Share

Chapter 37.2

last update Last Updated: 2025-03-19 22:38:05

HINDI NA HININTAY pa ni Mr. Dankworth na makausap ng asawa ang panganay nilang anak at nauna na itong bumaba upang harapin ang hindi nila inaasahang bisita. Pagdating niya sa ibaba ay nasa sala na ang Governor na may malaking ngiti. Napakunot saglit ang noo ni Mr. Dankworth ngunit agad niya rin naman iyong pinalis. Naisip na nakakahiya kung papakitaan nila ng masama ang tiyuhin ng kanilang manugang.

“Governor Bianchi, gabing-gabi na ang iyong pagbisita. Bakit hindi mo ipinaalam sa akin na bababa ka pala? Nakapaghanda man lang sana kami ng aking pamilya para sa iyong pagpunta dito.” si Mr. Dankworth na hindi napapalis ang ngiti pero kuryuso sa dahilan ng pagpunta ng Gobernador sa kanilang mansion.

“Pasensya na, Mr. Dankworth. Ngayon ko lang naisip na sumaglit dito dahil ngayon lang din naman ako may panahon.” palusot pa ni Giovanni na hindi alam kung paano sisimulan ang kanyang tanong patungkol sa anak nitong bunso nang hindi nito napapansin na siya ang pakay niya at hindi talaga ang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (18)
goodnovel comment avatar
Ruth Ane
more update plsss Miss A
goodnovel comment avatar
Flordeliza Hortelano Batad
next update po
goodnovel comment avatar
Myles Berces Canillo
kaya pla,ganon nlang ang tampo,inis at galit Nia Ky gov nong nag hiwalay sila kc si gov tingin ni briel di talaga sya mAhal. na aawa tuloy ako sau briel
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 104.2

    LUMINGON NA SI Brian sa may pintuan ng mansion kung saan ay kanina pa niya nararamdaman ang pagsilip-silip ng dalawa niyang nakakabatang kapatid at pinapakinggan ang usapan nila. “Gia, tawagin mo nga si Daddy sa loob. Sabihin mo umiiyak si Mommy!”“Anong sasabihin kong dahilan Kuya? Pinaiyak mo?”Natawa na nang bahagya doon si Briel. “Bahala ka kung ano ang gusto mong sabihin!”Kasabay ng pagpasok ni Gia sa loob upang hanapin ang ama, tumakbo naman palapit sa kanila si Vaniel. Yumakap na agad ito sa tagiliran ng kanilang ina.“Ang aga mo namang paiyakin si Mommy, Kuya. Lagot ka talaga kay Daddy.” Hinagod lang ni Brian ang ulo ng kapatid, natatawa na sa pagiging makulit nito sa kanya.“Ano bang sinabi mo sa kanya, Kuya? Bakit kailangang umiyak ni Mommy?”“Huwag mo ng alamin, baka kasi kapag sinabi ko sa’yo ‘yun, baka ikaw naman ang maiyak.”Samantala, natigilan si Gia sa may pintuan ng opisina ng kanyang ama. It seemed that her father was also wiping his tears quietly. Hindi nakalig

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 104.1

    MATAPOS NA HUMINGA nang malalim ay pinagsalikop na ni Giovanni ang dalawang palad. Biglang nabahala sa biglaang desisyon ng anak. Oo at nasa US na si Gabe dahil matanda ito ng ilang taon kay Brian, nag-aaral ito doon ng Law pero iba ang kaso ng magpinsan kung tutuusin. Kung kaya ni Gavin at Bethany na hayaang lumipad ang kanilang anak kung hanggang saan nila gusto, iba sila ni Briel na hangga’t maaari ay sasakupin pa rin ng kanilang bagwis ang mga anak.“Anak, malayo ang US. Saka walang mag-aalaga doon sa’yo. Paano kung magkasakit ka? Hmm?” “Nakaya ni Gabe, Daddy, syempre kaya ko rin iyon. Isa pa, susunod na rin naman doon si Bryson.” Binuhat ni Giovanni ang tasa ng kanyang kape na wala ng laman, nang marinig ang rason ng anak. Hindi siya handa sa hiling nito, paano pa kaya si Briel kapag nalaman niya iyon? Uulitin niya, hindi sila kagaya ni Gavin at Bethany sa pagpapalaki ng mga anak. Hangga’t maaari ay ayaw nilang mawalay ang mga ito sa kanila. Ibang-iba kasi kapag nasa ibang bans

