LOGINMAKAHULUGANG NAGPALITAN NG tingin si Gio at Briel pagpasok ni Gia ng pintuan ng mansion kasunod si Bene. Palaisipan kay Gio kung bakit kasama ng anak niya ang kaibigan slash business partner ng panganay niyang anak na si Gabriano. Kay Briel ay balewala na dahil kagabi pa niya alam, ngunit sa padre de pamilya ay hindi. Nakakunot na agad ang noo nito.“Saan ka galing Gia?” unang tanong ni Gio na ang mata ay lumipat na kay Bene. “Nag-breakfast lang sa labas, Dad.” “Breakfast? Then paano mo ipapaliwanag ang kalat sa—”Itinaas ni Gia ang kanyang isang kamay upang pigilan na magsalita na ang kanyang ama. “Dad, let me explain later pero mayroon po akong bisita oh. Mamaya mo na ako pagalitan, pwede?” Sumenyas si Gia kay Bene na magmano sa kanyang mga magulang na agad namang sinunod ni Bene. Nagpakunot lalo iyon sa noo ni Gio at nagpalawak naman ng ngiti sa labi ni Briel. Kung hindi siya nagkakamali, may relasyon ang dalawa. Hindi na siya mahihirapang maghanap ng blind date ng anak dahil m
NAKARAMDAM PA NG matinding guilt sa sarili si Gia. Ang haggard kasi ng mukha ni Bene na kanyang ihaharap sa magulang. Kung hindi lang siya naging pasaway, paniguradong fresh itong tingnan. Kung pumayag lang siyang ihatid nito sa mansion kagabi, nakapahinga sana ito ng ayos. Hindi haggard ang mukha pati ang isipan na para bang pasan niya ang problema ng lahat ng taong nabubuhay ngayon sa mundo. Alam niya sa kanyang sarili na siya ang dahilan kung bakit ganito ang hitsura ng nobyo na paniguradong hindi palalampasin ng mga magulang at itatanong kung ano ang nangyari.“Galit ka ba sa akin, Bene?” walang anu-ano ay tanong niya na nakalingon na noon kay Benedict.Gusto niyang malaman ang iniisip nito. Gusto niyang malaman kung kailangan niya bang paulit-ulit na mag-sorry dito.“No? Bakit mo naman naisip iyon?” sagot ni Bene na ibinalik ang katanungan sa kanya. Nagawa pa ng nobyong haplusin ang ulo niya nang hindi siya tinitingnan at nakatuon ang mata sa tinatahak na kalsada.“Pakiramdam ko
ILANG ULIT NA napamura si Bene sa kanyang isipan nang maramdaman na dinikit pa ni Gia ang katawan niya sa kanya. Hindi lang iyon, dumantay pa sa beywang niya ang isang binti ng kasintahan. Komportable pa rin na natutulog. Sinubukan ni Bene na umusog ang katawan papalayo, ngunit hinila lang siya nito palapit na para bang personal na hugging pillow. Mariing ipinikit ni Bene ang mata, nagpipigil na huwag mag-react ang katawan lalo na nang maramdaman niya ang malusog na dibdib ni Gia na lumapat na sa likod niya.‘Shit! Gia, stop!’ hiyaw ng kanyang isipan dahil kilala niya ang sarili oras na mag-init, walang makakapigil sa kanyang gustong gawin. ‘Stop, kung ayaw mong mawala na ako sa katinuan.’Nakahinga nang maluwag si Bene nang muling marinig ang hilik ni Gia, unti-unting kumalma ang nagmamadaling tibok ng puso niya na pakiramdam ni Bene ay sasabog na noon. Dahan-dahan siyang gumalaw upang tumihaya. Halos magdikit na ang kanilang mukha ni Gia sa sobrang lapit nito sa kanya. Hagip ng gili
PAGAPANG NA MULING bumalik sa higaan Gia. Hindi nakuntento ang babae na humiga lang siya, hinila niya pa ang comforter na maayos ang tupi at walang pakundangan na ibinuka upang ibalot lang iyon sa kanyang nilalamig na katawan. Plano niya sanang maligo bago mahiga, pero kung gagawin niya ang bagay na iyon ay tiyak mahuhuli siya ni Bene sa kanyang pina-planong pagtulog dito. Sa totoo lang, wala naman talaga sa kanyang vocabulary ang umuwi ng mansion sa gabing iyon. Gusto niyang dito magpalipas ng oras hanggang umaga kasama ni Bene na alam niyang tututulan nang mariin ng kasintahan kung open niyang sasabihin. Syempre, hindi niya tahasang sinabi iyon kay Bene na paniguradong hindi papayag. Kanina pa nga lang, alanganin na siya papasukin mabuti at napilit lang niya. Pumasa ang alibi niya dito. “Matalino man ang matsing, nalalamangan din ng mas matalino sa kanyang matsing.”Humahagikhik na inayos ni Gia ang kanyang higa. Ini-imagine pa rin ang magiging hitsura ni Bene oras na makita siya
