共有

Chapter 33.1

last update 最終更新日: 2024-06-28 23:21:51

ILANG SANDALI PA ang hinintay ni Bethany para kumalma ang kaibigan niyang sobrang gigil na gigil pa rin ang awra sa ex-boyfriend niya. Sa reaction nito ay parang siya ang niloko at ginawan ng masama. Laking pasalamat niya na may kaibigan siyang ganito. Muli silang naupo upang ipagpatuloy ang naudlot na pagkain. Galit din naman siya, sobrang nanggigigil nga siya pero pinapairal na lang niya ang pagiging professional at mabuting tao. Hindi siya pwedeng maging padalos-dalos ang galaw lalo pa at may mga naiipit sa sitwasyong ‘yun na kanyang kinakaharap. Kung siya lang at hindi damay ang kanyang ama, baka mas malala pa ang naging pagwawala niya at ganti kumpara sa kaibigan niyang si Rina. Kaso nga lang ay hindi. Hindi ganun kadali ang sitwasyong kinasasadlakan niya kung kaya hindi siya pwedeng magwala.

“Mula ngayon, sa sarili ko na lang itutuon ang atensyon ko. Kailangan kong makahanap ng ibang trabaho upang magpatuloy sa buhay. Walang ibang mangyayari sa akin kung magpapalamon ako sa gali
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター
コメント (10)
goodnovel comment avatar
Beberly Zaballero de Jesus
kakainip mag antay araw2 ......
goodnovel comment avatar
Adolfo Edna Jabine
gaga ka Bethany kong ayw muna tlaga sa knya bt nd mo e block, bwesit ka... uto uto
goodnovel comment avatar
Vima Galleras
bat mo pa sinagot kakagigil ka rin
すべてのコメントを表示

最新チャプター

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 11.2

    SA TINURANG IYON ni Atticus habang abala pa rin sa kanyang pagmamaneho ay hindi mapigilan ni Gabe na iikot ang kanyang mga mata. Nasa phase na nga ba silang dalawa na ganun? Hindi niya rin alam ang tamang sagot kay Atticus. “Libre lang namang mangarap, Atticus.” “Tama ka, Gabe. Pangarap ko na alam kong isang araw ay iyong tutuparin. Ikaw pa? Mahal mo pa rin naman ako.” Hindi na sumagot si Gabe. Lahat na lang ng sabihin niya may positibong sagot ang lalaki. Paano niya pa ‘to kamumuhian?“Hindi na ako sasama sa loob. Alam kong family matters ang pag-uusapan niyo.” sabi agad ni Atticus paghinto ng kotse. Sasabihin sana iyon ni Gabe, ngunit ngayong inunahan siya ni Atticus taliwas na doon ang kanyang nais. “Sumama ka na. Hindi ka rin naman aalis. Pwede ka namang sa kwarto mo na lang habang nagse-settle kami.” Sino ba naman si Atticus para tumanggi? Kapag may ganitong pagkakataon, hindi niya iyon dapat pinapalagpas. “Oo nga, ‘no? Sige.” hindi pinapahalatang atat siyang bumuntot na n

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 11.1

    HUMIGPIT PA ANG hawak ni Atticus sa manibela. Sa mga sandaling iyon ay nais na niyang tahiin ang bibig ni Gabe na wala na yatang magandang lumabas. Kanina pa siya naiinip at alam niyang kung hindi siya lalabas, hindi sila matatapos. Lumabas na siya ng sasakyan na naging dahilan upang mapaatras na naman si Gabe. Wala ng naging imik pa ang babae na pinangunahan ng kaba nang hilahin siya ni Atticus at kaladkarin papasok ng passenger seat. Tinanggal niya muna ang high heels nitong suot bago umikot patungo sa driver seat. Kung tutuusin ay may pagkakataon si Gabe na lumabas ng kotse. Expert siya doon, ngunit natagpuan na lang niya ang sarili na kinakabit na ang seatbelt habang nakatitig sa lalaki. ‘Damn it, Gabe. Do something! Payag ka noon? Hinihila-hila ka na lang niya? Sino ba ang alipin sa inyong dalawa?’ Marahil ay dahil ubos na ubos ang baterya ng energy niya para sa araw na iyon nang dahil sa daming nangyari kung kaya naman mas pinili na niya ang manahimik. Nagpangiti naman kay Att