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 103.4

    MABILIS NA NALAGAS ang bawat araw ng Linggo, ang bawat Linggo ng buwan at ang bawat buwan ng mga taon. Parang natuyong dahon ng puno na hindi namamalayan na unti-unting naninilaw sa paulit-ulit na halik ng matingkad na sinag ng araw at buhos ng malakas na ulan. Hindi namalayan ng mag-asawa ang mabilis na paglaki ng mga anak nila lalo na ni Brian na malapit ng makatapos ng Senior High. Napagtanto lang iyon ni Briel nang magbakasyon, huling bakasyon ni Brian bilang mag-aaral ng middle school dahil sa susunod na pasukan ay college na.“Big boy na big boy na talaga ang panganay ko,” malambing niyang yakap sa anak na sa edad na 16 ay nasa 5’11 na ang height. Mana ito sa kanyang kapatid na si Gavin. Matangkad rin naman si Giovanni kaya magtataka pa ba si Briel? “Anak, hinay-hinay naman sa paglaki at pagtangkad, aba…baka mamaya niyan mamamalayan na lang namin ng Daddy mo may apo na kami sa’yo…”Pigil ang ngising nilingon siya ni Brian. Ayon na naman kasi ang drama ng kanyang ina. Hindi ito n

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 103.3

    HINDI NA NATAPOS pa iyon ni Briel dahil binuhat na siya agad ni Giovanni na nagawa ng tumayo sa ibabaw ng kanilang kama. Mahigpit namang yumakap sa kanya si Briel habang umiirit sa kilig. Makahulugang nagkatinginan sina Brian at Gia na tumakbo na palapit sa banda ng mga magulang. Umakyat ng kama, nakitalon na rin kahit hindi nila alam kung ano ang sini-celebrate.“Magkakaroon na kayo ng kapatid, Brian, Gia!” pagbabalita ni Giovanni na maluha-luha habang buhat pa rin ang katawan ng asawa, hindi alintana kung gaano ito kalaki dahil medyo tumaba na. Patakbong yumakap na ang dalawang bata kay Briel matapos i-proseso ang kanilang nalaman. Nakipag-agawan sila ng yakap dito kay Giovanni na sa bandang huli ay nagparaya na ang lalaki.“Oh no, totoo Mommy?!” si Gia na gaya ng ama na hindi rin makapaniwala sa nangyayari. Tumango si Briel. Bakas na bakas sa namumulang mukha ang nawalang excited kanina.“Yes!” “Yehey! I want a baby brother Mommy, baby brother, please?!” Pagak na natawa si Bria

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 103.2

    TILA NAGDILANG-ANGHEL sina Giavanna at Gabriano nang humiling na magkaroon sila ng bagong kapatid. Isang Linggo bago matapos ang bakasyon at bumaba si Brian para sa panibagong simula ng pasukan, naabutan nila si Briel sa kusina na may estrangherong prutas na mabaho na kinakain. Napatakip na ng ilong si Giovanni na halos maduwal na sa amoy noon. Samantalang si Briel naman ay ligayang-ligaya pa sa kanyang kinakain. Kumakanta-kanta pa ito habang kumikinang ang mga mata. Hindi alintana ang malakas na amoy ng prutas sa harapan. Hindi lang silang mag-aama ang may reklamo doon. Ang mga maid ay bahong-baho sa amoy na sumasakop sa buong kusina nila ngunit syempre, wala silang boses upang magreklamo sa amo.“Ano iyan, Briel?” tanong ni Giovanni na halata ang pagpipigil sa kanyang paghinga. Hindi niya namalayan na ng araw na iyon ay maagang nagtungo ng market si Briel upang bumili lang noon. Paggising niya kasi ay bigla na lang siyang nag-crave. Hindi na niya binulabog pa ang asawa at siya na a

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 103.1

    DALAWANG TAONG ANG matuling lumipas. Napilitan si Briel na mag-resign sa kanyang trabaho kahit pa ayaw siyang payagan ng kanyang amo at inoffer’ran na e-pro-promote sa mas mataas na posisyon sa kumpanya. Magalang niya pa rin iyong tinanggihan at sinabi ang tunay niyang dahilan kung kaya kailangan niya ng tumigil sa pagtra-trabaho. Aakyat na sila ng Baguio at doon na titira for good. Napag-usapan na nila ng asawa. Naintindihan naman iyon ng kanyang amo at hiniling na sana ay maging maligaya na siya. “Of course, kaligayahan ko ang pamilya ko kung kaya naman alam kong magiging masaya ako doon.”“That's great, Mrs. Bianchi...”Nagkataon na bakasyon ang moving month nila paakyat ng Baguio kung kaya naman kasama nila si Brian. Nang matapos ang unang buwan ng bakasyon ay sinimulan ng makiusap ni Brian sa ama na mananatili siya ng Maynila na mag-aaral dahil gusto niyang dito makatapos ng middle school. Walang pag-aatubili na mariing tinutulan iyon ni Giovanni. Ni hindi niya sinabing pag-iisi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status