เข้าสู่ระบบSINAMAAN SIYA NG tingin ni Gia lalo na nang muling malakas na namang tumawa si Bene na tila nang-aasar ang lalaki. Kulang na lang ay pandilatan siya ng mga mata ni Gia upang patigilin sa kanyang ginagawa. Napipikon na naman siya.“Hindi ka pa rin talaga nagbago. Nananalaytay pa rin sa dugo mo ang pagiging matigas ang ulo pero madaling mauto.”“Isa, hindi ka tatahimik? Lalabas ako at sisiguraduhin kong hindi mo na ako mapipilit—” “Shh, tama na. Tahimik na!” lagay ni Bene ng isang daliri sa labi ni Gia upang di na siya makapagsalita, “We are leaving.” Inirapan ni Gia si Bene matapos na ayusin ang kanyang upo at humalukipkip. Hindi na siya muli pang nagsalita. Hindi naghalungkat si Gia ng nakaraan kahit pa kating-kati na ang dila niyang tanungin kung kumusta siya sa dumaang taon. “Narito na tayo.” An hour later, Bene sent Gia to Atticus and Gabe’s villa. “Hindi ka bababa?” tanong ni Gia nang manatili si Bene sa driver seat ng kanyang sasakyan. “I mean para magpakita.”“Hindi na. Nan
HINDI SIYA PINANSIN ni Gia na sa mga sandaling iyon ay higit na ang kanyang paghinga. Kumibot-kibot ang bibig ni Bene. May isang kalokohan na naman ang nangibabaw sa kanyang isipan. Wala na sana siyang planong banggitin pa iyon, subalit hindi niya napigilan ang bibig na siyang nagkusa nang magsalita. Huli na noong mapagtanto niya ang sinabi niya.“Do you think he is better than me? Hindi ba at lagi mong sinasabi sa akin noon na ako ang ideal man mo, Giavanna?”Gia’s little nose was red. Naaalala niyang sinabi niya nga ang bagay na iyon, iyon nga lang hindi niya ini-expect na ang manhid nito. Nahihiya naman ang dalaga noon na diretsahing tukuyin na sabihin na siya nga ang pinaparinggan niya. Gia restrained herself again and again. Hindi siya pwedeng umiyak. Her red lips were slightly raised. Pakiramdam niya ay bumalik sila ng lalaki noong kabataan niya. Nga lang ang version niya ngayon ay maayos na kumpara ng panahong iyon.“He is more dedicated than you. Masyadong malaki ang agwat ng
BENEDICT GLARED AT Cedric habang patuloy na hinihila ang katawan niya papalayo ni Gia. Ilang sandali pa ay nagawa na niyang sabayan ang malalaking hakbang ng babae papalabas ng airport. Nilingon niya ang mukha ni Gia na sa mga sandaling iyon ay sobrang seryoso na. Bene’s palms were habitually placed on her thin shoulders. Gia didn't resist, and in the end she almost leaned into Bene's arms. Sumilay ang kakaibang ngiti sa labi ni Bene habang taas-noo ng nagpatuloy sa paghakbang nila. Pakiramdam ay nakuha na ang atensyon nito.“Dahan-dahan lang ang lakad, Gia. Hindi ka niya hinahabol. Sige ka, baka matapilok ka pa at maipit ang ugat sa mga paa. Kapag nangyari iyon, wala akong choice kundi ang buhatin ka.”Unti-unting bumagal ang lakad ni Gia nang maging malinaw sa pandinig ang sinabi ni Bene. Kung kakargahin siya nito oras na matapilok malamang ay makakaagaw sila ng pansin. Ayaw naman niyang pag-usapan sila.“Good girl.” hawak ni Bene sa ulo ni Gia na para bang isang bata siyang paslit
NAPAKURAP ANG MGA mata ni Gia na tila nahimasmasan sa nalaman, pinilit niyang maging kalmado sa kabila ng nagwawala niyang kalamnan. Sinasabi na nga ba niya, hindi nito ginawang seryoso ang nararamdaman niya para sa lalaki. Balewala lang ang pagiging malapit nito sa kanya noon, baka dahil sa kapatid lang ang tingin sa kanya.“Hindi mo ako pinapansin kaya bakit ako ang mauunang pumansin sa’yo?”Pasimpleng tiningnan ni Gia ang daliri sa kamay ni Bene. Walang singsing. Available pa. O baka naman pansamantalang hinubad niya.“Saka, hindi ba at pinutol mo na ang communication natin noon? Para saan pa ba?” “I did not, Gia.”Ang sagot na iyon ng lalaki ang nagpagalaiti kay Gia. Pinapalabas nitong sinungaling siya?“Anong hindi? Mula ng umalis ka hindi ka na komontak. Saka, sabi mo hindi ka mawawala ng graduation ko sa college? Nasaan ka ha?”Malungkot na binigyan siya ng ngiti ni Benedict. Kumibot na ang kanyang bibig na para bang may nais na sabihin upang ipaliwanag ang kanyang sarili ngun
