LOGINNAGKASUNDO SILA NA hindi papatingnan ang gender ng bata. Gusto nilang maranasan ang ma-surprise. Upang maiba rin umano iyon sa mga normal na nagbubuntis na kinakailangan ng mga bonggang gender reveal. Baby shower nga ay hindi pumayag ni Gia kahit na ilang beses iyong sinabi ng pinsan niyang si Nabe sa kanya. Nangako pa itong siya na ang bahala sa lahat, pero mariing tinanggihan pa rin ito ni Gia na mangyari.“Kasi paano naman kung lalaki pala tapos inaasahan mong babae?” tanong ni Bene na nais e-test ang magiging reaksyon ni Gia, kung magiging bayolente na ito o magpapatuloy ang pagiging mahinahon niya.“It’s okay. Kaya ko namang mag-manage ng disappointment. Kahit anong gender pa niya, tanggap ko siya dahil anak natin siya. Hindi porket umaasa akong babae tapos naging lalaki ay aabandonahin ko ng bigla.” “Alright, sabi mo ‘yan ha?” “Hmm…” Sa totoo lang, ayaw pumayag ng mga magulang ni Gia lalo na ni Briel na ganun ang mangyari. Gusto na nitong agad na malaman ang gender ng magigin
NANG MAKITA NAMAN ni Benedict na hindi interesado ang kasintahan, gumaan ang kanyang pakiramdam. Buong akala niya ay malulungkot si Gia. Napatunayan niyang siya talaga ang mahal ng babae at wala ng iba.“Ano na lang ang magiging lakas mo kung hindi ka kakain?” problemadong tanong ni Bene isang umaga kay Gia bago siya pumasok ng trabaho at sobrang tamlay lang nito. “Hindi pwedeng lagi kang nakahiga, baby. Kailangan mo ‘ring magpa-araw. Maglakad-lakad. Kapag lagi kang ganyan, mahihirapan kang manganak.” Ngumuso si Gia. Aminado siyang nahihirapan siya sa paglilihi. Paano kada kain niya sinusuka rin niya. May araw na masigla siyang kumain, may oras din na halos ayaw niyang umalis ng higaan. Panay tulog lang siya. Alam niyang maraming pagkakataon na inunawa siya ni Benedict, pero syempre nag-aalala rin ito sa kanya.“Kailangan mong igalaw ang katawan mo. Bangon na diyan, sumama ka sa office.”Puno ng katamaran na bumuntong-hininga si Gia. Gusto niyang mangatwiran kay Bene na ayaw niyang s
HINDI LANG IYON ang weird na naranasan ni Bene sa dalawang Linggong lumipas habang nag-aasikaso ng magiging engagement nila ng kasintahan. At kailanman ay hindi niya binigo ang nobya sa mga gusto nito. Minsan tinatanong na siya ng kanyang assistant kung ano ang nangyayari. Gusto man niyang sabihin ang tungkol sa pagbubuntis ni Gia, tinikom niya ang bibig. Masyado itong madaldal, baka sabihin kay Gabriano.“Sana makisama ang baby bukas sa engagement party natin at huwag akong ipahiya.”Marahang hinaplos ni Bene ang buhok ni Gia na parang sinusuklay. Binigyan ng assurance ang kasintahan.“Gia, hindi pamamahiya ang tawag doon. Hindi ba mamaya after ng engagement, ang usapan natin ay ipapaalam na natin sa kanila? Hindi natin matagal na itatago ang lahat. Saka dapat na rin nilang malaman.”“Okay…” Simple but grand, iyon ang naging tema ng engagement party ng magkasintahan. All the important people in the circle came. Lahat ng pinsan ni Gia ay naroon din. Hindi nawala si Nabe na panay ang
MINABUTI NG MAGKASINTAHAN na ilihim na muna iyon sa mga magulang ni Gia habang humahanap sila ng pagkakataon na banggitin ang tungkol dito sa kanila nang hindi sila magugulat at syempre magagalit.“Bakit hindi natuloy ang pag-alis niyo ng bansa?” muling tanong ni Briel na ang mga mata ay nakatingin kay Bene nang magkita-kita sila isang tanghalian, bumaba ang mag-asawa para bumisita sa pamilya Dankworth.“Biglaan pong nagkaroon ng problema sa company nina Bene, Mom.” si Gia na ang sumagot dahil alam niyang hindi makakaya ni Bene na magsinungaling sa kanyang mga magulang, “Bago na lang ang kasal.”Ibinaba ni Gio ang hawak niyang tasa ng kape at hinarap na ang anak. Base sa galaw ng magkasintahan, basang-basa na ng matanda na mayroon itong itinatago sa kanilang mag-asawa at iyon ang aalamin niya. Tumanda na siya sa mundong ibabaw at marami ng naging karanasan at nakasalamuha kaya alam niya iyon.“Ano ang ibig niyong sabihin na bago na lang ang kasal? Tuloy ang engagement ng wala ang fami