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 10.4

    UMINIT PA ANG magkabilang pisngi ni Gabe kahit nakalabas na ang secretary niya dahil sa huling sinabi nito. Malamang ay alam na nitong may nangyari sa kanila ni Atticus. Sa salita pa lang na naubos ang kanyang lakas, hula na nito agad. “Walanghiya ka talagang Atticus ka!” Maya-maya pa ay sinulyapan niya ang take out na pagkain na nilapag nito sa kanyang table. Napalunok na siya ng laway. Hindi pa man niya nakikita kung anong pagkain iyon pero natatakam na siya agad. Bigla siyang nakaramdam ng gutom. Sabi niya wala siyang gana, pero nang makita ang labas pa lang ng papel na lalagyan nito parang bumalik ang takaw niya sa pagkain. Dinampot na niya ang pagkain. Tinungo ang sofa at biglang natigilan nang mapatitig ng ilang segundo sa upuan. Naglaro sa isipan niya ang nangyari sa kanila dito na mainit na tagpo kani-kanina lang. Sa mga sandaling iyon ay parang sinusunog na ang kanyang mukha sa labis na hiya. Pabagsak na siyang naupo. Inilagay sa kandungan ang pagkain at binuksan. Nanuot na

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 10.3

    NAKAPIKIT ANG MGA matang namaybay sa panga ni Gabe malambot at mas uminit na labi ni Atticus na humantong sa leeg ng babae. Napatingala na doon si Gabe na kulang na lang ay tumirik ang kanyang mga mata gayong halik pa lang ang gingawa nito sa kanya. Hindi pa man sila hubad, parang nasusunog na sila at lumilipad na dalawa sa matayog na alapaap.“Just tell me whether you like it or not, Gabe.”Syempre, gustong-gusto ni Gabe ang bagay na iyon. Parang may sariling buhay na hinawakan niya ang mukha ni Atticus. “Doon tayo sa sofa…” mahinang bulong ng abogada na lunoy na lunoy na naman sa bagay na kanilang pinagsasaluhan.Sunud-sunuran na binuhat ni Atticus ang yakap na katawan ni Gabe habang hindi pa rin pinuputol ang kanilang halik at dinala na siya sa sofa. Sinigurado niyang naka-locked ang pintuan ng opisina upang maiwasan na biglang may pumasok dito. Pagbalik ng sofa ay sinubukan niya ang abot ng kanyang makakaya upang paligayahin lang si Gabe. Pinantayan naman iyon ni Gabe na tuluyang

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 10.2

    GALIT NA TININGNAN ng masama ni Mr. Rebato ang mukha ni Gabe. Ilang beses itong nagmura na hindi pinansin ni Gabe. Gaano man katigas ng loob ni Mr. Rebato, wala siyang choice kung hindi ang ibigay sa kanyang abogado ang nais nito. Sa bandang huli ay binigyan siya nito ng cheke. Hindi na pinadaan pa sa finance department iyon ng lalaki. Bakas pa rin ang galit na umalis si Mr. Rebato sa kanyang opisina. Nakangising dinampot naman iyon ni Gabe na proud sa kanyang sarili. Hindi naman makapaniwala si Atticus na naging saksi sa buong pangyayari. Sa kung paano pa i-settle ni Gabe ang client. “Ano pong kailangan niyo, Attorney Dankworth?” sagot ng kanyang secretary na binuksan ang pintuan ng opisina.Hindi pa rin pinansin ni Gabe si Atticus na hindi niya nakakalimutang naroon ito at kitang-kita ang kanyang ginawa.“Contact the former Mrs. Rebato at ibigay mo sa kanya ang chekeng ito na nakuha ko mula sa kanyang dating asawa.” Hindi maintindihan ng secretary kung tama ba ang kanyang narinig

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 10.1

    NAGLAHO ANG MGA ngiti ni Atticus sa sinabing iyon ni Gabe. Mukhang hindi na naman magiging ayos ang usap nila.“Uulitin ko, bakit ikaw ang kailangang pumunta dito? Nag-aalala ka saan? Na hindi ko tanggapin ang inaalok mo?” ngumisi pa si Gabe na na nakatitig na sa magiging reaksyon ni Atticus, “Sabi ko naman bibigyan kita ng team, hindi ba?” Sinalubong ni Atticus ang mga tingin iyon ni Gabe. Hindi siya dito nagpatinag.“Bakit ayaw mong tanggapin ang offer ko? Dahil sa akin? Takot kang maka-trabaho mo ako? Bigyan mo ako ng rason.” Malutong pero walang humor na tumawa si Gabe.“I won’t confuse official and personal matters Mr. Carreon. Simple lang naman ang dahilan ko, busy ako.” Humakbang na palapit si Atticus sa mesa ni Gabe, hindi inaalis ang tinging inilagay niya ang dalawang palad sa magkabilang gilid ng mesa ng babae. Napakurap na si Gabe ngunit hindi niya binawi ang mga mata sa dating kasintahan. “You don't even want to put your name on it?”“That's another price Mr. Carreon.

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status