BINUKA PA NI Bene ang dalawang braso sa pag-asang gaya pa rin ng dati ang dalaga. Para sa kanya ay iyon lang ang paraan niyang naiisip upang muling mayakap ang babae kahit parang ang labong pagbibigyan siya nito. “Oo nga, dati ang lapit-lapit mo sa kanya. Kahit hindi ka utusan ay ikaw pa ang nagkukusa.”Isa pang irap ang ginawa ni Gia. Humigpit na ang hawak niya sa tangkay ng shoulder bag.“Mukhang pagod sa byahe ang kapatid mo, Gabriano. Huwag na natin siyang asarin pa.”Tumawa lang si Bene na hindi na rin maalis ang paninitig ng mga sandaling iyon kay Gia. Hindi niya inaasahan na isasama ni Brian ang kapatid, hindi niya tuloy napaghandaan ito. Kitang-kita niya sa mga mata ng babae ang matinding hinanakit na sa kanya ay naipon.“Anong pagod? Wala nga iyang ibang ginawa kundi ang kumain at matulog buong byahe namin. Umaarte lang talaga dahil nariyan ka.”“Kuya Brian! Susumbong kita kay Daddy!”Tumawa si Bene sa sigaw na iyon ni Gia, hindi nakalagpas sa paningin niya ang pagpadyak nit
NAIWAN SA MANSION si Nabe na piniling makasama ang kanyang mga pamangkin na doon din halos tumutuloy. Titang maganda ang acting niya lalo na kada hapon at maiipon ang mga bata na ang karamihan galing school.“What, Gia? Nakita mo siya?!” halos mapatayo si Nabe sa inuupuan sa sinabi ni Gia sa kanya. Kausap niya ang pinsan thru video call. Isang buwan matapos na pumanaw ng kanilang Lolo ay nagkaroon siya ng pagkakataong bumakasyon. Sa puntong iyon ay kakapasok pa lang ni Gia ng silid na ookupahin at saka palang nakakahinga nang maluwag dala ng naramdaman na tensyon sa pagkakita niya sa lalaking ilang taon niyang hinahangad na muling makita. Nangunot na ang noo ni Nabe, kulang ang impormasyon na sinabi ng pinsan.“Hmm, tama ka nga ng narinig, Nabe.” “So ano na? Anong dahilan kung bakit pinutol niya bigla ang communication niya sa’yo?” Iniiling ni Gia ang kanyang ulo. Hindi niya magawang itanong iyon kay Benedict dahil wala naman silang malinaw na usapan noon. Hindi rin malinaw ang kan
ILANG DIPA LANG ang layo ni Giovanni. Hindi niya pa magawang makalapit sa kanila dahil hinihintay niya pa ang doctor na ipinakilala ni Briel sa kanya, medyo na-late lang iyon ng dating dahil umano ay na-traffic ito patungo ng hospital na iyon.“Conrad, huwag mo na silang patulan. Hindi abot ng isip
HINDI NA NAGAWA pang makasagot ni Giovanni nang tumakbo na palapit sa kanila ang mga bata. Yumakap na sa isang hita ng dating Gobernador si Gia at lumambitin naman sa isang braso niya si Brian. Pilit na kinukuha nila ang atensyon niya.“Okay na ba kayo, Mommy? Daddy?” masigla ang boses na tanong ni
HINDI NA MAPIGILAN ni Giovanni na bahagyang maluha dahil naantig ang damdamin niya sa sinagot na iyon ni Ceska. Alam niya sa kanyang sarili na masaya rin siyang muli itong makita. Hindi niya man iyon sabihin at maiparamdam nang tahasan sa batang kaharap niya, alam niya iyon sa puso niya na maaaring
MALIGAYA ANG MGA batang umuwi na nasulit ang oras na kasama ang ama. Inihatid sila ni Giovanni sa kabila ng mariing pagtanggi ni Briel. Isinama na lang niya ang kanyang secretary tutal sa villa rin naman sa Batangas ang tungo nila. Hinayaan na lang din siya sa kagustuhan ni Briel dahil kahit makipa







