loob ni Briel sa kanyang narinig. Namasa pa ang bawat sulok ng kanyang mga mata sa labis na galak. Hindi maikakaila na excited na siya sa araw ng gagawing pagbaba ni Giovanni kahit na hindi pa man lumilipas ang isang araw mula ng kanilang pagkikita. Parang ang tagal na ng huli sa paraan ng kanilang pag-uusap na dalawa.“Sabi mo iyan ha? Baka paasahin mo na naman ako.” “Hindi ko iyon gagawin.” malambing na sagot ni Giovanni upang bigyan ng assurance si Briel sa kanyang sinabi. Hindi na rin nagtagal ang kanilang pag-uusap dahil sa paglalim ng gabi. Bukod doon ay nakaramdam na rin sila ng antok. Ang marinig iyon ni Briel ay naging kampante ang kanyang puso at nagdesisyon na hindi na lang mag-isip nang kung ano hanggang makababa ng Maynila si Giovanni. Nang sumapit ang araw ng pagbaba nito ay nakatanggap si Briel ng tawag mula sa kanya. Ganun na lang ang panghihina niya nang malamang hindi umano ito matutuloy na bumaba. Iyon na nga ba ang mali at negatibong iniisip niya
SI GAVIN NAMAN ang malakas na humagalpak sa naging reaksyon ng kanyang kapatid sa kanyang balik na pagbibiro. Naghahamon ang mga matang hinarap na siya ni Briel an hindi naman inatrasan ni Gavin. Pinagtaasan pa siya ng kilay. Pinanood lang naman sila nina Mrs. Dankworth at Bethany na naiiling na lang sa behavior ng magkapatid pagdating sa kanilang mga anak. Bagay na hindi naman nila magagawang masabi dahil iba-iba ang guhit ng mga kapalaran ng tao.“Tama na ang inyong iyan, sa tigas ng mga ulo niyo noong mga na-inlove kayo pakiramdam ko igaganti kami sa inyo ng mga apo namin.” si Mr. Dankworth na kakapasok lang ng pintuan na galing sa pakikipaglaro sa kanyang mga amigo, isa-isa na niyang niyakap ang dalawang apo na nagkakarera ng tumakbo palapit upang sumalubong sa kanilang Lolo. “Igaganti kami ni Gabe, Brian, Bryson at iba pa naming magiging apo. Mas malala sa stress na inabot namin sa inyo.”Malakas na tumawa si Mrs. Dankworth ng parehong matameme ang magkapatid at magkatinginan ng
SINULIT NG MAG-ANAK ang panibagong Linggong iyon na nag-extend pa nang na-extend sa kagustuhan ni Briel, hanggang sa magkaroon ng result ang pagpapa-transfer ni Briel sa kanyang trabaho sa bansa at hanggang sumapit ang huling araw ng pananatili nilang mag-ina sa mansion. “Pwede namang dito na lang mag-aral si Brian.” suggestion ni Donya Livia na nasanay na rin sa presensya ng mag-ina sa kanilang mansion, naging bahagi na ito ng araw-araw nilang buhay na kasama sa lugar.Iyon ang ikinatwiran ni Briel nang magsimula na ang summer at kinailangan na talaga nilang bumaba ni Brian kahit pa halatang ayaw pa ng katawan nila. E-enroll nila ng summer class si Brian upang maging handa ito sa magiging tunay na pag-aaral sa pasukan. Nais nila na maging kagaya ito ni Gabe na nang magsimula ay marunong ng magsulat. At nang tanungin ito ni Briel, sabi ng anak sa school siya ni Gabe.“Hindi po pwede, Mama.” Mama na ang tawag niya kay Donya Livia sa kahilingan na rin ng matanda tutal umano ay iisang
MALIGAYA ANG BUONG pamilya ng mga Dankworth at Bianchi sa pagpapalit ng taong iyon dahil sama-sama sila. Naging instant double celebration din para sa kanila ang okasyong iyon nang dahil sa kaganapan ng proposal lalo na nang umabot pa sa kaalaman iyon ng ibang mga kamag-anak ng mga Bianchi ang tungkol sa kanilang magiging kasal na maaaring mangyari sa taong din iyon. Ilang araw pang nag-stay sa Baguio at nagdesisyon na bumaba na rin ang mag-asawang Dankworth at ang pamilya nina Gavin. Kung nauna sina Briel at Brian na umakyat ng Baguio sa kanila, sila naman ang nahuling bumaba. Nanatili sila sa mansion ng mga Bianchi na una pa lang ay planado na ni Briel na mangyayari, ni halos ay ayaw na niyang humiwalay sa dating Gobernador na wala namang problema sa kanilang pamilya dahil matanda na sila. Bumalik si Giovanni sa trabaho, ganunpaman ay masaya siyang araw-araw na hinihintay ng mag-ina niya ang kanyang pag-uwi kung kaya naman ay palagi siyang ganado. Palaging pauwi rin ang kanyang gust
KULANG NA LANG ay mapapalakpak at magpa-banquet party sa galak ang ina ni Giovanni na hindi na mapigilan ang bibig na magbigay ng komento sa kanyang nalaman. Matagal na panahon na niyang hangad na magkaroon ng pamilya ang bunso niyang anak. At sa wakas, sa araw na iyon ay dumating na ang kasagutan sa matagal na niyang paulit-ulit na ipinagdarasal na mangyari. Ang buong akala niya talaga ay hindi na maiisipan nitong bumuo ng kanyang sariling pamilya. Iba talaga kapag nagmahal ang isang tao.“Kailan ang kasal? Ako na ang magpre-presentang mag-asikaso ng lahat!” taas pa nito ng kanyang kamay na salitan na ang tingin kay Giovanni at Briel na makahulugan nang nagkatinginan sa tinuran ng Donya. “Mama, hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na iyon. Hayaan niyo munang namnamin namin ang phase ng pagiging engaged. Saka na lang po namin iyon pag-uusapan. Hindi na rin namin ito patatagalin.” “Naku, doon din naman papunta bakit patatagalin pa? Di ba mga balae?” sagot ni Donya Livia na tiningna
PUNO NG PAGHANGA at hindi pa rin makapaniwala si Briel habang sinisipat ang suot niyang singsing sa daliri habang nakaupo na sila ni Giovanni sa table at dinudulutan na sila ng pagkain. Nasa kandungan niya ang bouquet ng bulaklak. Kagaya ng diamond sa kanyang daliri ay kumikinang sa labis na saya ang kanyang mga mata habang nakatunghay pa rin doon. Expected niya iyon ngunit hindi ganun kaganda ang singsing. Ang buong akala niya pa nga ay plain gold lang. Sa ginawa ng dating Gobernador na proposal, batid ni Briel sa kanyang puso na mas lalo niyang minahal ang lalaki. “Thank you!” patulis ng nguso ni Briel na itinaas pa ang kanyang daliri na muli na namang sinipat-sipat. “Saan?” kinikilig namang tanong ni Giovanni na hindi na rin maalis ang mga mata sa mukha ni Briel. “Dito. Alam kong grabe ang effort na ginawa mo para lang magawa mo ito.” Inilinga pa ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid upang sabihin na gusto niya ang ambience doon. May nagva-violin pa sa gilid nila upang i-se