HINDI NAKALIGTAS SA paningin ni Gia ang bahagyang paghila ni Cedric sa braso ng ina, halatang nag-aaya ng umalis. Malamang masakit sa mata ng binata ang tanawing iyon. Hanggang ngayon kasi naghahabol siya kay Gia. At isa pa, ayaw na niyang magsalita pa ng kung anu-ano ang ina laban sa dati niyang kasintahan.“Ow, really?” labas sa ilong na tanong ng Ginang na makikitang hindi interesado sa kung anong sasabihin. Wala man sa plano ni Gia na sila ang unang makaalam na buntis siya, pero para matigil na si Cedric sa kakahabol sa kanya kaya kinakailangan niyang gawin ang bagay na iyon. Itinaas niya ang laboratory result.“I am also pregnant with our first child, feel free niyong ikalat ang tungkol sa bagay na ito sa mga kakilala.”Nakita ni Gia kung paano magulantang si Cedric na walang kurap ng nakatingin sa hawak niyang papel. Mula doon ay lumipat ang mata ng lalaki kay Bene na sa mga sandaling iyon ay nanatiling tikom ang bibig. Hinayaan niyang ang nobya ang magsalita. Batid ni Bene na
MAINGAT NA INIUPO ni Bene ang kasintahan sa kama. Lumuhod na siya sa harap ni Gia upang patuloy na palisin ang kanyang mga luha. Puno ng pag-aalo ang kanyang mga tingin. Naiintindihan niya ang pagiging emosyonal ni Gia. Hindi ito umaarte. Maaaring epekto ‘yun ng pagbubuntis nito na mukhang umaarte lang.“Gia, ano bang inaalala mo? Alam mo ba na kapag kinasal tayo, mabubuntis ka rin naman. Nauna lang siya.”Benedict spoke in a gentle manner, nothing changed from before. Just like in the past, when Gia made a small mishap, Bene was responsible for cleaning up the mess. Palagi rin siyang kinakampihan kahit na mali siya.“Hindi ko rin alam. Ayaw tumigil ng mga luha ko.” nguso ni Gia na pulang-pula na noon ang mga mata.“That’s enough, inom ka muna ng tubig.” Niyakap ni Gia sa beywang si Benedict. Tumingala na siya upang magtama lang ang kanilang mga mata. Maliit na binigyan siya ng ngiti ng nobyo. Binalot sila ng nakakabinging katahimikan hanggang sa muling magsalita si Bene nang mapansi
ILANG SANDALI PANG hindi makagalaw si Atticus mula sa kanyang kinatatayuan nang matitigan ang pinapakitang parte sa kanyang damit ni Gabe. Naging malikot na ang kanyang mga mata na mahahalata mong mayroong itinatago at ayaw ng banggitin pa sa kanyang nobya. Matagal siyang hindi makasagot na tila pi
EXCITED NA NAG-RESEARCH online si Atticus at kalaunan ay nakuha pang kumunsulta sa ilang female subordinates with childrens at the company. Lihim niya iyong ginawa sa dahilang nagtatanong umano ang kanyang kaibigan na hindi naman ginawang big deal ng mga kasamahan. Hindi rin naman niya magawang mag
SA LOOB NG isang malaking silid, hindi mapigilan ni Gabe na manlabo ang kanyang mga mata sa baha ng luha habang pinapanood sa malaking screen ng TV ang naka-flash na pangalan at larawan niya. Maging ang ginawang short na interview kay Atticus kung bakit siya nito hinahanap. Magiging ipokrita siya ku
IPINAGPATULOY LANG NI Atticus ang kanyang pagkain habang patuloy na pinanood ng mga magulang niya ang kuha niyang video ng mga bata habang kalaro si Otso sa lawn ng kanilang villa. Inihahanda niya ang sarili dahil paniguradong magtatanong na rin sila sa kanya.“Matagal na ba silang narito sa bansa,







