MasukBINUKA PA NI Bene ang dalawang braso sa pag-asang gaya pa rin ng dati ang dalaga. Para sa kanya ay iyon lang ang paraan niyang naiisip upang muling mayakap ang babae kahit parang ang labong pagbibigyan siya nito. “Oo nga, dati ang lapit-lapit mo sa kanya. Kahit hindi ka utusan ay ikaw pa ang nagkukusa.”Isa pang irap ang ginawa ni Gia. Humigpit na ang hawak niya sa tangkay ng shoulder bag.“Mukhang pagod sa byahe ang kapatid mo, Gabriano. Huwag na natin siyang asarin pa.”Tumawa lang si Bene na hindi na rin maalis ang paninitig ng mga sandaling iyon kay Gia. Hindi niya inaasahan na isasama ni Brian ang kapatid, hindi niya tuloy napaghandaan ito. Kitang-kita niya sa mga mata ng babae ang matinding hinanakit na sa kanya ay naipon.“Anong pagod? Wala nga iyang ibang ginawa kundi ang kumain at matulog buong byahe namin. Umaarte lang talaga dahil nariyan ka.”“Kuya Brian! Susumbong kita kay Daddy!”Tumawa si Bene sa sigaw na iyon ni Gia, hindi nakalagpas sa paningin niya ang pagpadyak nit
NAIWAN SA MANSION si Nabe na piniling makasama ang kanyang mga pamangkin na doon din halos tumutuloy. Titang maganda ang acting niya lalo na kada hapon at maiipon ang mga bata na ang karamihan galing school.“What, Gia? Nakita mo siya?!” halos mapatayo si Nabe sa inuupuan sa sinabi ni Gia sa kanya. Kausap niya ang pinsan thru video call. Isang buwan matapos na pumanaw ng kanilang Lolo ay nagkaroon siya ng pagkakataong bumakasyon. Sa puntong iyon ay kakapasok pa lang ni Gia ng silid na ookupahin at saka palang nakakahinga nang maluwag dala ng naramdaman na tensyon sa pagkakita niya sa lalaking ilang taon niyang hinahangad na muling makita. Nangunot na ang noo ni Nabe, kulang ang impormasyon na sinabi ng pinsan.“Hmm, tama ka nga ng narinig, Nabe.” “So ano na? Anong dahilan kung bakit pinutol niya bigla ang communication niya sa’yo?” Iniiling ni Gia ang kanyang ulo. Hindi niya magawang itanong iyon kay Benedict dahil wala naman silang malinaw na usapan noon. Hindi rin malinaw ang kan
SUMANDAL ANG ULO ni Gia sa isang balikat ng kanyang ina. Hindi pa rin nagsalita ang dalaga. Matamang hinaplos ni Briel ang buhok ng anak at pinagmasdan ito na puno ng pagmamahal. Sa ginawang iyon ng ina au hindi niya mapigilan ang paghapdi ng bawat sulok ng mga mata at magbadya ng mga luha. Marahil ay masyado pa siyang bata upang hindi masupil ang pagbaha ng halo-halo niyang emosyon. Humikbi siya nang tahimik. Ilang sandali ay pinili niya rin ang magsalita.“Ang daya naman ni Lolo, Mom. Hindi muna niya hinintay na mag-asawa ako bago sumama kay Lola. Sabi niya, gusto pa niya ako makitang magsuot ng traje de boda. Paano niya pa ako makikita kung namamahinga na?”Pinalis ni Gia ang ilang butil ng kanyang mga luhang bumagsak. Ayaw ipakita sa ina ang pagiging mahina niya, ngunit sa puntong iyon pakiramdam niya ay para siyang batang paslit. Mahina. Iyakin. Walang choice kundi lumuha.“Ngayong sumama na siya kay Lola, paano niya pa aalagaan ang magiging apo niya sa akin? Dapat hinintay niya
INILAGAK ANG KATAWAN ng matandang Gregorio Dankworth sa kanilang mansion sa huling pagkakataon ng kanyang pananatili sa mundo. Naging bukas iyon sa mga nais pumunta na naging bahagi ng buhay ng matanda noong panahon nito. Many people came to express their condolences. From celebrities in the city to employees of the Dankworth Group, there were over a thousand people in total. Gavin and his wife were extremely sad. Gabe, Gabriano and Bryson basically took care of everything. They lost a lot of weight in the past few days. Sila ang nag-asiakso ng halos lahat ng mga kailangan. The night before going to the cemetery, the younger generations of the Dankworth family fully awake. Walang nagtangkang matulog sa kanila nang matagal. May umidlip man, iyon ay dahil kinakailangan. Nanatili silang gising sa huling gabi ng lamay ng kanilang minamahal na abuelo. Ipinagpasalamat iyon ng kanilang mga magulang na pagod na.“Kung makakaya niyong umidlip kahit isa o dalawang oras lang, gawin niyo. Alagaan
