EXCITED PA RIN na hinarap na ni Briel ang bagong pamangkin sa kanyang mukha. Kuminang pa ang kanyang mga mata nang makita ang kainosentehan ng batang kanyang karga. Bahagyang napaawang na ang bibig niya. Nakikita niya ang imahe ni Brian dito noong unang beses niya itong kinarga pagkatapos na manganak. Hindi niya mapigilan na ma-miss ang mga sandaling iyon. Kinagat na niya ang labi upang huwag maging emosyonal. Dinaan na lang ito sa ngiti. “Hi, Bryson? Ang pogi mo naman. Kilala mo ba kung sino ako? It’s me ang magandang Tita Briel niyo ng iyong Ate Gabe. Ang gwapo naman talaga niyan. Kamukha mo si Brian noong baby pa siya. Achuchuchu. Ang cute naman niyan. Kapag nakita kaya ako ni Brian ngayon na karga ka, magselos kaya siya?” tanong pa ni Briel na aliw na aliw na sa pamangkin. “Magseselos iyon, pati si Gabe.” sagot ni Bethany na nakatingin na rin sa reaction ng mukha ni Briel sa anak niya.“Hanggang ilan ang plano niyong anak, Bethany?” baling na ni Briel sa hipag na napakurap-kurap
MAHINANG NATAWA NA doon si Briel. Iyon ang kanyang initial na reaction. Hindi na niya binigyan pa ng ibang kahulugan ang ginagawa at pinagsasabi ng kanyang ina. Kung tutuusin ay na-miss na niyang asikasuhin ng ina kung kaya ay feel na feel niya ang bagay na ginagawa nito. Pakiramdam niya ay para pa rin siyang bata sa paningin ng ina.“Mamayat? I’m not on diet, Mommy. Wala na rin naman akong pakialam sa shape ko o kahit pa ang tumaba ako.” ngisi pa ni Briel na nilantakan na ang pagkaing ibinigay ng kanyang ina, “Well, na-miss ko ang ganitong trato mo sa akin.”“Basta, makinig ka na lang sa akin Gabriella…” anito pang malalim na ang tingin sabay hugot ng hingang malalim na patuloy pa rin sa paglalagay ng pagkain sa kanyang pinggan at hindi pinansin ang huling sinabi niya sa kanya.Ilang oras ang ginugol nila sa pagkain na kahit tapos na ay hindi pa rin doon umalis dahil nag-uusap-usap pa sila tungkol sa mga bagay-bagay na tungkol sa kanilang buhay. Nang magsawa na doon ay lumabas na rin
WALANG PASABING PINATAY na ni Briel ang tawag ng kaibigan. Hindi niya maintindihan kung bakit parang may lumamukos na malaking palad sa kanyang puso ng mga sandaling iyon hindi niya pa man nalalaman. Hindi kaya wala lang ang kanyang pangalan sa announcement nito at gusto siyang e-surprise? Basta sinabi lang ni Giovanni na ikakasal siya? Naipilig na ni Briel ang kanyang ulo. Imposible iyon. Lahat ng magiging plano nito ay sinasabi sa kanya. Hindi magiging ganun ka-petty ng Gobernador. Kung magsasabi man sila ng kasal, ipapaalam nito iyon sa kanya. Saka, bakit sinasabi ng kanyang kaibigan na huwag siyang iiyak? Hindi kaya may ibang babae na tinutukoy ito sa kasal? Kailangan niyang malaman iyon. Aalamin niya ito. “H-Huwag kang magkakamali, Giovanni…” mahinang hiling niya na dumudungaw na ang mga luha, humahapdi na ang sulok ng kanyang mga mata. “Hindi mo pwedeng gawin sa amin ito ng anak mo...”Sapo ang noong nanghihina ang katawan niyang napaupo na sa gilid ng kama. Hawak niya pa rin a
