Mag-log inMABILIS NA BINAGO ni Gia ang kanilang topic. Ayaw niyang umiyak. Ayaw niyang sobrang maging seryoso ang tono ng kanilang usapan ni Bene. Naroon sila upang magsaya. I-well spent ang oras na magkasama silang dalawa ni Bene na dapat noon pa nila malayang nagagawa kung naging malinaw lang sa kanila ang lahat ng maaga. Iyon ang kanyang nais gawin.“Alright, sabi mo ‘yan ha?” Mabilis na dinampian ng halik ni Bene ang labi ni Gia na bahagyang napaawang nang matapos iyon. “Of course, Gia. Pagkatapos ng trabaho ko, sa iyo na ang lahat ng oras ko.” Namumula ang magkabilang pisngi ay malambing ng niyakap ang isang kamay ni Gia sa leeg ni Bene. Hinalikan ng nakaw sa pisngi ang lalaki. Natawa lang si Bene sa ginawa niya. Taliwas iyon sa pinakita niyang pagiging agresibo kanina. Sa labi siya nito agad hinalikan at hindi sa pisngi. Marahil ay maraming tao sa paligid kung kaya naman nahiya bigla ang nobya.“Ang tapang mo kaninang halikan ako sa labi tapos ngayon sa pisngi lang?” hindi napigilan ni
SA SINABING IYON ni Gia ay hindi na napigilan ni Bene na mamula ang leeg paakyat sa kanyang magkabilang tainga. Iyon ang nagiging reaksyon ng katawan niya kapag kinikilig siya at bumibilis ang tibok ng puso. Aaminin niya, kilig siya sa simpleng banat na salita ni Gia. Iba ang dating sa kanya ng mga papuri kapag nanggaling ito sa mismong bibig ni Gia.“Tama na ang papuri, Gia. Magkakasakit na ako sa'yo niyan ng hydrocephalus.”Ang tinutukoy ni Bene ay ang sakit na literal na paglaki ng ulo ng isang tao. “Bwisit ka talaga!” halakhak ni Gia na na-gets agad kung ano ang nais na ipahiwatig nito.Matapos dalhin ng waiter ang card na ginamit pangbayad ay magkahawak ng kamay na silang lumabas ng resto. Walang pakialam sa paligid kung may makakilala man sa kanilang dalawa. Maraming tao ang pakalat-kalat sa daan. Iyong iba ay piniling sa labas mag-celebrate ng New Year, manood ng fireworks na naka-set sa iisang lugar. Nilakad lang nina Gia at Bene patungong Melvin Jones Grandstand, malapit iyo
ILANG SAGLIT NA tumingin sa kabilang direksyon ang mata ni Gia upang tingnan kung parating na ang order nila. Ganun din ang ginawa ni Bene na hindi na muling nagsalita. Napapahiyang inayos na rin niya noon ang upo. Saglit na sinulyapan si Gia na ang buong atensyon ay nasa counter pa rin ng kainan. Batid niyang nililibang lang ng babae ang kanyang sarili.“Tell me Bene, bakit mo nga ba ako nagustuhan?” makahulugang tanong ni Gia nang muling lingunin ang kaharap.“Kailangan bang may dahilan?”“Hindi naman, pero curious lang ako. Bawal na bang ma-curious ang gaya ko? Gusto ko lang malaman ang thoughts mo.”Tumikhim si Bene upang gawing klaro ang tunog ng kanyang boses. Sa pakiramdam niya, mukhang kakailanganin niya ng mahabang pasensya ngayong kasintahan na niya si Gia. Iba ang trip nito, may panahon na masyado itong hyper. Malayo rin ang agwat ng edad nila na isa sa mga factor na kakailanganin niyang mag-adjust. Paniguradong may mga pagkakataon o araw na magkakainitan sila at hindi magk
SI BENE ANG nag-order ng kanilang pagkain. Tinatanong lang niya si Gia kung gusto niya ito. Panay tango at iling ang ginawa ng dalaga habang maligaya ang mga matang tinitingnan lang si Bene habang umo-order. Sa kanyang paningin ay lalo itong naging gwapo. Magkaharap sila nito sa lamesa kung kaya naman kitang-kita niya ang kabuohan ng mukha niya. Mula sa gupit nitong tama lang sa hubog ng kanyang mukha. Habang nakatingin kay Bene, naisip ni Gia na ganun pala ang pakiramdam na alagaan ng taong minamahal niya. Sobrang saya ng puso niya. Sa labis na saya ay parang anumang oras ay sasabog iyon. Hindi lang iyon, nagdulot din iyon ng pakiramdam na parang maiiyak siya sa labis na kaligayahan.“May gusto ka pang idagdag, Gia?”Umiling si Gia. Nakangiti pa rin ang kanyang labi. Umayos na siya ng upo. Tiningnan na siya ng waiter na nasa gilid lang.“Wala na. Tama na iyon.”“Dessert?” suggestion ni Bene dahil ang huling natatandaan niya ay mahilig kumain ng matamis at malamig si Gia.“Ayoko, masy