WALA SA VOCABULARY ni Bene na husgahan ang kasintahan na mayroong masamang pina-plano, pero nagtataka na siya. Kanina, nais lang nitong malaman ang name ng hotel at room number niya sa valid na rason. Tapos ngayon, gusto nitong pumasok na sa loob? Hindi naman marahil totoo ang namumuong hinala sa kanyang isipan sa naging aksyon nito. Huwag niya lang biglang sabihin na gusto niyang matulog sa room niya, hindi na siya mangingiming marahas na tumanggi dito. Hindi rin iyon pwede. Kasasagot lang nito sa kanya tapos ay ganun na agad sila? Mapapasama siya kapag nagkataon doon.“Come on, Bene…” padyak pa ni Gia ng kanyang mga paa. “Promise, behave lang ako. Wala akong masamang gagawin.”Walang nagawa si Bene kung hindi ang pagbigyan ang kasintahan. Nauna ng tumakbo papasok sa loob ng silid si Gia matapos na mabuksan niya ang pintuan noon at i-gesture na maaari na siyang pumasok sa loob. Padapa na siyang excited na tumalon sa malaking kama na nasa gitna ng suite na kinuha ni Bene. Hindi niya n
BATID NI GIA na pagod ang kasintahan sa byahe, pero anong magagawa niya ayaw pa niya talagang umuwi. Natatakot din siyang matulog tapos malaman na lang kinabukasan na nakababa na naman si Bene at hindi na naman natupad ang kanilang usapan na pupunta ito ng kanilang mansion upang makipagkita sa kanyang mga magulang. Hindi sa wala siyang tiwala sa nobyo noon. Nag-aalala lang siya na baka iyon na naman ang sumalubong sa kanya pagdilat ng mga mata niya.“Pero, Gia madaling araw na. Saka kailangan ko na ‘ring magpahinga para maaga akong pumunta bukas ng mansion niyo.”Natameme si Gia na umayos na ng upo. Kailangan niyang intindihin ang nararamdaman ni Bene, pero hindi niya mapigilan na ipilit ang kanyang gustong mangyari. Kailangan na makagawa siya ng paraan na hindi nito paghihinalaan.“Okay, pumapayag na ako but in one condition, Bene.”Biglang nangunot ang noo ni Bene sa binanggit na iyon ng nobya. “One condition? Ano naman iyon?” Hinawakan na ni Bene sa kanyang baba si Gia upang ihar
GISING PA ANG asawa nang maabutan ni Giovanni. Nakahiga na ito. Nakatagilid sa kabilang dereksyon ngunit alam niyang dilat pa ang kanyang mga mata. Nahiga na siya sa tabi nito at muling yumakap. Humarap naman sa kanya si Briel na namumula na ang mga mata. Batid ni Giovanni na umiyak ang asawa. Mara
PANAY ANG LINGON ni Briel sa labas ng sasakyan. Tanaw na tanaw na niya ang maraming mga tao na naghihintay sa kanyang pagdating. Nagsimula na ang pagpasok ng wedding entourage. Saktong-sakto na tapos na iyon bago niya maubos ang hinihinging ten minutes. Napalingon na si Briel sa kanyang purse na da
TUMAGAL PA ANG tingin ni Giovanni kay Briel na nakatikwas pa rin ang isang kilay sa kanya. Hindi naman ito mukhang galit para sa kanya kaya naman pasimpleng binasa na niya ang labi niya habang nakatingin pa rin kay Briel. Nakikita niya sa mga mata nito na wala na itong sama ng loob dahil kung meron
MARAHAS NA IPINADYAK ni Briel ang kanyang isang paa kung saan ay natamaan ang isang paa ni Giovanni na dahilan upang mabitawan siya nito. Itinaas na nito ang isang paa na parang napilay, ininda niya na ang sakit na idinulot noon. Sinamantala ni Briel ang pagkakataong iyon upang makatakas ngunit aga