SAPILITANG KINALMA ANG sarili ni Briel dahil kung magiging demanding siya at sisigawan niya si Giovanni ay wala sa kanilang mangyayari. Ayaw niyang marinig ng Gobernador ang kanyang mga iyak dahil baka lalo pa itong panghinaan ng loob dahil ganun siya. Kailangan niyang ayusin ang pakikipag-usap. Kailangan niya na kumbinsihin ito. Kailangan niyang mapapayag si Giovanni na umakyat sila ng Baguio. Saka pa lang siya doon mapapanatag. Saka pa lang kakalma ang daluyong na nasa loob ng dibdib niya ng sandaling iyon. “Tamang-tama, hindi ko pa natatanggal iyong mga gamit namin sa maleta ni Brian. Hmm? Aakyat kami—” “Hindi na. Diyan na lang kayong mag-ina. Aayusin ko ng mabilis ang isyu at bababa ako diyan para makipag-usap ng maayos sa pamilya mo, Briel. Isyu ko 'to, kaya ako ang aayos. Mas magiging panatag ako kung nandiyan lang kayo at kasama ang pamilya mo. Hindi niyo kailangang magtungong dalawa dito. Ayos lang naman ako. Kilala mo ako. Kaya kong ayusin ito, bigyan mo lang ako ng ilang p
MARAHAN NG HINAGOD ni Bethany ang likod ni Gavin na halatang nagtitimpi lang na makialam sa sitwasyon ng kanyang tiyuhin at kapatid nito. Kung tutuusin ay kaya naman ng abogadong tumulong, kung lalapit si Giovanni sa kanya dahil batid niyang ito lang ang makakapagbigay ng kasiyahan kay Briel. Ngunit sa tingin niya ay hindi ito makikipag-usap sa kanya dahil paniguradong mahihiya ang Gobernador na humingi ng favor dahil pinaiyak niya na naman ang kanyang kapatid. Ganunpaman pa man ay nakahanda pa rin naman siyang tumulong sa kanila kung hihingiin nila pero hindi siya ang kusang mag-o-offer nito.“Kaya nila iyan Gavin, tayo nga nakaya natin ang lahat ng pagsubok noon sa atin sila pa kaya? Nasa tamang daan sila patungo sa magandang katapusan. Ang kailangan lang nilang gawin ay maging matatag gaya natin, di ba? Iyon lang ang kailangan nilang panghawakan at gawin.” patuloy na alo ni Bethany sa asawa. “Thanie, iba naman tayo sa kanila—” “Tama ka, iba nga tayo at iyong mga pagsubok nila ay
NAMEYWANG PA ANG Donya na nakalarawan na sa kanyang mukha ang labis na pagkadismaya sa anak. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang parang nawalan ito ng pakialam, lakas at kapangyarihan. Kung noon mabilis pa sa alas-kwatro ang pag-deny niya sa mga lumalabas na mga rumor patungkol sa kanya, ngunit ngayon para bang kinakailangan niyang pag-isipan iyong mabuti kung ano ang magiging hakbang.“Huwag mong hayaang mas paniwalaan nila na totoo ang online articles. Maglabas ka ng statement mo. Ano bang ginagawa mo? Bakit ka nakatunganga lang dito? Kailangang kontrahin mo iyong sinabi ni Margie, unless plano mong pakasalan nga talaga siya?” puno ng tabang na turan ng kanyang ina dito. “Mama hindi, humahanap lang naman akong pagkakataon—”“Anong humahanap ng pagkakataon? Kung hindi ka kikilos ngayon, hindi ka talaga makakahanap ng pagkakataong sinasabi mo! Mag-release ka ng statement. Sabihin mong hindi totoo ang kumakalat na balita. Anong mahirap doon? Hindi mo ba iniisip ang bunso ng mga
NANG ILANG ARAW pa ang lumipas at nanatiling tahimik pa rin si Giovanni sa isyu at hindi naglabas ng statement ay hindi na iyon tuluyang nagustuhan ni Briel. Asar na asar na siya sa Gobernador. Sa halip na kulitin pa niya itong muli na gawin ang gusto niya ay naisip niya na lang na kagaya pa rin ito ng dati na walang pakialam sa kanilang mag-ina ni Brian. Ni hindi nga nito kayang suplahin ang mga pinagsasabi ni Margie upang linisin din ang kanyang pangalan. Bagay na mas lalong nagpainit pa lalo ng ulo ni Briel. Habang hindi niya ito sinisita at pinag-uukulan ng pansin, lalo nitong pinipiling manahimik lang doon.“Briel, sigurado ka na ba diyan sa plano mo? Huwag kang pabigla-bigla. Mahirap magpadalus-dalos. Ilang beses mo na ba iyang napag-isipan? Ngayon lang?” “Kuya Gav, ilang araw na ang ibinigay ko sa kanya pero ni wala man lang siyang ginagawa. Paralisado ba siya? Naputulan ng dila? Wala man lang siyang statement na inilabas. Pinili niyang manahimik. Bakit siya nananahimik kung h