NAHIHIYANG UMAYOS NA si Gia ng upo niya. Pulang-pula na noon ang magkabila niyang pisngi. Mali. Buong mukha niya ang namumula na parang nakakain siya ng sobrang anghang. Alam niyang dala ito ng action niya. Iyon ang resulta ng kahibangan.Masyado ba siyang mabilis?Talagang tinatanong niya pa iyon sa isipan?Siya ang unang humalik! Siya ang nag-initiate na gawin nila iyon.‘Sobrang nakakahiya ka, Giavanna! Ano ba?’Nais sanang sapukin ni Gia ang ulo bilang parusa sa kanyang sarili, ngunit hindi niya ginawa dahil nakatingin si Bene ng malagkit.“I’m sorry, masyado lang akong nadala ng emosyon kong matagal kong itinago.” nakatungong pag-amin ni Gia ng pagkakamali na hindi na makatingin nang diretso kay Bene.Mahinang natawa si Bene na ilang beses binasa ng dila ang kanyang nanunuyong labi. Lumaki na ang butas ng ilong niya. Aliw na aliw siya sa reaksyon ng mukha noon ni Gia.“Let’s talk about it later, Gia. For now, gusto kong kumain na at baka mamaya hindi ko mapigilan ang sarili at i
AWTOMATIKONG BINITAWAN NI Gia ang hawak niyang bulaklak. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang gaga na kinuha na ang pagkakataong iyon para ipahayag na rin ang kanyang nararamdaman. Hindi pwedeng ang binata lang ang aamin. Kailangan na rin niyang sabihin kung ano ang tunay niyang nararamdaman oras na makumpirma niyang totoo ang narinig niyang sinabi ni Benedict Madrigal. Dumukwang na ang dalaga palapit sa mukha ni Bene na sa mga sandaling iyon ay napalunok na ng sunod-sunod ng sariling laway. Walang pakundangan na nilagay ang dalawang kamay ni Gia sa magkabilang pisngi ng lalaki na noon ay halatang nanlalamig dala ng labis ng kaba. Kumurap na ang mga mata ni Bene.“Anong sinabi mo, Bene? Pwede bang ulitin mo? Hindi ko narinig…” naiiyak na muling hiling ni Gia sa binata. Ilang beses na pinangarap ni Gia na mangyari ang bagay na iyon, at ngayon na nangyayari na ay para siyang nakalutang.“Are you confessing your feelings for me Bene? P-Pwede bang ulitin mo, hmm?”Kasinungalingan ang kanya
GISING PA ANG asawa nang maabutan ni Giovanni. Nakahiga na ito. Nakatagilid sa kabilang dereksyon ngunit alam niyang dilat pa ang kanyang mga mata. Nahiga na siya sa tabi nito at muling yumakap. Humarap naman sa kanya si Briel na namumula na ang mga mata. Batid ni Giovanni na umiyak ang asawa. Mara
PANAY ANG LINGON ni Briel sa labas ng sasakyan. Tanaw na tanaw na niya ang maraming mga tao na naghihintay sa kanyang pagdating. Nagsimula na ang pagpasok ng wedding entourage. Saktong-sakto na tapos na iyon bago niya maubos ang hinihinging ten minutes. Napalingon na si Briel sa kanyang purse na da
TUMAGAL PA ANG tingin ni Giovanni kay Briel na nakatikwas pa rin ang isang kilay sa kanya. Hindi naman ito mukhang galit para sa kanya kaya naman pasimpleng binasa na niya ang labi niya habang nakatingin pa rin kay Briel. Nakikita niya sa mga mata nito na wala na itong sama ng loob dahil kung meron
MARAHAS NA IPINADYAK ni Briel ang kanyang isang paa kung saan ay natamaan ang isang paa ni Giovanni na dahilan upang mabitawan siya nito. Itinaas na nito ang isang paa na parang napilay, ininda niya na ang sakit na idinulot noon. Sinamantala ni Briel ang pagkakataong iyon upang makatakas ngunit aga