WALANG PAKUNDANGAN PANG umagos ang mga luha ni Gavin habang walang kurap na nakatitig ang mata sa kanyang ama. Gusto niya itong kabigin sa dibdib at yakapin na nang mahigpit na mahigpit. Natatakot siya na baka ito na ang huli. “Gusto kong makita si Briel, Gavin. Dalhin mo sa akin ang kapatid mo.” nahihirapan na humingang turan ng ama niya, “Dalhin mo sa akin ang kapatid mo. May gusto akong sabihin sa kanya bago ako tuluyang sumama kay Rosita.”Gorio kept repeating this sentence. He still longed to see his beloved daughter before he left. Gabriella was not smart, but fortunately, she had been living happily with her husband. That boy Giovanni finally did not let her down. Gorio closed his eyes slightly. Gavin lowered his head, with tears filling the corners of his eyes. Although he wanted to say a few more words, he also knew that Gorio’s time was running out. He reluctantly called his children in and said goodbye to Gorio.“Don't cry! Don't even cry. Huwag niyong ipakita sa Lolo ang
MARAHANG ISINANDAL NI Bryson ang kanyang likod sa pader habang tahimik nagmamasid sa tanawing iyon sa harap niya. Maki-Lolo rin siya kung kaya naman hindi niya maalis ang malungkot sa isip na anumang oras ay maaari ng mamahinga ang matanda at tuluyan silang iwan. Kung tutuusin ay halos lahat naman ng mga apo ay mahal ang kanilang abuelo. Mariin niyang naikuyom ang kamao upang pigilan ang namumuong malungkot na emosyon sa kanyang puso. Tahimik na kinuha ni Piper ang kamao niya upang hawakan at marahang haplusin ng asawa. Naiintindihan niya si Bryson, halos lahat ng naroon ay apektado sa hindi inaasahang delubyo na iyon sa kanilang pamilya. “Sino na lang ba ang wala dito?” tanong ni Gavin na inilinga ang kanyang paningin upang tingnan ang mga naroon.“Gabriano is on the way na Dad. Nasa byahe na rin sina Tita Briel, Lolo Gov at Vaniel na sinundo ni Gia sa terminal.” taas ni Nabe ng kanyang kamay na may hawak ng cellphone upang ipakita ang conversation nila ng pinsan nilang si Gia. “May
MULA NG GABING iyon, pinilit ni Gabe na libangin ang kanyang sarili. Tuwing malulungkot siya, iniisip na lang niya ang mag-aama na doble ang mararamdamang lungkot oras na siya naman ang mapahamak. Paunti-unti, nagawa ni Gabe na mag-adjust at tanggapin ang kapalaran ni Jake. Panay pa rin ang dalaw n
KAGAYA NG DATI, nanatiling magaling at masarap pa rin humalik si Atticus para sa kay Gabe. Nagagawa nitong buhayin ang bawat himaymay ng kanyang katawan. Humantong sila sa sofa, nakakandong na si Gabe noon sa mga hita ni Atticus habang mahigpit na nakayakap sa leeg ng asawa ang brasong dalawa. Iyon
SAKA LANG NAALALA ni Gabe na natapos na ni Atticus ang kanyang recovery period ng mga sandaling iyon sa surgery nang balingan na niya ang mukha ng asawang malapad na ang ngiti sa kanya. Hindi niya mapigilan na baka iyon ang habol sa kanya ng asawa kaya nanunundo ito? Imposible. Alangan namang sa ho
BUKOD SA AYAW ni Gabe na makita ng kambal na may alitan sila ng kanilang ama ay pagod na pagod din si Gabe. Hindi sumang-ayon o tumutol si Atticus sa kanyang tinuran. Ngunit para kay Gabe ay hindi na iyon mahalaga. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan, lumabas, yumuko, binuhat na sina Haya at Hunter