PWEDE NAMAN TALAGA na iwan niya na muna ang anak, kaya lang ang inaalala niya ay paano kung pagbalik niya ng bansa ay wala na sa puder ito ng mga magulang at kinuha na pala ni Giovanni? Knowing her parents, masyado silang mabait at kasundo sila. Baka mamaya pa, mahirapan siyang kunin ang bata. Saka isa pa, kaya naman sila aalis ng bansa ay para bigyan ito ng lection. Isasama niya ang anak kahit sa dulong bahagi pa ng mundo ang kanyang punta. Kahit makiusap ang kanyang ina, dadalhin niya ito. Walang sinuman ang makkaputol ng desisyon niya.“Okay, hindi ka namin pipigilan, Briel. Kailan niyong mag-ina planong umalis ng bansa? Natawagan mo na rin ba si Drino? Baka magulat iyon sa pagdating niyo.”“Sa lalong madaling panahon, Daddy. Kung pwede sana this week na or next week. Saka yeah, natawagan ko na rin si Tito Drino…hindi rin naman kami ni Brian magtatagal sa kanila, maghahanap ako ng kahit small flat para tirahan naming mag-ina. Magsasama na lang din ako ng isang maid doon.” Tumango
SI GAVIN NAMAN ang malakas na humagalpak sa naging reaksyon ng kanyang kapatid sa kanyang balik na pagbibiro. Naghahamon ang mga matang hinarap na siya ni Briel an hindi naman inatrasan ni Gavin. Pinagtaasan pa siya ng kilay. Pinanood lang naman sila nina Mrs. Dankworth at Bethany na naiiling na lang sa behavior ng magkapatid pagdating sa kanilang mga anak. Bagay na hindi naman nila magagawang masabi dahil iba-iba ang guhit ng mga kapalaran ng tao.“Tama na ang inyong iyan, sa tigas ng mga ulo niyo noong mga na-inlove kayo pakiramdam ko igaganti kami sa inyo ng mga apo namin.” si Mr. Dankworth na kakapasok lang ng pintuan na galing sa pakikipaglaro sa kanyang mga amigo, isa-isa na niyang niyakap ang dalawang apo na nagkakarera ng tumakbo palapit upang sumalubong sa kanilang Lolo. “Igaganti kami ni Gabe, Brian, Bryson at iba pa naming magiging apo. Mas malala sa stress na inabot namin sa inyo.”Malakas na tumawa si Mrs. Dankworth ng parehong matameme ang magkapatid at magkatinginan ng
SINULIT NG MAG-ANAK ang panibagong Linggong iyon na nag-extend pa nang na-extend sa kagustuhan ni Briel, hanggang sa magkaroon ng result ang pagpapa-transfer ni Briel sa kanyang trabaho sa bansa at hanggang sumapit ang huling araw ng pananatili nilang mag-ina sa mansion. “Pwede namang dito na lang mag-aral si Brian.” suggestion ni Donya Livia na nasanay na rin sa presensya ng mag-ina sa kanilang mansion, naging bahagi na ito ng araw-araw nilang buhay na kasama sa lugar.Iyon ang ikinatwiran ni Briel nang magsimula na ang summer at kinailangan na talaga nilang bumaba ni Brian kahit pa halatang ayaw pa ng katawan nila. E-enroll nila ng summer class si Brian upang maging handa ito sa magiging tunay na pag-aaral sa pasukan. Nais nila na maging kagaya ito ni Gabe na nang magsimula ay marunong ng magsulat. At nang tanungin ito ni Briel, sabi ng anak sa school siya ni Gabe.“Hindi po pwede, Mama.” Mama na ang tawag niya kay Donya Livia sa kahilingan na rin ng matanda tutal umano ay iisang
MALIGAYA ANG BUONG pamilya ng mga Dankworth at Bianchi sa pagpapalit ng taong iyon dahil sama-sama sila. Naging instant double celebration din para sa kanila ang okasyong iyon nang dahil sa kaganapan ng proposal lalo na nang umabot pa sa kaalaman iyon ng ibang mga kamag-anak ng mga Bianchi ang tungkol sa kanilang magiging kasal na maaaring mangyari sa taong din iyon. Ilang araw pang nag-stay sa Baguio at nagdesisyon na bumaba na rin ang mag-asawang Dankworth at ang pamilya nina Gavin. Kung nauna sina Briel at Brian na umakyat ng Baguio sa kanila, sila naman ang nahuling bumaba. Nanatili sila sa mansion ng mga Bianchi na una pa lang ay planado na ni Briel na mangyayari, ni halos ay ayaw na niyang humiwalay sa dating Gobernador na wala namang problema sa kanilang pamilya dahil matanda na sila. Bumalik si Giovanni sa trabaho, ganunpaman ay masaya siyang araw-araw na hinihintay ng mag-ina niya ang kanyang pag-uwi kung kaya naman ay palagi siyang ganado. Palaging pauwi rin ang kanyang gust
KULANG NA LANG ay mapapalakpak at magpa-banquet party sa galak ang ina ni Giovanni na hindi na mapigilan ang bibig na magbigay ng komento sa kanyang nalaman. Matagal na panahon na niyang hangad na magkaroon ng pamilya ang bunso niyang anak. At sa wakas, sa araw na iyon ay dumating na ang kasagutan sa matagal na niyang paulit-ulit na ipinagdarasal na mangyari. Ang buong akala niya talaga ay hindi na maiisipan nitong bumuo ng kanyang sariling pamilya. Iba talaga kapag nagmahal ang isang tao.“Kailan ang kasal? Ako na ang magpre-presentang mag-asikaso ng lahat!” taas pa nito ng kanyang kamay na salitan na ang tingin kay Giovanni at Briel na makahulugan nang nagkatinginan sa tinuran ng Donya. “Mama, hindi pa namin napag-uusapan ang bagay na iyon. Hayaan niyo munang namnamin namin ang phase ng pagiging engaged. Saka na lang po namin iyon pag-uusapan. Hindi na rin namin ito patatagalin.” “Naku, doon din naman papunta bakit patatagalin pa? Di ba mga balae?” sagot ni Donya Livia na tiningna
PUNO NG PAGHANGA at hindi pa rin makapaniwala si Briel habang sinisipat ang suot niyang singsing sa daliri habang nakaupo na sila ni Giovanni sa table at dinudulutan na sila ng pagkain. Nasa kandungan niya ang bouquet ng bulaklak. Kagaya ng diamond sa kanyang daliri ay kumikinang sa labis na saya ang kanyang mga mata habang nakatunghay pa rin doon. Expected niya iyon ngunit hindi ganun kaganda ang singsing. Ang buong akala niya pa nga ay plain gold lang. Sa ginawa ng dating Gobernador na proposal, batid ni Briel sa kanyang puso na mas lalo niyang minahal ang lalaki. “Thank you!” patulis ng nguso ni Briel na itinaas pa ang kanyang daliri na muli na namang sinipat-sipat. “Saan?” kinikilig namang tanong ni Giovanni na hindi na rin maalis ang mga mata sa mukha ni Briel. “Dito. Alam kong grabe ang effort na ginawa mo para lang magawa mo ito.” Inilinga pa ni Briel ang kanyang mga mata sa paligid upang sabihin na gusto niya ang ambience doon. May nagva-violin pa sa gilid nila upang i-se
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka